Kabanata 19
Wala ako sa sariling lumabas ng campus. Hindi na ako muli pang bumalik sa classroom. Para saan pa, 'di ba?
Nagpatianod na lamang ako kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Ayaw kong umuwi. Ayaw kong magpakita sa kahit na sino dahil hindi ko alam kung anong mukha pa ba ang ihaharap ko kay Nanay. Hindi ko alam kung paano ko ipagtatapat sa kaniya na ang panganay niyang anak na inaasahag mag-aahon sa hirap ay isang talunan, bobo, at walang kwenta. Na kahit pagdating sa pag-aaral ay pumalpak pa.
Sa huli ay natagpuan ko ang aking sarili sa parke. Nakaupo ako sa bench na gawa sa bakal. Tulala at wala sa sarili. Lumilipad ang utak. Walang pakialam sa paligid. Tila ba mayroong malaking bagay na nakapatong sa aking dibdib sa sobrang bigat noon. Na sa sobrang bigat ay nararamdaman ko ang unti-unting panghihina ng aking sistema.
Mabigat... pero ni isang luha'y walang pumapatak sa aking mata. Nakaka-frustrate... pero ni ibuka ang bibig para sumigaw ay hindi ko magawa.
Nadidismaya ako sa aking sarili. Alam at aminado akong napabayaan ko talaga ang pag-aaral. Madalas akong umabsent at sa tuwing papasok ay palagi kong nakakatulugan ang lectures ng mga professors kaya naman pagdating sa mga gawain ay madalas din akong hindi pumasa at hindi rin ako nakapag-take ng final exams na naging malaking epekto sa grado ko.
Nilibot ko ang tingin sa buhay na buhay na paligid. Nagkalat ang mga tao lalo na ang mga estudyante. Maraming dumadaan na sasakyan na sinasabayan ng malalakas na busina. Lahat ng napapasadahan ko ng tingin ay abala sa kani-kaniyang ginagawa. Masaya. May ibang naglalaro ng sipa, naglalakad habang tumatawa, may iba naman na nakaupo lang at masayang nakikipagkwentuhan sa kanilang kasama...
I smiled painfully in my mind. Bitterness spread like a wildfire all over my system. A thousand of questions bugging into my mind. Why? Why can't I just be happy like them... like other people? Bakit parang ang dali sa iba na maging masaya? Hindi ba puwedeng ako rin?
Hindi ba puwedeng maranasan ko rin kahit minsan na tumawa nang totoo at walang halong pagpapanggap?
Hindi ba puwedeng kahit isang araw lang... kahit isang araw lang ay magkaroon ako ng pahinga sa lahat ng bagay? Iyong tipong gigising ako na walang pangamba, na walang pag-aalala.
Kahit isang araw lang. Kahit saglit lang.
Suminghot ako at tumingala sa madilim at mabigat na kalangitan. Sumilay ang mapait na ngiti sa labi ko habang namumungay ang mga mata.
Kung ganito lang din pala kahirap ang buhay ko, sana hindi na lang isinilang dito sa mundo. Kung alam ko lang na nakakapagod pala, sana hinayaan mo na lang diyan ako sa piling Mo...
Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatili sa parke. Inabot na ako ng dilim at kung hindi ko pa naramdaman ang malalaking patak ng ulan sa aking balat ay hindi pa matitigil ang paglipad ng isip ko sa maraming bagay.
Kinapa ko ang aking cellphone sa bulsa upang tumingin ng oras ngunit ang hindi ko inaasahan na bubungad sa akin ay ang mga napakaraming mensahe at tawag mula sa mga kaibigan ko, sa kapatid ko at kay Reyster. Isa-isa kong binasa ang mga mensahe nila. Ang halos ay puro pagtatanong kung nasaan ako ngunit isang mensahe ang pumukaw sa atensyon ko.
Nahigit ko ang aking paghinga nang mabasa ang texts ni Eunice at Reyster sa akin. Kanina pa itong alas-tres ng hapon. Alas-siyete na ngayon! Napatayo ako sa gulat kasabay ng pag-awang ng aking labi. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad akong pumara ng tricycle.
"Sa MMG hospital po..." natataranta kong usal sa tricycle driver.
Batid kong bakas sa pagmumukha ko ang pag-aalala kaya naman halos paliparin ng driver ang minamaneho niyang sasakyan. Mahigpit ang hawak ko sa aking bag pack. Kagat ang pang-ibabang labi upang pigilan ang panginginig. Tahimik at taimtim na nanalangin na sana'y walang malubhang nangyari sa aking ina.
"Eunice—"
Isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin mula sa aking kapatid pagkarating na pagkarating ko sa hospital. Tinatahak ko pa lang ang tahimik na corridor ay natatanaw ko na siyang papalapit sa akin ngunit hindi ko inaasahan na ganitong klaseng pagbati pala ang matatanggap ko mula sa kaniya.
"Saan ka ba galing ha?! Bakit ngayon ka lang?! Kanina pa ako tumatawag at nagte-text sa 'yo! Halos mamatay na kami sa pag-aalala kay Nanay tapos ikaw h-hindi ka man lang mahagilap?!" Mabilis ang pagtaas-baba ng kaniyang dibdib. Dumagundong sa buong paligid ang malakas niyang sigaw.
"E-Eunice... sorry. N-Ngayon ko lang nabasa. Sorry... ngayon lang si Ate—" bahagyang pumiyok ang aking boses habang sinusubukan siyang hawakan ngunit panay naman ang layo at pag-iwas niya sa akin.
"Ate?" Eunice scoffed and looked at me with disbelief. Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago pagak na tumawa. "Wala... wala akong kapatid na kagaya mo. Ang kapal kapal naman ng mukha mong sabihin 'yan? Ni kahit kailan nga hindi ko naramdaman na nagpa-Ate ka sa amin..."
Umawang ang labi ko. Nagpantig ang tainga ko sa narinig ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Tila ilang libong karayom ang tumutusok sa aking dibdib. Mariin akong umiling sa kaniya at pinilit na ibahin ang usapan. Masiyado na akong pagod para makipagtalo pa.
Huwag muna ngayon. Huwag muna sana ngayon. Ang gusto ko lang malaman ay ang kalagayan ni Nanay...
"K-Kumusta si Nanay? O-Okay na—"
At muli, sa pangangatlong pagkakataon ay pinutol na naman niya ako.
"Okay na siya! Mabuti na lang at dumating si Kuya Reyster para tulungan kaming dalhin si Nanay sa hospital. Akalain mo 'yon, isang tawag lang namin sa kaniya ay dumating siya agad? Hindi kagaya mo..."
"Please, Eunice..." Mariin kong pinikit ang aking mga mata. "I'm sorry. Sorry kung hindi kaagad ako dumating. Sorry." Sinubukan ko ulit na hawakan ang mga kamay niya ngunit kagaya noong una ay muli na naman siyang umiwas.
"Wala nang magagawa 'yang sorry mo. Nangyari na at hindi na no'n mababago ang katotohanang wala kang kwentang kapatid! Masiyado kang sakim at puro sarili mo na lang palagi ang iniisip mo! Ni kahit kailan hindi mo naman kami inisip!"
"H-Hindi totoo 'yan." I gritted my teeth while shaking my head absurdly.
"Iyon ang totoo..." She threw me a dagger look and pointed me using her index finger. "Alam mo... alam mo minsan naiisip ko na sana hindi na lang ikaw ang naging kapatid ko. Sana hindi na lang ikaw ang naging kapatid namin. H-Hindi moa lam kung ilang beses kong hiniling na sana... na sana si Kuya Reyster na lang."
My jaw clenched as my tears welling up in eyes.
"T-Tama na," nagmamakaawang pakiusap ko sa kaniya ngunit na imbis na pakinggan ko ay isang umiling lang siya at nagpatuloy.
"Kasi si Kuya Reyster, nandiyan siya palagi para sa amin. Palagi niya kaming naiisip at hindi siya nagsasawang ibigay sa amin 'yong mga kagustuhan at pangangailangan namin," dagdag pa niya.
"Tingnan mo nga si Nanay. Tingnan mo nga kung nasaan siya ngayon! Kasalanan mo 'yon! Naaawa na siya sa 'yo kaya palihim siyang nagtra-tarabaho kapag wala ka para lang may pandagdag na pera para sa mga gastusin natin. Ang mahigpit na payo pa naman ng doctor, huwag na huwag natin siyang hahayaang mapagod. Tingnan mo nga ang nangyari! Nanikip ang dibdib niya sa sobrang pagod at nabanog pa ang ulo sa CR!"
"Kung maayos mo lang sanang ginagampanan ang pagiging pangay mo at kung hindi ka lang makasarili—"
"Kahit kailan hindi ako naging makasarili, Eunice." I gathered all my strength to speak up.
Hindi na tama. Masiyado nang masakit. Masiyado nang mabigat sa dibdib. Alam kong hindi ito ang tamang pagkakataon para rito pero kasi hindi ko na rin kaya.
Alam ko sa sarili ko na kung anumang salitang mabibitawan ko ngayon ay maaari kong pagsisihan bukas, pero hindi bale na. Bahala na.
I grasped for some air. Pakiramdam ko kasi ay anumang oras ay sasabog na ang dibdib ko kaya imbis na tingnan siya ay unti-unti akong nagbaba ng tingin sa malamig na semento.
"Simula pa man noon ay hindi ko na kayo pinabayaan..." My voice started shaking. "Sinakripisyo ko ang pangarap ko para sa mga pangarap niyo. Nagkakanda-kuba ako sa pagtra-trabaho para lang makatulong kay Nanay, para lang mapunan lahat ng mga pangangailan niyo. E-Eunice, lahat nang ginagawa ko ay para sa inyo..."
I let out a deadpan laughed while reminiscing all the things I've done and sacrificed.
"Tiniis ko lahat ng hirap, pagpupuyat at pagod para sa inyo. Wala kayong narinig na reklamo mula sa akin. Kahit nahihirapan na 'ko, hindi pa rin ako humingi ng tulong kahit kanino... k-kasi umaasa ako na kahit isang beses lang... kahit isang beses lang mapansin niyo man lang lahat ng paghihirap ko..."
My eyes grew hotter and hotter as I speak. The tears welling so quickly and impossible to blink them away. I choke on a small but audible sob. "Alam mo ba noong nagkasakit si Nanay, pakiramdam ko'y pumalpak ako bilang anak kasi hindi ko siya naalagaang mabuti. Noong nabuntis ka, pakiramdam ko'y pumalpak ako bilang kapatid... bilang Ate kasi hindi kita nagabayan."
At ngayong nawala na rin ang pag-aaral ko, pakiramdam ko'y pumapalpak ako bilang ako.
"A-Ate..." Bumagsak ang kaniyang balikat kasabay ng sunud-sunod na pag-iling.
"Ilang beses akong napagod. Ilang beses kong naisip na sumuko pero sa tuwing nakikita ko kayo... nagkakaroon ako ng rason para ipagpatuloy ang laban... kahit gustong-gusto ko nang bumitaw, hindi ko magawa. Hindi ko ginawa, Eunice."
"Mahal na mahal ko kasi kayo, eh." Pagak akong natawa at pinunasan ang mga luhang patuloy pa rin na lumalandas sa aking basang-basa na pisngi. "Ang sakit-sakit lang na matawag kang makasarili ng mga taong palagi mong inuuna. Ang sakit-sakit lang na habang araw-araw ko kayong pinipili, araw-araw n'yo ring pinagdarasal na sana hindi na lang ako naging bahagi ng pamilyang 'to... ang sakit-sakit na kahit anong paghihirap ang gawin mo, hindi ka napapansin. Hindi ka nakikita..."
"Nakakapagod kayong mahalin..."
Umawang ang labi niya kasabay ng mga sunud-sunod na pag-iling. Sinubukan niyang humakbang papalapit sa akin at hinagilap ang mga kamay ko ngunit umatras ako papalayo sa kaniya na para bang mapapaso ako kapag nagdikit ang balat namin.
"Ubos na ubos na ako at kung magkakaroon man ng tiyansa na magpalit ng kapatid, gagawin ko..." Iyon ang pinaka-huling salita na binitawan ko bago siya tuluyang talikuran at maglakad palabas ng hospital.
Pinagtitinginan kami ng mga tao ngunit masiyado nang mabigat ang dibdib ko para magkaroon pa ng pakialam sa kanila. Nakasalubong pa si Reyster na ngayo'y papasok sa hospital. May hawak itong supot ng pagkain at bag pack na marahil ay naglalaman ng mga damit.
Nalaglag ang panga niya at natigilan nang makita ako. "M-Mahal? Anong nangyari? Napuntahan mo na ba si—"
Hindi ko siya pinansin at dire-diretso lang ang pagma-martsa ko palabas ng hospital. Mariin akong pumikit sa inis, galit, at panggigigil nang sundan niya ako't hinawakan pa ang isang braso ko para pigilan ako sa paglalakad.
"S-Sandali... a-ano bang nangyayari? Bakit ka umiiyak—"
"Utang na loob, bitawan mo ako," mariin at puno ng pagbabantang saad ko. Nanatili akong nakatalikod sa kaniya ngunit imbis na pakinggan ako ay unti-unting dumausdos ang kamay niyang nasa aking braso pababa sa aking kamay.
Pilit niya iyong pinagsalikop. "Hindi..." tugon niya sa matigas na boses. "Hindi ka aalis. Madilim na at masiyado nang malamig sa labas. Baka kung mapaano at magkasakit ka pa. Halika na, bumalik na tay—"
"Tang ina naman, Reyster! Hindi mo ba talaga ako titigilan?! Hindi ka marunong umintindi ng salitang ayaw ko ngang bumalik sa loob? Ayaw ko nang may kasama at gusto kong mapag-isa!" Buong pwersa kong inagaw ang kamay ko mula sa kaniya.
He was taken aback with my sudden outburst. Bumalatay ang takot, sakit, at maging emosyon na hindi ko mapangalanan.
"Putangina... hanggang kailan mo ba balak manghimasok sa buhay ko? Sa pamilya ko? Bakit ba kahit saan ikaw na lang palagi ang bida? Ikaw ang palaging paborito? Ikaw ang palaging gusto? Ikaw na kahit walang ginagawa, mahal na mahal pa rin ng mga taong nasa paligid mo... pati na rin ng mga kapatid ko?"
"E-Eloisa..." Pumungay ang mga mata niya at mariing umiling sa akin bilang hindi pagsang-ayon. "H-Halika na, bumalik na tayo sa loob. Sige na, mahal..." Muli niya akong sinubukang hawakan nang buong pag-iingat ngunit humakbang ako paatras. Paatras sa kaniya.
"Ayaw ko na," mahina kong saad ngunit sapat na para marinig niya. "Itigil na natin 'to."
"Mahal, ano ba? A-Ano bang sinasabi mo..." Nanginig ang kaniyang boses.
Mapait akong umiling at tumingala sa kalangitan. "Pagod na akong makipag-kompetensya sa 'yo. Pagod na akong makumpara... baka sakaling kapag tinapos ko 'to, baka kapag nawala ka na sa buhay ko, makita na rin nila ang halaga ko."
Iyon ang naging huling pag-uusap naming dalawa noong araw na iyon. Paulit-ulit na nag-re-replay sa utak ko ang mukha ni Reyster na punung-puno ng sakit, takot, at pagkabigla noong gabing iyon. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na makapagsalita pa at agad na siyang tinalikuran.
Pero kahit na ganoon ay hindi pa rin niya ako tinigilan. Sa loob ng isang linggo ay panay ang pagtawag at pagtext niya sa akin kagaya pa rin nang dati. Nagpapaalala na kumain na ako, na huwag akong magpapalipas ng gutom, mag-iingat ako palagi, at nagkwe-kwento pa rin siya ng mga pangyayari at rants niya sa loob ng isang araw ngunit ni isa ay wala siyang nahita na sagot mula sa akin.
Inabala ko ang sarili sa pagtra-trabaho at pagkuha ng samu't saring racket. Si Nanay ay kasalukuyan pa ring nasa hospital. Nagpapagaling at patuloy na inoobserbahan. Okay na naman ang kalagayan niya ngunit may mga result ng tests pa kaming hinihintay kaya hindi pa siya pinapayagang umuwi ng doctor.
Dumadalaw ako sa kaniya tuwing gabi. Kapag alam kong wala na sina Eunice doon. Siya kasi ang nagbabantay kay Nanay sa umaga dahil hindi siya puwedeng magpuyat sa gabi. Si Jolo at Kanto teens naman ay pinakisuyuan kong pansamantala munang mag-asikaso at mag-alaga kina Albert at Marie. At kapag sumapit na ang gabi ay si Jolo naman ang magbabantay kay Nanay hanggang sa dumating ako mula sa trabaho.
"Kumusta nga pala ang pag-aaral mo, anak?"
Natigilan ako sa pagbabalat ng mangga at nilingon si Nanay na kasalukuyang inaalalayan ngayon ni Jolo sa pagkain ng hapunan.
"O-Okay naman po, Nay."
Tumikhim ako't binasa ang aking pang-ibabang labi. Nagpalitan pa kami ng makahulugang tingin ng pinsan ko. Ang mga mata ko'y nagsusumamo ng tulong pero ang loko ay nginusuan lang ako at pasimpleng kumagat sa ulam na dapat ay para kay Nanay.
"Ano ba 'yan!" Nalukot ang mukha ni Jolo habang nakaturo sa pagkain. "Kapag ako talaga'y yumaman, mag-do-donate ako ng betsin, asin, at magic sarap sa lahat ng hospital! Nginang 'yan, napakamahal ng bayad ng stay dito tapos palaging walang lasa ang pagkain!"
Napairap ako at binato sa kaniya ang peeler na hawak ko. "Gago ka ba? Baka nakakalimutan mong nasa hospital ka at wala sa hotel,"
Panay ang pagtatalo at pag-aasaran namin ni Jolo. Kung hindi lang kami sinaway ni Nanay ay hindi pa kami matitigil sa pagbabangayan.
"Cousin of the world, pumunta nga pala si Reyster dito kanina—ay sa katunayan araw-araw naman na nandito 'yon," ani Jolo habang bumibili kami ng kape sa vendo machine.
"Oh? A-Ano namang ginagawa niya ro'n?"
Nagkibit balikat siya at lumabi. "Dinandalaw si Tita tapos maya't mayang nagtatanong tungkol sa 'yo..."
Tumango ako. Nanatiling walang kibo kahit dama ko ang paninikip ng aking dibdib. Gustong-gusto ko siyang makita. Aaminin ko na nitong nagdaang araw ay para bang may kulang sa akin... pero sa tuwing nakikita ko siya'y mas nangingibabaw ang inggit na nararamdaman ko.
Totoong wala sa kaniya ang problema. Wala sa relasyon namin. Nasa akin. Kaya hangga't maaari ay pansamantala ko munang iiwasan na magkrus ang landas namin. Masiyado pa akong maraming iniisip. Masiyado pa akong naguguluhan sa lahat.
Mali itong inggit na nararamdaman ko sa kaniya kaya dapat hangga't maaga pa ay agad ko nang mapigilan.
"Sana ko kukuha ng ganito kalaking pera?" bulong ko sa aking sarili habang nakatitig sa hawak kong bill.
Minasahe ko ang aking sentido. Kasunod kong tiningnan ang laman ng savings ko at mas lalo akong nadismaya nang makita na kulang na kulang pa ang laman no'n. Hindi sapat para pambayad sa malaking bill ng hospital.
"Uh... ang sabi ng doctor kanina ay hindi natin mailalabas si Nanay sa Linggo kapag hindi natin 'yan nabayaran..." alanganing saad pa ni Eunice.
Dala ng pagod at antok ay bahagyang namumungay na ang mga mata ko. Dumako ang tingin ko kay Nanay na mahimbing na natutulog sa hospital bed. Napabuntong-hininga ako't umiling.
"At saka nga pala, Ate... uh, may check-up ako next week. Kailangan ko ng pambayad tapos kahapon naman pumunta 'yong may-ari ng bahay sa atin, naniningil na ng renta..."
Mas lalong tumindi ang pagkirot ng ulo ko sa narinig. Wala man lang bang konsiderasyon ang landlady na 'yon? Alam naman niya siguro na nasa hospital ngayon si Nanay. Magbabayad naman ako, eh. Hindi ko naman siya tatakbuhan... pero sana kaunting konsiderasyon o awa man lang.
"P-Pero puwede ko namang ipagpaliban ang check-up. Alam ko namang gipit tayo ngayon—"
"Hindi." I shook my head firmly. "Ituloy mo ang check-up. Mahalaga 'yan. Gagawa ako ng paraan." Tinupi ko ang papel na hawak ko at isinilid iyon sa bag pack.
Tumayo na ako para magpaalam. Umaga na at may pasok pa ako sa trabaho mamayang alas-otso. Humalik ako sa noo ni Nanay, marahan na dampi lang iyon. Sinisikap na huwag itong magising.
"Ikaw na muna ang bahala kay Nanay. Tawagin mo si Jolo o si Kuya Reyster mo kapag may kailangan ka. Baka ilang araw akong mawala pero babalik ako sa Linggo," malamig kong wika, hindi pa rin siya tinitingnan.
Mula sa peripheral vision ay kitang-kita ko ang pagkunot ng noo nito. "Saan ka pupunta, Ate?"
Nag-tiim bagang ako at naglakad na patungo sa pinto. "Basta gawin mo na lang ang sinasabi ko. Mag-iingat kayo."
Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at tuluyan na akong lumabas ng silid. Bahagya pa akong natigilan nang magtagpo ang mga mata namin ni Reyster. Agad akong umiwas.
"Mahal..." anas siya.
Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko sa balikat at mabilis na tinahak ang daan palabas ng gusali. Nang masiguro kong nakalayo na ako ay saka lamang ako nakahinga nang maluwag.
Mariin kong pinikit ang mga mata. Pilit na nilulunok ang matinding nakabara sa aking lalamunan bago nanginginig na dinukot ang cellphone ko mula sa bulsa.
Isang tao lang ang naiisip kong maaaring makatulong sa akin ngayon. Isang tao lang ang pumasok sa isip ko na makakatulong sa akin upang makakuha ako ng sapat na pera sa madali at mabilis na paraan.
Kinuha ko ang calling card sa aking bulsa at tinipa sa cellphone ang numerong nakalatag doon. At hindi naman ako nabigo dahil wala pang dalawang ring ay sinagot na niya ito.
"Hello? Sino 'to?" Ang matinis niyang boses ang bumungad mula sa kabilang linya.
"A-Aling Marites?"
"Eloisa?" gulat niyang tanong. "Ikaw ba 'to?"
I heaved a deep sigh as I clenched my fists. "Ako nga 'to... A-Aling Marites, kailangan ko ng tulong. Tinatanggap ko na 'yong trabaho na inaalok mo sa 'kin."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro