Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Simula

Ewan ko, basta nakakatawa. Kahit anong pagkayod ang gawin namin sa buhay ay hindi pa rin kami umaangat. Lugmok. Nangangapa. Patuloy na nahihirapan.

Hindi alam kung paano babangon at kung ilang dugo at pawis pa ba ang kailangang ialay para umayos ang buhay.

Pagak akong natawa habang nanonood ng balita. Hindi maiwasang mapailing sa nangyayari sa bansa.

Imbis na gumawa ng paraan sa ika-uunlad, mas inuuna pa iyong mga bagay na sa kung tutuusin ay puwede namang isantabi. Puro iringan, bangayan, at pangungurakot lamang ang alam. Hindi mo alam kung talaga bang umupo sila riyan sa puwesto dahil gusto nilang maglingkod sa bayan o gusto lamang nilang magpayaman.

"Hay nako! Kulang pa nga ang kinikita ko sa pang-araw-araw natin tapos ngayon, tumaas na naman ang mga presyo ng bilihin." Napakamot sa ulo si Nanay habang problemadong nakatingin sa pinapanood naming balita.

"Hindi ko na alam kung paano ko kayo mabubuhay, mga anak. Pasensya na kayo kung hindi ko kayo napapag-aral lahat. Alam niyo namang nagsasabay-sabay lahat ng mga problema natin ngayon." Bakas ang pagod at lungkot sa mukha nito.

Nagkatinginan kaming apat na magkakapatid at nang walang nais sumagot ay ako na ang nagkusa. "Nay, sinasabi ko naman sa inyo na puwede naman akong tumigil na lang at magfocus na lamang sa pagtra-trabaho, puwede na 'yon—"

"Tse! Manahimik ka nga, Eloisa! Kaya mo naman sigurong pagsabayin ang pag-aaral at pagtra-trabaho. At saka hindi mo ba naiisip na dalawang taon na lamang ay gra-graduate ka na?" Pinandilatan ako nito ng mga mata at umambang hahampasin ako ng hawak niyang hanger.

Natutop ko na lamang ang aking bibig at hindi na nakapagsalita pa. May point naman siya pero ang hindi ko lang sigurado ay kung talagang makaka-graduate ako. Aba, eh, ang init ng mga mata sa 'kin ng mga Professor ko! Ang dalang kong pumasok at pumapasa na lamang ako sa tulong ng mga kaibigan ko.

Dalawa sa mga kapatid ko ang pansamantalang tumigil sa pag-aaral dahil hindi talaga kakayaning pagsabayin at alam kong nauunawaan naman nila iyon.

"Sinabi ko naman sa 'yo, Ate, eh. Tanggapin mo na lang 'yong trabahong inaalok sa 'yo ni Aling Marites!" suhestiyon ng pangit kong kapatid na si Albert.

"Bobo ka ba? Ayaw ko nga! Kung gusto mo ikaw na lang!" singhal ko pabalik at sinamaan siya ng tingin.

"Bakit, Eloisa? Ano bang trabaho ang inaalok sa 'yo?" kuryosong tanong ni Nanay, pabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Albert ngunit walang may nais sumagot sa aming dalawa.

Parang tanga ba naman kasi. Sinabi ko na namang huwag maingay at huwag hahayaang malaman ni Nanay dahil tiyak na magagalit iyon. Tiyak na aawayin no'n si Aling Marites kaya sana ay huwag magkrus ang landas nilang dalawa.

"Eloisa, Albert, gusto niyo bang hampasin ko pa kayo nitong hawak ko bago kayo suma—"

"Pokpok, Nay," ani Eunice. "Matagal na siyang inaalok ni Aling Marites na magpokpok sa Maynila pero ayaw ni Ate kahit malaki naman ang kikitain niya ro'n."

"A-Ano?" Napatayo si Nanay sa gulat at humawak sa kaniyang dibdib. Naaalerto tuloy kaming lahat at akmang lalapitan siya ngunit ikinaway niya ang isang kamay para pigilan kami. Huminga ito nang malalim bago ibaling ang nagbabantang tingin sa akin.

"Eloisa, huwag mong tatanggapin! Sinasabi ko sa 'yo!" anito at agad naman akong tumango. "Huwag na huwag kayong papayag na madumihan ang pangalan at pagkatao niyo. Naiintidihan niyo ba 'yon?"

Sabay-sabay kaming tumango at doon na siya tuluyang nakahinga nang maluwag.

"Huwag na huwag kayong gagaya sa 'kin," huling litanya niya bago kami talikuran at pumuntang kusina para maghanda ng hapunan.

Retired pokpok si Nanay. Ang sabi niya sa amin ay seventeen years old daw siya nang tumigil siya sa pag-aaral dahil isang kahig at isang tuka rin sila noon. Sinubukan niyang mag-apply sa kahit anu-anong trabaho pero hindi siya pinalad dahil hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Hanggang sa makakilala siya ng isang kaibigan at ipinakilala sa kaniya ang ganoong klaseng trabaho. Hindi malinis, illegal, ngunit iyon ang bumubuhay sa kanila sa pang-araw-araw pero matagal na rin siyang tumigil dahil aniya'y hindi na raw siya mabenta sa mga lalaki. Mas in demand daw talaga sa ganoong trabaho ay mga kabataan at wala pang karanasan kaya siguro pinipilit ako ni Aling Marites na isang recruiter.

Sa totoo lang ay magkakaiba ang ama naming magkakapatid. Wala kaming ideya kung sino ang mga Tatay namin dahil matapos buntisin si Nanay ay nawala na rin ang mga ito na parang bula. Mayroon namang kinakasamang lalaki ngayon si Nanay—si Tito Aljon—siya ang tumayong haligi ng tahanan at nagtutustos sa lahat ng mga pangangailangan naming magkakapatid sa tulong na rin ng pagpasada niya ng tricycle. . . iyon nga lang, nasa kulungan ito ngayon.

Nahulihan kasi ito ng mga pulis ng pakete ng ilegal na droga sa kaniyang bulsa noong nakaraang buwan. I highly doubt it! Kilala namin si Tito Aljon at kahit kailan ay hindi siya gumamit ng ganoong klaseng droga. At isa pa, wala namang matino at maayos na ebidensyang maipakita ang mga pulis para mapatunayan ang paratang nila pero hinuli pa rin nila. Ni hindi nga 'yon umiinom ng alak at naninigarilyo. Wala rin iyong masiyadong kaibigan at pagkatapos ng pasada ay agad siyang umuuwi sa bahay para makasama at ipagluto kami ng hapunan.

Masiyadong mabigat ang kaso niya at nahihirapan kaming humanap ng perang pang-piyansa. Ang balita ko pa'y ililipat na ito ng kulungan sa susunod na linggo at sa malayong lugar pa.

Tuloy ay mas lalong bumigat ang buhay namin ngayong wala siya. Hindi rin alam ni Nanay kung saan kami kukuha ng ganoong kalaking pera dahil katulad nga ng sinabi niya ay iyong perang kinikita niya sa paglalabada ay kulang na kulang pa sa pang-araw-araw namin. Hindi rin naman ganoon kalakihan ang sinu-sweldo ko sa part time job.

Hay... ang hirap maging mahirap! Kahit anong pagsisikap ang gawin namin, wala pa rin. Wala kaming karapatan na mamili at wala rin naman kaming pagpipilian. Kahit anong gawing pagkayod, parang wala namang nangyayari.

Nakakapagod pero wala ka namang karapatang magpahinga't magreklamo. Hindi rin ako naniniwala sa mga choice choice na ganiyan kasi tangina, para lang 'yon sa mayayaman.

"Puwede naman namin kayong tulungan, tol. Hinihintay ka nga lang ni Mommy magsabi sa amin," ani Reyster, ang boyfriend ko.

Kasalukuyan akong nakatambay sa bahay nila dahil wala namang pasok at mamayang hapon pa naman ang duty ko sa trabaho. Balak ko sanang maglaba ng mga damit ngayon pero hindi ako tinantanan nitong si Reyster, ipagmamalaki raw niya sa akin na marunong na siyang magprito ng hotdog at itlog.

"Hindi na nga, Tol. Nakakahiya at saka. . . labas na ang pamilya niyo sa problema ng pamilya namin. Ayaw ko naman na kayong idamay pa." Tipid akong ngumiti at ginulo ang malambot niyang buhok.

Nalukot ang mukha niya at parang batang ngumuso.

"Pero pamilya mo rin naman ako, eh," aniya sa nagtatampong tinig.

Natutop ko ang aking bibig, hindi na ako nakasagot pa. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi upang pigilan ang pag-ngiti nang irapan niya ako. Imbis na mainis ako pagiging childish niya ay natatawa na lang ako. Kapag kasama ko siya ay literal na naglalaho ang mga problema at isipin ko sa buhay. Siya ang pahinga ko sa kabila ng nakakapagod kong araw.

We've been together since grade six. Gaanon kami kabatang pumasok sa relasyon pero hanggang ngayong nasa second year college ay going strong pa rin kaming dalawa. Madalas man kaming mag-away ay nagiging ayos din naman kami agad kahit minsan ay mas mataas pa ang pride niya kaysa sa akin.

BS Marine ang kursong kinukuha niya at kasalukuyan siyang nag-aaral sa isang pribadong paaralan sa Lucena, isang oras ang layo mula sa Lucban, pero kahit ganoon ay halos araw-araw pa rin kaming magkasama. Ayaw naman kasi niyang mag-boarding house kahit afford naman ng pamilya niya dahil aniya'y gusto niya ako palaging ihatid sa tuwing papasok ako sa part-time job ko. Wala naman akong problema sa parents niya dahil sobrang bait at tanggap ako ng mga iyon. Tinuturing na talaga nilang pamilya ang pamilya ko sa kabila ng estado namin sa buhay.

Housewife ang mother niya at seaman naman ang father at isa pa niyang kapatid na panganay kaya naman BS Marine rin ang kinuhang kurso ni Reyster kasi pangarap niyang sundan ang yapak ng ama at kapatid niya.

"Nagtatampo ako, tol,"

Mula sa kinakain ko ay nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nakaupo ito sa harapan ko, nakasimangot, magka-krus ang braso sa dibdib at hindi pa ginagalaw ang kaniyang pagkain. Si Tita Camille naman ay nakaupo sa kabisera at nakangiting pinagmamasdan ang anak niyang nagmamaktol.

"Bakit?" tamad kong tanong kaya mas lalong nalukot ang mukha niya.

"Kasi hindi yata ako part ng family mo, eh! Ang unfair naman–"

"Kumain ka na nga lang," I cut him off.

"Eh? Hindi mo ako susuyuin, tol?" Ngumuso siya.

I gave him a fake smile and shook my head. "Hindi. . . kaya huwag ka nang maingay at kumain ka na lang. Gets?"

"Ako na lang kainin mo? Hindi ako maingay—ay, slight lang!" Humagikhik siya.

"Reyster Louise!" magkasabay naming saway ni Tita sa kaniya dahilan para matahimik siya. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro