Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 6

"Kung ang huli ay ending... ang ibig sabihin, ang simula ay beginning?"

"Hindi ko knows, pre. Baka gano'n na nga,"

Napahilot na lang ako sa sentido habang pinapakinggan ang walang kwentang usapan ng kanto teens. Kasalukuyan kaming nakatambay dito sa usual spot nila, sa mismong harap ng tindahan no'ng kapatid ni Aling Marites.

Hindi ko ginustong tumambay kasama sila, pero wala kasi akong choice. Dapat ay pupunta ako kina Trisha kaso wala naman pala siya sa bahay nila. Si Reyster naman ay hindi pa nakakauwi. Nasa klase pa ito at baka mamayang gabi pa kami magkasama dahil kailangan pa n'yang magbyahe ng halos isang oras pabalik dito sa Lucban.

Umalis ako ng bahay dahil mainit na naman ang ulo ni Eunice. Kung anu-ano na naman ang pinagpuputak n'ya habang si Albert naman nagpapatugtog nang napakalakas at halos ay dumagundong na ang bahay namin kaya hindi ako makapag-concentrate sa ni-re-review ko kanina.

"Ang buhay naman kasi parang life lang 'yan, eh. Minsan madali, minsan naman easy lang. Minsan mahirap, minsan ay hard..." seryosong saad ng pinsan kong kupal na si Jolo na sinang-ayunan naman ng tatlo pa niyang siraulo at uto-utong kaibigan. Para bang ang narinig nila ay isang napaka-inspiring na testimonya na talagang maiisipan mong magbagong buhay kapag narinig mo 'yon.

"Nyemas, anong sinasabi n'yo?" naguguluhan kong tanong, palipat-lipat ang tingin sa kanilang lahat.

Nagtawanan ang tatlong lalaking nakaupo sa harapan ko. Iyong lalaking may kulay mais na buhok ay si Javien—siya 'yong palaging kulang na lang ay mawasak ang labi sa sobrang lawak ng ngiti. Iyong katabi naman n'ya ay si Enzo—siya 'yong medyo may pagka-masungit at snob sa kanilang magkakaibigan. Si Diego naman ang pinakabunso sa kanila, kumpara roon sa tatlo ay siya ang pinakatahimik at tanging tawa lang minsan ang ambag.

Sa unang tingin ay hindi mo mahahalatang mga tambay lang sila. Siguro ay kagaya ni Jolo, mayroon din silang kani-kaniyang dahilan kung ba't sila natigil sa pag-aaral. They are all dashingly handsome. No doubt. Palagi silang nakakaagaw atensyon pagdating sa mga babae kahit na mga isa't kalahating tarantado silang lahat.

Umusog papalapit sa tabi ko si Jolo at nakangisi akong inakbayan.

"Sinasabi ko naman kasi sa 'yo cousin of the world, palagi kang tumambay dito kasama namin. Hindi ka magsisisi dahil marami kang mapupulot na words of wishdom..." he said like it's something to be proud of.

"Wisdom," pagtatama ko. Inirapan n'ya lang ako at ikinumpas ang kamay.

"Wishdom, wisdom, kahit ano pa 'yan wala akong pakialam! Basta ang mahalaga ay importante!" depensa n'ya at nagtawanan na naman silang magkakaibigan.

Nag-aagaw na ang linawag at dilim nang makatanggap ako ng text mula kay Reyster na nakauwi na siya sa bahay. Magbibihis lang daw muna siya bago pumunta sa amin dahil as usual, wala na naman ang Mommy n'ya. Siguro'y kasama na naman ang mga amiga.

Habang nagpapaalam ako kina Jolo ay may tumigil na kulay itim na motor sa harapan namin. Nagulat ako't napaatras. Nang alisin ng lalaki ang suot n'yang helmet ay saka lang ako nakahinga nang maluwag.

Akala ko kung sino... delivery boy lang pala. Base sa suot nitong orange na t-shirt ay nagmula ito sa Lazada.

"Puwede ho ba akong magtanong?" tanong nito sa amin.

"Nagtatanong ka na, eh," pabalang ngunit natatawang na sagot ni Javien kaya naman pinandilatan ko siya ng mga mata. Agad naman itong tumikhim at tumuwid ng tayo.

"Ano ba 'yon?" tugon naman ni Jolo, nakataas ang kilay.

"Kilala n'yo ba si Teresa Manlapat?"

"Ah si Teresa!" Kanto teens said in unison, nodding their head.

Maangas na tumayo si Jolo at lumapit sa delivery boy. Nakangisi n'ya itong inakbayan na para bang nagyayabang. Ano na naman kayang kalokohan ang gagawin nito?

Kumunot ang noo ko pero hindi ako kumibo.

"Alam mo, Sir, tamang tao ang pinagtanungan mo. Kung hindi mo naitatanong, kaming apat..." Itinuro ni Jolo ang mga kaibigan n'yang nakatayo sa likuran ko. "Kaming apat ang nagbibigay direksyon sa mga nawawalang kagaya mo. Si Teresa Manlapat ba ang hanap mo?"

"Opo, Sir."

"Nakikita n'yo ba 'yong kulay na green na bahay na 'yon sa hindi kalayuan?" seryosong tanong ni Jolo at sunud-sunod na tumango naman ang delivery boy. "Hindi n'ya bahay 'yon."

Suminghap ako at mariing pinikit ang mga mata ko. Napakamot naman sa ulo ang iyong lalaking nagtatanong, tila nauubusan na ng pasensya.

"Kung pinagtri-tripan n'yo lang ako, sa iba na lang ako magtatanong," ani delivery boy, halata ang bahid ng pagkainis sa boses nito.

"Binibiro ka lang namin!" masungit na sabat ni Enzo at bumuntong hininga. "Pre, sabihin n'yo na nga kung saan."

"Gusto mong malaman kung saan?" nakangising wika ni Enzo at hindi pa man tuluyang nakakasagot ang delivery boy ay sumabat na naman si Jolo.

"Punta kang settings," parang tangang sagot nito kaya naman hindi na ako nakapagpigil na saktan sila.

Sa huli ay si Diego ang nagturo ng tamang daan papunta roon sa hinahanap na tao. Naku, kung sa mga ganitong klase lang din naman pala ang pagtatanungan ko ay salamat na lang sa lahat. Mabuti na lang ay dumating na si Reyster at sabay na kaming umuwi pabalik sa bahay.

Kagaya ng nakasanayan ay si Reyster ulit ang nagluto ng hapunan namin habang ako naman ay nanatili sa salas at bumalik sa pag-aaral. Mula sa peripheral vision ay nakita ko pa ang paglabas ni Eunice sa kwarto at dumiretso sa kusina.

Kumunot ang noo ko nang masulyapan ang damit na suot n'ya. Isang puting manipis na sando sa pantaas at maiksing dolphin short. Sinubukan ko siyang sawayin ngunit pinagtaasan n'ya lang ako ng kilay at inirapan.

I let out a deep sigh, shaking my head in anooyance. Hindi ko na siya pinilit pa at hinayaan ko na lang dahil baka magtalo pa kaming dalawa.

"Puwede kaming pumunta sa bahay n'yo, Kuya? Di 'ba sabi mo may x-box ka? Gusto kong masubukan!" ani Albert.

"Oo naman! Puwede kayong pumunta sa bahay namin anytime, sabihan n'yo lang ako," nakangiting tugon ni Reyster.

Kasalukuyan na kaming kumakain ng hapunan. Nasa kanan ko si Reyster na maya't maya ang pag-aasikaso sa pagkain ko habang nasa kaliwa ko naman si Marie. Ang nasa harapan namin ay si Albert at Eunice. Wala si Nanay dahil tatlong araw magste-stay in sa bahay ng amo n'ya. Umalis na naman kasi ang mga ito kaya kailangang bantayan ni Nanay ang bahay at kailangan din ng magpapakain sa mga aso.

"Sama ako, Kuya! Naiinip na kasi ako rito sa bahay, wala na akong ginawa kundi matulog maghapon!" reklamo ni Eunice.

Edi sana gumawa ka ng mga gawaing bahay. Magaling ka lang mag-reklamo, eh...

"Ako rin po sasama! May barbie po ba kayo sa bahay n'yo?" singit pa ni Marie.

Bumaba ang tingin ko aking pinggan at tahimik na lang na kumain. Hindi ko na nasundan pa ang usapan at tawanan nila dahil hindi naman ako maka-relate. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Masaya ako kapag nakikitang masaya at tumatawa ang mga kapatid ko. Kapag kumikinang ang mga mata nila sa saya, pakiramdam ko ay nagkakaroon ako ng lakas at maraming dahilan para magpatuloy at mas lalong magsumikap sa buhay... pero bahagya rin akong naluungkot at nasasaktan dahil kahit minsan ay hindi ko sila nakitang ngumiti nang ganoon sa akin.

"Pinayagan na 'ko ni Daddy na gamitin ang raptor,"

Mula sa binabasang libro ay umangat ang tingin ko kay Reyster na prenteng nakaupo sa sofa at may kung anong nilalaro sa cellphone.

"Talaga? Mabuti kung gano'n. Hindi ka na mahihirapang magbyahe araw-araw," sagot ko at nakangisi siyang tumango, hindi pa rin inaalis ang mga mata ginagawa at mabilis pa ang paggalaw ng mga daliri.

"Mabuti nga napilit ko, eh, kasi sayang naman di' ba? Nagagamit lang 'yon kapag umuuwi sila ni Kuya. Si Mommy naman mas prefer 'yong Mio n'ya. Ayaw n'yang gamitin 'yong raptor kasi—shit! Natalo pa nga!" natigil siya sa sinasabi at inis na napakamot sa ulo. "Ayaw ko na ngang maglaro!"

"Ano bang nilalaro mo? Nagm-ML ka ba?"

He shook his head, chuckling. "Hindi, zombie tsunami lang."

"By the way, highway... ano nga ba 'yong sinasabi ko kanina?" Tumingala siya at inilagay ang hintuturo sa baba na animo'y nag-iisip. "Ah! 'Yong raptor! So ayon nga, wala namang gumagamit no'n at nakatambak lang sa garahe. At isa pa, bibili si Daddy ng kotse para kay Mommy. Malapit na ang birthday no'n, eh."

"Wow, ang sosyal naman! Sabihin mo kita pa-rides ha?!" I jokingly said.

"Oo naman! Miss ka na nga no'n eh, palagi kang hinahanap sa akin. Wala na 'yong ibang bukang bibig kundi Eloisa. After midterm mo nga, ikaw naman ang pumunta sa amin..."

Gumaan ang pakiramdam ko at tila nabunutan ng tinik sa dibdib nang ipasa ko ang test paper sa Professor ko. Ito na ang huling araw ng midterm. Nakahinga ako nang maluwag; hindi dahil sigurado akong papasa ako kundi dahil sa wakas ay natapos na ang pasakit sa ulo ko!

"Anak na talaga ni Satanas 'yang Professor na 'yan... hindi na nga nagtuturo tapos napakahirap pa ng exam!" eksaheradang saad ni Trisha habang naglalakad kami palabas ng campus.

"Madali lang naman ah?" sagot naman ni Shaeynna.

"Huh! Madali para sa 'yo kasi ibang level 'yong utak mo, eh!"

"May level pala ang utak? Anong level kaya 'yong sa'kin?" natatawang tanong ko.

"Level one lang siguro tayo?" tugon naman ni Trisha at sumimangot. "Ayaw ko na! Parang gusto ko nang mag-drop at maghanap na lang ng sugar daddy!"

"Hindi ba't may nanliligaw sa 'yo na rich kid? Taga saang school nga 'yon? Ang gwapo no'n ha!" sabi ko sa kaniya.

"Sa Enverga yata 'yon nag-aaral, di ba?" ani Shaeynna.

Trisha cringed her nose and nodded her head in response. "Okay na sana, eh. Gwapo nga, rich kid tapos mukha pang maginoo kaso alam n'yo kung anong problema?"

"Ano?" sabay naming tanong ni Ynna.

"Walang SSS, Philheath, PAG-IBIG at Insurance sa St. Peter! Ekis agad tayo sa gano'n!"

Palihim ko na lang nasapo ang noo ko at alam kong ganoon din ang reaksyon ni Shaeynna. Sanay na kami sa ganoong ugali ni Trisha. Palagi n'yang sinasabi na mas prefer n'ya ang may perang lalaki kaysa sa gwapo dahil kahit kailan daw hindi mabubusog ng gwapong mukha ang kumakalam na sikmura.

Papunta kami sa bahay ni Kean, mag-iinuman daw dahil sa wakas ay naitawid na naman namin ang isang semester. Nauna na sila roon ni Terrence habang kami namang mga babae ay dadaan pa sa bahay namin. Kailangan ko kasi munang siguraduhin kung may makakain na ang mga kapatid ko at para makapagbihis na rin ng damit.

"Bili na rin daw tayong isang kilong french fries at cheese powder..." ani Shaeynna na abala sa pagtitipa sa cellphone.

"Go! Dumaan na muna tayo sa grocery," wika ni Trisha at nilingon ako. "Si Resyter ba'y hindi mo isasama?"

Inilabas ko ang cellphone ko mula sa bulsa para i-check. Binasa ko ang isang mensahe n'ya. Napabuntong-hininga ako at umiling kay Trisha.

"Katatapos lang daw ng klase n'ya. Dadaan pa raw siyang SM para tumingin ng bagong sapatos pero susubukan n'yang humabol..." 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro