Kabanata 9
Kabanata 9: Why, Love?
Natapos ang event na hindi na ako makapag-focus sa interview. Tahimik lang kami ni Ryde sa iisang table at alam kong nakikiramdam lang din ang mga kasama namin na hindi rin nagtatanong kung anong nangyari. Maging ako ay naguguluhan. Alam ko rin na hindi lalabas ang pangyayaring ito dahil involved si Mr. Wilfaro and I don't think they would dare to.
Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming nakaupo ni Ryde dito sa sofa sa salas ng unit namin. Magkatabi kami ngunit walang kibuan. I am still shocked. Hindi ko pa rin kayang i-absorbe lahat ng nangyari kanina.
"Aren't you hungry?" Matapos niyang tanungin 'yon ay bigla akong nakaramdam ng gutom.
Hindi na kami sumabay sa team ko na mag-dinner dahil nahihiya pa rin ako sa kanila matapos ng nangyari. Siguro ay papalipasin ko muna ang gabing ito, gusto ko rin naman munang lunukin lahat ng nalaman ko.
Pumunta kami sa restaurant ng hotel. I ordered beef steak and vegetable salad just like Ryde. Alam kong mahilig siya sa gulay dahil halos 'yon ang laman ng menu sa restaurant niya.
"Hindi ka ba hinahanap sa resto mo?" I tried to open a topic.
Pinunasan ko ng tissue ang aking bibig matapos uminom ng tubig. Kanina pa tapos kumain si Ryde na ngayon ay nakasandal na lang sa upuan habang pinapanuod ako.
He shook his head. "Gizo can handle it," he said.
"Oh, I see..."
Tapos na rin akong kumain kaya wala na akong ginagawa. Iniiwasan ko rin na magkasalubong ang tingin namin ni Ryde. I want to ask him about that night but I don't know how to start. But I hope he will open up because I know I deserve an explanation for that.
"Do you want to go for a walk?"
I nodded my head. Tahimik na binaybay namin ang daan palabas ng hotel. Alas sais pa lang ng gabi ay madilim na ang paligid. Hinigpitan ko ang scarf sa leeg ko at napansin ko rin na nilalamig si Ryde.
Tahimik lang kami na naglalakad sa gilid ng kalsada. Dinig na dinig namin ang mga busina galing sa mga sasakyan at ang ilaw mula sa mga ito. May mga nakakasalubong din kami na nagmamadali.
Lumiko si Ryde ng daan kaya sumunod ako. We are now walking on a quiet street. Tanging ang mga lamp post at mangilan-ngilan na tao ang nakakasalubong namin. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makapunta kami sa isang park.
Umupo kami sa isang bench. Tahimik na pinanuod ang mga taong gaya namin ay nagpapalipas din ng gabi rito. Sa gitna ay may water fountain na umiilaw galing sa iba't-ibang kulay ng pailaw. May mga batang naghahabulan. Yumuko ako at pinaglaruan ang maliliit na damo sa paa ko.
"I didn't know..." I heard Ryde mumbled.
"Me too..."
"He called me that night." Pag-uumpisa niya. Alam kong nakatingin siya ngayon sa akin kaya pinanatili ko ang tingin ko sa mga damo. "He told me that you were in trouble."
I looked at him. His eyes were glimmering because of the light. Medyo nagulo na rin ang sa harap niyang buhok dahil sa hangin. Medyo may usok ang lumalabas sa bibig niya dala ng lamig.
"You were trapped by him, Ryde."
"I know! But fuck! Why did he have to do that?" Bumali ang leeg niya habang nakatingin sa akin. "I can make you fall in love with me without anyone's help." That's I think what he frustrates the most. Ang akala niya ay nahulog ako sa kanya dahil sa mga ginawa ni Blaze.
"Ginawa niya 'yon para makabawi, Ryde." I smiled. "But hey! Minahal kita hindi dahil do'n." Napanguso ako sa sinabi niya. "I love you... because of you."
"I know." Bumaba ang kanyang boses.
But one thing is for sure at this moment, Blaze did a huge sacrifice for Ryde. "Speaking of him... Kamusta na kaya siya? We haven't had a chance to visit him." Sa probinsya na kasi siya nakatira at doon nagtuturo ng mga high school students. Pero alam kong hindi lang 'yon ang dahilan ng paglayo, maybe a part of that was because of me. Gusto niyang lumayo muna.
Napatingin ako kay Ryde na tahimik lang. Napalunok ako dahil sa seryoso niyang mukha na nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang umiikot sa isipan niya.
"Aren't you thinking you are better with him?"
Kumunot ang noo ko.
"I mean... It was all a lie. Nung sinabi niyang hindi ka niya mahal, mahal ka niya. It's just he gave way for me. Natatakot akong baka bumalik ang nararamdaman mo sa kanya dahil alam mong mahal ka rin niya."
Napabuntong-hininga na lang ako bago lumapit pa sa kanya.
"If that would happen, could you give way for him just like what he did to you?"
"I already did, Chels. Minsan na kitang ipinaubaya sa kanya dahil alam kong sa kanya ka masaya."
Natahimik ako dahil hindi ko alam kung anong paghihirap ang dinanas niya no'n. Naging masama pa ang tingin ko sa kanya at hindi ko alam kung anu-ano na ang mga salitang binitawan ko sa kanya. But I know I hurt him.
"If I am no longer the reason of your smile, I have to. Just tell me... I can't be selfish to own someone I am just hurting."
"Aren't you going to fight for me? If you really love me, fight for me!"
"Yeah, I love you. But that doesn't mean you have to love me back." Ngumiti ito bago hinawakan ang kamay kong nakapatong sa hita ko. "Hindi sa lahat ng pagkakataon ay maibabalik sa'yo ang binigay mo. That expectation will just hurt you."
"I love you!" Hinihingal ako sa mga sinasabi niya.
Mahina itong tumawa.
"Let's have a deal." Sumeryoso ang mukha niya. "Darating ang araw na magtatanong ako sa'yo kung mahal mo pa ba ako. I'll ask that question three times. Isang oo mo lang ang kailangan ko. Pero kapag nakatatlong sagot ka na hindi.... That's it. You're already free."
"Why are you telling this?"
"Deal?"
"Ryde..."
"Chelsea. Deal?"
"Deal."
Napapikit ako nang ilapat niya ang malamig niyang labi sa akin. "Sealed." Ngumiti ito.
Ilang araw ang nakalipas matapos no'n ay mas naging busy kami ng team. Halos takbuhin namin lahat meeting ng Mr. Wilfaro para kumuha ng update. So far ay maayos naman at wala gaanong problema.
"Whoa. Nakarami tayo!" Rouve said, grinning.
Lumapit ako sa kanya para tignan ang mga shot niya. Napangiti ako dahil perfect lahat ng angle. Narito kami ngayon sa unit ni Rexor na kasalukuyang may kausap sa phone. Kagagaling lang namin sa lakad at pagod na pagod kami.
"Job well done, guys!" Lizel clapped her hands. "So far... Mas tumaas ang ratings natin!"
"Celebration na ba?" Biro ni Rouve.
Nakaupo lang ako sa sofa katabi si Ryde na kanina pa tutok na tutok sa kanyang phone. Hindi ko naman magawang lumingon dahil alam kong may ka-text siya. I don't want to invade his privacy as much as possible. Privacy is not something we should ask for... It's your right as a person. Invading someone's privacy is a disrespectful act and one of the nasty things you could done in your life.
"Celebration?" Napatingin kami kay Rexor na ngayon ay wala ng kausap. "Magpalit muna kayo ng damit." Mahina itong tumawa.
"Hmmm..." Ngumisi si Rouve.
"Yeah. My treat." Natatawang sabi ni Rexor.
Natawa na lang kami. Matapos no'n ay bumalik na kami sa unit namin. Napanguso na lang ako dahil hindi man lang kayang ilayo ni Ryde ang kanyang mata sa phone. Masyado ba 'yong importante talaga?
"Maligo ka na, Ryde."
"Go ahead. Pagkatapos mo na lang ako."
"Sino ba kasing ka-text mo?"
Umangat ang tingin niya. "Gizo. Why?"
"May problema ba?"
Tumawa ito bago ibinaba ang kanyang phone sa sofa at lumapit sa akin. Tinulak ko siya nang magtangka siyang yayakap sa akin. Tumawa ito sa ginawa ko.
"I'm still waiting for that someday, Chels."
"So?" I furrowed my eyebrows.
He tried to hug me again but I pushed him away.
"When I can finally make you feel the different side of this love..."
"Heh!"
Pumasok na ako sa kwarto at kumuha ng maisusuot. Bukas nap ala kami uuwi. Hindi ko gaanong naisip 'yon dahil masyado akong busy. So far ay maganda naman ang experience ko rito kasama si Ryde. Babalik ako rito... kasama si Ryde.
Pumunta kami sa isang videoke bar at nag-rent kami ng isang room na good for 10 persons. Malawak naman ito at may heater pa. Nakaupo lang ako sa sofa kasama sina Rexor at Lizel habang hinihintay sina Rouve at Ryde na bumili ng inumin at pagkain.
"Hmmm..." Napatingin ako kay Rexor. I caught him looking at me too. "May nauna pa pala kesa kay Ryde?"
"Rexor... Huwag mo siyang tanungin ng ganyan." Dinig kong pagbabawal ni Lizel kay Rexor.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko na nauwi na lang sa pagngiti. Ayokong magkwento at wala rin akong balak na sabihin sa kanya ang nakaraan ko.
"I know... It's just I'm concerned. That man in your past must be in loved with you so much."
Mabuti na lang ay dumating na sina Ryde at Rouve na may bitbit na isang case na beer at mga pagkain. Tumabi sa akin si Ryde matapos niyang ibaba ang mga 'yon habang sina Rouve at Lizel naman ang nag-aayos ng mga nabili nila.
"What's wrong, Love?" He said, in a husky voice.
Kumuha ito ng beer sa case at binuksan 'yon gamit ang opener.
"Chill?" He offered that beer to me.
I nodded my head. "Thanks," I uttered.
Kumuha siya ng sa kanya. Sumandal ito sa sofa. Humaba ang braso niya papunta sa taas ng sofa sa likod ko habang nakatingin sa karaoke na kanina pa nagp-play ng kanta pero wala man lang humahawak ng microphone.
Napatingin ako sa beer na hawak ko at tinungga 'yon sa bibig. Nasamid ako dahil sa pagkabigla. Mabilis na napaatras si Ryde nang maubo ako.
"Easy..." Natatawang sabi ni Ryde.
Lumapit itong muli sa akin at gamit ang damit niya ay pinunasan niya ang labi ko. Tinulak ko siya dahil sa ginawa niya. Tumawa lang ito. Matapos no'n ay tumahimik na kaming muli. Si Rouve lang ang kumakanta na paminsan-minsan ay sinasabayan lang ni Lizel. Si Rexor naman ay busy sa kanyang phone habang may hawak na beer sa kanyang kabilang kamay.
Naramdaman ko ang kamay ni Ryde sa mukha. Iniharap niya ako sa kanya. Bumungad sa akin ang nakakunot niyang noo.
"Huwag kang tumingin sa ibang lalaki habang nasa tabi mo ako. Nakakainsulto."
"Did I really faint inside the jewelry shop?" Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang tanong na 'yon.
Hindi 'yon naalis sa aking isipan magsimula nang maramdaman kong may itinatago sa akin si Ryde. Ngunit habang tumatagal ay mas ginugusto kong malaman ang katotohanan. Parang may kulang sa nakaraan ko habang hindi nalalaman kung ano talaga ang nangyari nung araw na 'yon.
"Why? May naalala ka na?"
"Can we go for a walk?" I asked him.
Kumunot ang noo nito pero tumango rin. Nagpaalam kami sa kanila na lalabas sandali. Binilinan naman kami ni Lizel na maaga ang flight namin bukas pabalik sa Manila. Dinala kami ng aming mga paa sa bandang likod ng building na ito kung saan sariwa ang malamig na hangin. Umupo kami sa isang bakanteng bench. Medyo kaunti lang ang tao rito.
"Tell me, Chels. May naaalala ka na ba?" May halong kaba ang tanong niya na 'yon pero bakit?
"Bakit nasira ang harapan ng kotse mo?"
Mas lalong nangunot ang kanyang noo dahil sa tanong na 'yon.
Napatingin ako sa mukha niya nang may pumatak na kulay puti. Napatingala ako kasabay ng pagbuhos ng niyebe. Narinig ko rin ang sigawan ng mga tao rito. Wala sa sariling napangiti ako. Napatingin akong muli kay Ryde na nakatingin pala sa akin.
"Can you do me a favor?" He asked.
Sumikip ang dibdib ko dahil do'n.
"Sagutin mo muna ang tanong ko, Ryde. Anong nangyari sa'yo? Nabangga ka ba?" Hindi ko alam kung paano kumalma. "Ryde... Nag-aalala ako sa'yo." Parang naiiyak ako dahil ayaw niya akong sagutin.
Ngumiti ito.
"You have nothing to worry about, Love."
"Wala? Anong tawag mo sa pagtatago mo sa akin ng mga ito? Wala lang?" bahagyang tumaas ang tono ng pananalita ko.
Hindi pa kami nag-away ni Ryde nang malala. Mga tampuhan lang ang nangyari sa amin at natatakot akong baka ito... Ito ang maging umpisa ng pag-aaway namin. Mga hindi pagkakaintindihan na humahantong sa hindi maganda.
"Okay... Nahilo ako kaya nabangga ako sa puno."
Pumatak ang luha sa aking mata.
"Hush..." Niyakap niya ako. "I'm okay. Don't cry, please."
Mariin akong napapikit. Kumuyom ang mga kamao ko.
Why are you lying, Love?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro