Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 24

As I opened my eyes, a heartfelt smile automatically plastered on my face. Hindi ko ininda ang sinag ng araw na tumatama sa aking balat. Agad na napukaw ang atensyon ko sa mabigat na mga brasong nakapulupot sa aking katawan at sa mainit na paghinga niya nararamdaman ko sa aking leeg.

Unti-unting bumaba ang tingin ko sa katawan naming walang saplot at tanging nababalot lang sa puting kumot at hindi pa ako roon nakuntento dahil sinilip ko ang isang daliri kong mayroon nang singsing. Mas lalong lumawak ang ngiti nang sunod kong binalingan ng tingin ang asawa kong mahimbing pa rin na natutulog.

Bahagyang nakaawang ang mapupula nitong labi at mahinang humihilik. Umangat ang aking hintuturo upang sulsugin ang makapal at salubong niyang kilay. Tandang-tanda ko pa kung paano ako nahumaling sa makapal niyang kilay na ito noong nasa elementarya pa lang kami.

Sa tuwing nag-iisang linya iyon ay talaga namang kakabahan ka dahil mukha siyang dragon na nagbubuga ng apoy, ang sungit ng awra niya pero kahit gano'n marami pa rin siyang kaibigan at halos lahat yata ng kababaihan ay nahuhumaling sa kaniya.

Dahan-dahang bumaba ang hintuturo ko sa kaniyang matangos na ilong pababa sa kaniyang labi at pinakahuli ay sa baba. Pinagsawa ko ang mga mata ko na para bang isa siyang napakagandang tanawin na ngayon ko lang nakita at paulit-paulit kong babalikan. Nagbibigay kapayapaan. Hindi nakakasawa.

We've been married for two weeks now. Nakatira kami rito sa isang apartment na inuupahan namin. Pansamantala lang naman ito habang ginagawa pa iyong bahay sa katabi ng bahay ngayon nina Shaeynna sa isang kilalang subvision.

Masaya naman kami sa loob ng dalawang linggong pagsasama. Kahit na matagal na kaming magka-relasyon ay sobrang namamangha pa rin ako dahil napakarami pa pala naming hindi alam sa isa't isa.

In all honesty, I must say that... I couldn't ask for more. Simpleng buhay lang ang mayroon kami pero parang sasabog ang puso ko sa sobrang saya. Para akong lumulutang sa alapaap araw-araw. Para pa rin akong teenager na kinikilig at may kung anong lumilipad sa tiyan ko...

Marahan akong bumangon mula sa pagkakahiga. Maingat ang bawat galaw ko, sinisikap na huwag magising ang lalaking mahimbing na natutulog sa aking tabi. Mabilis kong kinapa ang unan at doon iniyakap ang mga braso niya. Inalis ko ang kumot na nakabalot sa akin at saka dumiretso sa cabinet para kumuha ng damit ni Reyster para suotin.

Napangisi ako nang pasadahan ko ng tingin ang aking sarili sa full-length mirror. Malaki ang damit ni Reyster. Umabot iyon nang hanggang tuhod kaya naman nagmistulan itong dress sa akin.

I tied my long hair in a messy bun. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina upang magluto ng agahan naming dalawa.

Na-realize ko na ang swerte pala ni Reyster sa akin 'no? Bukod sa maganda at sexy ako, housewife material pa. Eh ang lalaking 'yon, ka-gwapuhan lang ang mayroon tapos pabebe pa.

"Bili pa tayong isang bote?"

Natigilan ako sa pagsasampay ng mga damit nang marinig ang tanong ni Jolo sa asawa ko. Nandito rin si Kean at Terrence. Tanghaling tapat ay nag-iinuman sila kaya hindi ko maiwasang mapairap. Tumatanda na nga, inumang tatay na ang ginagawa. Payabangan na eh.

"Tama na 'yan! Baka hinahanap na kayo sa mga bahay n'yo!" singhal ko mula sa kusina.

"Kj ampota! Naglaba na naman ako bago umalis ah," tugon ni Kean sa akin.

"Naglinis na ako ng bahay bago umalis..." si Terrence.

Jolo scoffed and shook his head aggressively. "Hah! Subukan lang n'ya akong hanapin at pauwiin—"

"Bakit? Anong gagawin mo?" natatawang putol ni Reyster.

"Edi uuwi. Alangan namang hindi ko sundin? Ayaw ko ngang matulog sa labas!"

"Same, same!" pagsang-ayon no'ng tatlo pang kumag at nag-high five pa.

Napailing na lang ako nang umalingawngaw ang malakas nilang tawanan sa apat na sulok ng apartment at alam kong naririnig din iyon sa labas ng bahay. Ang dami-dami nilang pag-usapan at pasimple lang akong nakikinig. Mabuti na lang noong kinahapunan ay dumating si Shaeynna kaya nagkaroon ako ng matinong kausap.

"Aalis pa ba si Reyster?" tanong nito sa akin na sinagot ko naman ng sunud-sunod na tango.

Her forehead creased. "Bakit?"

"Bakit naman hindi? Trabaho niya 'yon..." Sumimsim ako sa wine na hawak ko bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. "At saka isa pa, ang alam ko huling sakay na niya 'yon. Hindi na raw niya matiisi 'yong pag-uugali no'ng mga nakakataas sa kanila."

Isa talaga 'yon sa mga pino-problema ni Reyster sa barko. Mainit ang dugo sa kaniya no'ng iba niyang kasamahan at medyo nahihirapan na raw siyang pakisamahan ang mga ito. Those bastards so full about themselves. Pasalamat sila dahil mabait ang asawa ko at hindi sila pinapatulan.

"Hindi ba't sabi mo gusto n'yo na rin magka-baby? Paano n'yo magagawa 'yon kung malayo siya?"

I laughed a bit and raised my brows. "Puwede naman, ah? Sex on phone?"

"Gaga, ang kalat mo!" Halakhak niya.

Nagpatuloy kami sa kwentuhan at asaran ni Shaeynna. Sa totoo lang ay wala naman akong problema kung ipagpatuloy niya ang pagtra-trabaho sa barko. Hindi na kami bata pa para pagbawalan ang isa't isa, saka para rin naman iyon sa kinabukasan naming dalawa... at sa bubuuin naming masayang pamilya.

I chewed my lower lip in excitement. My heart's beating rapidly inside my chest. Nakaupo ako sa inidoro. Ang mga mata ko'y mariing nakatutok sa dalawang pregnancy test na hawak ko. I feel like the three minutes waiting was the slowest time of my life. I'm not expecting... but I know my body.

This past few days ay palaging masama ang pakiramdam ko. Madalas akong mahilo at magsuka tuwing umaga o hindi kaya'y sa tuwing nakakaamoy ako ng cheese at matapang na pabango. I also become so grumpy. Ang bilis magpalit ng mood ko. Dati naman ay nagagawa kong makipag-asaran kay Reyster pero ngayon... ewan ko ba, naiiyak na lang bigla ako. May mga oras nga na iritang-irita ako sa kaniya at ayaw ko siyang makita pero minsan naman ay ayaw ko siyang nalalayo sa tabi ko.

My mouth fell open when the result showed up. My hands tremble and a bullet of sweats starting to form on the side of my forehead.

"Ano na? Wala pa ba?" Anticipation was evident on Reyster's voice as he knocked on the door. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang panginginig sa boses nito.

"Maghintay ka. L-Lalabas na 'ko," I answered.

Dahan-dahan akong tumayo. Kinailangan ko pang kumapit sa dingding upang kumuha ng suporta. Nanlalambot ang aking tuhod na binuksan ang pinto ng banyo at ang unang bumungad sa akin ay aking asawa na hindi mapakali ng upo sa kama.

Nang magtama ang mga mata namin ay agad itong tumayo at lumapit sa akin. "A-Ano? Anong resulta? Tingin ako!" Tulala pa rin ako kaya hindi na ako nakapalag nang agawin nito sa akin ang pregnancy test.

Just like my reaction earlier, his mouth fell open too. His eyes softly blinked. "S-Shit! Fuck! Magiging Daddy na ako!" he muttered in disbelief.

Akala ko'y kagaya sa mga pelikula na magtata-tatalon ito sa sobrang tuwa ngunit... mali ako. Natagpuan ko na lang ang aking sarili na tumatakbo papasok sa hospital at buhat-buhat naman ni Jolo at Albert ang asawa kong nawalan ng malay.

"Mag-iingat ka palagi ha? Tatawag ako sa 'yo para palagi kang i-check. Iyong mga vitamins mo, huwag mong kakalimutang inumin. Kapag check-up naman, nakausap ko na rin si Mommy na samahan ka at huwag kang hahayaan na mag-isa. Basta kapag may kailangan ka, magsabi ka lang sa kanila... hmm?"

Hindi ko alam kung sisimangot ba ako o ano pero kalaunan ay ngumiti na rin at sunud-sunod na tumango. "Alam ko na 'yan, eh. Kanina ka pa paulit-ulit..."

He let out a deep and manly laugh. Nanggigigil niyang kinagat ang aking kanang pisngi bago ito pinupog ng halik. "Naiinis na ba ang mahal ko? Hmm?"

"Hindi naman, slight lang! Isa pang ulit mo, hindi na kita papaalisin!"

Tumawa siyang muli. "Babawi ako sa 'yo, Mahal. Promise, pagkatapos nito ay hindi na ulit ako sasakay. Dito na lang ako sa tabi mo tapos ako ang mag-aalaga sa inyo ni baby..."

Nanikip ang aking dibdib at tila mayroong bukol na mahirap lunukin sa aking lalamunan. I went near him and sat on his lap. Nakakalat sa kama ang mga damit niyang ilalagay sa maleta. Pinulupot ko ang aking dalawang braso sa kaniyang leeg. Nangingiti ako nang lumandas ang kamay niya patungo sa baby bump ko na hindi pa naman gano'n kahalata. I'm two months pregnant now.

"Mahal na mahal kita, Reyster..." I sincerely whispered.

"Mahal na mahal din kita, simula pa man noong una at mamahalin kita hanggang sa aking huling hininga," he answered tenderly and sealed those words with a kiss.

But only If I knew that it would be our last happy moments, I shouldn't have finished that yet. If only I knew that it would be the last time I would see him, I shouldn't let him out of my sight. If I only knew that it was the last time I would hold his hand, I shouldn't let him go. I shouldn't let him slip away.

If God permits me to turn back the time, I definitely would... because I don't hella know how to face my tomorrow without him. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro