Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 3

Kabanata 3: Necklace

Hindi ko alam kung paano ko itatago ang mukha ko sa kanila. Kahit na dim ang lights sa kwartong ito ay alam kong kitang-kita pa rin ang sugat sa labi ko na ginawa ni Ryde. Nilasing niya ako sa kanyang halik bago ginawa ang balak niya. I was trapped again!

Napaayos kami ng upo dahil dumating na si Rexor. Inayos nito ang office attire niya bago umupo sa pinakagitna. As usual ay kapansin-pansin na naman ang fixed niyang buhok na kahit ata mahanginan ay hindi masisira ang porma.

"What's with the dim lights?" Kumunot ang kilay nito bago tumingin sa amin. "Switch on the lights, please." Napapikit ako sa pag-usbong ng liwanag na pansamantalang bumulag sa paningin ko.

Pagdilat ko ay nakatingin lahat sila sa akin. Wala sa sariling nakagat ko ang labi ko. Umawang ang bibig ko dahil sa hapdi na nakalimutan kong may sugat ako roon.

"Bakit may sugat ka sa labi?" Rouve, our cameraman asked me. "Kahapon ko pa napansin 'yan pero parang sariwa pa rin ngayon." Dama ko kung gaano siya ka-curious tungkol doon.

Napatikhim ako dahil hindi ko napaghandaan ang isasagot. Hindi ko naman pwedeng sabihin na kinagat ni Ryde ang labi ko habang hinahalikan ako. That would be awkward. No. But he already warned me about this.

There is only one answer... That's what he want.

"Hindi ka naman minamaltrato ng boyfriend mo?" Napatingin ako kay Elese. "Oh ghad! Bakit ka magtitiis sa kanya?" She groaned.

"Give him to me instead... I can bear the pain." Cielo snickered. As much as I want to roll my eyes, I smiled instead. Smile... It hides what you're really feeling.

"Don't just let some guy hurt you. Stand for your rights!"

Napabuga ako ng hangin. Hindi ko sila masisisi kung bakit marami silang tanong. We are in the world filled with questions. Doon umiikot ang mundong kinatatayuan namin ngayon. I am used to it though.

Napatingin ako kay Rexor na seryoso lang na nakatingin sa akin.

"Come on, Ms. Vellarde! Tell us what really happened."

"Ryde Ozix Leibniz..." That's what he wants me to say. But, yeah. It was him who wounded my lips anyway.

"Ryde? Boyfriend mo?"

Nabalik kay Rexor ang aming atensyon nang tumikhim ito. Umayos ito ng upo kaya hindi na namin inalis ang atensyon namin sa kanya. Hindi pa rin nakatakas sa akin ang pasimple niyang pagtingin sa labi ko.

Bahagya kong iniyuko ang ulo ko at tumingin na lang sa mga documents. Plans for the upcoming project.

"As what we've planned, we..." Inangat kong muli ang tingin ko. Tumingin si Rexor kay Rouve bago tumingin sa akin. "Will conduct the actual interview. Gagawa na rin kami ng documentary about that para maging sulit ang expenses since ando'n na rin naman kami." Muli itong tumikhim.

"I will be the temporary manager of the operation here," Mr. Palor said. Ngumiti ito sa amin.

"I'll be contacting Mr. Palor every now and then, to give informations you will be airing. Again, you must be careful with your words. You can't take back words once it was aired. Mr. Wilfaro is an icon and the king of all the business tycoons. Reputasyon niya at ang trabaho natin ang nakasalalay dito." Masyadong matigas ang pagkakasabi niya sa amin no'n. "We can't do anything to protect ourselves against him. Kaya niyang pabagsakin ang kumpanyang ito sa isang iglap."

Ngayon ay nakaramdam ako ng takot. Makakaharap ko ang isang taong katulad niya. Isang taong tinitingala at hinahangaan ng lahat. Sa ganitong edad pa lang ay ganito na ang natamo niya, paano pa kaya sa hinaharap?

"Paano kung magkamali tayo?" Napatingin ako kay Miss Shira na halatang kabado. Siya kasi ang main news anchor for that range of time. "I mean... Kahit nagkamali lang ng pronounce?"

"No mistakes should happen. Lahat ay pulido. No typo... Lahat ng information ay accurate and well-delivered. Your career is at risk here. Remember that." Mr. Palor warned us. Isa rin siya sa madadamay kung sakali.

"Ms. Vellarde," napatingin ako kay Rexor nang marinig kong tinawag niya ang apelyido ko. "You'll represent our company so you must be presentable in front of him. If you need to use gold as your microphone, do it. Make sure you don't have any wounds in any part of your body that time... Sabihin mo 'yon sa boyfriend mo." Bumagsak ang tingin niya sa labi ko.

"Yes, Sir Olivo. " I said.

"Any concerns so far?" Mr. Olivo raised his right hand as he waits for answer. Ibinaba niya rin 'yon nang mapansin na wala na silang tanong. "So, let's call it a day. Good luck..." Ngumiti siya sa amin bago tumayo. Dumiretso ito sa labas at mabilis naman na sumunod sa kanya si Mr. Palor at ang iba naming kasama.

Binasa ko ang documents na ibinigay sa akin. Andito na lahat ng schedule ni Mr. Wilfaro at dapat ay bago pa man sumapit 'yon ay naro'n na kami sa pupuntahan niya. Hindi niya kami hihintayin, kami ang maghihintay.

"That's quite scary..." Cielo sat beside me. She brushed her shoulder-length blonde hair.

"I know..." Ngumuso ako. Ramdam ko pa rin ang hapdi ng labi ko kapag ngumingiti.

Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako. Baka manginig ako pag nasa harapan na niya ako. Marami na rin akong nakaharap na tao. Iba't-ibang personalidad ngunit masasabi kong ito ang pinaka mahirap. Just by hearing his name... Agh!

"What is so scary about him?" Rouve said. "I mean... He is also a human like us. He will die without oxygen. Can't survive without water. But yeah, with that amount of wealth... He's really scary..." Tumawa siya sa kanyang sinabi.

Naibagsak ko ang mga documents sa table.

"What if I stammer in front of him?" Hindi ko alam kung anong kahihiyan ang mararamdaman ko.

"You can do it, Chels. Let's have a deal..." Ngumisi si Cielo sa akin. "When you stammered in front of Mr. Wilfaro, I will steal your boyfriend." That made her giggle.

"And what if I didn't?" I lifted my eyebrows.

"Then... Congratulations!"

I only have five questions. Lahat ng tanong ay bilang doon kaya dapat ay maingat ako sa tanong. Hinanda ko na rin ang mga magandang tanong. I even made 30 questions! Hindi ko na lang alam kapag kahit lima ro'n ay mawala sa isipan ko.

"Gims?" Cielo raised her right eyebrow. Namilog rin ang kanyang mata at mukhang alam ko na kung saan niya gustong pumunta.

"Ayokong gumimik..." Napatingin kami kay Rouve.

"Joke lang 'yan, 'di ba?" Tanong sa kanya ni Cielo.

"Yes." Maikling sagot nito.

Napatikhim ako. Bakit ba ganito ang kambal na ito? Hindi ko masundan ang mga usapan nila kaya minsan ay hindi na lang ako nakikinig sa kanila.

"Balak ko sanang maglinis sa condom..." Nakangusong sabi ko. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung ano ang nasabi ko. "CONDO!" Napasigaw ako sa gulat para bawiin ang sinabi ko.

Putik na Ryde!

"Ang alam ko ay disposable ang condom..." Naguguluhang tanong ni Cielo. "Did you recycle it?"

"What? No! Condominium..."

"Yeah... Hindi na malilinis ang condom. Malagkit na 'yon." Dugtong naman ni Rouve.

Putik na kambal na ito!

"Tara na! Sama na ako." Napilitan ako para mawala na sa isipan nila 'yon. Para pa rin silang batang mag-isip sa tanda na nilang ito.

Dahil may sasakyan ako ay sa akin na sila sumabay. Nag-ipon ako para mabili ito para sana birthday gift ko sa sarili ko kaso dumating na ang birthday ko kulang pa rin. Dinagdagan ni Kuya Led ang pera ko.

Speaking of him... Hindi na siya nagpakita. Naka-deactivate na rin ang mga social media accounts niya at hindi na rin siya gaanong sumasagot sa mga tawag ko. Ayaw na rin namang makialam nila daddy sa kanya dahil alam na raw niya ang ginagawa niya. Basta ang alam lang namin ay tumaas ang position niya sa kanyang trabaho. 'Yon ang huling good news na natanggap namin sa kanya.

"Hindi mo ba isasama ang boyfriend mo?" Tanong sa akin ni Cielo.

Napatingin ako sa phone ko nang umilaw 'yon. Ngumisi ako bago ipinakita 'yon kay Cielo. "Speaking of..." Bulong ko bago sinagot ang tawag.

"Hey, Love." Sa unang salita niya pa lang ay alam kong hinihingal na siya. Malamang na nasa gym na naman. "Missed my sexy voice?" Ngumisi ako nang mapansin na nakatingin sa akin si Cielo.

I pressed the loudspeaker. "Working out, Love?" I asked what's obvious.

"I have to... That Wilfaro has a six packs abs too. I have to make mine 100..." Narinig ko ang pagtawa ni Gizo sa kabilang linya.

"Hey, bruh? Can you give me 4 packs?" Rouve requested.

Naramdaman kong tumigil si Ryde sa kung anong ginagawa niya. "Who the hell is that guy? Wait... Are you working?"

"Rouve Wintoz. Cameraman namin... And nope. Pupunta kami sa Mall."

"What mall? I am done here."

I told him the mall then he ended the call with a sound of his kiss.

"Anong akala mo sa abs? Pwedeng i-bluetooth?" Binatukan ni Cielo ang kanyang kapatid bago humarap sa akin. Bigla itong ngumiti na bahagya kong kinabahala. "But your wallpaper... Pwede mong ipasa sa akin?" Tanong niya.

Ngumiti ako bago itinago sa bulsa ko ang aking phone. "That's mine only..." Ang bilis ng mata.

"Can I have a fansign from him too?'

"Nope."

Pagkapasok namin sa mall ay agad na hinila kami ni Cielo sa mga jewelries. Mahilig siya sa mga makikinang na bagay... Do'n siya obsess. Meron nga siyang collection ng mga alahas at hindi biro ang presyo ng bawat isa.

"Oh My Gosh!" Napatili ito nang may makita na namang bago.

Humiwalay ako sa kanila. Inaliw ko ang mata ko sa makikinang na alahas. Masyado ring mahal ang mga 'yon. Wala akong hilig sa ganito at tanging ang hikaw ko lang ang alahas na meron ako.

Naglakad-lakad pa ako sa malawak na store na ito. Kinuha ko ang phone ko at kinunan ng litrato ang paligid. Napangiti ako dahil kahit saang anggulo ay maganda ang kuha.

Napatingin ako sa isang kwintas... Masyadong naakit ang mata ko no'n. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko at binili ko 'yon. Nang mahawakan ko ang kwintas ay agad na isinuot ko sa leeg ko. Isang simpleng kwintas na may pendant na letter R.

"Hindi maganda..." Napatingin ako kay Cielo na nasa gilid ko na pala. "Letter as pendant? Not my type. Let's go?"

"Saan na pumunta ang kapatid mo?" Tanong ko sa kanya.

"Nasa mga gadgets. Malamang na bumibili na naman ng bagong camera."

Natigilan ako nang marinig ko ang pagtunog ng phone ko sa loob ng pouch ko. I slipped my hands inside. Pagkalabas ko ay pangalan ni Mr. Rexor ang agad na bumungad sa akin.

"Hanggang dito ba naman?" Angal ni Cielo nang makita kung sino ang tumatawag sa akin. "Pansin ko lang. Lagi ka na lang inuutusan ni Mr. Rexor."

"He's our boss..."

"But we are outside the premises of the company!"

I shook my head and excused myself. Lumabas akong muli ng mall dahil walang signal dito.

"Hello, Sir?" I cleared my throat.

"Hey, Chelsea. Sorry to disturb you but can you send the final documents for our project now? Kinukuha na kasi ni Boss."

"Is it urgent, Sir?" Napangiwi ako dahil nasa mall ako.

"Uh, yeah. Please..."

I sighed heavily, "Okay, sir. Pauwi na po ako." Sagot ko dahil nasa laptop ko ang mga files. Nakalimutan kong i-synchronize 'yon kaya luma rin ang nasa phone ko.

"Okay. Thank you." And he ended the call.

Bumagsak ang balikat ko. Mukhang hindi ko na rin mahihintay si Ryde. Pumunta na rin ako sa parking lot. Natigilan ako sa pagtakbo nang may humawak sa braso ko.

"Hija, ang ganda naman ng kwintas mo..." Biglang ngumiti sa akin ang matanda. May hawak itong kahon na may laman na candy at mga yosi.

"Ah, s-salamat mo." Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak pa rin sa braso ko.

Napaatras ako nang maramdaman na umikot ang paningin ko. Napangiwi ako dahil bumigat ang paghinga ko at pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Masyado ko atang napagod ang sarili ko.

"Ang ganda ng kwintas mo, hija." Nung maging maayos na ang paningin ko ay inalis ko na ang kamay niya sa braso ko.

"La, mauna na po ako. Nagmamadali kasi ako eh."

"Hija, napakaganda ng kwintas mo..." 'Yon ang paulit-ulit na sinabi niya.

Pagkapasok ko sa sasakyan ay hinihingal na ako. Kinalma ko ang sarili ko bago binuhay ang sasakyan. Dahan-dahan lang ang pagmamaneho ko dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. Hindi na rin pala ako nakapagpaalam kina Cielo at Rouve.

Narinig ko ang pagtunog ng phone ko. Napatingin ako sa pouch kong nahulog ko pala sa baba dahil sa pagmamadali. Hindi ko nagawang abutin 'yon dahil muling umikot ang paningin ko.

"Shit..." I cursed undear my breathe when my vision became blurry.

Hindi ko alam kung ano ang gagawa ko. Inapakan ko ang break at masyado atang napalakas kaya sumalpok ang noo ko sa manibela. Mabilis na naramdaman ko ang pamamanhid ng kamay ko.

Sinubukan kong iangat ang tingin ko. May natanaw ako pero dahil sa malabo ay hindi ko gaanong naaninag.

Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari basta bumagsak na ang katawan ko at nagdilim ang paningin ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro