Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 7

"Ate, hindi ba pupunta rito si Kuya Reyster?"

Natigilan ako sa pagpupunas ng lamesa at marahang nilingon ang kapatid kong si Albert gamit ang nagtatanong na mga mata.

"Oo nga, mag-iisang linggo na siyang hindi dumadalaw dito. Kung pumunta man, saglit lang..." dagdag na reklamo naman ni Marie.

Tumagal ang titig ko sa kanilang dalawa bago nagpakawala ng buntong-hininga. "Midterm exam kasi nila ngayong linggo. Baka next week pupunta na siya rito..." I trailed off and gave them a weak smile. "Bakit? May problema ba?"

Albert shook his head lightly. "Wala naman, Ate. Namimiss lang namin siya lalo na 'yong pagkaing niluluto niya sa atin tuwing hapunan!"

"Ang sabihin mo... naghihintay ka ro'n sa pangako ni Kuya Esteng na dadalhin ka n'ya sa bahay nila para makapaglaro ng xbox tapos ibibili ka n'yang sapatos katulad no'ng sa kaniya," sarkastikong sabat naman ni Eunice na abala sa paglalagay ng nail polish sa salas.

"Huh! Bakit, ikaw? Hindi ka ba excited na magkaroon ng bagong damit? Hindi ba't nagpromise rin siya sa 'yo?"

Pabalik-balik lang ang mga mata ko sa kanilang dalawa. Pinapanood ko silang magtalo at nang maramdaman na medyo nagkakapikunan na sila ay agad ko na silang inawat. Matapos kong magpunas ng lamesa ay nagsimula na akong maghain ng pagkain para sa tanghalian.

"Huwag kayong mag-alala. Pagka-sweldo ko sa linggo, ibibili ko kayong damit at sapatos. Hindi n'yo na kailangan pang hintayin si Kuya Esteng n'yo—"

"Huwag na, Ate!" putol sa akin ni Albert at nagpalitan sila ng makahulugang tingin ni Eunice bago muling bumagsak ang mga mata sa sariling pinggan, hindi makatingin nang diretso sa akin.

My forehead knotted, confused. "Bakit?"

"Eh kasi..." nakangiwing anito at napakamot pa sa ulo. Nang hindi niya malaman ang isasagot ay pasimple n'yang siniko si Eunice.

Eunice heaved a deep sigh before facing me. "Mauubos lang ang pera mo... at isa pa, hindi mo naman afford ang original. Sawang sawa na kami sa fake na damit at sapatos."

Natigilan ako sa sobrang pagkabigla. Bahagyang umawang ang aking labi at kumurap-kurap. Walang bahid na kahit anong emosyon at napaka-natural lang naman ng paraan ng pagkakasabi n'ya noon pero... hindi ko alam kung bakit parang natapakan ang pagkatao ko't nainsulto.

Agad akong nakabawi at pinilit na itinago ang emosyong kanina pa gustong kumawala. Padabog kong binitawan ang kutsara't tinidor bago bumuga ng hangin.

"Eh ano naman kung fake 'yong damit at sapatos n'yo? Hindi naman 'yon kabawasan sa pagkatao n'yo, ah? At saka isa pa, magpasalamat ka na lang na may nasusuot ka pa." Binigyan ko ng matalim na tingin si Eunice na 'tila napapaso siyang umiwas ng tingin.

Masama ang loob ko sa buong araw na iyon, wala akong kinibo ni isa sa kanilang lahat hanggang kinabukasan  Kung hindi pa biglang sumulpot sa bahay namin si Trisha ay hindi pa gagaan nang kaunti ang loob ko.

"May trabaho pa ako mamaya. Ano bang ginagawa mo rito?"

"Sasabay nga ako sa 'yo papuntang Aloha. Pinapapunta ako ro'n ni Kuya Harrold dahil umuwi na si Rhys." Paliwanag n'ya habang prenteng nakaupo sa sofa, nakataas pa ang paa.

Kumunot ang aking noo. "Sinong Rhys?"

"Hindi mo kilala si Rhys?" hindi makapaniwalang tanong n'ya kaya naman napairap ako.

Obvious ba? Itatanong ko ba kung sino 'yong Rhys kung kilala ko siya?

"Si Rhys! Bunsong kapatid ni Kuya Harrold. Pinsan ko..." naiiling na aniya at nagkibit balikat. "Sabagay. Malamang hindi mo nga siya kilala dahil sa Maynila 'yon nakatira, eh, pero simula ngayon ay dito na 'yon maninirahan para magkasama na sila ni Kuya Harrold."

Oh, may kapatid pala 'yong baklitang 'yon? Hindi man lang ako na-inform.

Nang sumapit ang alas-singko ng hapon ay nagsimula na akong maggayak ng sarili. Naiwan sa salas si Trisha kasama ang pinsan kong si Jolo. Mula dito sa kwarto ay dinig na dinig ko ang mga korning pambobola ni Jolo sa kaibigan ko.

Natatawa na lang ako't napapailing. Ito ang unang pagkakataon na nagkakilala sila ngunit mukhang tinamaan yata ang kupal kong pinsan. Sorry na lang siya dahil masiyadong mataas ang standards ni Trisha kaya malabong magkaroon siya ng pag-asa.

"Kaya kong patunayan ang pag-ibig ko sa 'yo, binibini..." dinig kong saad ni Jolo pagkalabas ko ng kwarto. Hindi ko maiwasang mapangiwi.

Trisha scoffed and arched her brows. "Kaya mong patunayan ang pag-ibig mo sa 'kin? Gago ka ba? Ngayon nga lang tayo nagkita. Gosh!"

"Ayon na nga, eh. Ang sabi nila love is blind daw... pero bakit na-love at first sight yata ako sa 'yo?"

"Ikain mo 'yan, Kuya. Gutom lang 'yan!"

Sumilip ako sa salas para pagsabihan ang pinsan ko dahil sa tono ng pananalita ng kaibigan ko ay halatang inis na inis na talaga ito. "Jolo, tigilan mo nga si Trisha," saway ko, pinipigilang tumawa nang malakas.

Masamang tingin ang ipinukol ni Trisha sa akin ngunit hindi naman siya nagsasalita. Nakaupo at nakasandal lang ito sa dulong bahagi ng sofa habang magka-krus ang braso sa dibdib.

Natatawa akong pumasok sa kwarto ni Albert para paalalahanan siya bago ako tuluyang pumasok sa trabaho. Siya na naman ang nakatoka sa pagbabantay ng bahay at kay Marie na dapat ay si Eunice ang gumagawa dahil siya ang mas matanda, kaso ayon, isang tawag lang sa kaniya ng mga kaibigan niya ay nagkukumahog na itong umalis at hindi na kami umaasang maaga 'yong uuwi. Umaga kamo.

"Si Kuya Jolo muna ang kasama n'yo rito. Pagtyagaan n'yo na lang kasi nangako naman si Nanay na maaga siyang makakauwi ngayon dito sa bahay," saad ko sa mga kapatid ko.

"Sige lang, Ate. Si Kuya Reyster ba? Ihahatid ka ba n'ya?"

Reyster na naman... "Oo, bakit?"

He shrugged his shoulders and smiled. "Wala lang, mabuti naman. Ingat ka."

Tanging tipid na ngiti lang ang isinagot ko sa kaniya bago tumalikod at lumabas ng kwarto. Sakto namang nakatanggap na rin ako ng text mula kay Reyster na papunta na siya rito. Pagdating ko sa salas ay patuloy pa rin sa bangayan ang dalawa.

"Handa akong patunayan ang sarili ko sa 'yo makamit ko lang ang matamis mong oo," madamdamin at parang tangang sabi ni Jolo. Miski ako'y hindi alam kung maiinis o matatawa sa mga pinagsasabi niya.

"Kaya kong hanapin ang nawawalang si Nemo, isama mo na rin ang nawawalang 15 billion ng PhilHealth, basta ang kapalit lang nito ay ang pag-ibig mo..." patuloy niya.

"At ano namang gagawin mo sa 15 billion ng PhilHealth kapag nahanap mo? Ibabalik mo?" natatawang sabat ko.

Kumunot ang noo n'ya bago sunud-sunod na umiling. "Hindi, gagi! Siyempre sa akin na 'yon! Ano 'yon? Nagpakahirap akong maghanap tapos ibabalik ko sa kanila? Hindi uy! Ipambibili ko 'yon ng dolomite kasi maganda raw 'yon sa mental wealth."

"Mental health, potaka." pagtatama ko.

Pareho kaming napairap sa kawalan ni Trisha. Good thing, after a few minutes, Reyster came up. Muli kong pinaalalahanan si Jolo tungkol sa mga kapatid ko bago tumulak papunta sa trabaho. Sakay kami ng Ford Raptor na minamaneho ng lalaki.

Pagkarating namin sa Aloha ay nauna nang bumaba at lumabas ng sasakyan si Trisha, ako naman ay naiwan kasama si Reyster para makausap siya saglit.

"Babawi ako pagkatapos ng midterm ko, Tol." He sighed and pouted his red lips like a kid. "Kailangan ko lang talagang mag-aral nang mabuti para sa future natin." dagdag pa n'ya bago tumawa nang malakas.

"Baliw ka talaga." I chuckled. Hindi ko alam kung matatawa baa ko o maniniwala. Nakakaloko naman kasi 'yong paraan ng pagkakasabi n'ya.

I glanced at my wristwatch. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at malambing siyang hinawakan sa pisngi. "Late na pala ako ng five minutes. Kailangan ko nang umakyat sa taas. Mag-iingat ka, ha? Huwag kang masiyadong magpaka-pagod at magpuyat..." paalala ko sa kaniya habang kinakalas ko ang seatbealt.

Ngumisi siya. Tumuwid pa ng upo at sumaludo sa akin. "Yes, Ma'am! Ingat ka rin! Susunduin kita mamayang gabi." He gave me a peck on the lips.

"Huwag—"

"Susunduin kita, Tol! Ikaw naman, para kang others diyan! Sige na, pumasok ka na..." Bahagya n'ya akong tinulak palabas ng sasakyan kaya pinanlisikan ko siya ng tingin.

Tingnan mo 'tong lalaking to! Noong bago pa lang kami, grabe kung makaalalay sa akin sa paglalakad at kahit sa pagbaba sa tricycle tapos ngayon, tinutulak-tulak na lang ako!

Pagkapasok sa trabaho ay agad akong dumiretso ako sa staff room para makapagpalit ng t-shirt na uniform namin dito sa Aloha. Hindi pa naman masiyadong maraming tao, may mangilan-ngilan lang na kumakain at nag-iinuman. Pagkatapos kong magpalit ng damit ay pumunta naman ako sa office ni Boss Harrold dahil pinapatawag daw ako no'ng baklita.

Naabutan ko ro'n si Trisha na lumalapang ng pizza roon sa isang gilid. Si Boss Harrold naman ay nakaupo sa swivel chair, ngunit ang nakaagaw ng pansin ko ay iyong isang lalaki na nakaupo sa harap niya at tamad na nakikinig sa mga sinasabi ni Boss. Nakasuot ito ng kulay puting polo na naka-tuck in sa kulay light brown na khaki short. Bukas ang tatlong butones ng kaniyang damit, dahilan para lumantad ang matipunong dibdib n'ya. Ang manggas nito ay nakarolyo hanggang siko at kapansin-pansin din ang silver na dogtag na nakasabit sa leeg nito.

Kumurap-kurap ako at tumikhim para kunin ang atensyon nila.

"Oh, nandiyan na pala si Elo..." ani Trisha na patuloy pa rin sa pagkain.

Boss Harrold smirked and stood up. "You're late."

"Sorry. Nagbihis pa kasi ako, Boss. Bakit ba? May iuutos ka ba?"

"Wala naman..." he trailed off. Nagbaba siya ng tingin sa lalaking kasama n'ya at sinenyasan itong tumayo bago ibinalik ang mga mata sa 'kin, hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi. "Gusto ko lang ipakilala sa 'yo itong kapatid ko. Naipakilala ko na siya sa lahat ng staff kanina, sa 'yo na lang hindi."

Oh... so siya pala 'yong Rhys? In fairness, gwapo rin kaso mukhang masungit at masama ang ugali. Hindi man lang kasi ako tinapunan ng tingin, ang mga mata nito ay naka-focus lang sa cellphone.

Muli siyang sinenyasan ni Boss Harrold na tumayo at nang hindi pa rin ito nakinig ay sapilitan na siyang hinawakan ni Boss sa kwelyo upang itayo at iniharap sa 'kin.

"What the fuck—"

"Umayos ka riyan, Rhys! Tatadyakan kita!" banta ni Boss, pinanlakihan pa n'ya ng mga mata. "Dito ka na mag-aaral kaya kailangan mo ng kaibigan."

"I don't need friends, Kuya!" sikmat ni Rhys na hindi na maipinta ang mukha.

Boss Harrold rolled his eyes and murmured. "Bilat nimo..."

Kumunot naman ang noo ni Rhys, marahil ay nagtataka sa ibinulong ng kapatid.

"He's my youngest brother, Rhys Jacob Panerio..." Itinuro n'ya ang nakabusangot na kapatid. "At siya naman si Maria Eloisa Ratio. Now, mag-shake hands na kayo."

Napakamot ako sa ulo at ngumiwi. Nahihiya ako dahil halata naman an napipilitan lang 'yong Rhys. Ito kasing si baklita, ang daming pakulo. May pa-shake hands pang nalalaman.

"Mga pisteng yawa, shake hands lang eh!" singhal ni Boss kaya labag man sa loob ay wala kaming nagawa kundi sundin ang utos n'ya.

"N-Nice meeting you, R-Rhys..." mahina ngunit sapat na para marinig n'ya iyon.

Tamad lang itong nagbaba ng tingin sa akin. Binasa n'ya ang kaniyang pang-ibabang labi at pinagtaasan ako ng kilay. Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako nang lantaran ako nitong pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

Anak ng tinapa...

"Well, it was not nice meeting you, Maria. Fuck off." anas n'ya bago lumabas ng opisina at naiwan naman akong nakatanga sa sobrang gulat. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro