Kabanata 8
Kabanata 8: Behind The Scene
Hindi ko alam kung saan ko ibabalin ang atensyon ko. Masyado akong kabado habang nakaupo sa magarang lamesa kasama ang team namin at si Ryde. Sa harapan namin nakatayo ang isang magarang entablado kung saan aakyat mamaya si Mr. Wilfaro para sagutin ang mga interview namin. The venue’s just breathtaking with a black and white theme.
“Calm down…” Ryde said in a poker face.
I shook my head. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko pero hindi ko magawa. Iginala ko ang mata ko sa kabuuan ng engrandeng venue. Iba’t-ibang mabibigat na media sa buong mundo ang narito ngayon at bawat segundo ata ay may dumadaan na camera sa amin. Hindi natitigil ang mga flash mula sa camera.
Napatingin ako kay Rouve na hawak na ang camera niya. Nagawa na niyang kunan ang buong venue kanina. Wala ka man lang mababakas na kaba at pagkailang sa kanya.
Napatingin ako kay Rexor na umupo sa tabi ko.
“It will start in any moment. Are you ready?” Tanong sa amin ni Rexor. He’s just calm and I salute him for that. Nakausap na niya si Mr. Wilfaro nung pumunta siya sa likod. He really is professional when it comes to this event.
“My baby is ready,” Rouve answered, referring to his camera.
Rexor’s eyes met mine. “I am,” I said, swallowing the intensity of my nervousness.
“Good.” He nodded his head.
Naramdaman ko ang kamay ni Ryde sa aking hita kaya napatingin ako sa kanya. He was wearing a black tuxedo with his black hair fixed. Namumula pa ang kanyang labing basa dahil sa ininom niyang wine. Pinaalis ko rin ang hikaw sa kanyang tenga kanina. Tinampal ko ang kamay niya nang tumaas ang kamay niya.
“Ryde…” I warned him with authority.
Hindi siya nakatingin sa akin habang hinahaplos ang aking hita. “Makakatulong ito para kumalma ka,” sabi niya nang hindi man lang ako nililingon. Nakagat ko ang labi ko nang tumaas pa ang kamay niya at nakikiliti na ako.
“Stop…” I glared at him. Humarap naman siya sa akin. His dazzling eyes met mine that sent shivers down my spine. What’s with that seducing look?
“Baka dahil sa kaba mo masabihan mo ang lalaking ‘yon ng ‘I love you’,” ngumuso pa ito nang sabihin niya iyon.
“Baliw!” Natatawa kong sabi sa kanya.
“Sa’yo? Matagal na.”
“Sira!”
“Ulo ka?”
“Ryde!”
Mahinang tumawa ito bago nilapit ang upuan niya sa akin. Inalis na niya ang kamay niyang nasa hita ko. Inakbayan niya ako kaya naamoy ko agad ang pabango niya.
“Don’t be intimidated with his presence. He’s not that huge compare to mine. I can reach your core. Don’t underestimate me.” His eyebrows furrowed.
“Shut you dirty mouth up!” Napatakip ako sa aking bibig dahil sa sinabi niya.
Mabilis naman na hinawakan niya ang kamay ko at tinanggal ‘yon sa bibig ko.
“Baka mabura mo ang lipstick mo. Ako na lang mamaya ang gagawa niyan.”
Nabura ang kaba ko dahil mas umapaw sa akin ang mga binitawang salita ni Ryde. Kinagat nito ang labi niya habang nakatingin sa akin. Muling napunta sa amin ang isang flash ng camera galing kay Rouve.
“You got this, Love.” He winked at me.
“Really?”
“Really.” Nagtaas-baba pa ang kanyang kilay habang nakangisi.
Matapos no’n ay bumaba na ang kabang nararamdaman ko. Napansin ko rin ang pagnakaw tingin ni Rouve kay Ryde na malayo sa kanya. May isang upuan sa pagitan nila.
“Ladies and gentleman, may I have your attention, please?” Napatingin kaming lahat sa stage. The master of the ceremony’s there, confidently standing with his lips, smiling.
Kung anu-ano pa ang sinabi niya at lahat ‘yon ay tinake down ni Lizel ang mga information na ‘yon dahil about ‘yon sa hotel na ito na pagmamay-ari ni Mr. Wilfaro and konting updates about him. Napatingin ako kay Ryde na nakasandal sa upuan habang naka-headset. Katulad ng madalas niyang ginagawa ay nilalabi niya ang mga lyrics.
“It’s an honor for me to welcome the business icon and the king of all business tycoons. Ladies and gentleman… Mr. Akires Sphinx Licom Wilfaro.”
Lahat kami ay tumayo habang bahagyang pumapalakpak. Napatingin akong muli kay Ryde na nakapikit na ang mata. Napailing na lang ako. Mas lalong lumakas ang palakpakan ng umakyat mula sa stage ang isang maskulado at morenong lalaki. Tumindig ito sa pinakaharap. Kumaway ito sa mga tao. Nakakulay itim din itong tuxedo na may gintong nameplate sa gilid. His pinkish lips formed a smirk but his colored ash eyes were expressionless as if he’s bored.
“Good afternoon…” Even his voice was damn husky and I could feel the dominance and authority.
“So… Are you planning to stand there until the end?” Hindi pa ako makakabalik sa huwisyo nang marinig si Ryde. Ngayon ko lang napansin na ako na lang pala ang nakatayo.
Namula ang mukha ko sa hiya bago umupo. Halos yumakap na ako kay Ryde at ibaon ang mukha ko sa dibdib niya dahil sa hiya.
I heard Ryde chuckled. “I told you to calm down,” Natatawa pa rin niyang sabi. “I’m sorry. My girlfriend is embarrassed.” Narinig ko pa ang tawanan ng iba naming kasama.
Natawa rin sina Lizel at Rouve. Nag-umpisa na ang interview ang isa-isang tinatawag ang representative ng isang media para lumapit at magtanong. Masyadong simple at tipid ang sagot niya. Parang nakakainsulto na may halong pagngisi pa. Usually, about future goals ang tanong nila.
Kumunot ang noo ko dahil wala pang nagtatanong about sa family niya. That’s the question in my mind.
Nang tawagin na ang company namin ay tumayo na ako para lumapit sa nakahandang microphone sa harap. Kahit papaano ay kalmado na ako, hindi katulad kanina. Alam kong nasa akin ang lahat ng attention nila ngayon.
“Good morning, Mr. Wilfaro. I am Chelsea Vellarde from Henzon Group of Media Incorporation.” I introduced myself with my lips, smiling.
Alam kong hindi lang ang camera ni Rouve ang nakatutok sa akin. This event is also broadcasting live around the globe. Enough reason for me to tremble a bit.
“Good afternoon, Ms. Vellarde.” Nawala ang ngiti sa aking labi dahil sa sinabi niya. I glaced at my wrist watch. It’s just 12:01PM.
“I’m sorry. Good afternoon,” bawi ko sa sinabi ko.
“So, how’s life?” Napamulagat ako sa tanong niya. Kung makatanong siya ay parang magkaibigan lang kami na matagal na nagkawalay.
“Good,” I answered him. Pinanatili ko ang ngiti sa aking labi kahit na ang weird nito para sa akin. “How about you, Sir?”
“Best.” He said in a poker face.
Matapos no’n ay nag-umpisa na akong magtanong. Masyadong tipid ang mga sagot niya na kahit na may follow up ay gano’n pa rin. Parang masyado siyang nag-iingat sa mga salitang binibitawan niya. Medyo nakakailang lang ang titig niya na hindi pa niya inaalis magsimula nang tumayo ako rito.
“That question was just too personal, don’t you think, Ms. Vellarde?”
Napatikhim ako dahil sa sagot niya. I asked him about his parents. Kung bakit wala siyang nababanggit tungkol sa kanila. Hindi naman dapat kasali ‘yon pero gusto ko lang talagang malaman na wala man lang nakalagay na ganong info sa kanya. But I think I crossed the line.
“Uh, I’m sorry for that.” I said, apologetic.
“So, would you mind if I’ll also ask you a question?” Ngumisi ito.
“Not really, Mr. Wilfaro.”
Tumingin ito sa isang lalaking may edad na. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay at mabilis din niya ‘yong ibinaba. Tumango naman lalaki sa kanya. Parang signal lang ‘yon. May kinuha itong remote control sa kanyang bulsa at ipinakita ‘yon kay Mr. Wilfaro.
“Now.” Pagkasabi no’n ni Mr. Wilfaro ay napansin kong may pinindot doon ang lalaki.
“Shit!” Napatingin ako kay Rouve na nasa tabi ko.
“What happened?” Alalang tanong ko sa kanya.
“I don’t know. Bigla na lang namatay ang camera ko.” Nakangiwing sagot niya. Mukhang hindi lang sa kanya nangyari ‘yon dahil sa ingay na ngayon ay bumabalot sa buong paligid. Mukhang natataranta ang lahat.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at ayaw din no’n bumukas.
“No gadgets are allowed at this moment.” Napatingin kami kay Mr. Wilfaro na nakangisi pa rin. Mukhang dahil ‘yon sa remote control ng lalaki at utos ‘yon niya. Pakiramdam ko ay planado ito.
Kinabahan ako dahil ba’t kailangan niya pang gawin ‘yon.
“Fuck off!” Napatingin ako sa likod. Hinaharang ng mga guard si Ryde na nagpupumiglas at gustong lumapit sa akin.
I was about to step back when Mr. Wilfaro called my name. That seemed like a threat. Full of authority. Damn! What’s happening?
“What?” Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Dinig na dinig ko pa rin ang sigaw ni Ryde at ang pagtawag niya sa pangalan ko. Napansin ko na nanginginig ang kamay ko.
“Who’s the first one who caught the thief that night, Ms. Vellarde?” He asked me, smirking.
Kumunot ang noo ko.
“I’m sorry, Sir?”
Umayos ito ng upo.
“Mr. Leibniz,” tawag ni Mr. Wilfaro kay Ryde na napatingin sa kanya at natigilan sa pagpupumiglas. Napako ako sa kinatatayuan ko. Paano niya nakilala si Ryde? I am sure Ryde doesn’t know him. How come?
“Is that man really a thief?” Mr. Wilfaro asked him.
“What are you talking about?”
Mahinang tumawa si Mr. Wilfaro.
“Who’s the person who contacted you when the incident happened?”
Nakita kong natigilan si Ryde. Natahimik ako dahil parang alam ko na kung ano ang tinutukoy ni Mr. Wilfaro. Nung gabing kami lang dalawa ni Jean sa bahay namin at may masamang loob na pumasok pero mabuti na lang at dumating si Ryde. But how? Paano niya nalaman ‘yon?
“Romantic, huh? I prefer that man for Ms. Vellarde.”
“Shut up! How did you know that?” Ryde greeted his teeth.
Napunta sa akin muli ang tingin ni Mr. Wilfaro. Hindi naalis ang ngisi sa kanyang labi na parang alam na alam niya kung ano ang nangyari nung gabing ‘yon.
“I am done.” Sagot ko sa kanya.
“Don’t you want to know what’s behind that scene? I am sure it’s more romantic than a hero who protected you against that thief.” Humawak pa ito sa kanyang baba na animo’y nagi-iisip pa. “I don’t think he’s really a thief.” Mahina itong tumawa.
“Fuck!” Napatingin ako kay Ryde. He looks frustrated.
Walang sino man ang nagtatangkang makisali sa usapan namin. Wala ring makakapag-record nito at mukhang kami-kami lang din ang nagkakaintindihan.
“How did you know that there was a thief that time?” Mr. Wilfaro asked him again. “Maybe someone called you.”
“Someone?” I asked Ryde.
Hindi ito nakasagot. Paano nga pala nalaman ni Ryde na may masamang loob na tao ang nakapasok sa amin nung gabing ‘yon?
“Someone… Maybe the thief?”
Mas lalong nangunot ang noo sa sinabi ni Mr. Wilfaro.
“The thief was the one who contacted him? That’s irony!”
“H-Hindi talaga siya magnanakaw.” Napatingin akong muli kay Ryde.
“That’s it!” Humalakhhak si Mr. Wilfaro. “Nakuha mo rin.” Hindi ko gaanong mapagtuonan ng pansin ang paggamit niya ng tagalog dahil naguguluhan ako.
Hindi talaga magnanakaw ang lalaking ‘yon?
“It was planned by someone. Maybe he wanted Mr. Leibniz to be a hero that night. He maybe wanted you to notice him. He maybe was one of the reasons why you fell in love with Mr. Leibniz. That’s romantic, isn’t it?”
“Who’s that someone?” I asked Ryde. “Who called you that night?”
Napayuko si Ryde.
“Blaze…” He whispered.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro