Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 2

"Nasaan na ba si Shaeynna? I-chat mo nga, Eloisa. Sabihin mo bilisan n'ya para makapag-attendance na tayo at makauwi na agad," medyo naiinis na saad na Trisha at nakangiwing sumulyap sa wristwatch niya.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinadtad ng chat si Shaeynna. Sinabi ko sa kaniyang kanina pa kami rito naghihintay sa student's lounge at nagsisimula na ang program sa field. Foundation day kasi sa campus namin kaya naman buhay na buhay ang paligid. Kung saan-saan nagkalat ng mga estudyante mula sa iba't ibang department.

Noong nasa high school pa kami, tuwang tuwa kami sa mga ganitong klaseng event. Mapa-intrams, town meet, foundation day, or kahit mga parties... pero simula nang tumanda kami at makatungtong sa kolehiyo ay unti-unti na kaming nawawalan ng gana, lalo na ako. Iyon nga lang, mahalaga kasi ang attendance sa college kaya kahit ayaw mo ay mapipilitan kang pumasok para sa attendance.

"Iyang si Shaeynna, simula no'ng maging sila ni Kean ay mas lalo na silang hindi mapaghiwalay sa isa't isa!" natatawang sabi ko kay Trisha.

"Ganiyan talaga, bago pa lang kasi sila. Pasa-saan ba't pagkalipas ng ilang taon ay magbabatuhahan na ng kaldero at kawali ang dalawang 'yan..." sagot ni Trisha at natawa kaming dalawa.

Mas close kami ni Trisha dahil madalas ay kaming dalawa talaga ang magkasama. Palagi kasing si Kean ang kasama ni Shaeynna, para bang nagkabuhol ang bituka noong dalawang 'yon dahil hindi man lang mapaghiwalay. Dati silang mag-bestfriend pero ngayon ay sila nang dalawa. Hindi ko alam kung kailan pa, pero ang sa pagkaka-intindi ko ay nitong bakasyon lang naging sila. Wala pa yata silang dalawang buwan kung tutuusin.

Hindi rin naman nagtagal ay dumating na si Shaeynna at Kean kasama ang isa pa nilang kaibigan na si Terrence na ngayo'y medyo kaibigan na rin namin. Mas matanda yata siya sa amin ng isang taon at kumukuha ng kursong BS Education.

"Eloisa, sinabi sa akin ni Tito Harrold 'yong nangyari sa 'yo sa bar noong isang araw. Ba't naman hindi mo sinabi sa amin?" nakasimangot na tanong sa akin ni Trisha habang nakatambay kaming lima rito sa canteen.

Kean's brows furrowed, puno ng pagtataka siyang tumingin kay Trisha. "Bakit ano na namang nangyari?" Lumingon ito sa akin at kitang kita ko ang pag-igting ng panga niya. "Binastos ka na naman?"

"Sinong nambastos sa 'yo?" sunod namang tanong ni Terrence habang pinapatunog ang mga daliri niya na para bang naghahanda sa matinding labanan.

Natutop ko ang aking bibig at pasimpleng sinipa ang paa ni Trisha sa ilalim ng mesa. Ang daldal naman ng babaeng 'to! Hindi ko nga 'yon sinabi kay Reyster o kahit kanino dahil paniguradong iisa lang ang magiging reaksyon sa akin ng mga 'yan. Kahit puro kalokohan si Kean at Terrence ay ayaw na ayaw nilang napapahamak o may nangyayaring masama sa aming tatlong babae.

I smirked and shook my head. "Wala 'yon, normal na 'yon sa trabaho-"

"Kahit kailan ay hindi naging normal ang pambabastos, Eloisa," mariing usal ni Shaeynna at naiiling na sumimsim sa iniinom niyang shake. "Why don't you just quit on your job? Doon ka na lang sa business namin ni Kean.

"Tama si Shae. Doon ka na lang sa amin tutal nangangailangan din naman kami ng dagdag manpower dahil dumadami ang orders-"

"Okay lang ako," I cut him off and laughed a bit. "Kaya ko ang sarili ko, okay? Sadyang hindi ko lang talaga pinatulan iyong kagabi dahil umiiwas lang ako sa gulo."

"Eh alam ba naman 'yan ni Esteng?"

Napalingon ako kay Trisha dahil sa tanong n'ya. Bumuntong hininga ako at tipid na umiling.

"Huwag niyo na lang ding sabihin," pakiusap ko sa kanila kaya naman wala na silang nagawa kundi ang tumango na lang.

Tanghali na nang mapagdesisyunan kong umalis na sa school. Nakatanggap din kasi ako ng text mula kay Reyster at pinapapunta niya 'ko sa bahay nila. Mayroon daw siyang ipapakita sa akin at ayaw naman niyang sabihin sa akin kung ano 'yon. Naiwan pa sina Trisha sa school dahil tinatamad pa raw silang umuwi.

Medyo may kalayuan ang bahay nina Reyster kaya sumakay ako ng tricycle. Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na ako sa kanila. May kalakihan ang bahay nila. Kulay puti iyon at tatlong palapag. Moderno ang disenyo at mapapansin mong talagang pinaggastusan. Their house looks so alive. Sa isang tingin pa lang ay alam mo na agad na masaya at may kayang pamilya ang nakatira rito.

Dire-diretso lang ako papasok sa loob ng bahay nila dahil wala naman si Tita. Umakyat ako sa ikalawang palapag kung nasaan ang kwarto ni Reyster at isang katok pa lang ay agad nang bumukas ang pinto. Bumungad sa akin ang lalaking may magulong buhok, wala itong damit pang-itaas, at tanging itim na boxer na may drawing ni tweety bird lang ang suot.

Nanuyo ang lalamunan at agad napaiwas ng tingin.

"Tol!" He cheered. Kumislap pa ang mga mata nito nang ngitian ko siya. Tinakbo niya ang distansya naming dalawa at dinambahan ako ng mahigpit na yakap. "Namiss po kita. Ako, miss mo 'ko?"

I chuckled and kissed his forehead lightly. "Ba't naman kita mami-miss eh magkasama lang tayo kahapon at saka noong isang araw?" biro ko.

"Eh? Ako nga kahit araw-araw kitang kasama, miss pa rin kita..." Umalis siya sa pagkakayakap naming dalawa at nakasimangot na ngumuso. "Dito ka na lang kasi tumira sa bahay para palagi tayong magkasama."

Tumawa lang ako at hindi na sumagot pa dahil alam ko namang nagbibiro lang siya. Sa mahigit walong taon naming relasyon ay kabisado ko na siya at sanay na ako sa ugali niya. Mula sa pagiging clingy, malambing, at kung minsan pa nga ay siya 'tong mas madalas tinotoyo sa aming dalawa. He loves hug, kisses, and cuddles. May pagka-protective at territorial din siya pero hindi naman iyong tipong nakakasakal, sakto lang. Madalang lang din kaming mag-away dalawa at kung minsan ay sa sobrang babaw na dahilan pa. Madalas naming pagtalunang dalawa ay kung sino ba talaga ang amo, ang aso o ang tao? Kasi kung tao ang amo, bakit siya ang nag-aalaga sa hayop? Bakit siya ang nagpapakain, nagpapaligo, at nag-aalaga? Habang ang aso nama'y kain, laro at tulog lang ang ganap sa buhay?

Mga gano'ng bagay lang...

Pabagsak akong umupo sa malambot niyang kama habang siya naman ay nagtungo sa cabinet ng mga sapatos niya.

"Mahal, tingnan mo oh. Dumating na 'yong inorder ko sa online na new design ng Jordan..." Excitement was evident in his eyes. Lumapit siya sa akin dala ang dalawang bagong kahon na hindi pa nabubuksan.

"Iyan ba 'yong sinasabi mo sa 'kin last month?"

"Yes po, baby! Kaso hindi ako nakabili kasi naubusan ako ng stock, naalala mo?"

I weakly nodded my head, uninterested. "Magkano naman ang bili mo diyan? Baka naman naubos na ang pera mo-"

"Don't worry, hindi naman po naubos... pero medyo masakit lang sa bulsa." He shyly held his nape, laughing. "Sa susunod na araw naman ay dadating na 'yong gaming chair ko!"

Hindi ako nakasagot. Nang tumalikod siya para simpanin ang mga nakakalat sa sahig ay saka lang ako napapikit nang mariin at napahilot sa sentido ko.

Kung may mga katangian akong gusto sa kaniya, mayroon ding ayaw ako... at iyon ay ang pagiging magastos niya. He's the youngest, I get it. He's rich, I get it too, pero ewan ko ba kung bakit naiirita ako sa tuwing gumagastos siya nang malaki sa mga bagay na kung tutuusin ay hindi naman niya talagang kailangan. Kagaya nang sapatos na inorder niya, kakabili lang niya last month sa mall tapos ngayon ay bumili na naman siya. Idagdag pa 'yong gaming chair! Niregaluhan siya ni Tito noong last year, kung tutuusin nga maayos na maayos pa iyon at mukhang bago pa rin kaya bakit bumili na naman siya?

Hindi ko naman siya mapagsabihan dahil tiyak mamasamain niya at sa away lang mauuwi iyon. Gusto ko lang sanang ipaunawa ang mga bagay-bagay. Madali lang ang magwaldas ng pera lalo na kung hindi mo pinaghirapan.

"Anong gusto mong panuorin, tol? Horror? Action? Ay ito na lang romance!" masayang aniya habang abala sa pamimili ng papanuorin sa Netflix.

Ako nama'y tahimik na nakasandal lang sa headboard ng kama at pinapanood ang bawat galaw niya. Hanggang sa magsimula at dumating na sa kalagitnaan ang pinapanood namin ay nanatili akong walang kibo. Panay ang paglalambing at paghalik niya sa kung saan-saang parte ng mukha ko pero wala talaga akong binibigay ni isang reaksyon sa kaniya.

"Are you okay?" he whispered to my ears. "Galit ka ba sa 'kin kasi gumastos na naman ako nang malaki?"

Bahagya akong suminghap atnanigas sa kinauupan ko nang maramdaman ang mainit nitong hininga sa leeg ko.Nagdudulot iyon ng kakaibang kiliti sa sistema ko. Dahan-dahan ko siyangnilingon. Mariin ang ginawa kong pagtitig sa mga mata niya and the next thing Iknew, beads of sweat were forming in our forehead while exchanging fiery kisses.We were both lost as we took off our clothes in instant. In just ine snap, we were both panting as our moans echoed in the four corners of his room.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro