Kabanata 4
Matapos sabihin sa 'kin ni Boss Harrold ang isang kondisyon 'kuno' niya ay literal na nalaglag ang panga ko sa gulat. Hindi ako nakasagot noong mga oras na 'yon at tulalang umalis ng Aloha. He gave me three days to think about his offer. He also said that it's a win-win situation for the both of us. Hindi ko na kakailanganin pang tumanaw ng malaking utang na loob sa kaniya...
And that made me accepted his offer without thinking twice.
"Are you sure about your decision, Maria Eloisa?" Shaeynna asked, concern was visible in her eyes.
"Hmm..." I nodded my head lazily. "Wala akong choice at saka hindi ko naman 'to gagawin para sa sarili ko."
Kean heaved a deep sigh. "Paano si Esteng? Alam ba niya?"
I nodded my head again in response. "Nasabi ko na sa kaniya kahapon. Actually, sasama nga siya sa akin mamaya papunta sa bahay ni Boss."
"Bakit kasama siya?" kuryosong tanong ni Shae.
"Taga-video," tipid kong sagot at hindi na sila muling nagsalita pa kahit kitang-kita ko sa mga mata nila na marami pa silang nais itanong.
Sa kanilang dalawa ko lang sinabi ang bagay na iyon dahil ang matinding bilin sa akin ni Boss ay huwag na huwag kong babanggitin kay Trisha ang napag-usapan naming dalawa.
Matapos ang klase ay agad akong dumiretso sa bahay para makaligo at makapagbihis ng damit. I wore white oversized t-shirt, mom jeans, and black sneaker shoes. Tinext ko si Reyster na gayak na ako at habang hinihintay siya ay nagluto muna ako ng pagkain na kakainin ng mga kapatid ko mamayang gabi. Nagwalis-walis na rin muna ako ng sahig at nagligpit ng ilang kalat.
"Nandyan ka pala 'teh..." Nilingon ko si Eunice na kalalabas lang ng kwarto at halatang kakagising lang. "Saan ka pupunta? Bihis na bihis ka, ah?" Dumiretso siya sa kusina para uminom ng tubig.
Imbis na sagutin ay sinundan ko siya para paalalahanan. "Puwede bang maglinis ka ng bahay, Eunice? Bago ka sana maglayas kasama ang mga barkada mo, sana asikasuhin mo muna 'yong iba nating kapatid at ibang gawain dito. Huwag niyo nang i-asa lahat kay Nanay dahil pagod na 'yon sa pagtra-trabaho..."
Pabagsak niyang binaba ang baso bago sarkastikong tumawa. Nakataas ang kilay niya sa 'kin nang lingunin niya 'ko. "Bakit ko naman gagawin 'yon? Sixteen years old pa lang ako... dapat nasa school ako ngayon at nag-aaral. Kung mayroon mang dapat gumawa no'n, ikaw dapat kasi ikaw ang pinaka-matanda. Ikaw ang panganay, Ate... at bilang panganay, dapat ikaw ang sumasalo sa lahat ng responsibilidad na hindi kayang gawin ni Nanay."
"Aba—"
"Huwag mong ipasa sa 'kin ang resposibilidad, Ate. Ikaw dapat ang gumagawa sa lahat! Wala ka kasing diskarte sa buhay! Kung tinanggap mo lang sana 'yong offer ni Aling Marites, edi sana nakakapag-aral—"
Hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi niya at sinampal siya nang malakas. Alam kong nasaktan siya roon pero wala akong pakialam. Sa tatlo kong kapatid, si Eunice ang pinaka-hindi ko kasundo simula pa noong una. Iba kasi ang tabas ng dila niyan. Masiyado siyang masakit magsalita at puro sarili lang ang iniisip. Siya itong pangalawa sa panganay at inaasahan kong makakatulong para mabawasan ang mabibigat na gawain namin pero siya pa 'tong pabigat.
"Ayusin mo 'yang mga salita mo, Eunice, kung ayaw mong masaktan," mariin at seryoso kong banta sa kaniya at kitang-kita ko ang pagbakas ng takot sa mga mata niya.
Nang pumasok sa bahay ang kapatid kong si Albert kasama ang bunso naming kapatid na si Marie ay kaagad siyang tumakbo pabalik sa kwarto na umiiyak. Padabog pa niyang sinara ang pinto kaya napailing na lang ako.
Batid ko ang nagtatakang tingin ni Albert ay hindi na siya nagtanong pa dahil alam kong may ideya na siya kung ano na namang pinag-awayan namin.
Nang dumating si Reyster ay agad kong kinalma at inayos ang sarili ko. Pinaalalahanan ko si Albert tungkol sa mga gawaing bahay bago kami tuluyang umalis. Sinabi ko rin sa kaniya na huwag na akong hintayin pa ni Nanay mamayang gabi dahil baka sobrang late na ako makauwi.
"Ayos ka lang, tol?" maingat na tanong sa akin ni Reyster habang naglalakad kami patungo sa bahay ni Boss Harrold.
I sighed and gave him a weary smile. "Ayos lang."
"Nag-away kayo ni Eunice 'no?" tanong pa niya at nanatili akong walang imik.
Bumuntong hininga siya nang akbayan niya 'ko. "Gusto mo kausapin siya? Pati na rin ibang kapatid mo?"
Tipid akong tumawa at pinisil siya sa pisngi. "Hindi na kailangan, tol..."
Nang makarating kami sa tapat ng bahay ni Boss Harrold ay saka lang ako nakaramdam ng matinding kaba at alam kong gano'n din si Reyster. Parehas lang kaming nakatitig sa malaking bahay na nasa harapan namin.
"Huwag mo na lang kayang ituloy?" biglaang tanong sa akin ni Reyster, bakas ang pag-aalinlangan sa mga mata nito. Nang hindi ako sumagot ay muli siyang nagsalita. "H'wag na nating ituloy ito, tol. May pera naman ako, eh... papautangin na lang din kita—"
"Tumuloy na tayo," pagputol ko sa sinasabi niya at kinakabahang pinindot ang doorbell.
Hindi rin naman nagtagal ay lumabas na ang nakangising si Boss Harrold para pagbuksan niya kami ng pinto. Napasimangot si Reyster at pabulong na bumigkas ng mura nang makitang wala itong damit pang-itaas at tanging kulay asul na sweat short lang ang suot nito. His hair is also a little bit damped, halatang kaliligo lang.
Tinakpan ni Reyster ang mga mata ko gamit ang isang palad niya. "Don't look at him please! Ang pangit ng katawan niya... uwi na lang tayo." parang batang saad nito at natawa si Boss Harrold.
"Don't worry kid, hindi ko aagawin 'yang girlfriend mo. Hindi ko siya type!" matinis na boses na sagot ni Boss Harrold, pumilantik pa ang daliri nito nang ikumpas niya iyon. "Pumasok na nga kayo! Kaloka!" aniya at inirapan pa kami bago naunang pumasok sa loob.
Boss Harrold is gay. Harrold sa umaga, Harlene sa gabi. Gulat na gulat ako nang aminin niya sa akin iyon noong nakaraang araw, kaunti lang ang taong nakakaalam tungkol sa pagkatao niyang 'yon at mostly ay sa mga kaibigan pa niya. Hindi raw niya kasi kayang mag-out sa family niya dahil tiyak na hindi raw siya matatanggap ng Daddy niya.
Hindi ko talaga alam kung anong i-re-react ko noon. Bilib na bilib ako sa galing niyang magtago dahil kahit kailan ay never kong napansin na may kakaiba sa kilos at pagkatao niya. Maangas kasi siya kung kumilos at aakalain mong playboy dahil sa mga galawan, pero ngayong alam ko na ang totoo ay malaya na rin niyang napapakita sa akin kung ano talaga siya. Iyong matinis niyang boses, pagpilantik ng daliri, at maging 'yong pag irap-irap.
"So ganito, i-video mo kami habang nilalagyan ko ng make-up 'tong jowabels mo, gets?" paliwanag ni Boss Harrold sa boyfriend kong abala sa pagse-set up ng camera habang ako'y nakaupo na sa harap ng vanity mirror.
"Gets ko mamsh!" Tumango si Reyster at nag-thumbs up.
"Pagkatapos nitong make-up session kinembular natin, pictorial na kaagad tayo. Ang swerte mo, Eloisa! Ikaw ang kauna-unahang magsusuot ng mga damit at gown na di-ne-sign ko! We'll make this quick para naman hindi kayo masiyadong gabihin ng uwi. Mga chaka pa naman kayo, baka mapagkamalan kayong magjowang akyat bahay!" anito at imbis na ma-offend ay natawa lang kami ni Reyster.
This is the 'condition' he's talking about. Matagal na raw kasi siyang nag-aaral ng pag-ma-make up at pag-de-design ng mga gowns. Unang kita pa lang daw niya sa akin ay nagandahan daw siya at agad na pumasok sa isip niya na ako dapat ang kauna-unahang makapag-suot ng mga damit at gowns na iyon. Hindi lang niya alam kung paano niya sasabihin 'yon sa akin...
It's already three o'clock in the midnight when we finished everything. Masayang masaya si Boss Harrold sa kinalabasan ng ginawa namin. Sa sobrang tuwa niya ay pinasobrahan pa niya 'yong pera na binigay niya sa akin at hindi pa ro'n nagtatapos dahil binusog niya kami ng pagkain at siya pa ang naghatid sa amin pauwi.
"In fairness! Ang galing niyong dalawang mag-jowa ah! Bagay kang model tapos ito namang si Esteng kabisote, pasado na rin bilang photographer at videographer! Pareho kayong mukhang professional! Jusko, matutuwa ang mga baklang tita kapag pinakita ko sa kanila 'to!" masayang litanya niya habang nasa loob kami ng sasakyan.
"Kami lang 'to, Harlene..." pagyayabang ko sa kaniya na senigundahan naman ni Reyster.
Malaking tulong ang perang binigay ni Boss sa akin. Nabayaran ko iyong ibang utang namin ni Nanay tapos ang natitirang pera ay sapat lang madalaw namin ni Nanay si Tito Aljon sa kulungan kung nasaan siya ngayon at ang iba ay itinabi ko para sa pag-aaral ni Eunice, Albert, at Marie sa susunod na pasukan.
"Kaya mo 'yan, mahal. Naiintidihan ko kung bakit ayaw mong humingi sa akin ng tulong pinansyal... at hindi kita pipilitin 'don," Reyster plastered a soft smile on his lips. "Basta palagi mong tatandaan na palagi lang akong naka-suporta sa kahit anong plano mo, huh?"
My throat went dry as my eyes started to tear up. "S-Salamat, Reyster..." I answered him, almost a whisper.
He nodded and kissed my forehead lightly. "Dito lang ako, tol. Kahit dumating man 'yong araw na itulak mo ako palayo... nandito pa rin ako."
"Oo at kanina pa rin ako nandito. Ano, Reyster? Hindi pa ba tayo aalis? Anong oras na oh! Gusto ko na mag-beauty rest!" eksaherang saad na naman ni Boss Harrold na nakasilip sa bintana ng kotse.
Humagalpak ng tawa si Reyster. "Rest lang kailangan mo, Harlene."
"Bakit? Dahil beauty na 'ko?" nagpapa-cute na tanong ni Boss Harrold.
"Hindi, dahil wala ka namang beauty!" singhal pabalik ni Reyster kaya naman nakatanggap siya ng brutal na sapak at pingot sa tainga mula sa bakla.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro