Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 6

Kabanata 6: Jerk

Matapos kong bilhin ang kwintas na 'yon ay kumain muna kami saglit. I was just quiet the whole time. Binabasag niya ang katahimikan sa pamamagitan ng pagtatanong ng kung anu-ano pero natitigil din 'yon sa sagot ko.

"What time tomorrow?" Muli niyang pagbasag sa katahimikan. Inabot niya ang table napkin at ipinunas 'yon sa kanyang bibig.

"Our flight is 8:00 AM kaya kailangan ay maaga tayo."

Matapos no'n ay tahimikan na naman sa pagitan namin ang nangibabaw. Matapos kong kumain ay inabala ko ang sarili ko sa aking phone. Muli kong binalikan ang message galing sa unknown number.

September 30, 2017. 3:00PM. Kung hindi ako nagkakamali ay ito rin ang petsa nung pumunta kaming mall at pagkagising ko'y nasa ospital na ako. Ngayon ay hindi na ako naniniwala na basta na lang akong nahimatay sa loob ng jewelry shop. May mga nangyari pa na hindi ko maalala.

"Sinong ka-text mo?" Muntik ko ng mabitawan ang phone ko nang biglang magsalita si Ryde.

Sinamaan ko siya ng tingin na sinuklian nya lang ng pagkunot ng noo. Napabuga na lang ako ng hangin.

"Wala."

"Kung wala ay itago mo na 'yang phone mo sa bag. I am here with you so I think you have no reason to handle that thing." Umangat ang kilay ko dahil halatang galit ang kanyang tinig.

Hindi na lang ako nakipagtalo at ibinalik ko na sa loob ng bag ko ang phone. Ramdam ko ang titig na ibinibigay sa akin ni Ryde. Masyado ring mabigat ang mga paggalaw ko. Para akong batang nagdadabog.

"Where do you want to go after this?"

"Home."

"Except that."

"My bed."

"Tumingin ka sa akin kapag kinakausap kita." Napaangat ang tingin ko dahil sa sinabi niya. Bumali ang kanyang leeg pero hindi ako nagpatinag. Pinanatili ko ang walang ganang ekspresyon ko.

Ayos naman kami kanina nung hindi ko pa nahalatang may itinatago siya sa akin. I want to know that... This is not curiosity, I am worried. Pinaparamdam niya sa akin na wala akong maitutulong kung sakaling malaman ko 'yon.

"Are you sick?"

"Not really. Maybe tired?"

"Are you starting fight with me?" His expression suddenly turned into a cold one.

Natawa ako sa sinabi niya pero alam kong dahil 'yon sa inis. "Hindi ako makikipagtalo sa'yo sa ganitong lugar." Bahagya pa akong tumawa. Maraming tao rito at ayokong sumikat sa social media at maging viral ang away namin.

"Why are you even mad?" Namaos ang kaniyang boses.

"I am not mad!"

Umawang ang bibig niya dahil sa pagsigaw ko. Nakaramdam din ako ng hiya lalo na at napatingin sa akin ang mga katabi namin. Napatingin ako kay Ryde nang marinig ang malakas niyang pagtawa.

"So, yeah. You're not mad. I get it."

Mas lalo akong nahiya dahil naaagaw na niya ang atensyon ng mga kumakain dito. Alam niyang nakatingin na sa kanya ngayon ang mga tao rito at hindi man lang siya makaramdam ng hiya.

"Are you pregnant, Love?" He snickered.

Napapikit ako sa inis at dahil sa ayokong maihambalos ko sa kanya ang aking bag ay tumayo na ako at nagsimula ng lumabas. Oh ghad. Why did he say that? Freaking jerk! Hindi ka pa rin nagbabago. Ang hilig mo pa rin akong inisin.

"Hey! Walk carefully! Baka mapano ang baby natin." Mas lalo kong binilisan ang paglalakad.

Gusto ko nang makalabas dito para maharap si Ryde. Gusto ko nang ihambalos sa kanyang mukha ang bag na hawak ko nang walang ibang nakakakita. Pagkalabas ko ng mall ay madilim na.

"Wait..." Napasinghap ako nang maramdaman ang kamay ni Ryde sa aking braso. Nanatili akong nakatalikod sa kanya. "Tumingin ka naman sa akin."

Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kanya. "Huwag mong akuhin ang responsibilad, Ryde. Hindi ikaw ang ama ng anak ko." Natigilan ito sa sinabi ko.

Mabilis na hinawi ko ang kaniyang kamay na nakahawak sa aking braso. Dahan-dahan na lang ang ginawa kong paglalakad. Ramdam ko rin na nakasunod siya sa akin. Tahimik na binaybay namin ang daan papunta sa parking lot.

Narinig ko ang pagtunog ng sasakyan ni Ryde kaya mabilis na pumasok ako roon. Masyadong mabigat ang mga paghinga na pinapakawalan ko dahil na rin sa pagod. Umupo si Ryde sa driver seat ngunit hindi ko man lang siya napagtuonan ng pansin.

Nanatili kaming walang kibuan sa loob ng ilang minuto at hindi pa rin niya pinapaandar ang sasakyan.

"Drive now, Ryde." I said.

"Who is the father?" Napanganga ako sa sinabi niya.

Hindi ako nakapagsalita agad dahil sa gulat. Talagang naniwala siya sa sinabi ko? Nakaramdam ako ng pagkainsulto at mas dumagdag 'yon sa inis na nararamdaman ko. Ngayon ay hindi na lang ito basta pagkainis... I am starting to get mad for real.

"Rexor?" He asked again without throwing a glimpse at me.

I suddenly had the urge to continue the lie I've said. Hindi pa rin ako makapaniwalang pinaniwalaan niya iyon.

"It's no longer your business..." Parang may bumara sa lalamunan ko matapos kong sabihin 'yon.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Kailan pa?" Gusto ko siyang sapakin dahil sa tanong na 'yon.

"I'm two months pregnant..." I lied. Isang buwan pa lang matapos kong makilala si Rexor.

"I'm not mad." Bulong niya pero hindi 'yon ang nararamdaman ko. "I can't." Dugtong niya.

Binuhay na niya ang sasakyan at lumabas na kami ng parking lot. Pagkarating namin sa highway ay binagalan niya ang sasakyan. Kumuyom ang kamao ko at gustong-gusto ko na siyang sapakin pero baka maaksidente lang kami.

Kinalma ko ang sarili ko at itinuon na lang ang atensyon sa kalsada. Maluwang ang kalsada pero mabagal pa rin ang pagpapatakbo niya. So... Binabagalan niya para sa ikabubuti ko?

"Putangina!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Ryde.

Umawang ang bibig ko dahil sa takot. Ang kaninang mabagal na pagpapatakbo niya ay naging mabilis hanggang sa mapapikit na ako sa takot. Buong byahe ay nakapikit lang ako hanggang sa naramdaman ko nang tumigil ang sasakyan.

Kinalas ko ang aking seatbelt at mabilis na lumabas. I was about to run when he grabbed my arm. Hinila niya ako palapit sa kanya at mabilis na inangkin ang labi ko. Kumalabog ang puso ko nang isandal niya ako sa kanyang sasakyan.

"Shit!" I cursed under my breathe when his kiss became harder. He never kissed me this way... Ipinaparamdam niya sa akin ang galit niya sa pamamagitan ng halik.

Mabilis na napunta sa aking likod ang kanyang isang kamay. Para akong nakuryente nang hagudin niya ang likod ko pababa sa aking bewang habang patuloy sa paghalik. Naging malikot ang kaniyang kamay roon.

"That was the most painful lie I've ever heard, Ms. Vellarde." Nakagat ko ang labi ko nang makita ang nagbabaga niyang mata na nakatingin sa akin. "I hate how you played it well. You almost made me believe..." Even his voice was deep. Oh ghad... How could be that more attractive to me? This is insane.

Hindi ko nakayanan ang tingin niya kaya iniwas ko ang aking mukha ngunit mabilis niya pa rin 'yong iniharap sa kanya. Napangiwi ako nang maramdaman ang kamay niya sa likod ko. Pumasok na 'yon sa loob ng damit ko at mabilis na naramdaman ko ang mainit niyang palad doon.

"Nagbibiro lang ako, Ryde." Halos naging pabulong 'yon. Nanghihina ako sa kaniyang haplos.

Napasinghap ako nang idiin na niya ang kanyang sarili sa akin. Nanatili ang kanyang kamay sa loob ng damit ko. Gumapang 'yon papunta sa aking puson. Para akong nakukuryente ng kanyang haplos.

"I know. I can still remember those word, Ms, Vellarde. You trust me with your life. Mabuti na lang at sinabi mo na 'yon. You saved yourself." Napapikit ako nang mas ilapit niya pa sa akin ang kanyang mukha. "Don't ever do that again..."

Nanginig ang tuhod ko nang maramdaman ko ang kanyang halik sa likod ng tainga ko. "Don't you ever..." Napakapit ako sa kanyang likod nang maramdaman na rumagasa ang labi niya pababa sa aking batok. "Play that game again." Matapos niyang sabihin 'yon ay nag-umpisa na siyang magtanim ng halik doon.

"Fuck, Ryde! Don't do that... May project ako bukas. Please..." I begged. Alam ko ang binabalak niya. Nilalasing na naman niya ako para bagawa niyang magtanim ng marka ng halik sa parteng 'yon.

I heard him chuckled, "Why do you have to smell like this? You're making this harder for me to stop." Tuluyan ng bumigay ang tuhod ko nang tumaas muli ang kanyang halik papunta sa leeg ko. Napatingala ako dahil sa kiliting dulot no'n.

"Don't do that again... Promise me." He said in a husky voice. I can feel his warm breath and I hate to admit that it feels good. "Promise me, Ms. Vellarde." Nanginig ang labi ko nang maramdaman ang kamay niyang pababa na sa aking puson.

"Oh ghad... Ryde." Namula ang mukha ko dahil parang naging ungol 'yon. Nakagat ko ang labi ko nang tuluyan ng pumasok sa loob ng skirt ko ang kaniyang kamay.

"Promise me..." Namahinga ang kamay niya sa aking hita at naramdaman kong hinaplos niya 'yon.

"Promise!" I bit my lower lip.

Tumaas ang halik niya papunta sa aking noo bago lumayo sa akin.

Masyadong malakas ang kabog sa dibdib ko. Nanginginig pa rin ang mga tuhod ko at ramdam ko pa rin ang mainit niyang palad sa aking balat. Mabuti na lang at walang tao sa parking lot ngayon dahil gabi na rin.

Napatingin ako sa gitna ng kaniyang hita. Halos itago ko ang mukha ko sa hiya nang makita 'yon. Mabilis na iniwas ko ang tingin ko. Sobrang init ng mukha ko dahil do'n. His bulge is damn hard.

"Want to see it, Love?" He playfully smirked at me.

I shook my head.

Matapos no'n ay tahimik na kaming pumasok sa loob ng building. Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa sobrang hiya. Pumasok kami sa loob ng elevator at mas naging awkward ang ambiance. Ilang minuto na rin ang lumipas matapos ang mapusok na ginawa niya ngunit ramdam ko pa rin ang kaniyang mainit na palad sa iba't-ibang parte ng katawan ko.

I must admit... Ryde is a gorgeous monster. Just by his damn touch... I don't think you could say no when he already touched you. Nasa labas pa kami no'n! What more... What more in bed? Agh! What the hell am I thinking? I shook my head.

"Love?" Natigilan ako sa pag-iisip nang marinig si Ryde. Nakangisi ito habang nakasandal sa entrance ng elevator at pinipigilan ang pagsara no'n. "Stop fantasizing me when I can give you reality."

Umapaw muli ang galit ko. "Jerk!" I shrieked at him. Mabilis na dumaan ako sa harapan niya. Halos madapa pa ako dahil sa pagtakbo na ginawa ko ngunit siya ay naglalakad lang sa tabi ko.

Pagkaharap ko sa unit ko ay mabilis kong pinindot ang passcode ko at mabilis na pumasok doon. Narinig ko pa ang huling hirit ni Ryde.

"Night night, My Love. Have a wet dream."

Naihagis ko sa couch ang bag ko dahil sa inis. Pababog din ang paghubad na ginawa ko sa aking stilettos. Nang nakapaa na lang ako ay mabilis na tumakbo ako papasok sa kwarto ko at sinunggaban ang kama.

What was that? Why did he do that? Why I didn't stop him? Oh ghad...

Hindi ko alam kung anong oras akong nakatulog kagabi. Nagising na lang ako nang marinig ang alarm clock ko. Mabilis na tumayo ako at sandaling nag-stretching. Matapos no'n ay kinuha ko na ang nakahadang damit ko.

Pumasok ako sa loob ng comfort room. Pagkaharap ko sa salamin ay napatili ako. Naiiyak na pinagmasdan ko ang maliit na pula sa aking leeg.

"Oh my ghad!" Nataranta ako dahil mas malala ngayon. Parang mas gusto ko na lang tuloy na sinugatan niya ang labi ko kesa sa ganito. "Why am I in love with that jerk?" Wala sa sariling tanong ko.

Iniwasan kong mapatingin sa salamin hanggang sa matapos kong maligo. Baka mapasigaw na naman ako sa inis. Habang nagbibihis ako ay humuhupa ang galit ko. Alam kong may kasalanan din ako. Nagsinungaling ako sa kanya... Hindi siya naniwala pero galit na galit pa rin siya. Sometimes I just really want to curse myself.

What did I do? Okay. Lesson learned. I will never ever make a lie like that. Baka mas malala pa ro'n ang gawin niya.

Pagkalabas ko ng kwarto ay nadatnan ko na si Ryde. Alam niya ang passcode ko kaya malaya siyang makakapasok dito. Nakaupo ito sa couch. Nakapikit ang kaniyang mata at naka-headset. Nanatili akong nakatayo malayo sa kaniya habang pinapanuod ang paggalaw ng kaniyang labi na malamang ay sinasabayan na naman niya ang kanta.

Looks can be deceiving... really.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa kaniya. Hindi pa man ako nakakalapit nang imulat na niya ang kaniyang mata. Kumunot ang noo nito bago inalis ang kaniyang headset.

"Why are you wearing scarf? Wala pa tayo sa London." Inosenteng tanong niya na ikinatawa ko.

Okay... Kunwari ay walang nangyari kagabi? 'Yon ba ang gusto niya?

Lumapit ako sa kaniya. Napangiwi ako dahil naiinitan na ako.

"Don't..." Nginusuan ko siya nang tangkain niyang alisin ang scarf sa leeg ko. Kahit na naka-turtle neck na ako ay gumamit pa ako ng scarf. Nasasakal ako pero kaya kong tiisin kesa sa kahihiyan.

"Why? Are you feeling sick?"

"I am not."

Pinipigilan ko ang sumigaw. Hindi naman siya lasing kagabi para makalimutan 'yon.

"Alisin mo na 'yan. Ako ang naiinitin sa'yo eh."

"Alam mo kung bakit?" Humarap ako sa kanya. "May gagong lalaki na humalik sa akin kagabi. Galit na galit ang gago. Alam naman ng gago na may project ako ngayon ay ginawa pa rin niya 'yon. Para tuloy akong gago rin na naka-scarf. Sana naman mag-snow sa Pinas para naman hindi obvious na may itinatago ako. Hays. Gago ka talaga, Leibniz."

Nanlaki ang mata niya bago tumawa ng malakas.

"Ryde... The jerk."

Napangiti ako sa sobrang inis. This is really embarrassing. Uh, yeah. Ang gandang pambungad para sa araw na ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro