Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 13

Totoo pala talaga iyong sinabi ni Rhys na siya na ang bahala sa lahat dahil literal na wala talaga akong ginawa sa activity namin na iyon.

Dalawang oras akong nakatunganga at pinapanood lang siya. We didn't talk. Ni hindi man lang nga n'ya ako binigyan ng kahit isang sulyap.

Hanggang sa nasundan pa ang mga activities na binibigay sa amin ay gano'n pa rin ang palagi n'yang sinasabi sa akin.

“Just stay and let me do the work,”

Kahit na magkaiba ang schedule namin dahil nga isa siyang irregular student. Gumagawa siya palagi ng paraan. Minsan ay ako ang nag-a-adjust, ngunit madalas ay siya talaga.

Well, kahit na gano'n ang ugali n'ya ay hindi ko itatanggi ang labis kong pasasalamat. Nang dahil sa kaniya ay naipasa ko ang subject na 'yon at maayos ko rin namang naitawid ang ibang subjects.

Hindi man kataasan ang grado ko, at least pasado.

The second semester was a torture for me. May mga araw na pumapasok akong walang tulog at kung minsan ay wala na rin akong oras para kumain.

Mahirap pagsabayin ang pag-aaral, pagtra-trabaho, pag-aalaga sa mga kapatid, at relasyon.

It was exhausting. It was suffocating. Pakiramdam ko'y pati paghinga para sa sarili ay hindi ko na magawa... but I can't give them up. Masiyadong mabigat ang responsibilidad ko ngunit ni isa ay wala akong maisip na bitawan sa mga iyon.

Good thing, Reyster understands how fucked up my situation right now. Nagkakasama pa rin naman kami kaso hindi na kagaya ng dati na halos araw-araw, pero napapanatili pa rin namin ang maganda at maayos na communication.

Just like a blink of an eye, I'm on my third year now. My schedule became more hectic and stressful kaya naman pinatigil na ako ni Nanay sa pag-tra-trabaho. Aniya'y dapat ay mas mag-focus na lang ako muna ako sa pag-aaral.

Kasalukuyan na ring nakakapag-aral ang mga kapatid ko maliban kay Eunice. Noon ay galit na galit siya sa amin dahil sa pagtigil n'ya tapos ngayon ay hindi na namin siya mapilit.

“Hindi ko na kailangang mag-aral. Mag-aasawa na lang ako,” pabalang n'yang sagot sa akin ngayong sinusubukan ulit namin siyang pilitin ni Nanay.

Tumalim ang tingin ko sa kaniya at inagaw ang sigarilyong hawak n'ya. Itinapon ko iyon sa sahig at tinapakan.

“Putangina naman! Ano bang problema n'yo?!”

Napasinghap si Nanay sa gulat ngunit agad ding nakabawi. “Huwag mo kaming murahin, Eunice. Kinakausap ka namin nang maayos.”

Eunice mocking laughed. Bahagya nitong itinagilid ang kaniyang ulo at naniningkit na pinasadahan kami ng tingin.

“Puwede bang tigilan n'yo ako? Ilang beses ko nang sinabi sa inyo na hindi na nga ako babalik sa pag-aaral. Ano bang hindi n'yo maintindihan doon–”

Nagtiim bagang ako at pinutol ang sinasabi n'ya. “Mag-aaral ka. Kailangan mong mag-aral sa ayaw at sa gusto mo...” malamig kong saad.

Wala akong ideya kung bakit habang tumatagal ay mas lalong lumalala ang pag-uugali nitong kapatid ko. Kung tutuusin ay siya nga itong pinakamatalino sa aming magkakapatid. Ni hindi siya nawala sa top and honor lists. Palagi siyang umuuwi na may awards, mapa-acads man o beauty pageant.

Ngunit simula nang mag-desisyon si Nanay na pansamantala muna silang tumigil sa pag-aaral ay doon na siya unti-unting nagbabago.

Nawalan na siya ng galang sa amin... lalo na sa akin. Natuto na rin siyang manigarilyo, uminom ng alak, at iba pang bisyo. At bali-balita rin dito sa lugar namin na may boyfriend na nga ito pero sa t'wing tinatanong naman namin siya ay wala kaming makuhang matinong sagot mula sa kaniya.

“Kung kailangan kong mag-aral, bakit n'yo ako pinatigil noon? Bakit n'yo kami pinatigil? Sana naisip n'yo iyan noon pa...” She laughed sarcastically. “Huwag n'yo nga akong gawing tanga.”

“Dahil wala nga tayong pera! Gaano ba ka-kitid ang utak mo para hindi 'yon maintidihan?! Napilay tayo simula no'ng makulong si Tito Aljon!Tumaas ang presyo ng mga bilihin at nagkanda-baon baon tayo sa utang–”

“At hindi ko na kasalanan 'yon. Hindi ko na problema 'yon!”

My jaw dropped because of her words. Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwalang tumitig sa kaniya.

I don't know what to feel. Gusto kong mainis at sampalin siya sa pagiging bastos n'ya pero gusto ko ring matawa.

Masiyado kang malayo sa katwiran, Eunice.

Binasa ko ang aking pang-ibabang labi at nang-uuyam siyang pinukulan ng tingin.

“Wala naman akong sinasabi na kasalanan mo at wala rin akong sinasabi na problemahin mo... dahil una sa lahat, kailan ka ba nagkaroon ng pakialam sa pamilyang ito?”

“Tama na, tama na! Huwag na kayong mag-away,” saway sa amin ni Nanay pero hindi namin siya pinakinggan.

“Puwede ba? Huwag ka ngang mayabang! Hindi porke't ikaw ang Ate, ikaw na ang palaging tama at ikaw na ang palaging masusunod!” she fired back.

“E'di huwag kang mag-aral! Siraan mo na lang 'yang buhay mo! Wala na akong pakialam sa 'yo!”

“Mga anak, please, tama na...”

“Talaga! At aalis na rin ako sa mala-impyernong bahay na ito, tutal nakakasawa na naman ang ganitong buhay! Kung bakit ba naman kasi sa dinami-rami ng pamilya sa mundo, sa inyo pa ako–”

"Eunice...”

She stopped when a familiar and cold voice called her. Mabilis ang pagtaas baba ng dibdib naming lahat nang lumingon kami sa pintuan. There, I saw Reyster with his stern look. Madilim ang mga mata nito at umiigting ang panga... malayong malayo sa Reyster na nakasanayan ko.

Diretso lang ang tingin nito sa kapatid kong tila natuod sa kinatatayuan at bakas ang pangangatog ng tuhod sa takot.

“K-Kuya...” Ang matapang nitong mukha at boses ay tila nalusaw at napalitan ng malambot.

“Don't you dare continue what you're saying. Bigyan mo naman kahit kaunting respeto ang Nanay at Ate mo.” Reyster remained stoic as he walked towards our direction. “Kung anuman ang sinasabi nila, para iyon sa 'yo at ikagaganda ng buhay mo. Kung wala kang matinong sasabihin, mas mabuting manahimik ka na lang.”

This is the first time I saw him like that. He's always playful and sweet whenever he's with my siblings... but now's different.

Mahina akong suminghap nang nagsimulang mangilid ang luha ni Eunice. Kinagat n'ya ang kaniyang pang-ibabang labi at nanghihinang iniyuko ang ulo.

“I'm sorry, Kuya Reyster,” anito at bago pa man makapagsalita ang isa sa amin ay tuluyan na itong tumakbo palabas ng bahay.

Akmang susundan siya ni Albert pero agad siyang pinigilan ni Reyster.

“Hayaan n'yo muna siya. Samahan mo na lang si Tita at Marie sa kusina. May dala akong pagkain, maghain ka na,” utos n'ya at walang pagda-dalawang isip na sumunod naman ang kapatid pati na rin si Nanay na hanggang ngayon ay tulala at nanginginig pa rin sa pinaghalong galit at takot.

I can't help to laugh bitterly in my mind. A pang of pain spread all over my system as I watch Albert, Nanay and Marie walk towards the kitchen. Kaming dalawa na lang ni Reyster ang naiwan dito sa salas.

Bakit kapag si Reyster ang nagsalita, ang bilis nilang sumunod? Ni wala akong narinig na reklamo, matatalim na salita, at pambabastos mula sa kanila... pero kapag ako, kulang na lang ay ipamukha nila sa akin kung gaano ako ka-walang kwentang kapatid. Bakit kapag sa akin ay nabibingi sila?

Ang daya. Ang daya-daya naman...

“Hey, are you okay?”

Ngayon ko lang napansin na nakalapit na pala si Reyster sa akin. Mula sa matigas at malamig na ekspresyon ay muli na itong bumalik sa nakasanayan ko. Matamang tingin ang ibinibigay nito sa akin gamit ang mapupungay n'yang mata.

His eyes were full of concern, tenderness, and something I couldn't name of.

Umiwas ako ng tingin.

“Okay lang...”

Matagal n'ya akong pinagmasdan, pilit na binabasa ang reaksyon ko ngunit bigo siya. Umigting ang panga n'ya at marahang hinawakan ang aking baba.

“Look at me,” he sofly commanded ngunit mas lalo akong naging matigas.

Imbis na maramdam ako ng gaan sa loob ay mas lalo lang itong bumibigat dahil sa presensya n'ya. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, itong nararamdaman ko...

“Ano bang ginagawa mo rito? Akala ko ba next week ka pa umuuwi?” malamig kong tanong. Ang mga mata ko'y nanatiling nakadikit sa pinto.

He looked stunned for a moment. Maybe he was offended with my question or the way I ask, I don't know. Agad din siyang nakabawi at sumilay ang malawak na ngiti sa labi.

“I just wanna surprise–”

I laughed mockingly at him.

“Kasama ba riyan sa surprise mo ang pakialaman at makisali na naman sa problema rito sa bahay?”

Hindi ko napigilan ang sarili kong itanong iyon. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig nang makita kung paano unti-unting naglaho ang ngiti n'ya sa labi at kung paano rumihistro ang sakit sa mapupungay n'yang mata.

Pati ang marahang pagtaas-baba ng Adam's apple n'ya ay hindi rin nakaligtas sa akin.

I closed my eyes tightly and massaged my forehead. Damn, bakit ko ba sinabi 'yon? Bakit hindi ko napigilan ang bunganga ko?

Minulat ko ang aking mga mata at pagod siyang tiningnan. Pareho kaming tahimik at ni isa ay walang nais magsalita. Sobrang na-gu-guilty ako pero hindi ko na mababawi iyong salitang binitawan ko.

Masiyado akong nagpadala sa emosyon ko... nakakahiya. Sobrang nakakahiya.

“I-I'm so–” I was about to say my apologies when his phone rang.

Kinuha n'ya ang cellphone sa bulsa ng kaniyang denim jeans at mabilis na lumabas ng bahay para sagutin ang tawag.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro