Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 1

"Grabe talaga 'yong pa-surprise quiz ni Sir Dominguez sa Business Logic, nakakagulat! Hindi man lang tayo in-inform!" reklamo ni Trisha habang naglalakad kami paalis ng building.

"Tanga! Kaya nga surprise eh," sagot ko at inirapan siya. Kasunod ko namang nilingon si Shaeynna na nahuhuli na sa paglalakad kasi abala sa pagpipindot sa cellphone n'ya at malapit nang mapagkamalang baliw sa sobrang lawak ng ngiti sa labi.

Napailing na lamang ako at napakamot sa ulo. Kanino bang mga kaibigan 'to?

Katatapos lang ng panghuling klase namin. Kakaunti na rin ang mga estudyanteng naglalakad sa campus, ang karamihan ay nakatambay at ang ilan naman ay papasok pa lang sa night class nila.

Nag-aagaw na ang liwanag at dilim sa langit kaya naman nagmamadali na akong umuwi. May papasukan pa akong trabaho mamaya at kailangan ko ring makapagluto ng hapunan para sa mga kapatid ko dahil ang sabi sa akin ni Nanay kanina ay gagabihin siya nang sobra sa pag-uwi. Kailangan pa kasi niyang hintayin ang pagdating ng amo niya galing sa trabaho kaya naman ako muna ang mamamahala sa hapunan ng mga kapatid ko.

"Una na 'ko sa inyo," paalam ko sa kanila nang makarating kami sa main gate.

Mula sa cellphone ay nag-angat ng tingin sa akin si Shaeynna. "Hindi ka ba sasama sa amin, Elo? Magmo-movie marathon tayo kina Kean ah!"

"Oo nga! At saka gagawa tayo ng assignment sa Financial Market, 'di ba? Don't tell me hindi ka na naman sasama? Aba! Eloisa umayos ka, nagsisimula pa lang ang semester pero nanganganib ka na," panenermon naman sa akin ni Trisha kaya napakamot ako sa ulo.

"May trabaho kasi ako, at saka wala rin akong pera ngayon kaya nakakahiyang sumama," nahihiyang sagot ko.

"Eh ano naman? May pera o wala, kaibigan ka pa rin namin at saka presensya mo lang ang kailangan do'n..." Ngumuso si Shaeynna pero kalaunan ay tumango na rin. "Pero sige, naiintindihan ka naman namin. Ingat ka, huh?"

"Ingat ka, Elo. Kapag may kailangan ka, sabihin mo lang sa amin," dagdag pa ni Trisha.

Sumilay ang malaking ngisi ko sa labi bago sunud-sunod na tumango at naglakad palabas ng gate. Hindi man kami mayaman, ma-swerte naman ako pagdating sa mga mahal sa buhay at kaibigan. Never nagpakita ng awa para sa akin ang mga kaibigan ko. Alam kong malaki ang agwat ng antas ng pamumuhay ko sa kanila pero kahit kailan ay hindi nila pinaramdam sa akin 'yon.

Alam ko ring nanganganib talaga ang grades ko ngayong semester. Ewan ko ba, bukod sa pagiging abala ko sa trabaho ay hindi ko rin kasi talaga gusto ang course na kinuha ko. Ang totoong pangarap ko kasi talaga ay magsulat ng mga nobela, tula, at magkaroon ng sariling libro, pero sa estado ng buhay namin, alam kong malabong matupad ang pangarap kong iyon. Mas pinili ko ang kurso kung saan pagka-graduate ay magkakaroon ako ng magandang trabaho.

Kasi naman, aminin man o hindi ay hindi naman talaga madaling kumita sa pagiging isang manunulat. Bukod sa mababa ang tingin sa trabahong ito ng ibang tao rito, kapag wala kang naisulat, wala ka ring pera. Kaya naman mas pinili kong isantabi ang pangarap na iyon, kailangan kong maging praktikal para mabuhay ang pamilya ko.

"Tol!"

Natigilan ako sa paglalakad nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Luminga-linga ako sa paligid at napasimangot ako nang makita si Reyster na nakatambay sa tindahan ng kapatid ni Aling Marites kasama ang pinsan kong hunghang at apat na kaibigan nito.

Mabilis ang lakad ko patungo sa kaniya. Tila nakahinga siya nang maluwag nang salubungin n'ya ko. Kumapit siya sa braso ko na parang bata at saka nagtago sa likod ko.

"Hi, cousin of the world! Ang ganda mo ngayon, ah? Pautang naman, pang-yosi lang!"

Matalim na tingin ang ipinukol ko sa pinsan kong si Jolo pati na rin sa mga kaibigan nito na binati rin ako.

"Buti naman dumating ka na. Susunduin dapat kita sa school kaso hinarangan ako nitong pinsan mo at pinilit akong sumama sa kaniya," sumbong sa akin ni Reyster kaya naman agad kong ibinalik ang masamang tingin sa pinsan kong hunghang na ngayo'y nakaiwas na ng tingin sa akin.

Nilapitan ko siya at nanggigigil na kinurot sa tagiliran dahilan para mapaiktad ito. "Aray ko naman cousin of the world—"

"Tigil-tigilan mo 'ko sa mga pa-cousin cousin of the world mo, Jose Carlo! Sasamaan ka talaga sa 'kin!" Pinandilatan ko siya ng mga mata. Mula sa malokong mukha ay naging maamong tupa na ito. Tinuro ko ang mga kaibigan niya. "At kayo, ano na namang ginawa n'yo sa boyfriend ko? Ano na namang tinuro n'yong kalokohan?!"

"Inaalok nila akong sumama sa grupo nila, Tol," bulong sa akin ni Reyster mula sa likuran ko.

"Anong grupo?" taka kong tanong.

"A-Ano—uhm, n-nahihiya ako! Hindi ko kayang sabihin, ang sagwa kasi—"

"Hoy! Anong karapatan mong husgahan ang pangalan ng grupo namin ha?! Hindi 'yon masagwa! Ikaw... tatamaan ka na talaga sa 'kin!" Akmang susugurin ni Jolo si Reyster kaya agad ko itong pinigilan.

"Tumigil ka nga! Bakit? Ano bang pangalan ng grupo n'yo?"

"Kami lang naman ang Kanto Teens! Ang mga lalaking walang direksyon sa buhay at palaging nakatambay, ngunit huwag ka, dahil ang trabaho namin ay magbigay direksyon sa mga delivery boy at bumbay!" sigaw nilang lima na tila ba kinabisado talaga nilang mabuti ang linyang iyon.

Bahagya pa kaming napaatras ni Reyster dahil sa lakas ng boses nila, pati na rin ang ilang mga chismosang nakatambay sa labas ng bahay ay napalingon sa gawi namin.

"See? They're weird," mahinang komento ni Reyster at walang pagda-dalawang isip akong tumango.

"H'wag na h'wag ka nang sasama ulit sa mga 'yan!" bulong ko pabalik at sunud-sunod naman itong tumango.

Baguhan lang si Jolo sa lugar namin pero marami na kaagad siyang nahakot na mga kaibigan pati na rin kaaway. Mas matanda siya sa akin ng dalawang taon. Sayang nga kasi hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa kakulangan din sa pera. Mabait naman 'yon kaso nga lang ay may pagka-siraulo minsan.

Hindi na ako nagluto ng hapunan dahil nagdala pala si Reyster ng pagkain sa bahay para sa amin. Hindi naman na kasi iba sa kaniya ang mga kapatid ko pero nakakaramdam pa rin ako ng hiya. Ako kasi 'yong tipo ng tao na ayaw kong may tinatanaw na utang na loob kahit kanino. Nakakatakot na baka bukas o sa susunod na magkakamali ka ay isumbat ang lahat nang iyon sa 'yo.

Kagaya ng mga araw-araw na scenario ay hinatid akong muli ni Reyster sa trabaho. Alas-otso hanggang alas-dose lang ang shift ko. Sa bar ako nagtra-trabaho bilang isang waitress. Si Trisha ang tumulong sa akin na makapasok sa trabaho na 'to dahil Tito niya ang may-ari.

Maayos naman ang trabaho rito, hindi man kalakihan ang sahod ko dahil part-time lang ay ayos lang, at mababait din ang mga ka-trabaho ko kaya wala talaga akong nagiging problema, kaso ayon nga lang ay araw-araw akong puyat.

Suportado ako ni Reyster dahil unang una ay naiintindihan niya 'ko at hindi ko naman 'to ginagawa para sa sarili ko lang. Palagi niya akong hinahatid papasok sa trabaho, maliban na lang kung mayroon talaga siyang importanteng ginagawa.

"Eloisa, pahatid naman nitong dalawang bucket ng beer doon sa table 13," utos sa akin ng isa kong kasamahan na abala rin sa ibang orders.

Ngumiti ako at tumango sa kaniya. Dala ang dalawang bucket ng beer ay lumapit ako sa table 13, grupo iyon ng mga matatandang kalalakihan na halatang lasing at lunod na sa alak. Ibinigay ko sa kanila ang order at akmang aalis na nang hawakan ng isang lalaki ang palapulsuhan ko. Halos tumindig ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa pagdampi ng magaspang nitong kamay sa balat ko.

Shit!

Agad kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin at pekeng ngumiti. Patience, Eloisa. Patience. H'wag mong papatulan... customer 'yan.

"Yes, Sir? May kailangan pa po kayo?" magalang kong tanong kahit sa loob loob ko'y gusto ko na siyang suntukin.

Nagkatinginan silang tatlong lalaki bago bumunghalit ng tawa. Ang lalaking maitim na may mahabang buhok at malagong bigote ay pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Gano'n din ang isang katabi niya at ang lalaking humawak naman sa palapulsuhan ko ay kinagat ang kaniyang labi habang namumungay ang matang nakatitig sa 'kin.

"Maganda ka 'ne. Hindi ka pa man namin natitikman pero halata naman sa 'yong ang sarap sarap mo..." ani ng lalaking may bigote, bakas na bakas ang pagnanasa sa kaniyang mukha.

Kumuyom ang kamao ko at bumilis ang paghinga dahil sa kaniyang sinabi. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay nagsalita pa ang isang lalaking katabi niya.

"Gusto mo ba ng extra income?"

"Sir—"

"H'wag kang mag-alala. Simple lang naman 'to. Threesome lang tapos ito ang magvi-video..." Tinuro ng lalaki iyong lalaking humawak sa akin kanina.

Umigting ang panga ko at nagpupuyos na ang dibdib sa galit. "Sorry, Sir, pero hindi po ako ganiyang klaseng babae."

"Aba't tinatanggihan mo ba—"

"What's happening here?"

Nakahinga ako nang maluwag nang dumating si Boss Harrold, ang may ari ng bar na ito. Tiim bagang siyang nakatitig sa tatlong lalaki at pasimple akong tinago sa likuran niya.

"Are you harassing my employee, Sir?"

Natutop ng mga lalaki ang kanilang bibig bago sabay-sabay na umiling. "Hindi. Katuwaan lang."

Sinenyasan ako ni Boss na bumalik na sa trabaho na agad-agad ko namang sinunod. Pumasok ako sa kitchen para uminom ng tubig. Nanginginig pa nga ang mga kamay ko sag alit at kaba ngunit pilit kong kinalma ang sarili ko.

Hindi iyon ang unang beses na nabastos ako nang gano'n dito sa trabaho ko. May isang beses pa nga na paglampas ko sa isang table ay pinisil ng isang lasing ang pigi ko. Galit nag alit ako no'n at kulang na lang ay hampasin siya ng mesa but Boss Harrold handled the issue. Siya mismo ang nagdala sa presinto at nagpakulong sa lalaki.

Matapos kong uminom ng tubig at mahimasmasan ay muli akong bumalik sa trabaho. Wala na roon ang mga kalalakihan pati na rin si Boss Harrold. Inubos ko lang ang natitirang oras ng shift ko bago ako gumayak at magpaalam sa mga kasamahan ko.

Paglabas ko ng bar ay napatalon ako sa gulat nang makita si Reyster na nag-aabang sa labas. Nakaupo ito sa puting monoblock chair at bumabagsak na ang ulo sa antok.

"Aish!" Napailing ako at mabilis na nilapitan siya. Bahagya akong yumuko at hinawakan ang baba niya, dahilan para magising siya at mapabalikwas mula sa kinauupuan niya.

I chuckled.

Kinusot-kusot nito ang mga mata niya bago tumingala sa akin. Mukhang nagulat pa yata siya sa presensya ko dahil nanlaki ang mga mata niya at napatayo pa sa sobrang pagkabigla.

"Tol, ikaw pala! Akala ko kung sino!" He put his hand on his chest and sighed in relieved. "Tapos na ba shift mo? Uwi na tayo?"

I crossed my arms over my chest and raised my eyebrows. "Bakit nandito ka? Anong oras ka pa bumalik dito? Bakit hindi mo man lang sinabi sa 'kin?"

"Hindi naman ako bumalik ako rito, mahal..." he trailed off and laughed.

Kumunot ang noo ko, naguluhan sa kaniyang sinabi. "Anong—"

"Kasi hindi naman ako umalis." He licked his lower lip and kissed my head lightly. "Tara na? Kailangan mo nang magpahinga kasi siguradong pagod ka."

Nanatili akong gulat at tulala hanggang sa kaladkarin niya na ako paalis.

Oh man, what did I do to deserve you?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro