Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 21

Hindi ko inaasahan na aabot sa ganito. Ang gusto ko lang naman ay mailabas si Nanay ng hospital. Ang tanging hiling ko lang naman ay sana matapos na ang lahat ng mga pagsubok, ngunit bakit habang tumatagal ay mas lalo lang pabigat nang pabigat?

Patuloy ang pag-agos ng luha ko habang nakakulong sa bakal na rehas. Nakaupo sa sahig na pinatungan ng karton para hindi masiyadong malamig. Ang likod ko'y nakasandal sa kulay puti at puno ng sulat na pader.

"Gusto ko nang makalabas..." mahinang ani ko habang nakatitig sa kawalan.

Ang mga babaeng kasamahan ko sa loob ng kulungan ay mahimbing nang natutulog. Samantalang ako'y ni katiting ay walang maramdaman na antok. Patuloy lang ako sa mahinang pag-iyak at paghikbi. Batid kong kanina pa namamaga ang mata ko at nararamdaman ko na rin ang matinding pagsakit ng aking ulo.

Ang gusto ko lang sa mga oras na ito ay makaalis sa apat na sulok ng silid kung nasaan ako ngayon. Ang gusto ko lang ay magising kung sakali mang nananaginip lang ako.

Tangina naman! Gano'n ba talaga kahirap ibigay ang kasiyahan na hinihingi ko? Bakit ba sa dinami-rami ng tao na makakaranas ng ganitong klaseng bagay ay ako pa?

Pagak akong natawa nang may mabuong napakalaking tanong sa aking isip. Totoo ba talaga ang Diyos? Totoo ba talagang pinapakinggan ang lahat ng hiling ng mga tao? Totoo ba talagang mahal Niya tayo?

And all of the sudden, I found myself doubting His existence.

I am physically, emotionally,mentally, and spiritually tired. Oo na, tanggap ko nang hindi ako malakas. Tanggap ko nang tao lang ako, mahina at nangangailangan din ng tulong.

Please Lord, I've done enough. I'm finally raising my two hands as a sign of surrender. Ikaw na ang bahala sa akin.

Kailangan ko ng tulong. Kahit ngayon lang. Kahit sa pagkakataon na ito lang... at hindi naman ako nabigo dahil kagaya nga ng palaging sinasabi nila, ang bagong umaga ay nangangahulugang bagong pag-asa.

Nagising ako sa marahas na tunog ng bakal sa silid kung nasaan ako at dahil na rin sa matinding pagkalam ng sikmura. Naalala kong wala pa pala akong kain simula kagabi.

"Tumayo ka riyan. Laya ka na..." salitang unang bumungad sa akin pagkamulat na pagkamulat ng aking mga mata.

Pupungas-pungas pa ako at hindi pa ma-proseso nang maayos ang narinig. Kung hindi pa muling uulitin ng pulis ang kaniyang sinabi ay hindi pa ako mapapabalikwas sa aking kinauupuan.

"Eloisa!" Mahigpit na yakap ni Reyster ang unang bumungad sa akin. Hindi iyon nagtagal dahil mabilis siyang kumalas at hinubad ang kaniyang pulang hoodie.

Siya na rin ang mismong nagsuot noon sa akin. Hindi nakaligtas sa mata ko ang pag-igting ng panga nito nang pasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Mariin akong napapikit at kinuyom ang kamao.

Tangina, ngayon ko lang naalala na naka-bunny costume nga pala ako. Nakakahiya!

"Uhm..." I was about to say something when his mother--Tita Carolyn--went to us.

"I'm done settling all the bills. Puwede na tayong umalis," aniya at nang magtama ang paningin namin ay tipid niya akong nginitian.

Lumapit pa ito sa akin at marahang ipinatong ang kamay sa aking balikat. "Are you okay?"

Tumango ako at bumagsak ang mga mata sa paa ko. "O-Okay lang po, Tita..."

She nodded. "Mauuna na akong umalis sa inyo dahil may kailangan pa akong puntahan. Bukas na tayo bumalik sa Quezon. Sa ngayon ay kailangan mo munang magpahinga Eloisa, hmm?"

"P-Pero si Nanay po--"

"They're fine. Nakauwi na sa bahay ang Nanay mo at naroon ang mga kaibigan mo para bantayan siya..." A reassuring smile formed to her lips. "And don't worry about the hospital bills dahil na-settle na rin namin iyon nang Boss Harrold mo bago kami lumuwas ni Reyster dito sa Manila.. Everything's fine now. Ang mahalaga ngayon ay makapagpahinga ka, okay?"

Marahas akong lumunok at kinagat ang pang-ibabang labi upang pigilan ang pangingilid ng luha.

Reyster heaved a soft sigh. Ramdam ko ang dahan-dahang pagpulupot ng kaniyang braso sa aking baywang. "Sumabay ka na sa amin, Mommy. Idadaan ka na lang namin doon sa pupuntahan mo bago kami dumiretso sa hotel na pina-book ko."

Pabirong umirap si Tita sa anak at walang nagawa kundi ang sundin ito. Panay ang usapan nilang mag-ina sa loob ng Ford Raptor, samantalang ako'y nanatiling walang kibo. Wala ni isa sa kanilang nagtanong tungkol sa pangyayari.

I appreciate their effort for me pero kahit gano'n ay hindi ko pa rin maiwasan ang mahiya. Ngayon lang nag-sink in sa akin ang lahat. Sa tuwing pinipikit ko ang mga mata ko ay awtomatikong naaalala ko ang maingay na club, ang mga kababaihang sumasayaw sa gitna, at mas lalo na ang paghaplos ng mga hindi ko kilalang lalaki sa ilang bahagi ng katawan ko.

I feel so dirty. I am so disgusted with myself.

Hanggang sa makarating kami sa five-star hotel na binook ni Reyster ay wala kaming imikang dalawa. A heavy atmosphere filled between us when we entered the room. Pabagsak akong umupo sa kama at palihim na sumusulyap sa kaniya. Dumiretso siya sa fridge para kumuha at uminom ng tubig.

I let out a deep sigh. Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid. Sa unang tingin pa lang ay alam ko nang hindi ito basta mumurahin lang na kwarto. Malaki ang kama na inuupuan ko. Sa harap nito'y mayroong malaking telebisyon at kulay light blue na sofa. Mula sa malawak na salamin ay tanaw na tanaw namin ang lawak ng Maynila. Bahagya pa akong napapikit nang tumama sa akin ang sinag ng araw.

Lumapit doon si Reyster upang takpan ang sinag sa pamamagitan ng pagsasarado ng kurtina. Matapos no'n ay walang imik siyang pumasok sa loob ng banyo.

Napalunok muli ako nang marahas. Patuloy na dinadaga ang dibdib ko sa paraan ng pagkilos ni Reyster. Iniisip ko pa lang na dismayado, galit, o baka nandidiri ito sa akin ay kumikirot na ng todo ang puso ko. Hindi ko naman siya masisisi kung sakaling gano'n nga dahil totoo naman. Nakakadismaya talaga ang nagawa ko. Nakakagalit at higit sa lahat ay nakapapandiri.

Napatuwid ako ng upo nang lumabas siya mula sa banyo. Diretso ang tingin sa akin.

He wet his lower lip as he spoke. "Hinanda ko na 'yong pagpapaliguan mo. Maligo ka na para makapag-pahinga ka na agad..."

Tumango ako at nagpatianod sa utos niya.

"Puwede ba tayong mag-usap pagkatapos kong maligo?"

His jaw tightened as he nodded his head. "Yeah, you're right. We will talk."

At gano'n nga ang nangyari. Matapos kong maligo ay inaya niya ako sa kama para doon kami mag-usap. Nakabalot pa sa tuwalya sa basa kong buhok at tanging makapal na puting robe lang ang nakatapis sa aking katawan.

Pareho kaming nakaupo sa malambot na kama. Nakasandal siya sa headboard habang ako nama'y nakaupo sa pagitan ng hita niya. Ang kaniyang kamay ay naglalaro sa tali ng aking robe. Tanging ang palitan ng malalim na paghinga lang ang maririnig sa buong kwarto.

I felt warm and contented with his arms wrapped around me.

Tumikhim ako upang basagin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Mahal..." I uttered using a small voice. I didn't get a response from him. Sinamantala ko iyon para muling magsalita. "Gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng nagawa kong kasalanan sa 'yo..." Tears shimmered in my eyes as I reminisced all the mistakes I've done to him. "S-Sa lahat ng nasabi ko sa 'yong hindi maganda noon..."

Napuno ng konsensya ang sistema ko nang maisip kung paano siya nagtiyaga at nagtiis sa relasyon namin. Siya ang palaging nag-e-effort, siya palagi ang umuunawa. Ang daming bagay na ginawa niya para sa akin, para sa pamilya ko, pero lahat iyon ay binalewala ko. Masiyado akong nabulag sa inggit. Masiyado kong minasama ang lahat ng bagay na ginagawa niya kahit ang totoo'y lahat nang iyon ay para sa ikabubuti ko.

He always put me at first. As his top priority. Sa aming dalawa ay palaging siya ang nagbibigay samantalang ako'y palagi lang tumatanggap. Ilang beses ko bang sinabi na babawi ako pero hindi ko naman nagagawa?

"Ssshh..." He hushed me using his soft voice. Hinawakan niya ang baywang ko at giniya paharap sa kaniya. He then cupped my both cheeks. Marahan niyang pinunasan ang tumutulong luha mula sa mga mata ko.

Mapungay at malamlam ang kaniyang tingin sa akin. Punung-puno iyon ng iba't ibang uri ng emosyon ngunit mas nangingibabaw ang pagmamahal na kumikislap sa bilugan at itim niyang mga mata.

"You don't have to say sorry, hmm? Hindi ako galit. Hindi ako dismayado o ano... naiintindihan kita nang sobra." He's staring intently at me. His words struck directly into my heart. Painful yet heart whelming.

"At palagi kong pipiliin na unawain ka. Sa kahit anong sitwasyon, sa kahit anong pagkakataon," he added.

"Pero kahit na... alam kong nagkamali talaga ako sa 'yo. Hindi ko itatanggi na malaki talaga ang inggit ko sa 'yo sa lahat ng bagay. Pakiramdam ko noon inaagawan mo ako ng lugar sa pamilya ko kaya hindi nila ako napapansin," I said between my sobs.

"Naiinggit ako kasi nakukuha mo lahat ng gustuhin mo nang hindi ka nahihirapan..." Pinagpatuloy ko ang pagsasabi ng nararamdaman sa kaniya at mataimtim naman siyang nakikinig sa akin habang inaalo ako.

I was expecting to hear something hurtful coming from him. Hinanda ko na ang sarili ko sa kung anumang salitang sasabihin niya ngunit hanggang dulo'y wala akong narinig ni isa. Instead, I received words that really melt my heart.

"Alam mo 'tol, sa mga sinabi mong 'yan ay napatunayan ko kung gaano talaga ako ka-swerte sa 'yo. Sobrang tapang lang na kaya mong aminin lahat 'yan sa mismong harapan ko... " His eyes twinkled as he gave me a warm smile. "I was never given a chance to say this but I'm gonna say this now before it's too late..."

"A-Ano 'yon?"

"I adore you for being a strong woman, Mahal. At kung sakaling hindi mo pa alam, gusto kong sabihin na proud na proud ako sa 'yo..."

Nanginig ang labi ko kasabay ng unti-unting pagbuhos ng walang katapusang luha sa mata. Damn, that hits differently.

"At kahit bigyan man ako ng libu-libong rason para iwanan ka, makakaasa kang palagi kong pipiliin ang iisang rason kung bakit mahal kita."

"M-Mahal din kita, Reyster." I gave him my sweetest smile.

A wide grin formed into his lips. "Alam ko. Hindi ba't ikaw pa nga ang unang nabaliw sa akin noong elementary pa lang tayo?"

My smile faded. "Ang kapal ng mukha mo..."

"Nah, mas makapal pa rin 'yong blush on mo noon," halakhak niya.

Agad nag-init ang pisngi ko sa narinig. Bumuhos sa akin ang alaalang iyon. Kung paano ako nakawin 'yong blush on ni Nanay sa cabinet at ako mismo ang gumamit no'n bagp pumasok sa school. Hindi ako marunong kaya naman sa huli'y pumasok sa school na mukhang hinog na hinog na kamatis.

Lumipad ang dalawang palad ko sa aking pisngi at nagpapadyak sa ere. "Ah! Nakakainis ka, Esteng! Bakit pinaalala mo pa?!" pagmamaktol ko at halos gumulong na siya sa kama sa kakatawa. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro