Kabanata 18
Dismayado. Iyan ang emosyong pinaka-nangibabaw nang sabihin ni Eunice na buntis siya. Noong umalis siya at nalaman namin na sumama ito sa kaniyang boyfriend ay naisip na namin ang posibilidad na iyon... pero hindi ko naisip na gano'n pala kasikip sa dibdib, mahirap pala kapag kaharap mo na mismo.
Masakit pero wala na kaming magagawa pa kundi tanggapin na lang ang lahat. Isinugod pa namin noon si Nanay sa hospital dahil nanikip ang dibdib nito nang ipagtapat ni Eunice sa kaniya na nagdadalang-tao siya.
Isa't kalahating araw lang siya na-confine at nang masigurong ayos na ay pinalabas na siya agad. Marami lang ibinilin ang doctor at nagdagdag pa ito ng gamot na maintenance.
Samantalang sa kabilang banda ay kinausap ko si Eunice nang masinsinan. Sinabi ko sa kaniya na hindi ko i-to-tolerate ang pagkakamaling nagawa niya. Tutulungan ko siya sa pagbubuntis niya. Sasagutin ko ang check-ups at iba pang pangangailan pero kapag pagkatapos niyang manganak at okay na ulit siya ay hindi ko na siya tutulungan pa.
Aalayaan ko pa rin naman siya sa pag-aalaga ng bata pero hahayaan ko siyang humanap ng paraan kung paano niya bubuhayin ang kaniyang anak.
Sa totoo lang ay naaawa ako sa kaniya. Nasasaktan. Nahihirapan... pero hindi ko puwedeng kunsintihin. Kailangan niyang harapin ang consequence ng kaniyang desisyon. Kailangan niyang matutong tumayo gamit ang sarili niyang mga paa... hindi na lang para sa sarili niya kundi pati na rin sa magiging anak niya.
Masiyado nang mabigat ang mga pasanin ko at hindi ko na kaya kung madagdagan pa.
"Mabuti naman at pumasok ka na. Ilang linggo kang nawala ah..." komento ni Trisha nang tahimik akong umupo sa tabi niya.
"Tatlong linggo lang naman. Sa madaling salita, tatlong linggo ka lang hindi nakakita ng maganda..."
Umismid siya. "Ang kapal ng mukha mo. Ngayon ka nga lang pumasok, puro kayabangan ka pa!" asik niya na ikinatawa ko.
Mula naman sa laptop ay nag-angat ng tingin sa akin si Shaeynna. Nang magtama ang mga mata namin ay malungkot niya akong nginitian. Nagsusumigaw ng awa ang paraan ng pagtitig niya sa akin kaya agad kong iniwas ang aking mga mata.
Hindi ko kailangan ng awa ng kahit na sino.
Pagod kong isinandal ang likod ko sa sandalan ng upuan at ipinikit ang mga mata. Ramdam ko ang bigat at pagod ng katawan ko. Kinailangan ko kasing humanap ng pera para sa check-up ni Eunice sa OB-Gyne, pambili ng vitamins niya at maintenance ni Nanay, pambayad sa renta at iba pang gastusin sa bahay.
Madalas ay dalawang oras lang ang pahinga ko sa isang araw dahil pagdating sa bahay ay ako pa rin ang gumagawa ng mga gawain. Naglalaba, nagluluto, pati na rin ang pag-aasikaso sa mga kapatid. Hindi ko na masiyadong pinapakilos pa si Nanay kagaya ng payo sa amin ng doctor na iwasan daw ang pagpapagod. Si Eunice naman ay gano'n din. Limitado lang ang kaya niyang gawin.
"In fairness, ang swerte mo kay Reyster..." saad ni Shaeynna habang kumakain kami ng lunch sa canteen. "Willing ka talaga niyang tulungan pero ikaw lang 'tong may ayaw."
Sumimsim si Kean sa iniinom niyang juice bago nagsalita. "Oo nga. Bakit nga bang ayaw mong humingi ng tulong dyan sa boyfriend mo? Kung tutuusin, kayang kaya ka noong tulungan." He then pointed my eyes. "Tingnan mo nga 'yang eyebags mo, oh! Mas mabigat pa yata sa shoulder bag ni Shae!"
Nalukot ang mukha ni Shaeynna at hinampas sa braso ang boyfriend niya. "Ang harsh mo naman sa kaibigan ko!"
Sumilay ang maliit na ngisi sa labi ko habang pinapanood silang mag-asaran. Bigla ko tuloy na-miss si Reyster. Ilang araw na kaming hindi nagkikita dahil pareho kaming maraming ginagawa. Sa kasalukuyan kasi ay abala rin siya sa training.
Kagabi nga ay nagsend pa siya ng selfie at rants sa akin. Nagrereklamo dahil ang laki na raw ng initim ng balat niya dahil maghapon silang nakabilad sa araw. Sayang naman daw 'yong skincare na ginagamit niya. Ewan ko ro'n. Tinalo pa ako na babae sa dami ng reklamo.
Winaksi ko ang iniisip ko nang magsalita si Trisha.
"Elo, huwag mong masamain ang mga sinasabi namin, ha?" Gumapang ang kamay nito sa aking likuran at marahang hinagod iyon. "Kaibigan mo kami at concern lang naman kami sa 'yo. Baka mamaya'y sa sobrang pag-aalaga mo sa pamilya mo ay sarili mo na pala ang inaabuso mo..."
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga bago dahan-dahang tumango. "Okay lang naman ako... promise. At saka isa pa, ayaw ko naman kayong abalahin pa. May sarili kayong buhay at may sarili rin kayong problema—"
"Oh well, that's bullshit..." Kean cut me off. He wet his lips and threw me a dagger look. May balak pa yata siyang sabihin ngunit siniko siya si Shaeynna at pinandilatan ng mata.
"Huwag ninyong pilitin 'yong tao..."
Napalingon kami kay Terrence na parang kabuteng bigla na lang sumulpot. Mula sa hitsura niya ay halatang kagagaling lang sa training. May hawak itong tray ng pagkain at walang paalam na umupo sa bakanteng upuan sa tabi namin ni Trisha.
"Kahit anong tulong ang iabot ninyo sa isang tao, kung ayaw nila, huwag na lang pilitin. Staying beside her is enough. Help isn't all about money or anything. It can also be emotional support..." He stopped and gave me a soft smile.
"Hindi ka namin iiwan sa laban mo," he uttered then winked at me.
"Ulol! Palagi ka ngang wala!" Trisha fired back and glared at her.
Kumunot naman ang noo ni Terrence at pinasadahan ng tingin si Trisha. "Sino ka? Kaninong anak ka ba?" pang-aasar nito at dahil doon ay nagsimula na naman ang bangayan nila.
I just shook my head, laughing. At least kahit papaano'y gumagaan ang loob ko dahil sa kanila.
Ang mga sumunod na araw ay pabigat nang pabigat. Mga mga pagkakataon nga na gusto ko na lang maglaho na parang bula. Nagbabaka-sakali na kapag mawala ako'y matapos na rin ang lahat ng ito.
Nakakapagod. Nakakaubos. Nakakapanghina... pero wala akong karapatang magreklamo. Hindi ako puwedeng sumuko. Hindi ako puwedeng magpahinga dahil may mga taong umaasa.
"Eloisa, puwede ka bang makausap?"
Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa classroom ay hinarangan na ako ni Maria, isa sa mga ka-grupo ko sa thesis.
"Oh? Sige, ano ba 'yon?" tanong ko kahit may ideya ng mabubuo sa isipan ko.
Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako papunta sa pinakadulo ng corridor. Walang ibang tao, walang ibang nakakarinig kundi kaming dalawa lang.
Halata ang pag-aalinlangan sa kaniyang mukha. Hindi alam kung paano sisimulan. Nahihirapang ibuka ang bibig. "Kasi... uh..." She closed her eyes tightly and massage her temple.
Agad ko siyang tinapik sa braso. Tumawa pa ako nang matipid para masiguradong okay lang talaga.
She opened her eyes and wet her lips. "Kasi ano... nakausap namin si Sir Domiguez. Tinanong namin k-kung p-puwede kang tanggalin sa grupo..." humina ang kaniyang boses ngunit malinaw na malinaw iyon sa pandinig ko.
Nagbaba ito ng tingin. Iniiwasan na magtama ang mga mata namin. Marahil ay naiilang. Nakokonsensya. Pumintig ang dibdib ko sa hindi mawaring dahilan. Nabigla at pino-proseso ang sinabi ng kaharap kahit na noong una pa lang ay mayroon na akong ideya.
Matunog itong bumuntong-hininga at hinawakan ang isang kamay ko. "Pasensya na, Eloisa. Naiintindihan namin ang sitwasyon mo... pero sana'y maintindihan mo rin kami. Unfair sa part namin na kami lang ang nahihirapan at kami lang ang gumagawa..."
I nodded my head slowly. "A-Ano ka ba? Okay lang 'yon. Ako nga dapat ang humingi ng sorry sa inyo kasi wala man lang akong naitulong kahit isa. Naging pabigat ako."
Hindi okay. Mahalaga iyon para sa akin pero alam kong wala akong karapatang magalit. Mahalaga rin iyon sa kanila at hindi nga patas na wala man lang akong naiiambag kahit isa.
"No, no... it's just that—" She frustratedly sighed. "Basta kung gusto mong maging malinaw lahat, mas mabuti pang si Sir Dominguez na lang ang kausapin mo."
I nodded my head again for the last time. Our conversation ended with faint smile. Kagaya nga ng sinabi ay dumiretso ako sa faculty room para kausapin si Sir Dominguez, ang professor namin sa thesis, pero nasa may pinto pa lang ako ay sinabi na agad niya sa akin na busy siya at mas mabuti kung dumiretso na lang ako sa Dean's Office.
Wala akong nagawa kundi ang magpatianod sa utos niya. Dinadaga ang dibdib ko sa kaba habang papalapit sa opisina ng Dean. Ito ang unang beses na nakatapak ako rito. Nakakapanibago ngunit mas nangingibabaw ang kaba.
Lumikha ng tunog ang marahan kong pagbukas sa glass door. Bumungad sa akin si Dean na abala sa ginagawa. Tambak at nagkalat ang mga papel sa harapan niya ngunit nang maramdaman niya ang presensya ko ay unti-unti siyang nag-angat ng tingin sa akin.
"G-Good morning po, Mrs. Aguilar," I greeted her with my shaking voice.
Abot-langit ang tahip ng dibdib ko. Nanginginig ang tuhod at kahit mayroong aircon ay ramdam ko ang namumuong pawis sa aking noo. Hindi pa nakatulong ang pagbibigay niya sa akin ng maliit na ngiti.
"Good afternoon. You must be Ms. Ratio, right?" malamig at walang mababakas na emosyon doon.
Tumango ako at hinakbang ang paa nang sinenyasan niya akong pumasok sa loob at umupo sa upuang nasa harapan niya. Maganda at malawak ang opisina niya. Moderno ang disenyo ngunit hindi na ako nabigyan ng pagkakataon na pagtuonan ng pansin ang malilit na detalye.
Masinsinan niya akong kinausap. Tinanong tungkol sa mga bagay-bagay. Sa mga pinagdadaanan ko. Matagal bago niya sabihin ang tunay na pakay. Parang sasabog ang puso at utak ko sa nalaman. Patuloy siya sa pagsasalita, ang simpatya at awa ay mababakas sa mukha. Habang ako'y nakatulala at pilit na pino-proseso ang lahat.
Malabo. Sobrang labo... basta ang tanging malinaw lang ay mga katagang sinabi niya na paulit-ulit na nag-rereplay sa utak ko.
"Sorry but some your professors considered you as dropout student. Kitang kita naman sa record kung ilang activities, quizzes, at exams ang nalampasan mo. Puwede ka sanang bumawi sa attendance kaso..." Nakatulala lang ako sa mga records kong nakalatag sa table niya.
Basta ang alam ko lang, sa mga oras na ito ay gusto ko na lang tumakbo palayo. Hinihiling ko na sana'y bigla na lang akong maglaho kasi mukhang alam ko na kung saan ito patungo.
Hindi ako kumikibo. Pasimple ko pang kinurot ang sarili ko sa pagbabaka-sakali at patuloy na umaasa na nananaginip lang ako. Na baka isa lang 'tong napakalaking bangungot... pero hindi... hindi dahil hanggang makalabas ako ng kaniyang opisina ay dala-dala ko pa rin ang huling litanyang binitawan niya na literal na nagpayanig sa mundo ko...
"Sorry to inform you, Ms. Ratio, but you cannot enroll for the next semester."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro