Simula
Simula
I gripped the pullup bar with my arms and pulled my bodyweight up until my chin was barely above the bar then lower myself with my arms fully extended. I did that many times. Ramdam ko ang hapdi no'n sa kamay ko ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hindi ko alam kung nakailang gano'n ako hanggang sa bumitaw ako para magpunas ng pawis.
I could feel my heartbeat pounding rapidly. That was a good one. Ngayon ko lang ulit nagawang tumagal ng gano'n.
"You're really a girl-magnet." Napatingin ako sa katabi kong nagbubuhat ng barbell habang nakatingin sa isang babae na nasa threadmill. Napatingin ito sa akin at nung nakita niyang nakatingin din ako sa kanya ay kinagat nito ang kanyang labi.
I shook my head. Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa tabi. Masyado ba siyang busy ngayon na hindi pa rin siya nagre-reply sa mga messages ko?
"She's looking at you, Ryde."
"Tell her to look at you instead." Sagot ko kay Gizo na gym partner ko. After umalis ni Jude nang walang paalam ay siya na ang naging kasama ko.
Umupo ako bago hinanap sa contacts ang pangalan ni Chelsea. I tried to call her but it was unattended. Ilang ulit kong sinubukan tawagan siya ngunit bigo ako. Malamang na hindi niya nabasa ang mga messages ko sa kanya!
"Hmmm..." Umangat ang tingin ko. Nasa harap ko na ang babaeng kanina lang ay nasa threadmill. "Can you help me? It's my first time here." Sa tono pa lang ng pananalita niya ay alam kong nahihiya siya.
"He's not a trainer here, Miss. But I think I can help you." Gizo volunteered. Pabor naman iyon sa akin dahil wala ako sa mood makipag-usap sa kahit na sino ngayon.
Damn it! Bakit niya pinatay ang kanyang phone?! Ngayon niya lang ito ginawa. Dati kasi ay kahit na nasa important meeting siya ay hindi niya ito ginagawa. She was even answering my calls even in the middle of an important meeting!
"Don't worry, Faye. You don't need to perfect it." Dinig kong sabi ni Gizo.
Napailing na lang ako. Alam na niya agad ang pangalan.
I waited for another five minutes but still, no response. Binitawan ko na ang phone ko at umayos na ulit. Sinubukan kong mag-push up pero inaantok na ako. Nawalan ako ng gana at kasalanan 'yon ng babaeng 'yon.
She's busy... Ginawan ko ng rason ang sarili ko para hindi na ako mag-isip ng kung anu-ano.
"In line your hands with your shoulders..." Napatingin ako sa dalawa. Hinawakan ni Gizo ang binti ni Faye. "Feet close together, babe." He chuckled. Natatawa rin ang iba naming kasama rito.
Nakita ko ang pagkailang sa mukha ni Faye dahil sobrang lapit ni Gizo sa kanya. Mukhang hirap na hirap din ito sa pinapagawang push up ni Gizo. Napailing na lang ako bago tumayo at lumapit sa kanila.
"Wrong position is dangerous. Know your place first." Napatingin sila sa akin. "As I observed and just like what you said, you're just a new here. I suggest you do the threadmill first." Ngumisi ako bago nagpatuloy sa paglalakad.
Naka three hours na rin ako at 'yon na muna ngayon. Nawalan na rin ako ng gana. Dumiretso na ako sa locker ko at inayos ang mga gamit ko ro'n. Kinuha ko ang malinis na damit at bagong towel bago 'yon kinandado.
"Out ka na?" Tanong ni Gizo na kakarating lang din.
"Yeah. You can stay here if you want." I smirked at him. Alam kong naintindihan niya 'yon dahil sa tawa niya.
"Ang sungit mo raw sabi niya."
"Good. I don't want to impress her though."
Umupo muna ako para magpahinga. Kinuha ko ulit ang phone ko at umaasang may reply na pero wala pa rin. I even tried to call her again. Napapikit ako sa inis.
"Fuck!" Nasipa ko ang malapit na upuan sa akin dahil sa inis.
"Whoa. Fuck what? That chair?"
"Fuck off." Pinasadahan ko ng daliri ang buhok ko. "Masyado ba siyang busy ngayon na hindi man lang niya kayang buksan sandali ang phone niya para tignan kung may message ako sa kanya?" I mumbled.
I heard Gizo chuckled, "Sa'yo na mismo galing. Baka busy nga. Come on, Ryde. Hindi lang sa'yo umiikot ang mundo niya."
"W-What? That's unfair!"
Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko, "Unfair?" Tanong niya.
"My world is her... She's my Earth."
"Dude. Balik na ako, ah? Hindi ko ata kayang marinig ang ka-cornihan mo ngayon." Mabilis na tumakbo ito palayo nang hawakan ko ang upuan na malapit sa akin.
Napabuga na lang ako ng hangin. Nanatili ako roon sa loob ng ilang minuto bago napagpasyahang tumayo na. Masyado na ring malagkit ang pakiramdam ko dahil sa pawis.
Naabutan kong palabas ng comfort room ng girls si Faye. She smiled at me but I just nodded my head.
Pagkapasok ko sa cr ay mabilis na inalis ko ang saplot sa aking katawan except for my underwear. Binalot ang katawan ko ng malamig na tubig. Dinig na dinig ang pagragasa ng tubig sa tahimik na paligid. Pinasadahan ko ng kamay ang katawan ko.
Mag-iisang taon na rin kami bukas ni Chelsea. Hindi ko inakalang ang taong inaasar ko dati ay akin na ngayon. Ang babaeng walang ginawa kundi ang punahin lahat ng mali ko ay pag-aari ko na. She's mine... her entire self. Just mine.
Hinayaan ko lang na dumaloy sa katawan ko ang malamig na tubig. Nakatulong naman 'yon para kahit papaano'y maibsan ang init ng ulo ko. Pinatay ko na ang shower at kinuha ang towel ko. Pinunasan ko ang katawan ko bago ipinulupot ang towel sa bewang ko.
Umangat ang tingin ko nang mamatay ang ilaw. Dahil walang bintana ay masyadong madilim.
"Open the door!" Halos mataranta ako sa pagbibihis nang marinig ang sigaw ni Faye sa labas. "Ryde! I'm scared!" Napangiwi ako dahil muntik na akong madulas.
Ba't ba siya sumisigaw? At bakit kumakatok siya? Agh!
"Ryde!"
Mabilis na binuksan ko ang pinto nang matapos na akong magbihis. Napasandal ako sa wall nang yumakap siya sa akin. Napanganga ako nang maramdaman ang balat niya sa nakabuhad kong katawan.
Nakagat ko ang labi ko... Faye's just wearing a towel and she's hugging me.
"H-Hey..." I tried to push her away ngunit mas humigpit lang ang yakap niya sa akin. Hindi ko na tinangka pang itulak siya dahil ramdam ko ang panginginig ng katawan niyang nakayakap sa akin.
"R-Ryde..."
"You okay?" Because I am not!
This is wrong. Kahit na alam kong wala naman dapat isipin na masama ay mali ito. Hindi ko siya kilala. Babae siya, lalaki ako. Nakayakap siya sa akin habang nakasaplot lang while I am topless. This is really wrong!
Bigla ring bumukas ang ilaw. Nag-init ang mukha ko nang mas makita ko ang position namin. She's pressing her boobs to me and it doesn't feel good. This is awkward.
Mabilis din na kumawala siya sa pagkakayakap sa akin. Mabilis na napansin ko ang pangingilid ng luha sa kanyang mata. Kahit papaano ay nakonsensya ako na tinangka ko pa siyang itulak sa akin palayo gayong takot na takot ito.
"I-I'm sorry..." Yumuko pa ito bago nagmadaling lumabas.
Nakahinga naman ako ng maluwag matapos no'n.
"I thought you're not interested with her?" Gizo greeted me again with his mischievous smile.
"It's not what you think. She was so scared of the dark."
"So, you comforted her. Okay."
Napailing na lang ako bago tumingin sa salamin. Inayos ko ang buhok ko at naglagay ng pabango sa katawan ko. Tumawa si Gizo kaya binato ko sa kanya ang towel na hawak ko.
"Ang dumi ng isip mo gago."
"What? I didn't say anything." Tumatawa niya pang sinabi.
Kinuha ko na ang susi ko at lumabas na ro'n. Natigilan ako nang makita si Faye. Nung nakita niya rin ako ay lumapit siya sa akin. Alam kong nahihiya ito dahil masyadong nakayuko ang kanyang ulo.
"S-Sorry nga pala kanina, Ryde."
Malamang na sinabi na sa kanya ni Gizo ang pangalan ko. Tsk.
"Okay lang." Tipid kong sagot.
Sinubukan kong ngumiti bago siya nilagpasan. Ayokong maging rude sa mga babae. They shouldn't be treated that way. Gago lang talaga ang ibang mga lalaki.
Pagkapunta ko sa parking lot ay agad na pinatunog ko ang sasakyan ko. Mabuti pa at puntahan ko na lang si Chelsea sa studio nila. Nilagay ko ang seatbelt ko bago binuhay ang sasakyan. Pagkalabas ko sa makipot na labasan ay pinabilis ko na rin ang sasakyan.
Naalala ko na naman si Jude. Ilang linggo na rin na nawalang parang bula ang gago. Pinuntahan ko na sa bahay nila ngunit sabi ng mga kasambahay ay wala silang lahat. Mukhang nagbaksyon ang gago nang hindi man lang nagsasabi.
Inabot ko ang phone ko at nung makitang wala pa ring reply ay naibato ko 'yon sa likod.
"She's busy..." Agh! Okay. She's busy and I have nothing to worry about. Walang nangyaring masama sa kanya dahil nasa trabaho siya.
Pagkarating ko sa studio nila ay nilagay ko agad sa parking lot ang aking sasakyan. Hindi pa man nabubuksan ang pinto nang matanaw ko na sa hindi kalayuan ang isang babae na may kausap na lalaki. Masyado atang umapaw ang inis ko na mabilis akong napalabas ng sasakyan.
I clenched my fist. Ito ang rason niya kung bakit hindi niya magawang sumagot sa akin. Kailangan pa ba niyang patayin ang phone niya para hindi sila maistorbo?
Nang matanaw ako ni Chelsea ay nakita ko ang pagkataranta sa mata niya. Napangisi ako sa inis.
"R-Ryde..." I grabbed her wrist.
Napatingin sa akin ang lalaking kausap niya. Wala akong panahon na puriin ang magara niyang damit.
"Let's go home..." Bulong ko.
"Ah, Rexor. Mauna na ako." Hinila ko na si Chelsea ngunit parang mas gusto ko atang takpan na lang ang tainga niya.
"Take care!"
"I'm with her, dude." Nginisian ko siya bago nagpatuloy sa paglalakad.
Mabilis na itinulak ko siya sa loob ng sasakyan ko bago umikot sa kabila. Masyadong malakas ang kabog sa dibdib ko na hindi ko man lang siya kayang tignan. 'Yon ba ang rason niya?
"It's not what you think, Ryde. He's my boss."
"Bakit naka-off ang phone mo?" Kalmado kong tanong.
Tumingin ako sa kanya. Napalunok ito nang salubungin ang tingin ko.
"I was in an important interview. Come on, Ryde. Nasa trabaho ako."
"I don't care!"
"Oh ghad! Calm down, Love." Parang napawi ata ang lahat ng inis ko nang makita ang ngiti sa kanyang labi. "Wag kang magselos. Kahit na gaano ako ka-busy, bago lumubog ang araw ay sa'yo pa rin ang bagsak ko." Hinawakan niya ang pisngi ko.
'Yon ang pinakamagandang nangyari ngayong araw.
"I already fucking missed you, Chels. Damn..." Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at mabilis na ipinagdikit ang labi namin.
I tried to not bite her lips that hard. Ayokong masugatan na naman siya pero hindi ko 'yon iisipin ngayon. Gusto kong maramdaman niya na hindi ko gusto ang ginawa niya at kailanman ay hindi ko magugustuhan.
"Ryde!" Itinulak niya ako palayo sa kanya. Nakita ko ang ginawa kong maliit na sugat sa kanyang labi.
Mabilis naman na tinignan niya ang kanyang labi sa salamin. Napanguso na lang ito.
"Listen, Love. Isagot mo ang pangalan ko sa lahat ng magtatanong kung bakit ka may sugat sa labi."
"W-What?"
"Ryde Ozix Leibniz, Chelsea. 'Yon lang ang sagot."
Napalunok ito bago tumango.
"Good. Let's go home..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro