Kabanata 12
Si Reyster 'yong tipo ng tao na grabe kung magbuhos ng effort para sa mga taong mahal at mahalaga sa kaniya. He's good when it comes to expressing his feelings through words and actions. Hindi siya nahihiyang iparamdam at sabihin sa tao kung ano ang tunay n'yang nararamdaman.
Gano'n din naman siya pagdating sa ibang bagay na ginagawa n'ya. Binubuhos n'ya ang hundred percent na effort para sa huli ay wala siyang pagsisihan... Iyon ang ugaling pinaka-nagustuhan ko sa kaniya.
Everything went well after that little argument inside his car. Hindi rin naman natapos ang gabing iyon na hindi kami nagkakaayos. Halos isang buwan na rin nang mangyari iyon. Nagsisimula na ang klase n'ya at madalang na lang siya kung makauwi rito sa Lucban dahil sa puspusan nilang training at mga gawain.
Nililibang ko na nga lang ang sarili ko upang maiwasan ang matinding pagka-miss sa kaniya.
Malalim akong bumuntong-hininga at umayos ng upo nang dire-diretsong pumasok sa classroom ang Professor namin sa unang subject.
"Good morning. Hindi ako magtuturo today since mayroon kaming meeting na mga faculty members." She fixed her eyeglass while roaming around her eyes at the four corners of the room. "I just came here to announce some things..."
We all stayed quiet and listened to her attentively. Hindi ko alam kung matatawa o manlulumo ba kami nang i-announce n'ya na halos karamihan sa amin ay hindi pumasa sa first quiz. Ang highest ay si Shaeynna at Rhys. Si Trisha naman ay pasang-awa at ako naman ay bagsak talaga.
Halos mapairap ako sa kawalan nang sabihin pa sa amin ni Ma'am na mayroon na naman siyang iniwan na activities na ipapasa next meeting. Inanunsyo nito ang pangalan ng magpa-partners bago tuluyang magpaalam at lumabas ng silid.
"Ibig sabihin ba nito na 'yong binanggit kanina ni Ma'am na magpa-partner ay 'yon na ang gagamitin sa buong sem every activity?" walang ganang tanong ni Trisha.
Shaeynna nodded her head habang ako nama'y bahagyang natatawa sa nakasimangot na mukha ni Trisha.
"Bakit? Ayaw mo ba ro'n sa ka-partner mo?" I asked, dahilan para umikot ang mga mata n'ya.
She laughed sarcastically. "Obvious naman, 'di ba? Palagi kaya 'yong absent! Punyemas..."
Natawa kami dahilan para mas lalong malukot ang kaniyang mukha. Nang binigyan n'ya ako ng masamang tingin ay kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para pigilan ang pagtawa.
"Bakit, ikaw? Gusto mo ba 'yong ka-pares mo, huh? Kung makatawa ka d'yan!"
Doon na tuluyang nawala ang malawak na ngisi sa labi ko at ngayo'y para nang binagsakan ng semento ang mukha ko. Wala sa sarili kong sinulyapan si Rhys na abala sa binabasa n'yang Accounting book. Mukhang nag-a-advance reading pa nga ang loko.
"Ang malas ko naman talaga..." reklamo ko. Bakas ang pagkadismaya at pagkairita sa aking boses na ikinatawa naman ng mga kaibigan ko.
Nag-uuyam silang tumingin bago umayos ng upo dahil dumating na ang susunod na Professor namin.
It was already one in the afternoon when the class ended. Kumakalam na ang sikmura ko sa gutom kaya naman mabilis kong niligpit ang mga gamit ko at basta na lang isinilid sa bag.
"Sorry. Hindi ako sasabay ngayong lunch ha? May pupuntahan kami ni Kean..." Paghingi ng paumanhin ni Shaeynna.
"Ako rin. Sisimulan ko na 'yong activity na iniwan ni Ma'am kanina. Hindi na ako kakain ng lunch." She smiled at me and tapped my shoulder. "Sa library lang naman ako. Puntahan mo na lang ako ro'n."
"Sige." I sighed and watched them leave the room.
So ibig sabihin nito mag-isa lang akong mag-la-lunch ngayon. Wala namang kaso sa amin 'yon. Hindi naman kasi kami gano'n ka-dependent sa bawat isa. Iba't-iba pa rin kami ng mga priorities sa buhay at hindi naman ibig sabihin na magkakaibigan kami ay dapat palagi kaming magkakasama at nagkakausap.
Hindi ko naman roon nasusukat ang tunay na pagkakaibigan. Magkakaibigan kami. Magkakasama man o hindi, may komunikasyon man o wala.
Tamad kong isinukbit ang aking bag pack sa aking balikat at lumabas ng classroom. Ngunit agad akong napa-preno sa paglalakad at tila natuod sa kinatatayuan nang makita kung sino 'yong nakaabang sa labas ng classroom.
Walang emosyon itong nakasandal sa railings. Bahagyang nililipad ng hangin ang magulo n'yang buhok. Ang mga kamay niya'y nakapasok sa magkabilang bulsa ng kaniyang slacks.
Napalunok ako't luminga-linga sa corridor. Walang katao-tao sa paligid, marahil ay nagsisimula na muli ang klase.
"Bakit ang tagal mo?" iritang tanong ni Rhys na ikinalaglag ng panga ko.
Lumingon ako sa likod para masigurado kung ako ba ang kinakausap n'ya o hindi.
"Stupid. I'm talking to you... obviously." Tumuwid siya ng tayo at salubong pa rin ang kilay na humakbang papalapit sa akin. "Kanina pa ako naghihintay sa 'yo rito."
"A-Ako?" Gulat kong itinuro ang sarili ko.
He groaned and brushed his hair up frustratedly. "Tanga ka ba talaga? Kailan bang ulit-ulitin ko pa?"
I gritted my teeth. Nakaka-highblood talaga ang pag-uugali nitong lalaki na 'to! Minsan na nga lang siya magsalita o makipag-usap, masiyado pang matalas ang mga salita n'ya.
Instead of answering back, I just pursed my lips and sighed to calm myself.
"About our activity... hindi puwedeng ako lang ang gagawa no'n. Gusto kong matapos na rin 'yon ngayong araw para wala na akong isipin pa." He glanced at his wristwatch then went back his intense gaze to me. "Vacant tayo ng dalawang oras kaya gawin na natin."
"Saan ba tayo?"
"Library," tipid n'yang sagot at tumango ako.
"Kakain lang ako ng lunch. Susunod na lang ako—"
"I'll come with you..." aniya na ikinalaglag ng panga ko.
"A-Ano bang sinasabi mo?"
His brows lifted up while his face remained blank. "You clearly heard me. I don't like repeating words I've said."
"H-Huh?"
"I said I don't like repeating—"
"Oh, ba't mo inulit?" Nagpakawala ako ng malutong na tawa. Bago pa siya makapag-react ay nilampasan ko na siya at naglakad palayo sa kaniya.
I can feel the heavy and awkward atmosphere between me and Rhys. May mga bagay akong gustong itanong sa activity na gagawin namin pero hindi ko magawa dahil natatakot ako sa matalas na salitang lalabas sa bibig n'ya.
Nakaupo siya sa harapan ko at tahimik na kumakain—walang pakialam sa kung anumang nangyayari sa paligid n'ya—hindi rin naman kami nagtagal sa canteen dahil pagkatapos na pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa Library.
Sa first floor kami pumasok which is kung saan ay puro textbooks lang ang makikita. Sa second floor kasi ay magazines and newspaper habang sa third floor naman ng library ay theses section.
Sa may pinakadulong bahagi n'ya napiling pumuwesto at ako nama'y parang aso lang na sumusunod sa kaniya. Ipinatong n'ya ang bag sa table bago ako lampasan at tumungo sa bookshelves.
I laughed in disbelief while shaking my head. Padabog ko siyang sinundan at ipinagkrus ang mga braso ko sa dibdib. Tingnan mo kung gaano kahirap pakisamahan 'tong taong na ito! Ni hindi man lang sinasabi sa akin ang dapat kong gawin.
"Ano bang maitutulong ko sa activity natin?" mahinang tanong ko ngunit bakas doon ang pagkairita.
Malamig na sulyap lang ang binigay n'ya sa akin bago tumungo sa bookshelf kung nasaan ang mga Accounting at Business-Related na libro. Ni hindi man lang n'ya pinansin ang tanong ko, huh!
Tuluyan nang naputol ang mala-pisi kong pasensya sa kaniya. Mariin kong pinikit ang aking mga mata at hinilot ang aking sentido.
"Alam mo... kung hindi ka lang naman magsasalita ay aalis na lang ako. Tutal hindi mo naman sinasabi sa akin 'yong mga dapat kong gawin—"
"Stay," he uttered, almost a whisper but enough for me to hear. Nanatili pa rin sa libro ang kaniyang mga mata.
My mouth fell open.
"Just stay and let me do the work, Eloisa. Do you understand me, hmm?"
Mula sa libro ay nag-angat siya ng malamig na titig sa akin. His jaw clenched when our eyes locked.
"Now, go back to your fucking seat and wait for me there, because your goddamn presence is fucking distracting me..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro