Kabanata 5
Kabanata 5: Pendant
Tahimik. Tanging ang paggalaw lang ng kama at ang tunog ng orasan ang naririnig ko. Nakahilata ako sa kama habang nasa gilid ko naman si Ryde na nagbabasa ng libro. Napanguso ako bago sinilip kung ano ang binabasa niya.
"Hell University?" I asked out of curiosity.
"Yeah," Walang ganang sagot niya nang hindi man lang tumitingin sa akin.
"Ryde... Rexor is waiting for me to send that file." I whispered. Wala naman akong ginagawa at nabawi ko naman na ang kinulang kong tulog dahil maghapon akong tulog kanina. Alas diyes na ng gabi ngayon at kakatapos lang namin kumain.
He looked at me and let a heavy sigh. Isinara niya ang librong hawak niya at ipinatong 'yon sa maliit na lamesa sa kanyang gilid. Gumalaw ang kama nang humiga siya sa tabi ko. Ginawa niyang unan ang kanyang braso habang nakaharap sa akin.
"Mr. Rexor, Chels. He is your boss. Learn to respect him." Natawa ako sa sinabi niya dahil parang gusto niya ngang basagin ang mukha ni Rexor kanina eh. "And... First name basis? That doesn't sound good for me." Masyadong tamad ang pagkakasabi niya no'n.
Umayos ako ng higa. Tumagilid ako at humarap sa kanya. Masyado kaming malapit sa isa't-isa pero wala akong nararamdaman pagkailang. Medyo nasanay na rin ako sa kanya na halos yumakap na sa akin lagi.
"Okay. Kinukuha na ni Mr. Rexor ang final project file sa akin dahil hinahanap na 'yon ng pinaka-boss namin." Malamang na naghihintay pa rin siya. "Trabaho ko 'yon, Ryde."
"Say that you love me..." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "I want to hear that, Love." Hindi ko alam kung ano na naman ang iniisip niya. Masyadong malayo 'yon sa inaasahan kong sagot niya.
I let a heavy sigh and smiled at him. Hinawakan ko ang mukha niya at iginala ro'n ang kamay ko. Mula sa kanyang noo pababa sa kanyang mga mata at ilong hanggang sa labi. Kabisado ko na sa aking isipan ang buong mukha niya ngunit ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na mahawakan ang mga 'yon.
"I trust you my life, Ryde." I whispered. Nung inamin ko pa lang sa sarili ko ang nararamdaman kong ito ay pinagkatiwalaan ko na siya. Alam kong masasaktan ako sa pag-ibig na ito... Iiyak ako pero hindi ako mapapagod at kung mapapagod man ako ay hindi ako susuko.
"Sweet..." Ngumiti ito.
"Aren't you going to ask me why I didn't say I love you?" Tanong ko dahil may kasunod pa ang mga sinabi kong 'yon,
"Nope. You trust me. End of conversation." Tumawa ito. Naramdaman kong bumaba ang isa niyang kamay sa bewang ko.
"Because you can't love without trust." I said. Naramdaman ko ang haplos ng kanyang kamay.
"Yeah. You really can't make love without thrusting..."
"You didn't get it, did you?" Iba na naman ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko.
"I love you with a little lust..."
"Ryde!" Namilog ang mata ko dahil do'n. Hindi talaga siya nauubusan ng dirty words... Pero gano'n pa man ay hindi nakakabastos ang dating sa akin no'n. Ganito lang talaga siya.
"I love you with trust between you and I."
Kumunot ang noo ko. "Pinaghandaan mo ito? Ang dami mong alam." Umayos ako ng higa dahil masyado ng mapusok ang mga sinasabi niya.
Tumawa ito bago ako hinila palapit sa kanya. Ikinulong niya ako sa kanyang bisig at kahit na mahigpit 'yon ay hindi ko magawang kapusin ng hangin. Dinig na dinig ko ang mabibigat na paghinga niya.
"Hindi ko ipapangakong hindi kita masasakan sa pagmamahal na ito." Mas humigpit ang yakap niya sa akin. "I can't promise specially when we are alone in a bed like this." Kumalabog ang dibdib ko sa sinabi niya.
Tinulak ko siya palayo sa akin at mabilis na lumayo sa kanya. Natawa ito sa naging reaction ko.
"Ang bastos mo talaga, Ryde." Nakangiwing sabi ko.
"When will I hear you scream my name in pleasure?"
"Ryde!" Gusto kong takpan ng unan ang mukha ko dahil sa hiya.
"I won't force you, Chels. I won't rip your dress... Ikaw ang gagawa no'n para sa akin." Nakita ko ang pagtaas-baba ng kanyang adam's apple. "You will rip my shirt until I am naked."
"Fine!" Napabuga ako ng hangin dahil hindi ko kinakaya ang mga lumalabas sa kanyang bibig. Paano niya nagagawang sabihin ang mga 'yon sa harap ko pa mismo? "We'll also get there... Someday, Ryde. But for now on, please... I need to send those files." I pouted my lips.
Napatingin ako kay Ryde na mabilis na tumayo. Tumikhim ito at binuksan ang pinto. "Tara. Samahan na kita." Muli itong tumikhim na ikinatawa ko. "Someday..." Narinig ko pang ibinulong niya.
Lumipas ang araw na puro gano'n ang eksena. Hindi raw niya magawang mag-countdown dahil hindi naman daw siya sigurado kung kailan ang someday na tinutukoy ko. Mabuti na lang at wala ring nangyaring halikan nung araw na 'yon dahil pagaling pa lang ang labi ko.
"Why don't you take a rest, Chels?" Salubong sa akin ni Cielo kinabuksan pag kapasok ko sa trabaho. Ramdam kong nakasunod siya sa akin hanggang sa makaupo ako sa table ko. "You need that." She added.
"Not now, Cielo. Marami akong tinatapos."
"And your life is included."
"Magtrabaho ka na."
"I will really steal Mr. Leibniz when you die. I am waiting..." Pinitik nito ang kanyang buhok bago ako tinalikuran at bumalik sa station niya.
Napabuntong-hininga na lang ako bago binuksan ang laptop ko. May kailangan akong i-edit dahil may pagbabago sa schedule ni Mr. Wilfaro. Bakit ba kasi paiba-iba ang schedule niya? Sana lang ay ito na talaga ang huli dahil baka maghabulan pa kami pagkarating do'n.
"Why took you so long to send that file?" Napagitla ako nang biglang may nagsalita. Napaayos ako ng upo nang makita si Rexor sa harapan ko.
Naalala ko tuloy bigla ang galit niya sa akin kahapon. I cleared my throat while compiling words for answer.
"Naaksidente siya, Sir!" Napatingin ako kay Rouve. "Hindi ko lang alam kung saan ba talaga. Sa sasakyan o sa jewelry shop." Bigla itong lumingon sa kakambal niya. "Hindi ba?" tanong niya pa.
Kumunot naman ang noo ni Rexor.
"I'm sorry for the delay, Sir. Medyo hindi lang po kasi magandang ang pakiramdam ko kahapon."
Tumikhim ito ng ilang beses, "You okay now?" He asked so I nodded my head. "If not, you may take a rest. Kailangan mong gumaling agad bago dumating ang bukas." Tumango ito sa akin bago lumabas.
Napabuga na lang ako ng hangin pagkaalis niya. Bukas na pala kami lilipad patungong London. I need to take a rest tonight. Nakapag-ayos na rin naman kami ng gamit ni Ryde kagabi. May magandang dulot naman pala ang nangyari sa akin dahil napilitan siyang sumama sa akin.
"Why don't you tell her the truth!" Napatingin ako sa kambal na nag-uusap.
"Lower your voice, numbnuts!" Binatukan ni Cielo ang kanyang kakambal. May narinig pa akong sinabi niya ngunit dahil sa hindi ko ugali ang makinig sa usapan ng iba ay hindi ko na pinagtuonan ng pansin 'yon.
Sumandal ako sa swivel chair habang nakatingin sa screen ng laptop ko. Nakakalula ang schedule ni Mr. Wilfaro para sa araw na 'yon. Parang occupied ata ang lahat ng oras niya. Tinitignan ko pa nga lang ay napapagod na ako, paano pa kaya siya? Kaya siguro hindi niya mapagtuonan ang sarili dahil sa sobrang hectic ng kaniyang schedule.
"Single..." Basa ko sa status niya. Hindi na 'yon nakakapagtaka. Malamang na walang babae ang lumalapit sa kanya dahil sa nakakatakot na tindig niya.
Bumagsak ang tingin ko sa salamin na maliit. Nilagay ko talaga 'yon para hindi na ako pumuntang comfort room para mag-ayos ng sarili dahil madalas ay emergency ang lakad namin.
Hindi ako mahilig sa alahas kaya ang tanging suot ko lang ay hikaw. May wrist watch naman ako pero madalang ko lang 'yon isuot. Siguro ay bibili na lang ako ng kwintas mamaya para naman hindi ako magmukhang kaawa-awa sa harapan ni Mr. Wilfaro.
Napatingin ako sa phone ko nang umilaw ang screen nito. Mabilis na naagaw ng atensyon ko ang hindi familiar na numero roon. I opened the message.
"September 30, 2017. 3:00 PM." 'Yon ang nakalagay sa message. I opened the image attached.
Nanlambot ang kamay ko nang makita ang sasakyan ni Ryde. Wasak ang sa harapan no'n. This explained why I didn't see his car on the parking lot earlier. Ang akala ko ay sa ibang parking lot niya lang iyon nilagay.
Paano? Naaksidente ba siya kaya nawasak ang harap ng kanyang sasakyan? Wala siyang nanggit sa akin at okay naman siya kagabi. Wala akong nakitang sugat o kahit na galos man lang sa kanya--- O baka naman hindi ko lang napansin?
Panigabong mensahe ang lumitaw sa screen pero galing kay Ryde na ngayon.
"Anong oras labas mo? :*" Okay? What's with that emoticon?
"30 minutes. Are you free? May balak kasi akong bilhin sa mall." I replied. Binalingan ko ng tingin si Cielo na busy na sa kanyang laptop.
"I'm on my way." Ryde responded back.
Inayos ko na ang gamit ko at itiniklop na ang laptop. Humarap ako sa salamin at sinuklay ang buhok ko. Natigilan nang biglang sumakit ang ulo ko. Pumikit ako para pakalmahin ang sarili ko. Sa dilim ay may narinig ako at mga malabong imahe na nakikita. Nabitawan ko ang suklay na hawak ko.
"Hey..." Napagitla ako nang biglang may humawak sa braso ko. "Okay ka lang ba talaga?" Alalang tanong sa akin ni Cielo. Hingal na hingal ako. Kinuha ko ang suklay na inabot niya.
What was that?
"Chelsea!" Cielo yelled at me.
"What happened?!" Lumapit agad si Rouve at ang iba naming kasama.
Nakaramdam ako ng hiya dahil nag-aalala lahat sila sa akin.
"I told you to take a rest! Oh ghad. Pigilan niyo ako. Masasapak ko ang babaeng ito para makatulog na."
"I am good, Cielo. No need to worry." Kinuha ko ang pouch ko at tumayo na. Nahihiya na rin kasi ako sa mga tingin nila.
"Guys. Uumpisahan ko ng humingi ng abuloy. I think malapit ng matuluyan si Chelsea." Dinig ko pang sabi ni Cielo.
Pagkalabas ko roon ay huminto ako para ayusin ang aking sarili. Nakapagpahinga naman ako kahapon kaya imposibleng dulot pa rin ito ng pagod. May kinalaman kaya ito kaya wala na akong maalala no'n?
Napahawak ako sa aking leeg... What is this feeling? Parang may nawawala sa akin na hindi ko alam kung ano. Ganito naman lagi ang ayos ko kaya wala akong maisip na bagay na posibleng naiwala ko.
Naghintay ako ng ilang minuto bago natanaw ang kotse ni Ryde na parating. Hindi ko na hinayaang pagbuksan niya ako ng pinto pagkahinto nito sa harapan ko. Pumasok ako agad. Kumunot ang noo ko nang makita si Ryde.
"What's with your getup?" Natawa ako nang itaas niya ang kanyang shades para kindatan ako.
Napatingin ako sa suot niyang sleeveless shirt pababa sa kanyang slacks na hapit na hapit sa kanyang hita. Nakagat ko ang labi ko nang tumaas ang aking tingin.
"Okay ka lang?" Natatawa kong tanong sa kanya.
"Yeah? Aren't you feeling anything? Like horny?" Napanganga ako sa sinabi niya. Why the hell would I feel horny? "You are not? Tsk." Inis na hinubad niya ang kanyang shades at pinatong'yon sa dashboard.
"May sakit ka ba?" Tanong ko.
Natawa ito pero halatang naiinis siya. "Talagang 'yan pa ang tanong mo, huh? Why don't you just appreciate my effort?" Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi.
"Effort?"
"I am trying hard to seduce you! Can't you fucking see?" Nginuso niya ang kanyang slacks. "Look! Tingin mo ba nakakahinga pa ang ano ko dahil dito? Why can't you just appreciate the view I am giving you?"
Umawang ang bibig ko bago natawa ng malakas. Nakatingin lang siya sa akin habang ako ay halos gumulong na rito dahil sa tawa. Hindi ko inakalang may mangyayaring ganito at mas hindi ko inakalang gagawin ito ni Ryde.
"This is just too embarrassing. Halos maglaway na sa akin kanina ang mga tao sa flower shop na pinuntahan ko tapos pagdating sa'yo ay nagmukha akong clown na pinagtatawanan?"
"Easy... I am still in love with you. Don't worry, Love." I tried not to laugh.
Binuhay na niya ang sasakyan. Mabilis na napasuot ako ng seatbelt nang maging mabilis ang pagpapatakbo niya. Nakita ko rin ang pasimple niyang pagdila sa kanyang labi bago 'yon bahagyang kinagat. He really looks frustrated.
"Wait... Did you buy me a flower?" Tanong ko. Narinig kong sinabi niyang dumaan siya sa flower shop.
"Nope. Nagbago na ang isip ko. Para na 'yan do'n sa pulubi."
"Where is it?" Tumalikod ako. Namilog ang mata ko nang makita ang isang bouquet of red roses. Kinalas ko ang seatbelt at dumaan sa gitna namin ni Ryde para makapunta sa backseat.
Nakatingin lang siya sa akin sa rear-view mirror.
Wala sa sariling niyakap ko ang mga pulang rosas na 'yon.
"Tumabi ka nga rito sa akin." Walang ganang sabi niya kaya muli akong pumunta sa kanyang tabi.
"I'm sorry..." Pinagtawanan ko kasi siya pero nakakatawa naman talaga.
"It's okay. Pakiabot naman ng jacket ko." Kinuha ko ang jacket niyang nasa tabi ko at inabot 'yon sa kanya. "Ang lamig." Bulong niya habang sinusuot 'yon.
"Sino ba kasing nagsabing mag sleeveless shirt ka?"
"Listen to me, Love." He said. Itinikom ko ang bibig ko. "You're the only girl that can make me feel sexually aroused just by laughing and uh..." Bigla siyang lumingon sa akin bago bumagsak ang tingin niya sa aking skirt. "Don't let me see your yellow underwear again." Ngumisi ito bago ibinalik sa kalsada ang kanyang tingin.
Mabilis na inayos ko ang skirt ko at hindi na nagsalita. Inilagay ko ulit sa likod ang roses bago dumiretso ng upo.
Pagkarating namin sa Mall ay agad na hinila ko si Ryde papasok sa isang jewelry shop. Dito kami pumunta nila Cielo nung mawalan daw akong malay.
"Ma'am..." Napatingin ako sa sales lady na nakangiti sa akin.
"Welcome back..." Bigla siyang tumingin sa leeg ko. "Hindi nyo po ba nagustuhan 'yong kwintas na binili niyo?"
Kumunot ang noo. "Bumili ako ng kwintas?" Tanong ko sa kanya. Siya naman ngayon ang halatang naguluhan.
"Pumili ka na lang, Chelsea. Kailangan mo ng magpahinga." Ryde interrupted us.
Tumingin-tingin ako sa mga iba't-ibang uri ng alahas na nasa loob ng mga salamin. Nakakasilaw ang kislap mula sa mga ito. Kinuha ko ang phone ko at kinunan ng picture ang paligid.
Napangiti ako dahil kahit na anong anggulo ay maganda ang kuha. Natigilan ako nang sumobra ang swipe na ginawa ko sa gallery. May mga photos na rin pala akong nakuha dati pero ba't di ko maalala?
Temporary loss of memory... Bigla kong naalala 'yong sinabi ng doctor.
"May napili ka na ba?" Napatingin ako kay Ryde.
Hindi ako umimik. Alam kong may alam siya sa nangyari pero hindi niya sinasabi sa akin. Itinatago niya kung bakit sira ang harapan ng kotse niya. Kahit na gawa na 'yon kanina ay alam kong sa kanya ang sasakyan na sinend sa akin.
"Chelsea?"
"Dito po, ma'am. Andiro po ang mga letter na pendant." Sabi ng sales lady Lumapit ako sa kanya. "Letter R po ang binili niyo rito. Baka po may iba kayong magustuhan."
Napatingin ako sa sales lady. Tumikhim si Ryde bago pumagitna sa amin.
"Hindi siya makapili dahil sa'yo. Alam niya kung ano ang gusto niya. Please..."
Hindi ko maalis ang tingin ko kay Ryde. Wala sa sariling napatango ako. May tinatago nga siya sa akin. Binalingan ko ng tingin ang mga kwintas.
Sa dami ng naroon ay sa isang bagay tumigil ang paningin ko. Isang kwintas na may letter R as its pendant.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro