Kabanata 20
tw: tema
"Sigurado ka na ba, neng? Wala nang atrasan 'to. Hindi lang kita maipapakilala sa boss ko dahil wala siya ngayon," wika ni Aling Marites kaya naman ibinalik ko sa kaniya ang mga mata ko kahit hindi ko pa tapos libutin ng tingin ang buong lugar.
Bahagya akong napaiwas at ngumiwi nang magbuga ito ng usok ng sigarilyo at kumalat ang mabahong amoy noon sa ilong ko.
Marahas akong lumunok at tumango sa kaniya.
"Mahusay! Basta sundin mo lang ang mga tinuro ko sa 'yo kanina. Bawal ang maarte rito, Maria Eloisa, sinasabi ko sa 'yo..." Binigyan niya ako ng matalim na titig at dinuro gamit ang hintuturo. "Nasa kamay mo ang halaga mo kung magkano ka. Tandaan mong ginagawa mo ito para sa Nanay mo... huwag mo rin akong ipapahiya." paalala muli nito.
Humigpit ang kapit ko sa aking bag pack nang igiya niya ako papasok sa loob ng club na pinagtra-trabuhan niya. Na ngayo'y pinatra-trabahuhan ko na rin. Bahagya akong napapikit sa pagkasilaw nang tumapat sa akin ang paiba-iba at malikot na ilaw. Ang pinaghalu-halong amoy ng alak, alcohol, at pabango ay nanunuot sa aking ilong.
Hindi na naman bago sa akin ang ganitong klaseng lugar dahil minsan na rin akong nagtrabaho sa Aloha, ngunit ang kaibahan nga lang sa lugar na ito ay mga kababaihang sumasayaw sa entablado sa saliw ng malamyos na tugtugin. Mariin akong napatanga nang unti-unting hubarin ng dalawang babae ang kanilang pang-itaas na saplot at hinagis sa mga kalalakihang nanonood.
Dahil doon ay tila ba biglang gusto na lang umatras ng mga paa ko. Mukhang maling ideya yatang narito ko. Hindi ko yata kayang gawin ang mga ganitong bagay... pero sa huli'y naisip ko na huli na ang lahat para mag-dalawang isip at umatras pa.
At tsaka, hindi ko naman ito gagawin para sa sarili ko.
"Kailangan ko ng pera..." Iyon na lang ang tanging dahilan na itinatak ko sa isipan ko.
The first night in the bar was kinda exhausting. Limang amerikano ang nag-table sa akin. Wala naman silang ginawa sa akin maliban sa paghaplos ng aking hita at wala rin akong nagawa kundi sikmurain ang mga bawat pagdampi ng mga palad nila sa balat ko.
At halos mapanganga ako nang sa simpleng haplos na iyon ay inabutan nila ako ng twenty-thousand. Hanggang ngayon na narito na ako sa silid na nakalaan para sa akin ay hindi pa rin ako makapaniwala. Totoo nga palang madaling kumita ng pera sa ganitong klaseng trabaho.
"Pera kapalit ng dignidad," panimula ni Cheena, ang kasama ko rito sa maliit at masikip na kwarto. Sa lahat ng babaeng nakilala ko kanina ay siya lang ang bukod-tanging mabait at maayos ang pagtrato sa akin.
Iyong iba kasi ay halos isumpa ako sa sama ng tingin. Mukhang na-threaten yata sa kagandahan ko.
"Alam mo ako... hindi ko naman gagawin 'to kung may choice lang ako eh." She lazily looked at me while removing her make-up. Ako nama'y pinapanood siya sa ginagawa at mataimtim na nakiking sa kwento niya.
Pareho kaming nakaupo sa malambot na kama.
"Medyo nakaka-relate ako sa 'yo kasi galing din ako sa probinsya. Lumuwas ako rito para mag-aral kaso nagka-letse-letse eh. Natanggalan ako ng scholarship. Hindi 'yon alam ng magulang ako. Ang alam nila ay malapit na akong maka-graduate sa kolehiyo at nagtra-trabaho ako bilang call center agent sa gabi." She then laughed while shaking her head.
My mouth fell open. "T-Talaga?"
"Hmm..." She nodded her head. "Wala eh. Ang hirap maging bread winner ng pamilya eh 'no? Mahina na sina Nanay at Tatay. Hindi na nila kayang magtrabaho kaya nasa akin na rin nakapatong lahat ng responsibilidad. Anim kaming magkakapatid. Iyong tatlo'y nag-aaral pa sa highschool at elementary tapos 'yong tatlo naman ay mayroon nang asawa pero sa akin pa rin nakaasa..."
"Ikaw? Anong kwento mo? Bakit mo naisipang pumasok sa trabahong 'to?"
Bumagsak ang mga mata ko sa aking mga kamay at pabagsak na humiga sa kama. Tumulala ako sa kisame habang ang isipan ay malalim na lumilipad sa pamilyang naiwan ko sa probinsya.
Matagal bago ako nakasagot.
"Kailangan ko ng malaking halaga para pambayad sa hospital bill ni Nanay pati na rin sa iba pang gastusin..." Pagak akong tumawa. "Wala rin eh. Kagaya mo, wala rin akong choice."
"Bakit? Wala ka bang mga kaibigan at kamag-anak na puwedeng makatulong sa 'yo? At saka, pinayagan ka ng magulang mo pumasok sa ganitong klase na trabaho?"
Natutop ko ang aking bibig bago marahas na umiling. "Wala silang ideya kung nasaan ako ngayon."
Totoo iyon. Wala ako ni isang taong sinabihan kung saan ako pupunta. Matapos nang huli naming pag-uusap ni Eunice sa hospital kahapon ay agad akong lumuwas dito sa Maynila, sa tulong na rin ni Aling Marites. Wala akong inaksayang panahon. Sinadya ko ring patayin ang cellphone ko dahil alam kong gagawa at gagawa ng paraan si Reyster para lang mahanap ako.
Cheena chuckled. "Hindi mo sinagot 'yong unang tanong ko, teh."
I pursed my lips and took a deep sigh. "M-Mayroon namang gustong tumulong sa akin kaso a-ano..."
"Kaso ayaw mo dahil feeling strong ka?" she cut me off that's why I gave her a death glare.
Pinagtaasan niya lang ako ng kilay, nang-uuyam. Napapailing siya habang sinisilid ang bulak sa kaniyang pouch na naglalaman ng mga make-up.
"Strong ka ba talaga or ayaw mo lang matapakan ang ego mo?" direkta niyang tanong na nakapagpatanga sa akin.
Kumunot ang aking noo kasabay ng pagkalukot ng aking mukha. Hindi ko alam ang sinasabi niya. Hindi ko siya maintindihan. Kaya lang naman ayaw kong humingi ng tulong dahil ayaw kong maging abala sa ibang tao. Mayroon din silang iniisip at sariling problema, ayaw ko nang dumagdag pa.
At saka kagaya nang palagi kong sinasabi, ayaw ko ng utang na loob. Iyong pera, madali 'yong mabayaran eh... pero 'yong utang na loob? Hindi.
"Alam mo ang swerte mo nga, eh. Kahit papaano may mga taong nag-i-initiate na tulungan ka. Mayroong mga taong kahit kailan ay hindi umalis sa tabi mo kahit walang-wala ka. Ako kasi wala eh. Iyong mga kaibigan ko na nangako sa akin na nandiyan lang sila kapag kailangan ko ng tulong, wala hindi ko mahagilap. Iyong boyfriend ko, ayon pinagpalit ako sa iba noong mga panahong kailangan na kailangan ko ng suporta niya..."
"Cheena--"
"Eloisa, lahat tayo kailangan ng tulong sa mundong ito. Sa nakikita ko sa 'yo, kaya mo naman talagang masolusyunan 'yang problema mo na hindi ka pumapasok sa ganitong klaseng trabaho," walang paligoy-ligoy na aniya na muling ikinalaglag ng mga panga ko. Tila naputulan ng dila at hindi makapagsalita.
"Sa totoo lang, may choice ka eh pero ayon nga lang mas pinili mong lunukin ang dignidad kaysa sa ego mo,"
Doon na tuluyang nahulog ang mga balikat ko. Umigtig ang panga ko kasabay ng pag-iwas ng tingin... hindi dahil galit ako kundi dahil tama siya. Sa kagustuhan kong may mapatunayan, hindi ko namamalayan na sarili ko pala ang mas lalo kong pinapahirapan.
Hindi ako nakatulog nang gabing iyon. Ramdam ko ang pagod ng katawan ko ngunit buhay na buhay ang diwa ko. Matuturing kong blessing in disguise si Cheena dahil marami akong napagtanto. May mabuti rin naman palang dulot 'tong pagiging malayo ko sa kanila dahil kahit papaano'y nagagawa kong makapag-isip sa mga bagay-bagay.
Na-realize ko kung gaano ako ka-toxic na tao. Masiyado akong nagpadala sa inggit ko kay Reyster. Masiyado akong nag-focus sa mga bagay na wala ako, sa mga bagay na hindi ko kayang ibigay, at sa pagpupumilit na malakas at kaya ko ang lahat.
Bumuntong-hininga ako at sa huli'y natagpuan ko na lang ang aking sariling binuksan ang ang nakapatay na cellphone at binasa ang mga sumasabog na mensahe mula sa mga taong nag-aalala sa akin.
From: Reyster
Hindi ako mapakali kakaisip kung nasaan ka. :((
From: Reyster
Mahal, umiiyak ako ngayon. Hindi ako tatahan hangga't hindi ka uuwi.
From: Reyster
Mamamatay na yata ako... omg i cant breathe. Uwi ka na.
From: Reyster
Pati sa pagtae ko, naiisip kita. Haysss, nasaang lupalop ka ba kasi? :<<
Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ba ako sa mga walang kwentang mensahe na binabasa ko. Nang sulyapan ko ang orasan na nakasabit sa dingding ay alas-singko na ng madaling araw. Kinagat ko aking pang-ibabang labi, nagpipigil ng ngiti. Hindi rin naman nagtagal ay unti-unti nang bumigat ang talukap ng mga mata ko.
It was afternoon when I woke up. Magaan ang pakiramdam ko nang magising. Ang unang pumasok sa isipan ko ay ang kausapin si Aling Marites para sabihing uuwi na ako sa amin at iisip na lang ako ng ibang paraan, ngunit iyon nga lang wala raw ito ngayon. May kikitain daw itong kliyente at hindi sigurado kung makakabalik din ngayong araw.
"Hindi ka palalabasin dito sa club kung walang permiso ni Madam. Ang bago bago mo pa lang, kulit mo na. Hintayin mo na lang siyang makabalik!" singhal sa akin ng isang babae. Iyong nakita ko kahapon na sumasayaw sa stage.
"Oo nga! Huwag ka ngang pa-VIP dito. Maganda ka lang pero kagaya ka lang din namin na mababa ang lipad!" anas pa ng isang babae.
"Sorry, mataas ang lipad ko. Naka-parachute ako," I fired back before turning my back on them.
Narinig ko pa ang mahinang hagikhik ni Cheena sa gilid. Wala na akong nagawa kundi ang pumasok sa isang silid kung nasaan kami nag-aayos ng sarili. Sexy Bunny ang theme ng costume ngayon. Halos magtindigan ang mga balahibo ko sa katawan habang pinagmamasdan ang sarili sa harap ng malaki at malawak na salamin. Ang ilan sa mga kababaihang nasa loob ng kwarto ay abala rin sa pag-aayos samantalang ang iba naman ay naka-table na.
Kulay itim ang one piece na suot ko. Lantad ang aking makinis at maputing balat. Hindi ako kumportable na nakalantad din ang cleavage ko. Pakiramdam ko'y mahuhubaran anumang oras. Pinaresan iyon ng net stockings at itim na high heels. Mayroon din akong suot na headband na tainga ng bunny ang disenyo.
Mariin kong kinagat ang aking pang-ibabang labi. Parang ayaw kong lumabas. Gustong-gusto ko nang tumakas at umuwi na lang. Yes, confident ako sa katawan ko pero hindi ako kumportable sa mga matang naiiwan sa akin na punong-puno ng pagnanasa. Kung kay Esteng ko lang ipapakita ang ganitong outfit, baka mag-lap dance pa ako sa harapan no'n at tiyak na tuwang-tuwa na 'yon sa akin.
"Teh, tapos ka na ba? Labas na tayo! Hinahanap ako ni Mr. Gomez, halika isasama kita sa table. Galante 'yon!" saad ni Cheena at hindi na ako nakatanggi pa nang hilahin niya na ako palabas ng backstage.
Dumiretso kami sa VIP Room at tumambad sa amin ang apat na matatandang lalaki na nakasuot ng itim na suit. Sa unang tingin pa lang, alam mo nang hindi sila basta-basta. Katulad ng sinabi ni Cheena, ipinakilala niya ako kay Mr. Gomez pati na rin sa iba pang kasamahan nito.
Nagpanggap akong interesado at binigyan sila ng matipid ngunit nang-aalanganing ngiti. Tumindig ang mga balahibo ko nang pasadahan ako ng tingin ni Mr. Gomez gamit ang namumungay niyang mga mata na sinabayan pa ng pagpasada ng dila sa kaniyang pang-ibabang labi.
Pilit kong iniiwas ang aking sarili na mahawakan ng sino man sa kanila. Ilang beses akong tinanong ng matanda kung gusto ko raw bang sumama sa kaniya palabas sa club ngunit desididong iling ang paulit-ulit kong sagot.
I thought the long night would end peacefully but I was wrong.
Dahil pagkalabas na pagkalabas namin ng VIP room ay bumungad sa amin ang mga nagkakagulong tao na nag-uunahan sa paglabas ng club. Nahigit ko ang aking hininga nang makita ang mga pulis na dinadakip ang mga lalaking customer kasama ang mga babaeng ka-table nila.
“Raid! Raid! Magsi-takas na kayo!” sigawan ng mga tao.
Suminghap ako at akmang tatakbo na rin palabas nang maharangan ako ng dalawang pulis. Hindi ko na nasundan pa ang mga pangyayari. Masiyadong mabilis. Masiyadong magulo.
Sa isang kurap lang, natagpuan ko na lang ang aking sarili na naka-posas ang mga kamay at isinasakay sa police mobile patungo sa presinto.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro