Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 25

Kabanata 25: Our

Gamit ang dalawa kong kamay ay isinara ko ang librong hawak ko nang maramdaman ang antok. Binalingan ko ng tingin ang pagragasa ng tubig mula sa talon pababa sa magalaw na tubig hanggang sa pumalo ang mga alon sa malalaking bato sa gilid. Sa loob ng isang linggo ay ito ang lagi kong nakikita. Dito ako namamalagi.

Itinabi ko sa loob ng bag ang librong aking binabasa bago hinila ang sarili ko pasandal sa puno. Matapos kong umalis sa Sourire Hotel ay agad akong nakahanap ng lugar na mapupuntahan gamit na rin ang internet. I found this place and I suddenly fell in love with it in just a glance. It was a perfect place near from the falls.

I still miss them, especially Kiza but I knew to myself, I did what's right. I have no regrets. Masaya pa nga akong matagpuan ang lugar na ito.

I tightened the grip of the scarf around my neck. Bumaba ang tingin ko sa tyan ko. Masyado na ring halata ang paglaki nito. Napangiti ako dahil gusto ko na siyang mayakap.

I still have no idea about the gender of my baby and I love it that way. I want it to be a surprised. I want to know it with his father. Gusto kong maramdaman din ni Ryde ang mga dapat ay nararamdaman ng isang ama.

Pagkauwi ko sa aparment na tinutuluyan ko ay katahimikan agad ang sumalubong sa akin. Marahan akong naglalakad sa marmol na sahig, papasok sa aking kwarto. Sa loob ay isang kama ang bumungad sa akin, tama lang para sa akin.

Ibinaba ko ang bag ko bago lumapit sa heater para lakasan 'yon. Tumingin ako sa kulay puting kisame habang ang kamay ko ay nasa tyan ko.

Ano kayang ginagawa ni Ryde ngayon? Magtatatlong buwan na rin magsimula nung huli kaming magkita. Ang sabi niya sa akin ay dalawang buwan na lang siyang makukulong pero ang sabi sa akin ng tauhan nila ay limang buwan.

Fuck it... Can I still survive in two freaking months? Maybe, yes. After all... I am not alone. Parang binigyan ako ni Ryde ng makakasama habang wala siya.

Kinabukasan ay ginising ako ng tawag ni Tito Rich. Ang tulog kong katawan ay parang binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang sinabi niya.

Tears from my eyes started to fell down.

"T-Tito... I am going home," I whispered.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"You should, Chelsea. Gusto ko na rin makita ang apo ko and I am sure... Your baby's dad too..."

I nodded my head. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. Napatingala ako at tahimik na pinasalamatan ang Diyos. Thank you so much, God.

This is it... Baby, we are going home.

"Ako na ang magpapa-book ng flight mo. You just need to prepare yourself, Chelsea."

Wala sa sariling napatango ako na animo'y nakikita ako ni Tito Rich.

"I am prepared, Tito. Thank you..."

"No... No. Thank you, Chelsea. Salamat dahil dumating ka sa buhay ng anak ko."

"T-Tito..."

"Daddy, Chelsea... I am now your daddy too," he chuckled. "So... See you soon?"

Pinunasan ko ang luha sa aking mata.

"See you soon, Tito..."

Pagkapatay niya sa tawag ay hindi ko napigilang mapatili. Wala akong pakialam kung mabulabog ko ang mga kapit-bahay ko. Ibinaon ko ang mukha ko sa unan at tumili pa nang tumili.

Hindi na ako makapaghintay na makita siyang muli.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para mamili ng mga pasalubong sa kanila. Hindi mawala-wala ang ngiti sa aking labi habang mahigpit ang hawak sa cart. Mga chocolates lang ang bibilhin ko na hindi mabibili sa Pilipinas.

Napadaan ako sa isang tshirt na nakadisplay sa sa store. Masyado akong naakit ng kulay maroon na kulay nito. Ryde's favorite color. It was just a plain shirt. Binili ko 'yon para sa kanya.

Hindi sinasadyang napadaan ako sa isang salamin. Natigilan ako nang umikot ang paningin ko. Nanlambot ang mga kamay ko para mabitawan ang mga plastic bags na hawak ko.

Napangiwi ako bago ipinikit sandali ang mata ko... Pagkamulat ko ay naging maayos muli ang paningin ko. Kinuha ko ulit ang mga nabitawan kong plastic bags.

Pumunta muna ako sa isang coffee shop para magkape sandali. Matagal-tagal na rin akong hindi umiinom ng kape dahil iniiwasan ko 'yon pero masyadong malamig ngayon.

Habang sumisimsim ako sa mainit na kape ay nag-vibrate ang phone ko. Kumunot ang noo ko nang makita ang pangalan ni Gizo sa screen ng phone ko.

"Hey!" Bungad niya.

"Oh, bakit napatawag ka? May problema ba sa resto?"


Hindi siya agad sumagot kaya hindi na rin muna ako nagsalita. Kumunot ang noo ko nang marinig ang mabibigat niyang hininga.


"Chelsea..."



"What the hell?! Come on, Gizo!"


Naiirita ako dahil kinakabahan ako sa inaasta niya. Hindi naman siya tumatawag sa akin, text lang ang ginagawa niya at ngayong tumawag siya ay ganito pa ang pamungad niya.


"How are you?"


"Gizo..." I warned him.


"Makakalaya na si Ryde..."


Napabuntong-hininga na lang ako.


"Alam ko. Iyon lang ba ang dahilan kung bakit ka napatawag?"


"Uh, yeah..."


Napasandal na lang ako sa upuan. Gusto kong maniwala pero binibigyan niya ako ng rason para magduda. Mukhang hindi iyon ang rason ng pagtawag niya.


"Kung problema 'yan sa resto, I think matutulungan ka na ni Ryde."


Narinig ko ang mahina niyang pagtawa sa kabilang linya.


"Alright... Take care, Chels."


"Thanks..."


Ibinalik ko na sa loob ng aking bag ang phone ko. Iwinaksi ko ang mga inakto ni Gizo dahil ang mahalaga lang ngayon ay ang makauwi ako at makita na si Ryde.


Hindi ko na mahintay na makita siya.


Tatayo na sana ako nang mahawi ng braso ko ang baso ng kape. Napapikit ako nang marinig ang pagkabasag nito.


Sa dilim ay naglakbay ang isip ko sa isang alaala na panandalian kong nakalimutan. Kumalabog ang dibdib ko dahil may parte roon na bago... Isang importanteng pangyayaring naganap na nahagip ng mata ko bago ako nawalan ng malay no'n.



Napasandal ako sa upuan... Natulala ako. Habol-habol ko ang hininga ko.


"Ma'am... Are you okay?" Tanong sa akin ng waiter.


I bit my bottom lip... Fuck... Fuck you, Ryde! I fucking hate you.


"Ma'am?"


Nanginginig ang katawan ko pero nagawa kong tumayo. Iniwan ko ang mga pinamili ko sa loob. Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng aking bag at agad na tinawagan si Gizo.


Huminto ako sa isang lugar na walang tao, malapit sa CR.


I can't calm down!


"Hey... Ikaw naman ngayon ang napatawag---"


"Was it me?"


Napasandal ako nang maramdaman ang panginginig ng tuhod ko na parang kahit na anong segundo ay bibigay na ito. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. Okay... Makakasama ito sa akin.


"W-What?"


Kumuyom ang kamao ko.


"Hindi si Ryde ang nakaaksidente sa bata... Ako 'yon, hindi ba? Ako ang nakasagasa sa bata..."


Nanginig ang labi ko at hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng luha sa aking mata. Kumawala ang hikbi sa aking bibig.


"Shit! Don't cry, Chelsea. Baka mapano ka..."


"Answer me.... Gizo."


"Chelsea... Calm down..."


"Just spill it out!" Hindi ko napigilan ang mapasigaw. "Tell me the truth!"


Napapatingin sa akin ang mga papasok at palabas ng CR pero hindi ko 'yon mapagbigyan pansin.


I am sorry... Really sorry, Love.


"Y-Yes... Pero matagal na 'yon."


Napaupo ako sa sahig. Mas lalong lumakas ang hikbi sa aking bibig. Inako ni Ryde ang kasalanan ko. Habang nagpapakasaya ako rito ay nagdurusa siya sa loob ng kulungan.


"Oh fuck... Please. Calm down, Chels."


Ipinikit ko ang mata ko at muling inalala ang mga memorya na nakaligtaan ko. Bago ako tuluyang nawalan ng malay no'n ay nahagip ng mata ko ang dugo sa harap ng sasakyan ko at ang pagbangga ng isang sasakyan sa isang puno... That was Ryde's car. Naguguluhan pa ako pero wala na akong pakialam.


Ako pala... Ako pala ang dapat na nasa loob ng kulungan at nagdusa sa loob ng ilang buwan.


"I will explain to you everything... Umuwi ka na muna, Chelsea. Please."


I ended the call.


Tumayo ako bago pinunasan ang luha sa aking mata. Gusto kong makita si Ryde... Gusto ko siyang makausap.


Isang hakbang ang ginawa ko nang maramdaman ang hapdi sa loob ng tyan ko. Umawang ang bibig ko nang maramdaman ang pagragasa ng likido sa hita ko.


Nanginig ang buo kong katawan at nagdasal na sana ay panaginip na lang lahat ng ito. Ayokong ibaba ang tingin ko... Ayokong makita kung ano ang umaagos sa hita ko.


Naramdaman kong muli ang pagkahilo at paglabo ng paningin ko.

"Miss!" May naramdaman akong humawak sa braso ko.

Bumagsak ang tingin ko sa hita ko.

Blood...

My baby...

Ryde...



Our baby.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro