Kabanata 7
Kabanata 7: Weird
Kumuha na lang kami ng taxi na maghahatid sa amin sa airport. Nasa loob na kami ng sasakyan at todo na ang aircon pero ang init pa rin ng katawan ko. Niluwagan ko na rin ang pagkakakapit ng scarf sa leeg ko dahil masyado na akong nasasakal.
Napatingin ako sa katabi kong lalaki. Kalmadong nakasandal lang ito sa upuan habang tutok na tutok sa kanyang phone. He’s biting his lips while playing NBA on his phone. Kalmado at walang ibang dinaramdam hindi katulad ko na init na init.
Napabuga na lang ako ng hangin. Lagi na lang ako ang nagdurusa sa ginagawa niya.
“What’s with the heavy sighs, Love?” Tinigilan na niya ang paglalaro at ibinalik na sa kanyang bulsa ang phone na ‘yon bago ako binalingan ng tingin.
Sinubukan nitong ipatong ang kanyang kamay sa hita ko pero mabilis ko ‘yong hinawi. I still can’t believe it. I already warned him about this. Pero mas binigyan niya ako ng dapat ikahiya.
“Hmmm… About the hickeys?” He snickered. “That’s just nothing. Normal lang naman na magkaroon ka niyan kasi may boyfriend ka.” Kulang na lang ay umikot ang dalawang mata ko dahil sa rason niya.
“You should be proud!”
“Proud your ass…” I mumbled. Hindi niya talaga naiintindihan ang gusto kong iparating.
“Come on, Chels. That’s my kiss mark. Mine. Huwag mo naman akong ikahiya.”
“You didn’t and still not get my point.” May halong diin kong sinabi. Napansin ko ang pasimpleng pagsulyap sa amin ng driver mula sa rearview mirror. “Haharap ako sa camera and I don’t think these kiss marks of yours is something I should be proud of infront of national TV. This will be an embarrassment to me, Ryde.” I tried to lower my voice. Ayoko sa lahat ay may nakakarinig sa pagtatalo namin.
Nakita ko naman ang paglambot ng reaksyon niya. Hindi ko kailanman ikinahiya kung ano ang meron sa amin ni Ryde, in fact I’m a proud girlfriend of him. Pero hindi ko naman kailanman ipangangalandakan sa buong mundo ang mga marka ng halik na ito. I’m a news anchor now and I have to be professional when it comes to everything including my appearance infront of the camera.
“I’m sorry…” He said in a low voice. “It’s just that I can’t control my damn self when it comes to you.” He really sounded apologetic.
Bakit parang ako pa ang may kasalanan ngayon? Bakit parang kasalanan ko lahat?
“Forget it…” I pouted my lips. “I can’t get mad at you. Sana lang Ryde ay mawala rin ito agad. Ayokong humarap sa camera na may mga ganito.”
“I’ll buy you a concealer for that. Baka bukas din ay wala na ‘yan.” He smiled at me asuuring things will be alright.
I just nodded my head. Buong byahe ay tahimik lang kami. Pagkarating namin sa airport terminal ay pumunta na kami sa waiting area kung saan naghihintay ang editor in chief namin na si Lizel.
“Hey, good morning…” Bahagyang gumalaw ang hanggang balikat niyang itim na buhok bago nagbeso sa akin. Bumati rin ako pabalik. Napunta kay Ryde ang kanyang atensyon. “You must be her boyfriend. Hmmm.. Ryde, right?” Hindi siguradong tanong niya.
Ryde smiled back. “I am pleased to meet you, Ma’am.” Magalang na bati ni Ryde.
Mahinang tumawa si Lizel. “Just call me, Lizel. Oh, pleased to meet you too, Ryde.” Nakipagkamay ito sa kanya.
Matapos no’n ay umupo na kami para hintayin sina Rouve at Rexor. Nag-usap kami ng konti ni Lizel tungkol sa mga gagawin namin. Maayos naman na ang lahat pero kailangan pa rin naming gumawa ng ibang plano kung sakaling may aberya man na mangyari.
“Just be confident, Chelsea. It’s just a piece of care for you.” She said, with a smile. Pinilit kong tumawa para pagtakpan ang kabang nararamdaman ko.
Napatingin ako kay Ryde na nakasandal sa upuan habang ang isang binti niya ay nakapatong sa isa. As usual ay nakikinig na naman ito ng kanta at nilalabi niya pa ang mga lyrics. Nakapikit pa ito habang ginagawa ‘yon.
Mayamaya’y dumating na rin sina Rexor at Rouve. Tumayo kami ni Lizel para bumati sa kanila. Masiglang bumati sa amin si Rouve. Halata ang excitement sa kanya na kinwento niya pang halos hindi siya nakatulog kagabi.
“Good morning, ladies.” Bati sa amin ni Rexor.
“Good morning, Mr. Olivo.” Bati namin ni Lizel.
“Whoa. Si Mr. Abs!” Tumawa si Rouve nang mapansin si Ryde na nanatili sa kanyang ginagawa kanina. Nakapikit pa rin ito at walang kaalam-alam sa nangyayari sa paligid.
Mahinang tinapik ko ang kanyang balikat. Binuksan naman niya ang kanyang mata bago tumingin sa amin. Nalilito ang kanyang mata habang nakatitig sa akin.
“What?” Napangiwi ako sa tanong niya.
“Greet them,” I whispered. Napatingin naman siya kina Rouve at Rexor.
“Greetings,” maikling sabi niya.
“Pakita nga ng abs!” Biro ni Rouve pero pumikit lang ulit si Ryde at ibinalik sa kanyang tenga ang headset. “Sungit. Kapag ako nagka-six pack abs, hindi na ako magdadamit.”
Nakita ko ang pag-iling ni Rexor. Tumabi ito kay Lizel habang si Rouve naman ay nagpaalam na bibili lang ng kape. Tumabi rin ako kay Ryde. Nanatiling nakapikit ang kanyang mata.
Napailing na lang ako.
Sumandal ako sa upuan at kinalma ang sarili ko. May kalahating oras pa kami bago makapasok. Mukhang masyado kaming napaaga. Naramdaman ko ang braso ni Ryde na umakbay sa akin.
Napatingin ako sa kanya. Lumapit pa ito sa akin at tinanggal ang isang headset mula sa kanyang tenga at binigay ‘yon sa akin. “This is my song for you, Love.” Bahagya akong nakiliti nang inilapit niya sa tenga ko ang kanyang bibig para ibulong ‘yon.
“You came and breathed new life into this lonely heart of mine.” Sinabayan niya ang kantang ‘yon. Amoy na amoy ko ang pabango niya dahil sa sobrang lapit namin sa isa’t-isa. “Chelsea… Remember this… I can’t get mad at you, no matter what. I just can’t.” He whispered.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Kinokonsensya mo ba ako dahil nagalit ako sa’yo?” Tanong ko sa kanya.
Tumawa lang ito bago umiling. “Huwag mong sabihin na gagamitin mo rin sa akin ang gasgas na linyang ‘I can’t live without you.’” Natatawa kong sabi sa kanya. “That would be cliché, Love.” I said, teasing him.
Lagi ko na lang kasi ‘yong nababasa at naririnig. Sugarcoated words make me cringe.
“I can but worthless.” He answered in a solemn voice.
Nakipagtitigan ako sa kanyang mga nang-aakit na mata.
“Ewan ko sa’yo…” Inalis ko na ang headset sa tenga ko at ibinalik na ‘yon sa kanya. “I love you, Ryde, but I can’t take the worth of your life from you. It’s yours.”
“Why can’t you just appreciate it, Chels?” Ngumuso ito.
“Okay… Own your worth for me, please…” Muli akong nakipagtitigan sa kanya. Bumali ang leeg nito at halatang tutol na naman siya sa akin. “Promise me that you will not depend your worth of living to someone. Ryde…”
“Fine…” He let a heavy sigh. “Promise. Happy?” Natatawa niyang sabi. “But I forgot to tell you that my life has nothing until you came and gave it worth.”
“Agh! So sweet. Cringe.” I pouted my lips.
His life is worthless without me? It is not being selfless, that is selfishness. Ayoko talaga sa lahat ay ang mga gano’ng salita. You have our own life to take care of, so don’t give yours to others. They have theirs! Don’t put the burden of living your life to someone. ‘Yon ang gusto kong mangyari sa amin ni Ryde. Ayokong idepende namin ang sarili namin sa isa’t-isa pero hindi ibig sabihin no’n na isusuko namin kung anong meron kami.
Inabot kami ng 14 hours bago lumapat ang sinaksayan namin sa airport terminal ng London. Halos tumakbo na ako palabas dahil sa sobrang pagkasabik. Humigpit ang hawak ko sa aking jacket nang yakapin ako ng malamig na hangin. Naramdaman ko ang presensya ni Ryde sa tabi ko.
“This is your world…” Panunukso ni Ryde habang tinuturo ang mga taong naka-scarf.
Kumuha kami ng dalawang taxi na maghahatid sa amin sa hotel na tutuluyan namin. Nasa iisang sasakyan kami sina Ryde at Rouve habang nauna na sa amin sina Lizel at Rexor. Nasa tabi ng driver’s seat si Rouve habang kaming dalawa ni Ryde ang nasa likod.
“Excuse me,” Nabalin kay Rouve ang aking atensyon nang kausapin niya ang driver. “Is it not yet snowing?” He asked.
Napatingin naman ang driver sa labas ng binta. “Maybe in the midst of October, Sir.” The driver answered, unsurely.
Mukhang maabutan pa namin ang first snow.
Pagkarating namin sa hotel ay inihatid kami ng staff sa room na nireserved namin. Tig-iisa kaming room at dahil nakalimutan ni Ryde na magpa-reserved ay magkasama na kami sa iisa. Pagod na umupo ito sa sofa pagkapasok namin. Itinabi ko sa gilid ang mga bagahe naming basta na lang niyang binitawan bago tumabi sa kanya.
“May sched na kayo ngayon?” Tanong niya sa akin.
Pagod na isinandal ko ang likod ko sa balikat niya.
“Bukas pa ng hapon ang dinner namin with Mr. Wilfaro pero mukhang may kailangan kaming puntahan ngayon para sa documentary na gagawin namin.”
“Gano’n? Let’s go?”
Napatingin ako sa kanya nang tumayo ito. Inayos nito ang jacket na suot niya.
“Where?”
“You need concealer for that, right?” Turo niya sa leeg ko. Tumango ako bago tumayo.
Pagkalabas namin ay saktong kakalabas lang din ni Rouve sa kanyang unit. Magkakatabi lang kasi kami.
“Saan kayo pupunta?” Tanong niya sa amin.
“Store. We need to buy conceal for the hi----“ Mabilis na tinapalan ko ang bibig ni Ryde.
Oh ghad. Ano pang saysay ng pagpapakahirap kong itago ang mga ito kung sasabihin lang din naman niya?
“May bibilhin lang kami. How about you?”
“Store rin. Headache.” Ngumiwi ito.
Sabay-sabay na kaming pumunta sa store. Pagkapasok namin ay agad na humiwalay sa amin si Rouve para pumunta sa bilihan ng gamot. Pumunta naman kami ni Ryde sa mga cosmetics. Nasa likod ko lang siya habang ako ang pumipili, gusto ko ring bumili ng lipstick dahil nakalimutan kong bumili sa Pinas.
“Matagal ka pa ba?” Dinig kong tanong ni Ryde.
Kinuha ko ang dalawang lipstick bago ‘yon ipinakita sa kanya.
“Anong maganda?” Nakangiti kong tanong sa kanya.
Kumunot ang noo niya. “I don’t have fucking idea what’s the difference of those red lipstick. Just buy those two if you can’t decide.” Namumula na ang mukha niya.
Napanguso na lang ako. Ano na namang problema niya?
“Isa lang. Ano kasing maganda?”
“Oh fuck. That one!” Mabilis na itinuro niya ang sa kaliwa kong kamay. “Buy that and let’s get out of here.”
Napatingin naman ako sa pinili niya.
“Mas maganda ‘to.” Ibinalik ko ang tinuro ni Ryde dahil hindi ko ‘yon gusto.
“Pinapili mo pa talaga ako,” may halong panunuyang sabi niya.
Pumunta na ako sa counter para magbayad. Napatingin ako sa dalawang sales lady na nakatingin kay Ryde. Nagbubulungan ang dalawang ‘yon bago mahinang tumatawa. Napatingin naman ako kay Ryde na nakanguso na.
“Akala ba nila bading ka?” Tanong ko kay Ryde habang nagbabayad.
“Stop asking.” Putol niya sa akin.
Matapos kong makapagbayad ay hinila na ako ni Ryde palabas. Natawa na lang ako dahil sobra pa ring pula ng mukha niya.
“Wait… Hintayin natin si Rouve.” Pigil ko sa kanya.
“Marunong naman siguro siyang umuwi, ‘no?” Pagsusungit niya.
Nanatili kami sa gilid ng store habang naghihintay kay Rouve na lumabas. Napatingin ako kay Ryde nang mag-ring ang phone niya. Kinuha naman niya ‘yon sa bulsa niya ngunit nang makita ang screen ay pinatayan niya lang ang tumatawag bago ‘yon ibinalik sa kanyang bulsa.
Nag-ring na naman ang phone niya at napansin ko ang pasimple niyang pagtingin sa akin. Hindi ako lumingon.
“Hmmm… Chels?”
“Oh?”
“I’ll just go to the restroom.” Pagpapaalam niya.
“Sure. Pakibilisan lang.” Nakangiting sagot ko. Tumango ito at nakakailang hakbang pa lang ay tinawag ko siyang muli. “May restroom dito sa store. Saan ka pupunta?” Tanong ko dahil diretso ang lakad niya.
“Ah… Sorry.” Mabilis na pumasok ito sa loob.
Kinalma ko ang sarili ko. Hindi ko maiwasang magtanong sa aking isipan kung sino ang tumatawag sa kanya at naging balisa siya. Alam ko naman na hindi siya sa restroom pupunta. Hahanap lang siya ng tahimik na lugar kung saan pwedeng sagutin ang tawag na ‘yon.
Ilang minuto akong nakatayo roon nang makita si Rouve na lumabas. Nakatulala ito at kung hindi ko pa siya nilapitan ay hindi niya ako mapapansin.
“May problema ba?” Tanong ko sa kanya.
Nakita ko ang paglunok nito at pagdadalawang-isip na sagutin ang tanong ko.
“Let’s go?” Napatingin kami kay Ryde na nakangiti sa akin. Napatingin siya kay Rouve. Tumaas ang dalawa niyang kilay. “May problema ba?” Tanong niya.
“I hea---“
“May problema ba?” Tanong ulit ni Ryde sa kanya.
Kumunot ang noo ko.
“W-Wala.” Sagot ni Rouve.
“Let’s go back.” Lumapit sa akin si Ryde. “Pwede mo ng hubarin ang scarf mo.” Bulong niya sa akin.
Siniko ko lang siya dahil sa sinabi niya. Buong byahe ay tahimik lang si Rouve. Napansin ko ang pasimple niyang pagtingin kay Ryde.
“Rouve is acting weird,” I said. Hindi ‘yon narinig ni Rouve na nasa tabi ng driver’s seat.
“He is sick… Just don’t mind him.”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro