11: Unmasked
...🍷🍷🍷...
11: Unmasked 🌔
Niyakap ni Khala ang nanginginig na katawan kasabay ng paghampas ng malakas na hangin na halos tumumba sa matatayog na puno sa paligid. Ngunit ang higit na nakapanggigilalas ay ang pagbabago ng anyo ni Eizen Klyde. He was still the same perfectly beautiful creature but looked more intimidating and dominant with his sudden physical changes.
He was now wearing a black turtle neck long sleeve with a long black coat casually slung on his back. Even his fitted pants and boots were black. Around his neck was a long silver chain with a cross pendant. And his hair and eyes… they were all screaming red! Even with those glasses covering his eyes, she could still see the cruelty and coldness engraved deep within those crimson orbs.
Muling humampas ang malakas na hangin at napapikit siya tila mahikang nagliparan sa palibot nila ang mapupulang dahon. Iminulat niya ang mga mata nang maramdaman ang paghupa ng hangin at sumalubong sa kanya ang isang napakataas na tore. Wala na sa harapan niya si Eizen!
Naroon siya sa isang mataas na lugar kung saan mahapdi sa balat ang paghampas ng napakalamig na hangin. Tumayo siya sa kabila ng panginginig ng mga tuhod at gulat na napalingon nang makarinig ng nahihirapang mga ungol. Pakiramdam niya’y tinakasan siyang tuluyan ng lakas nang makita si Eizen sa harapan ng nakaluhod na grupo ng mga kalalakihang nakasuot ng modernong pandigmang damit na kulay putik.
“M- Maawa k-ka sa amin, Kataastaasan… b- buhayin mo lamang kami at m-magsisilbi kami ng buong katapatan sa iyo.” Lumuluhang pakiusap ng isang lalaki. Bakas sa tinig nito ang labis na takot kay Eizen na nanatiling walang ekspresyon ang gwapong mukha habang nakatingin rito.
“M-Maawa ka, Kataastaasan…”
“Bigyan mo pa kami ng isa pang pagkakataon…”
“Kaawaan mo kami…”
She almost stop breathing as she anticipated for Eizen’s reaction.Kung nagawa siya nitong ipagtanggol laban sa mga lalaking nagtangka sa buhay niya, nasisiguro niyang kaaawaan din nito ang mga lalaking humihingi ng habag nito. He might be acting indifferent and cold but there must she want to believe that there is a greater picture he was hiding. He wanted to convince herself that he wasn’t bad as what he claimed to be.
Ngunit higit pa siyang nanigas sa kinatatayuan nang wala pa mang ginagawa si Eizen ay nagsimulang mangisay ang mga nakaluhod na lalaki at bakas sa pag- ungol at pagngiwi ng mukha ng mga ito ang labis na sakit at hirap hanggang sa bumulwak na lamang sa mga bibig, mga tenga, mga ilong at mga mata ng mga ito ang halos maitim ng likido sa labis na kapulaan.
Khala wanted to throw up with the unsightly scene and the foul scent of blood everywhere. Ganoon ba kalakas ang tinatawag nilang Kataastaasan? Kaya ba Sovereign ang titulo nina Rio at Kise rito ay dahil sa mapanganib na kakayahan nito? Ni hindi nito hinawakan o nilapitan man lang ang mga lalaki ngunit bigla na lamang nangisay ang mga ito at nawalan ng buhay.
Napaatras siya ng marahas siyang lingunin ni Eizen at sinalubong siya ng nanlilisik at mapupulang mga mata nito na nananatiling nasusuutan ng salamin. Nanginginig na nayakap niya ang katawan. Nagmamakaawa kay Eizen ang mga lalaki ngunit hindi ito nakinig. Hindi ito naawa. Ganoon rin ba ang gagawin nito sa kanya? Nanakawin rin ba nito ang buhay niya?
“E- Eizen…” She shakily breathed as he gravely kept on crossing their distance while she helplessly and fearfully stepped back. Napahinto lamang siya nang marating niya ang dulo ng bangin.
Nagsimulang balutin ng takot ang buong katawan niya. Napakalamig at napakatiim kung tingnan siya ng binata na para bang nais nitong hugutin paalis sa katawan niya ang kanyang kaluluwa. Walang emosyon si Eizen, tila batong walang maramdaman habang nakatingin sa kanya at doon na siya napaiyak. Ito baa ng tunay na siya? Napakalamig, mapanganib… walang awa.
Napasinghap ang dalaga nang maramdaman ang kung anong pwersang tila tumulak sa kanya. Nilamon ng napakadilim na gabi ang kanyang pagsigaw habang nahuhulog siya sa tila walang katapusang bangin.Ipinikit na lamang niya ang mga mata habang malayang hinihipan ng hangin ang mga luha niya ngunit sa halip na maramdaman ang sakit ng pagbagsak ay tila lumutang ang kanyang pakiramdam. Dahan- dahan niyang iminulat ang mga mata at maya- maya pa’y maingat na lumapag sa lupa ang kanyang mga paa. Ngayon naman ay nasa isang malawak siyang kaparangan.
Ngunit hindi pa man nagtatagal matapos niyang mailapag ang mga paa sa lupa ay tila kidlat na dumaan sa harapan niya ang mga tila itim na guhit na maya- maya pa’y nagpormang tao. Nanlalaki ang mga matang pinanood na lamang niya ang tila robot na paggalaw ng mga lalaki na tila ba’y may nagmamanipula sa mga ito habang nakatingin lamang sa mga ito si Eizen. Ilang sandali pa’y nagsimulang maglaban ang mga lalaki hanggang sa isa- isang magbagsakan ang walang- buhay na katawan ng mga ito sa lupa. At ang katangi- tanging natira naman ay puno ng takot na napaharap kay Eizen tila isang mannequin dahil sa kawalan ng emosyon sa mukha.
“M- Maawa ka… K- Kataastaasan…”Puno ng paghihirap na pagmamakaawa ng sugatang lalaki. Masuka- suka siya sa halos wasak ng mukha nito.
“Huwag, Eizen… huwag mong gawin ito…”Piping usal niya ngunit natutop niya ang kanyang mga labi nang matapos ng mapanganib na pagkurap ni Eizen ay nakapangingilabot na bigla- bigla na lamang nawasak ang katawan ng lalaki at nilamon ng dilim ng gabi ang naghihingalong sigaw ng lalaki.
Nahigit niya ang kanyang paghinga ng sa isang iglap ay nakalapit si Eizen sa kanya. At wala na siyang panahon pang makasigaw nang lamunin ng lupa ang katawan niya at bigla na lang ay lumulubog na siya sa tubig.
Ikinawag niya ang mga paa at pinilit na iahon ang katawan ngunit kahit marunong pa siyang lumangoy ay tila hinihila siya pailalim ng tubig. Ngunit bago pa siya maubusan ng hangin sa katawan ay mabilis siyang bumulusok pailalim at ilang sandali pa’y basang- basang bumagsak siya sa tuyong lupa.
Sunod- sunod ang pag- ubo at habol ang panghinga niya kasabay ng pagbagsakan ng mga pulang dahon mula sa itaas. Inilibot niya ang mga mata sa paligid. Bumalik siya sa kakahuyan kung saan siya unang dinala ni Eizen.
“M- Maawa ka, Kataastaasan… Maawa ka sa amin!” Umiiyak na pagmamakaawa ng sugatang mga katawan na nakapaligid kay Eizen. Naninikip ang kanyang dibdib at nanginginig ang kanyang buong katawan at nanlalaki ang luhaang mga mata habang nakatingin sa mga walang kalabang- labang katawan na nakahandusay, gumagapang at nakaluhod sa lupa na nalalatagan ng makakapal na pulang dahon.
Si Eizen ba? Ito ba ang may kagagawan ng lahat ng ito? Isa nga ba itong halimaw na nakatago sa isang perpektong mukha? And he told her that she was his bride. Matatanggap niya bang maging kabiyak ang isang lalaking sa reyalidad ay isang halimaw sa katawan ng isang perpektong katawan?
“Kataastaasan, h- huwag! Huwag! Maawa ka sa amin! Huwag!” Nahihintatakutang pagsusumamo ng gumagapang na lalaki kay Eizen ngunit hindi man lang ito natinag bagkus ay iniangat nito ang isang kamay sa suot na salamin. The group of wounded men started crying for mercy but Eizen remained impassively cold as he totally removed his eyeglasses and his crimson irises dilated. As if on cue, enraged wind whirled around then erupting huge flames followed.
Nayakap na lang ni Khala ang sarili at napapikit sa labis na takot nang magsimulang mag- alab ang paligid at lamunin no’n ang kakahuyan partikular na ang mga sugatang katawan na nakakapanindig balahibong umaalulong upang humingi ng tulong mula sa malaimpyernong lugar na iyon.
Khala thought that probably it was the last of her breath. But instead of feeling the starving heat consuming her skin, she felt the cold wind enveloped her then nothing but deafening silence. Unti- unti niyang iminulat ang mga mata at bumungad sa kanya ang nagtataasang estante ng mga aklat sa tagong library sa silid ni Eizen.
She silently sobbed as she saw Eizen’s unswayed figure. His hair was slowly turning into black but his eyes were still as red as crimson. Still cold, still intimidatingly monstrous.
“Y- You are… y- you a-are…” She was convulsively shaking and her lips felt like it was frozen by his icy stare.
He smirked, his eyes getting even colder. “A monster I know.”
She sobbed, now clearer and audible, as she helplessly hugged herself. What did she bring herself into? Could she accept to be his bride after learning the darkest of his secrets? Could she still continue liking him? If he was just masking his evilness with that handsome face?
She could still hear the helpless cries of the men he killed. She could still smell their blood. She could still see their monstrous wounds, the face they made while begging him for mercy. But still he killed them. He killed them without a word.
And that huge fire, it all happened after he removed his eyeglasses and his crimson irises dilated. He carried hell with him… or maybe… probably he was hell himself! And that was probably the power of the Sovereign.
At sa panahong magsawa ito sa kanyang dugo? Ano ang maaaring gawin nito sa kanya? Sa paanong paraan siya nito tatapusin? Sa mga nakita kanina’y maaari siya nitong tapusin sa tatlong paraan pero hindi maaari! Nais niya pang mabuhay. Nais niya pang ipagpatuloy ang buhay para sa mga magulang niya. She needs to protect them, to keep them away from a hellish monster named Eizen Klyde!
“Now, answer me…” Eizen murmured coldly making all her nerves flinched in an insufferable terror, “Do you still want to be my bride?”
He heaved a deep breath, fighting back the desperate sobs trapped in her throat. She needed to be strong. If she wanted to protect her parents, then she should keep the enemy close and will probably find a way to escape this hell.
She swallowed and courageously looked at his crimson eyes.
“I- I do. I will still be your bride, Eizen Klyde.”
🔹🔹🔸
Next will be a chapter intended for some terminologies used in this story. If ever you find the plot confusing because of the unfamiliar terms, I hope that the next chapter will be useful to guide you.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro