Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 4

Kabanata 4: Worried

"Come on, Rouve. Stop taking pictures of me!" I heard Cielo yelled.

Nagising ako mula sa ingay nila pero parang masyadong inaantok pa ang aking mata para imulat 'yon. Masakit din ang ulo ko. Mabigat ang mga braso at kamay ko. Pakiramdam ko ay sobrang pagod na pagod ako.

"I'm just preparing the shots for your funeral," Rouve groaned.

"Just go home, Rouve. Ako na ang bahala kay Chelsea."

Where am I? Unti-unti kong iminulat ang mata ko kahit na ramdam ko pa rin ang pagod sa mga ito. Ang unang tumamabad sa akin ay ang ilaw mula sa puting kisame. Sumunod ang puting wall at mga aparato sa gilid ko.

"Hey, thank God." Napatingin ako kay Cielo na nakangiti sa akin. "May masakit pa ba sa'yo?"

Wala akong nagawa kundi ang tumitig sa kanya. Nasa ospital nga ako pero bakit?

"Wait... Do you know my name?" Sumingit si Rouve. Napalunok ito at halatang kabado sa isasagot ko. "I knew it! Nagka-amnesia ka!" Pinitik pa nito ang kanyang daliri at halatang masaya sa akala niyang tama.

"This can't be. Chelsea, you have a big project!" Nakangiwing sabi naman ni Cielo na mukhang natataranta na rin. "Wake up, Chels! Tandaan mo lahat ng dapat tandaan."

I shook my head and tried to open my mouth, "Can you help me? Gusto kong umupo." Naging halos pabulong 'yon. Hindi ko kayang suportahang mag-isa ang sarili ko dahil sa panghihina na nangingibabaw sa akin.

Tinulungan naman ako ni Cielo habang si Rouve ay nakatingin lang sa amin. Nakahawak pa ito sa kanyang baba na animo'y may iniisip na naman.

"Since you have an amnesia. You better not to talk with strangers." He suggested. Tumango-tango pa ito.

Muli kong iginala ang mata ko sa paligid. Hindi ako maaaring magkamali na nasa ospital ako. May aparato rin sa tabi ko. Pero bakit andito ako? Ang alam ko ay pumasok kami nila Cielo sa jewelry shop and that's all.

Napangiwi ako nang umatake na naman ang sakit ng ulo ko.

"Don't force yourself. In the right time, you will remember it all."

"Shut your mouth up, Rouve. You're not helping." Inikutan niya ito ng mata na pansamantalang nawala ang itim dito bago humarap sa akin. "It's better to start with introducing ourselves, Rouve."

Napanguso ako sa mga sinasabi ng kambal na ito.

"Hey. You are Chelsea Eras Vellarde." Gusto kong matawa sa sinabi ni Cielo. Bakit ba iniisip nilang nagka-amnesia ako dahil lang sa hindi ko binabanggit ang pangalan nila? "I am Cielo G. Wintoz. I have a boyfriend. His name is Ryde Ozix Leibniz." Then she grinned.

"He's mine, Cielo." I smirked.

Tumango naman ito, "O-Okay. Sinubukan ko lang kung nawala talaga ang alaala mo." Pasimple nitong siniko si Rouve.

Napabuga ako ng hangin. May nangyari ba sa akin sa loob ng jewelry shop kaya ako narito ngayon? Nadulas ba ako at nabagok ang ulo? Ipinilig ko ang ulo ko dahil mas sumasakit lang ito sa kakaisip.

"Why am I here?" I asked them. Napapikit ako nang umilaw ang camera ni Rouve. Mabilis naman na inagaw ni Cielo ang camera at itinago sa kanyang bag. "Anong nangyari sa jewelry shop?"

"Don't ask me, please. Iniwan ko kayo ro'n para pumunta sa mga gadgets." Umupo si Rouve sa couch at binalingan na lang ng atensyon ang kanyang phone.

Napatingin ako kay Cielo na nakatingin sa akin.

"'Yon lang ang matandaan ko. Pumasok tayo sa shop then..." Napanguso ako. "Anong nangyari sa akin? Why am I here now?"

Nanatiling nakatingin sa akin si Cielo na parang iniisip kung ano ang nangyayari sa akin. Iniwas ko ang tingin ko dahil masyado siyang nakatitig sa akin. What? May nangyari bang hindi ko alam?

May kumatok sa pinto at pumasok ang isang doctor na may kasamang nurse. Mabilis na napangiti ito sa akin nang makita ako.

"How do you feel?" He asked me.

She grabbed my right arm and wrapped the sphygmomanometer. Sa bawat pagpiga niya sa hawakan ay mas humihigpit ang pagkakapit no'n sa braso ko. Ilang beses niyang ginawa 'yon bago pinakawalan ang hangin. May isinulat ito sa kanyang papel na hawak.

"Bumalik na po sa normal ang blood pressure niya, doc."

Napatingin akong muli sa doctor.

"W-What happened to me? Why am I here?" I am really confused.

Napatango naman ang doctor, "I see..." Ang tanging lumabas sa kanyang bibig. "Temporary loss of memory." He whispered and the nurse wrote something on the paper.

"Where is her guardian?" Tanong ng doctor kay Cielo.

Bumukas ang pinto at pumasok sina mommy. Mabilis na napatakbo si mommy papunta sa akin at sinalubong ako ng yakap. Habang nakayakap siya ay narinig ko ang hikbi na kumawala sa bibig niya.

"I am her dad," Sabi ni daddy kaya inimbitahan siya nito sa labas.

Napatingin ako sa lalaking umupo sa tabi ni Rouve na busy. Nakahalukipkip ito at seryosong nakatingin lang sa akin. Ngumiti ako sa kanya ngunit wala man lang siyang naisukli na ngiti. Halatang malalim din ang iniisip niya.

Iniharap ako ni mommy sa kanya. "How are you feeling, Chels?" Mabilis na hinawakan niya ang braso ko at inusisa ang bawat parte no'n bago dumapo sa noo ko ang likod ng kanyang palad.

"I am fine, mom." I smiled at her.

"Sabi ko na nga ba at hindi maganda na magkaroon ka ng sasakyan eh. May driver naman tayo at kaya naming mag-provide ng sarili mo." Sunud-sunod na sinabi ni mommy.

Kumunot ang noo ko. Anong kinalaman ng sasakyan ko sa nangyayari?

Biglang pumasok si daddy. Gaya ni mommy ay naka-office attire pa rin ito. Halatang kagagaling lang nila sa trabaho at napatakbo rito sa ospital. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Pwede ka na raw umuwi mamaya," ngumiti siya sa akin.

"Sinasabi ko na ng aba Richard! Bawiin mo na ang sasakyan na 'yon o kaya'y bigyan mo siya ng sariling driver!" Hinampas ni mommy sa braso si daddy.

Gusto kong matawa ngunit hindi ko magawa. "What happened? B-Bakit mo babawiin ang sasakyan ko, mom?" Pakiramdam ko ay naiiyak ako. Wala akong maintindihan.

Napatingin naman si mommy kay daddy na nakangiti lang sa akin. Tinawag ni daddy ang lahat ng kasama ko ngayon at dinala silang lahat sa labas. Naiwan akong tulala sa tahimik na kwartong ito.

Pumikit ako para alalahanin kung bakit ako nauwi rito sa ospital. Kahit na anong alala ang gawin ko ay hindi ko magawa. Wala akong matandaan na nangyaring masama para ma-ospital ako. We just went inside the jewelry shop... and that's all! May nakaligtaan ba ako?

Muling bumukas ang pinto at tanging sina Rouve, Cielo at Ryde na lang ang pumasok. Mabilis na hinanap ng mata ko sina mommy.

"Umuwi muna sila sandali para magpalit ng damit. Babalik din sila agad." Nakangiting sabi sa akin ni Ryde. That was a fake smile... I know.

Iniwasan kong magtanong kasi alam kong sasabihin naman nila 'yon sa akin ngunit hindi. Wala na silang nabanggit kung bakit ako andito sa ospital.

"Maybe I have now a reason to come with you..." Ngumiti sa akin si Ryde.

Nanlaki ang mata ko, "R-Really?" Tumango ito. Hindi ko maiwasang mapayakap sa kanya.

Napatingin ako sa kambal na nasa couch. Kinakausap ni Cielo ang kanyang kapatid na halatang hindi nakikinig.

"W-Wala ka ba talagang maalala?" Tanong ni Ryde.

I let a heavy sigh. "Pumasok kami nila Cielo at Rouve sa loob ng jewelry shop and that's all I remember." Lumapit ako sa kanya. Napalunok ito sa ginawa ko. "Did I miss something? I can't recall anything after that. Basta pag kagising ko ay andito na ako." Lumungkot ang tinig ko.

Kumunot ang noo ko nang umiwas siya ng tingin. Pumunta ito sa table at nagsalin ng tubig sa baso bago bumalik sa akin. Inabot niya ang tubig sa akin kaya tinanggap ko 'yon. Naubos ko na ang laman ngunit wala pa rin akong nakukuhang sagot sa kanya.

Iniiwasan niya ang tanong ko pero bakit?

"You fainted inside the jewelry shop..." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Then why the hell I can't remember that?

"R-Really?" Napatingin ako kay Rouve na nasa tabi ko na pala. "Pero iba ang sabi sa akin ni Cie--- Aray!" Ngumiti sa akin si Cielo at sinenyasan kami na uuwi na sila. Tumango ako sa kanya bago ngumiti. Hinila niya ang kapatid niya palabas.

Muli kong binalikan ng tingin si Ryde.

"Why did I faint?" I tried hard to recall something about that. "W-Why can't I remember anything after we went inside that jewelry shop?" Tanong ko.

He cleread his throat, "You lost consciousness because of too much stress." Nagsalubong ang kilay niya. "You're abusing your body. I told you to get enough sleep!" He started to scold at me.

That's it! Nawalan ako ng malay dahil sa masyadong pagod at kaya hindi ko 'yon maalala. Agh!

Tumunog ang phone niya kaya lumabas na muna siya. Naiwan akong tulala. Siguro nga ay masyadong naabuso ang katawan ko. Alas tres na rin ako ng madaling-araw nakatulog nong isang araw dahil sa kakabasa ng article at research.

Hinila ko ang katawan ko pababa sa kama. Natukod ko ang kamay ko nang mabigla ko ang binti ko. Sinuot ko ang nakahandang tsinelas sa sahig. Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas nang marinig ang boses ni Ryde mula sa labas. Dinig na dinig ko 'yon dahil nakaawang ng konti ang pinto.

"Do everything!" Ramdam ko ang diin sa bawat pagsabi niya no'n. "I won't let that to happen!"Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Just do what I told you to!" Napaatras ako nang makitang ibinaba na niya ang phone.

Pumasok siya. "Hey! Bakit ka bumangon?"

"G-Gusto ko nang umuwi..." Sabi ko.

Hindi ako makakapagpahinga sa ospital na ito. Parang mas lalo lang akong manghihina kung mananatili ako rito at saka sinabi naman na ng doctor na pwede na akong umuwi.

Napalunok ako dahil sa seryoso ng tingin niya sa akin. Bumuntong-hininga ito bago tumango. Iginaya niya ako paupo sa couch.

"Okay. Wait me here. Aayusin ko lang ang mga papel mo." Ngumiti ito sa akin bago ako ginawaran ng halik sa noo.

Tumango ako at pinanuod siya hanggang sa makalabas ito. Sumandal ako at ipinahinga ang isip ko sa maraming bagay. Napamulat ako nang marinig na may tumutunog na phone. Saka ko lang napansin ang pouch kong nakapatong sa table.

Tumayo ako at kinuha ang pouch. Pagkahawak ko sa phone ay pangalan agad ni Rexor ang tumambad sa akin. Mabilis naman na sinagot ko 'yon.

"Hello, Rex---"

"Why aren't sending the file until now?!" Kinabahan ako dahil sa pagsigaw nito. Hindi ako agad nakasagot dahil sa gulat. "Send it now!"

"S-Sir?" 'Yon ang tanging lumabas sa bibig ko. Wala akong maalala na pinapagawa niya dahil after ng meeting namin ay hindi na niya ako tinawagan.

"Just send the document for our project now! Ngayon mismo..."

"But si---" Napapikit ako nang babaan niya ako ng tawag.

Bumagsak ang balikat ko. Ramdam ko pa rin ang kabog sa dibdib ko dahil sa gulat na pagsigaw niya. 'Yon ang unang pagkakataon na nasigawan niya ako. Ano bang nangyayari sa akin?

Pagkarating ni Ryde ay nagmadali na akong umuwi. Tinawagan ko na rin sina mommy na pauwi na ako sa condo. Nagpumilit pa nga sila na umuwi na muna sa bahay para magpahinga pero tumanggi ako. Siguro ay pag natapos na lang ang project na ito.

"Why sad. Love?" Napatingin ako kay Ryde na nagmamaneho. "Do you want me to entertain you?"

Napabuga ako ng hangin.

"Ryde... May importante pa akong gagawin."

"Work? Again?" Tanong niya.

I nodded my head. Napatingin ako rear-view mirror. Sumikip ang dibdib ko habang nakatingin ako sa sarili ko. Napahawak ako sa leeg ko. Pakiramdam ko ay may nawawalang bagay sa akin.

"Magpapahinga ka sa condo ko." Napatingin ako kay Ryde. Seryoso lang ang tingin niya sa daan.

"W-What?"

"Didiretso ka sa condo ko."

"I can't! I have to send those files. Masisigawan na naman ako ni Rexor."

Nakagat ko ang labi ko nang itabi niya ang sasakyan. Wala pa kami sa building. Napapikit ako dahil ang bigat na naman ng mata ko. Parang maiiyak ata ako.

"S-Sinigawan ka ng boss mo?" Napatingin ako kay Ryde. Masyadong nag-aapoy ang kanyang mata na natatakot ako.

"Kasalanan ko..."

"Shit... Damn that bastard!" Hinampas niya ang busina kaya mabilis na hinawakan ko ang kanyang braso para pakalmahin siya.

Naramdaman ko ang panunubig ng mata ko. Masyado ata akong emosyonal ngayon. Gusto ko nang umuwi at gawin ang pinapagawa ni Rexor at matulog. Pagod na pagod ako.

"R-Ryde. Iuwi mo na lang ako sa condo."

"Sinigawan ka talaga niya..." Bumali ang kanyang leeg. "What is his position to your company?" Ngumisi ito.

Nanlaki ang mata ko.

"N-No, Ryde! Huwag mo siyang pakialaman. May project kami at baka pumalya ang mga pinaghirapan kong gawin. Please... Masasayang lang ang lahat." I begged.

Alam kong isang maipluwensyang pamilya ang mga Leibniz. Andito na rin ako. Hindi na pwedeng masira ang mga pinaghirapan ko... namin.

"Okay...Okay." Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. "Magpapahinga ka sa condo ko at wala kang ibang gagawin kundi ang humilata ro'n."

"But Ryde---"

"Sorry but that's my order." Ngumiti ito bago muling pinaadar ang sasakyan.

Napasandal na lang ako at kinalma ang sarili ko.

"I am just worried. Seeing you lying in that fucking hospital bed? Shit! Don't kill me, Love. " Napangiti ako sa sinabi niya.

"I'm sorry..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro