Kabanata 28
Kabanata 28: This is love
Gamit ang hinang-hina kong katawan at ang lakas kong mabilis na humupa ay hinarang ko ang daan ni Ryde. Suminghap ako nang makita ang tamad niyang tingin.
"H-Hindi ko sinadya. Natapon ko ang wine sa damit ko..." Para akong tangang nagpapaliwanag sa harap niya kahit na hindi naman siya humihingi no'n.
Tumitig ako sa kanyang walang emosyong mata. Gusto ko na siyang yakapin pero alam kong hindi ito ang tamang panahon para ro'n.
"Ryde... Pwede bang huwag mo na lang akong pakialaman?" Namaos ang tinig ko.
Mas lalong tumamad ang titig niya sa akin. Nakakapanginig ng tuhod ang kanyang tingin pero hindi ako umiwas. Sinabayan ko kung ano ang ibinato niya.
Sa loob ng ilang buwan, sa wakas ay narito na ulit siya sa harap ko. I miss you, Ryde. I miss you so much but I know my limits.
May kinuha ito sa kanyang bulsa. May kinalikot siya sa kanyang phone bago ipinakita sa akin ang screen no'n.
"So gay, right?"
Mariin akong napapikit nang makita ang video na pagsaboy sa akin ng alak ng lalaking 'yon. Napansin ko ang panginginig ng kanyang kamay. Mas lalong bumuhos ang luha sa aking mata.
Hindi na ako magtataka na halos lahat ng naging galaw ko habang wala siya ay recorded. He is Ryde, by the way.
"Mataas ang kanyang pamilya sa lipunang ito... Pakiusap, Ryde."
"Don't say that in front of me, I am so offended right now. Hindi mo alam na sa mundo ko ay ikaw ang pinakamataas?"
Nakagat ko ang labi ko bago mariing pinunasan ang luha sa aking mata. Ibinalik na rin niya ang kanyang phone sa loob ng bulsa bago inayos ang sombrero niyang tumagilid na.
"It was just a wine... Isang mantya na kayang linisin ng tubig. Hindi isang dugo... I am just cold but not suffocated!"
Mabilis na dumaan ang galit sa kanyang mapupungay na mata at bahagya pang tumagilid ang kanyang ulo. Stop staring at me like that!
"Minsan na akong nakulong at wala akong pakialam kung muli iyong maulit sa parehong dahilan," may diing sabi niya.
"Damn it! Stop acting like a hero and save the bullets of your gun for your own sake! I can protect myself!"
"Damn it too! This is your gun and you do not need to protect yourself when I am here!"
Mas lalong nanginig ang kamay ko. Ito ang una naming pagkikita sa loob ng matagal na panahon at mga sigawan ang pinambungad namin.
"Ryde, would it be too much to ask for a birthday gift from you?" I asked him while looking at his deep eyes. He didn't say anything. "Pwede mo na lang ba akong ihatid sa apartment ko?" Sa mahinahong boses ay pakiusap ko.
Nilalamig na ako at bahayang inaantok na rin.
Namilog ang kanyang mata at sa unang pagkakataon mula sa loob ng matagal na panahon ay nakita ko ang pagsilip ng isang ngiti sa kanyang labi at parang mas natunaw ako dahil do'n.
"Hey!" Napatingin kami sa entrance nang may lumabas. Tracy.
Hindi kami nagsalitang dalawa ni Ryde. Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Tracy habang nakatingin kay Ryde.
"It was you! Ikaw 'yong nakita kong nakatingin kay Chelsea nung nasa bar kami!" Dinuro pa niya si Ryde.
Napatingin ako kay Ryde na nanatiling tahimik na nakatingin sa akin. Naiilang ako sa kanyang titig kaya minabuti kong ibalin na lang ang akin kay Tracy na hanggang ngayon ay gulat pa rin.
"Tracy... I am sorry for what happened," malungkot kong paghingi ng paumanhin.
She just smiled, wry.
"Okay..." Napatingin ako kay Ryde. Isang hakbang ang ginawa niya bago hinawakan ang kamay ko.
Hindi ko na naalis ang tingin ko sa kanya at hindi ko namalayan na naisakay na pala niya ako sa kanyang sasakyan. Tahimik kami habang nasa byahe.
"How are you, Chels?" Nagulat ako sa tanong niya. "How was your life without me?"
Bumagsak ang tingin ko sa aking mga kamay na nakasalikop. How was my life without him?
"Fun..." Yeah... Funny. "It was fun!" It was funny how I survived without him! But I did it!
I looked at him. Nakatuon ang atensyon niya sa daan. Nanatiling suot niya ang kanyang itim na sombrero. The street lights were glimmering on his face as we passed through them. I just found myself touching his face.
Mabilis na binawi ko ang kamay ko.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
Hindi na ako nagulat na alam niya kung saan ako tumutuloy. Ipinarada niya ang sasakyan sa tapat ng building namin. Bubuksan ko na sana ang pinto nang kinandado niya ito.
Kumalabog na naman ang dibdib ko.
"Ang sabi ko ay babalikan kita..." Tumingin siya sa akin. "Ngayon na nakalaya na ako... Pwede na ba kitang iuwi?"
Napailing na lang ako. Alam kong sasabihin niya ang mga ito. Ngayon ay malinaw na sa akin ang gusto kong mangyari. Hindi ako natatakot na makita siya, natatakot akong pilitin niya akong sumama sa kanya na parang wala akong kasalanan.
"I can't..." I answered, honestly. "Event if I want to, I just can't... Hindi gano'n kadali."
After all the shits I gave to you? I just can't hug you and pretend nothing happened at all. Hindi gano'n katigas ang puso at konsensya ko.
"Why?" Namaos ang kanyang tinig. "May nagbago na ba?" Sa malungkot na boses ay tanong niya.
Napatalon ako sa gulat nang mag-ring ang aking phone. Mabilis na dumiretso ng tingin muli si Ryde.
"Lalabas na ako..."
"Answer that call here..." Mahina niyang kinagat ang kanyang labi nang hindi man lang ako binabalingan ng tingin.
Napailing na lang ako. I slipped my hand in my shoulder bag and got my phone out. Mabilis na kinain ako ng kaba nang makita kung sino 'yon. Napatingin ako kay Ryde na nahuli kong nakatingin sa akin.
I answered the call with my trembling hand.
"Hey, Chels!" Masayang bati ni Hariz sa kabilang linya.
Iniwas ko ang tingin ko kay Ryde.
"Hey, Hariz. So... What?" Kahit na hindi na kami nagkikita ay hindi ko binura ang phone number niya sa contacts ko at alam kong gano'n din siya.
Kumunot ang noo ko nang marinig ang malakas na pagtawa ni Kiza sa kabilang linya at ang isang tinig ng babae na hindi ko makilala.
"I have a good news for you," he said, thrilled. "Very good..."
"Mommy!" Narinig ko ang pagtawag ni Kiza sa kabilang linya.
"Oh, baby..." Natatawa kong sabi.
"Do your assignment, baby..." Narinig kong sabi ng babae sa kabilang linya.
Umikli ang ngiti sa aking labi.
"But mom... I can do that later."
Nawala ang ngiti sa aking labi nang mapagtanto na hindi pala ako ang tinawag na mommy ni Kiza. Naramdaman ko ang pagpula ng pisngi ko dahil sa hiya kahit na hindi ko naman sila nakikita.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Hariz na parang nakikita niya ang kahihiyan ko.
"Don't worry, Chels. You were once became her mom. It's okay to assume," biro ni Hariz. I rolled my eyes like as if he could see me.
"What?" Naging tamad ang boses ko. "Come on, Hariz." Pinaglaruan ko ang daliri ko habang naghihintay ng sagot.
"I want to invite you on Kiza's birthday this coming Saturday... I will shoulder your expenses, don't worry... Please."
Nakaramdam ako ng excitement sa pagkakataong ito. Kahit papaano ay namimiss ko na rin naman sila at gusto ko ring makita kung sino man ang babaeng ngayon ay kasama nila.
"Why not? So... See you?" Nakangiti kong tugon.
"Wow! Thank you! See you soon, Chels!"
Natawa na lang ako bago pinatay ang tawag. Nakangiting ibinalik ko sa loob ng sasakyan ang aking phone. Binalingan ko ng tingin si Ryde na nakatitig sa akin.
"I now understand why you answered fun to my question..."
Sinubukan kong buksan ang pinto na mabilis namang gumalaw. Napatingin ako kay Ryde na diretso na ulit ang tingin.
Mariin akong napapikit. Ayoko pang umalis pero hindi ko pa siya kayang makasama nang matagal.
"Good night, Ryde..."
"Fuck that good... Just night."
"Stop cursing..."
"Right... Happy fucking birthday again, Ms. Vellarde."
Pagkapasok ko sa apartment ko ay mabilis na bumagsak ako sa kama. Mabilis na nag-unahan ang isip ko sa pagpasok na nagpasakit sa ulo ko.
Napabangon ako... Andito nga si Ryde? Si Ryde ba talaga 'yon? Napatili ako nang sobrang lakas.
I am not dreaming! I just talked to him!
Hindi ako pinatulog ng mga nangyari ngayong araw. Masyadong magalaw ang isip ko. Nakahinga ako ng maluwag. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik sa lalamunan.
Pero kahit na gano'n ay natatakot pa rin akong buksan ang tungkol sa anak namin. Ilang araw ang lumipas at bukas ay lilipad na ako muli patungong London.
Hindi katulad ng madalas na mangyari ay ako ngayon ang nag-aya kay Tracy na mag-inom. Pumunta ako sa condo niya. Nadatnan ko agad ang iba't-ibang uri ng alak sa magara niyang lamesa.
"Have you talked to him?" Paunang tanong niya habang nagsasalin ng alak sa baso.
Inabot ko muna 'yon at diretsong tinungga iyon.
"Hindi na kayo nakapag-usap muli nung gabing iyon?" Muli niyang tanong. Sa sobrang paghihintay niya ay hindi na niya nagawang magsalin sa baso.
I poured a wine on her glass. "Yeah... And I have no idea where he is right now. Malamang na nagmamasid lang siya," sagot ko.
Tumango naman siya sa akin.
"He wants me to go back..." I muttered, confused.
"So?"
I let a heavy sigh.
"Damn that guy! Mas lalo akong nahihirapan na gano'n pa rin ang trato niya sa akin matapos ng lahat ng masamang nagawa ko sa kanya. I want him to get mad at me. To blame me. He has the right and I am prepared! That would be much better..."
Napailing na lang ako. Ayoko nang itrinato niya ako na parang walang nangyari. Mas gusto ko siyang magalit sa akin kasi alam ko naman na 'yon ang dapat niyang maramdaman.
"That's what makes him different from the other guys. You should be glad!"
"Hindi ako sasama sa kanya..."
Tamad na napatingin na lang sa akin si Tracy. Muli akong nagsalin ng alak sa baso at mahinahon 'yong nilagok.
"Pero naiintindihan kita... But, hey! That was just your first meeting after a long time! Maybe he just wanted it to be cool!"
I nodded my head. He is always cool anyway.
"Paano kung sa pangalawang pagkikita niyo ay nag-aapoy na siya sa galit? Paano mo aapulahin ang apoy na ikaw mismo ang nagpasiklab?"
"No... I won't do anything. Gusto ko lang naman kasing maging bukas siya sa nararamdaman niya sa akin. Kung galit siya, magalit siya. Mahirap kasi na parang itinatago niya ang lahat..."
Suminghap ako nang magbadya na naman ang luha sa aking mga mata. Minabuti ko na lang na uminom na lang ulit.
"I understand..."
"When he gets mad, I am all ears. But after the confrontation... I will hug him and explain myself. That's how I want it."
"But what if really is not mad at you... How can you force him to get at mad you. That's insane!" She frowned.
I shook my head. Nakita ko ang galit sa kanyang mata nung nagkita kami pero alam kong pigil na pigil lang siya.
"Bukas ka na aalis, 'di ba?"
"Isang linggo lang 'yon, Tracy."
"Pero marami ang pwedeng mangyari sa isang araw."
Matapos kong magpalipas ng ilang oras sa condo ni Tracy ay nagpaalam na rin akong uuwi dahil maaga pa ang flight ko bukas.
Naghintay ako sa waiting shed ng masasakyang taxi. Napasandal ako sa bakal nang umikot ang paningin ko. Hinigpitan ko rin ang kapit ko sa shoulder bag ko.
Nanlaki ang inaantok kong mata nang makita ang isang sasakyan na huminto sa harapan ko. Unti-unti pa lang na bumubukas ang bintana no'n ay hinila ko na agad ang mga binti ko palayo.
Halos tumakbo na ako para lang agad na malayo. Sumulyap ako sa likod ko at nakita siyang naglalakad palapit sa akin. He was wearing a black jacket with his hands inside the pockets.
"Don't follow me!" I warned him.
Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin. Ngumisi lang ito sa akin. Kahit na hilong-hilo ay nagawa kong tumakbo. Masyado na ring kumawala ang mga hibla ng buhok ko sa pagkakaayos kaya humaharang na rin ang mga 'yon sa mukha ko.
Paglingon ko sa likod ay halos mapamura ako nang makitang ilang metro na lang ang layo niya mula sa akin. Namula ang mukha ko sa kaba.
"I am up for this game, " he said. "Chasing Love..." Umangat ang isang bahagi ng kanyang labi na parang nang-aasar.
"Leave me alone, Leibniz!" Halos matapilok pa ako dahil sa paglalakad nang nakatalikod.
Huminto ako at hinarap siya. Nilakasan ko ang loob ko para gawin ang hakbang na iyon. Huminto rin siya ilang metro mula sa akin.
"You are drunk and even if we are just strangers... I would love to drive a beautiful girl like you home."
"Fuck you, Leibniz! Stop saying cringe words! I am not fucking drunk!"
"Stop cursing, beautiful lady..."
Muling bumalik ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi.
"Tatawag ako ng pulis!"
"What happened to you, Chels?"
"A lot! You don't know me anymore..."
Nawala ang ngiti sa kanyang labi kaya mabilis na naman na umapoy ang kaba sa dibdib ko.
Magagalit na ba siya? Come on! Spill it out!
"Love..." He whispered.
Natigilan ako.
"Naaalala mo pa ba no'ng sinabi ko sa 'yo na darating ang araw na magtatanong ako sa iyo kung mahal mo pa ba ako? Uulitin ko ang tanong na 'yon nang tatlong beses."
Wala sa sariling napatango ako.
"Isang oo lang ang kailangan kong marinig mula sa 'yo..."
"Huwag mo akong tanungin ngayon! Hindi kita sasagutin!" Sigaw ko.
Hindi naman siguro ako mukhang lasing sa harap niya? Sana ay hindi dahil seryoso akong hindi sasagot sa tanong niya.
Tumaas ang dalawa niyang kilay na parang naghahamon.
"Do you still love me?" He asked.
Umikot ang paningin ko nang ilang segundo bago bumalik sa normal. Sinabayan ko ang tingin niya sa akin.
"Yes!"
Napanguso ako nang humalakhak siya nang sobrang lakas. Mabilis na uminit ang pisngi ko nang mapagtanto kung ano ang isinagot ko.
"You should have said no! Come on, Love. I am supposed to ask that question three times! Sasagot ka lang ng oo sa panghuling tanong! You ruined the thrill!" Humalakhak siyang muli.
Hinagis ko sa mukha niya ang shoulder bag na hawak ko dahil sa inis. Napahinto ito sa pagtawa. Nahulog sa sahig ang bag ko at lumabas pa roon ang ilang gamit.
Nakagat ko ang labi ko nang makita ang seryosong mukha ni Ryde. Did he get mad because of that?
"Lasing ako!" Nataranta ako dahil pakiramdam ko ay galit siya. "Hindi ko kontrolado ang sarili ko!"
Nagkunwari pa akong nahihilo. Napangiwi ako nang hindi man lang natinag ang seryoso niyang mukha.
Why am I thinking this way? Am I really drunk? Even my thoughts were drunk?
"Where is my baby?"
Natutop ako sa kinatatayuan ko. Sa pagkakataong 'yon ay parang gusto ko na lang na tumakbo. Parang nagising ang diwa ko dahil ang tanong na 'yon ay ang pinakakinakatakutan ko sa lahat.
"Chelsea... What happened?"
"Why didn't you tell me?" Ganti kong tanong. Kumunot ang noo niya at bahagyang tumagilid ang kanyang ulo. "You took the blame that that should be mine! Baliw ka ba?"
"Mas baliw ako kung hahayaan kong makulong ka..."
"What happened, Ryde?"
"You were driving insane that time... Nasalikod mo ako, nakasunod sa 'yo."
Natutop akong muli sa kinatatayuan ko.
"I knew to myself you were in trouble that time. I felt it... Dapat ay uunahan kita para pigilan ang sasakyan pero bigla kang pumreno...."
Para namang mga piraso 'yon ng ideya na unti-unting nabubuo.
"Kung hindi ko niliko ang sasakyan ko ay mababangga ko ang sasakyan mo... Mas pinili kong iliko ang sasakyan ko at ibunggo ito sa puno."
Isang hakbang ang ginawa ko palapit sa kanya na seryoso lang na nakatingin sa akin.
"Kasama ko si Gizo no'n... Ako ang nagdala sa bata sa ospital habang siya naman ay sa 'yo. I took the blame and that was the best decision I have ever made. You are worth it..."
Doon ay tuluyan ng bumagsak ang mga luhang pilit kong pinigilan.
"Are you okay, Ryde? Hindi ka ba nasaktan no'n?" I bit my bottom lip as I step again forward.
Umawang ang kanyang bibig at nakita ko ang pagdadalawang-isip mula sa kanyang mata.
"Nasaktan ako... I admit it. But that doesn't matter anymore. Aalis ka bukas?" Tanong niya.
"Isang linggo lang akong mawawala..."
Napatango naman siya.
"Babalik ka naman sa akin, hindi ba?" Tanong niya.
Mabilis naman na tumango ako.
Mabilis na lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng isang mahigpit na yakap.
"Chelsea... May hindi pa ako nasasabi sa 'yo..."
"Tell me..."
"Saka na lang pagbalik mo..."
Natigilan kami sa pagyakap nang may tumigil pang isang sasakyan sa harap namin. Mabilis na kinain ako ng pangamba nang makita ang nanlilisik na mata ni Tita Flare.
Nabitawan ko ang pagkakahawak kay Ryde nang hinila siya ni Tita Flare. Tamad na napatingin na lang sa kanya si Ryde.
"T-Tita..."
Napatingin din ako kay Tito Richna kakalabas lang din ng sasakyan. Dinaluhan nito ang kanyang asawa na nagpupuyos sa galit.
"Stop being a threat to my son's life!"
"Mom..."
Hindi ako nakapagsalita. Alam kong tama ang sinabi niya. Lagi akong banta sa buhay ng kanyang anak.
"Ryde... Let's go home." Nagulat ako sa sinabi ni Tito Rich. Ang akala ko ay pipigilan niya ang asawa niya.
"Magmula ngayon ay hindi ka na makakalapit sa anak ko..." Nagbabantang sabi ni Tita.
Kinain ako ng pangamba sa mga sandaling ito.
"Tita, don't do this to me..."
"No, Chelsea! You stop being a threat to us! Can't you live your life without harming my son's? If you can't then you can't have Ryde too!"
I am a threat to Ryde's life... I hate to admit but I know right now, it's true.
"Chelsea..." Napatingin ako kay Ryde.
Mahigpit ang hawak sa kanya ni Tita Flare. Sa mga mata ni Ryde ay makikita ang pagmamakaawa.
"You love him, right?" Tita Flare asked again. Wala akong nagawa kundi ang tumitig sa kanya. "If you really love him, you will set him free. You are a danger to my son!"
"Come on, mom... Hindi mo madidiktahan si Chelsea sa dapat niyang gawin. Kung iuuwi niyo na ako, come on. Pero magsasayang lang kayo ng oras sa pagkumbinsi sa kanya na layuan niya ako..." Mahinang tumawa si Ryde. "Chelsea can't set me free... We are trapped to each other."
Bumagsak muli ang luha sa aking mata.
"Pero Ryde... Kung hindi niya kaya, pwedeng ikaw na lang?"
"Oh, mom... Don't beg for something I can never give to you."
"Ryde..." I called his name. Parang sumabog ata ang kaba sa dibdib ko sa mga sandaling ito. "I am sorry..."
Kumunot ang noo niya.
"W-What do you mean by that? I already forgiven you! Iuuwi ko lang sina mommy bago kita babalikan at ikaw na naman ang iuuwi ko..."
I nodded my head.
"Stay here... After an hour, I will be back."
For the second time, I nodded my head.
"No!" Pagpupumiglas ni Tita Flare hanggang sa makapasok sila sa loob ng sasakyan.
Ilang ulit ko na ba siyang nasaktan? Ilang ulit na ba niya akong napatawad? Ilang ulit pa bang mangyayari ang mga paulit-ulit na ganito? Hanggang sa magsawa na siyang patawarin ako?
I shook my head.
Gamit ang natitirang lakas sa katawan ko ay kumuha ako ng papel sa loob ng bag ko at nagsulat doon.
Matapos ang ilang segundo ay pinagmasdan ko ang sulat na 'yon. Madiin akong napapikit at dahan-dahang hinalikan ang bagay na 'yon.
Umupo ako para ilagay sa lapag ang papel na 'yon. Pinatungan ko iyon ng mabigat na bagay bago muling tumayo.
Pinunasan ko ang luha sa aking mata bago nag-umpisang maglakad palayo roon.
This is love for me.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro