Kabanata 24
Kabanata 24: Mommy
"Lady... I can't breathe," Kiza mumbled.
We stopped from walking. I caught Hariz looking at me too. We are now going to enroll Kiza to the nearest school. She is already 6 years old, qualified.
Hariz lowered his knees to face his nervous daughter.
"Just follow the instructions. It is just a piece of cake to you, baby. You got this." Hariz winked at her.
Pumasok kami sa isang opisina at sinalubong kami ng isang babae na nag-assist sa amin sa registration area. Dumiretso na sa loob ng testing area si Kiza na mukhang nawala na ang kaba.
Mula rito sa kinatatayuan namin ay kitang-kita namin mula sa transparent na salamin ang pag-upo ni Kiza sa isang table kasama ang iba pa. Binigyan siya ng test paper, may sinabi pa ito sa teacher na ikinatawa nito.
Napangiwi ako nang maramdaman ang pagkahilo. Mabilis na humanap ako ng bench at umupo roon. Sumunod naman si Hariz.
"Hey, you okay?"
I smiled at him. Napayuko ako dahil parang nanghihina ako. Naramdaman ko ang kamay ni Hariz sa noo ko.
"Shit!"
"I'm fine..."
"I'm sorry for cursing, Chelsea. But damn... Ain't it bad for a pregnant woman to have a fever?"
"I will just going to rest," I said.
His blue eyes darted at me. I knew he was concerned.
Napatango na lang ako. Masyadong mainit ang pakiramdam ko. Gusto ko na lang umuwi at humilata sa kama ko. Masyadong tamad ang katawan ko ngayon para kumilos.
"I will just go home..."
"I will drive you home."
My eyes blinked when he stood up and offered his hand for me.
"No, Hariz. Kiza needs you here. I can handle myself." I gave him a smile of assurance.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo. Ramdam ko ang mga nakasunod na tingin sa akin ni Hariz. Mabilis na kumuha ako ng taxi at nagpahatid sa Sourire Hotel. Hinilig ko ang likod ko sa upuan.
Ramdam ko ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko. Pagkarating ko sa unit ko ay agad na dumiretso ako sa kusina para kumuha ng tubig. Hinawakan ko ang noo ko para pakiramdaman ang sarili ko pero hindi ko masuri ang kalagayan ko.
Hinila ko ang mga paa ko palabas ng kusina. Dumiretso ako sa sofa at humiga roon. Niyakap ko ang unan ko at ipinikit ang mata ko. Nanginig ang katawan ko.
"I miss you, Love..." I whispered.
Nagising ako mula sa pagdampi ng malamig na tela sa aking noo. Kahit na hinang-hina ay idinilat ko ang mata ko. My vision was blurry so I struggled to look at the man sitting beside me.
"I'm sorry for getting in without your permission..." I closed my eyes when I already confirmed who is with me. "I am just worried," said Hariz in low tone.
I smiled with my eyes closed. Muli kong naramdaman ang pagdausdos ng malambot na tela sa aking noo, pababa sa aking pisngi. Mas nakakagaan 'yon sa pakiramdam.
Muli akong nakatulog matapos no'n. Nagising na lang ako na nasa loob na ako ng kwarto ko at nakahiga sa kama. Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Mabuti na rin ang pakiramdam ko.
Nakarinig ako ng mga yabag palapit sa kwarto ko bago bumukas ang pinto. Bumungad sa akin ang dalawang kulay asul niyang mata na nakangiti. Sa kamay niya ay kaniyang hawak ang isang tray.
"How is your feeling now?" Naglakad ito palapit sa akin. Hinila niya ang isang maliit na table at doon ipinatong ang tray na naglalaman ng mainit na soup.
Gumalaw ang kama nang umupo siya roon. Tila nanuyo ang lalamunan ko para hindi makapagsalita. Naramdaman ko rin ang gutom nang maamoy ang soup na dinala niya.
"I made you a vegetable soup... Don't worry, I bought the ingredients." He grinned at me.
Wala sa sariling napangiti na lang ako. I found him cute...
Tinulungan niya akong kainin 'yon. Masyadong maingat ang kanyang kilos habang pinapakain ako. Matapos kong maubos 'yon ay inabutan niya ako ng tubig.
"Thanks..." Sabi ko bago inabot sa kanya ang basong walang laman.
Ipinatong niya ang mga 'yon sa tray bago muling isinaayos ang lamesang hinila niya at pansamantalang ipinatong muli roon ang tray.
Itinulak ko ang sarili ko para humilig sa headboard ng kama.
"I'm sorry..." He mumbled.
"For what?"
"I believe we are the reason why you get sick."
I shook my head.
Matapos mangyari no'n ay halos sila na ni Kiza ang bumibisita sa unit ko at may dalang pagkain. Sinamahan din nila ako sa ob-gyn ko para magpa-check up.
"Baby... Can you hear me?" Natawa ako nang ilapit pa ni Kiza ang bibig niya sa tyan ko.
Kakagaling lang niya sa school at mukhang tumakas siya sa daddy niya para pumunta rito. Hindi pa siya nakapagpalit ng damit.
"Lady... He can't hear me, can he?" Her blue eyes asked me.
"He?"
"Is he not he?" She asked, goggled.
Natawa na lang ako sa kanya. Tumayo ako para ihatid siya sa unit nila. Saktong kakalabas lang din ni Hariz na mukhang papunta sana sa amin.
"Dad! I am so sorry! Are you going to scold me?" Kiza pouted her red lips. "I didn't mean to escape. I just wanted to meet Lady's baby again."
Hariz remained silent.
"Dad... You mad?"
"Yes," Hariz glared at her.
"Lady... Daddy will scold me!"
Nagtago sa likod ko si Kiza. Napatingin sa akin si Hariz na natatawa. Pumasok kami sa loob ng unit niya. Pumasok naman agad si Kiza sa loob ng kwarto niya. Marunong naman na siyang magpalit ng damit at ayaw rin naman niyang may nakatingin sa kanya habang nakahubad.
"Your daughter is alread a big girl..." I said when Hariz sat beside me.
"Are you leaving soon?" That question turned my head to him.
Nakahilig ang likod nito sa sofa at nakahalukipkip ang kanyang mga braso. Malayo ang tingin nito na halatang malalim ang iniisip.
"I still have one month to stay here..." I said.
Napatingin siya sa akin. Nakita ko ang mabilis na pagdaan ng lungkot sa kanyang mga asul na mata. Parang nabahiran ang ganda ng mga 'yon dahil sa lungkot.
"Are you happy?"
"Yes. Staying here with you and Kiza has been fun. You made me realize many things," I smiled.
Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kung hindi ko sila nakilala. Wala rin ako gaanong plano nang umalis ako sa Pinas para pumunta rito. Basta ang gusto ko lang no'n ay lumayo na muna. Kaya malaking tulong sila sa akin para mawala ang lungkot ko.
"Can you do me a favor?" He asked, smiling. "This is not for me... This is for Kiza."
Hindi ko maintindihan pero masyado akong kinakabahan kapag nagsasabi ng gano'n ang isang tao sa akin. Pakiramdam ko ay nagpapaalam sila at nagbibigay sila ng huling habilin. Mabilis na ipinilig ko ang ulo ko at inalis ang ideyang iyon sa utak ko.
"Anything..." Parang may bumara sa lalamunan ko matapos kong sabihin 'yon.
Iyon din ang sagot na sinabi ko kay Ryde nung humiling siya ng pabor mula sa akin.
"Dad! Let's go out!" Napatingin kami kay Kiza na nakabihis na. Hawak pa nito ang tali ni Reed na tahimik lang sa kanyang gilid.
I looked at Hariz waiting for him to say his favor.
"Let's just talk about this later..." Tumayo ito at inilahad niya ang kanyang kamay sa harap ko. "Shall we?" Nakangiti niyang alok.
I gulped before I held his hand... Naramdaman ko ang bahagya nitong panginginig.
Iginala namin si Reed sa park. Si Kiza ang may hawak sa tali ni Reed na halatang natutuwa sa kanyang mga nakikita. Nanatili kaming dalawa ni Hariz sa kanyang likod, nakasunod saan man siya pumunta.
"Hey, sir! Excuse me?" Isang lalaki ang humarang sa daan namin. Mabilis na nahagip ng mata ko ang camera na hawak niya. "I have a project about a family. Can you be my model? You guys are so perfect together..." He grinned.
Napatingin sa akin si Hariz at Kiza habang ang tingin ko ay nanatili sa lalaking malawak ang ngiti.
"Uh, I'm sorry---"
"It's okay..." Putol ko kay Hariz na bahagyang nagulat. "Sure... What are we going to do?" I asked him.
Tumalon-talon pa si Kiza dahil sa tuwa. Nahuli ko ang tingin ni Hariz sa kanyang anak na nilalaro si Reed. Nahuli ko ang pasimpleng pagngiti nito.
Kinunan lang kami ng litrato ng lalaki. Nakaakbay sa akin si Hariz at nasa gitna naman namin si Kiza na buhat-buhat si Reed. Matapos ng ilang ilaw na pansamantalang bumulag sa amin ay nakangiting nagpasalamat ang lalaki.
"Stay strong, Sir, Ma'am..." He bowed his head.
"No worries..." I said.
Matapos no'n ay hindi na ako tinantanan ng pasimpleng pagsulyap ni Hariz. Ang akala ata niya ay napilitan lang ako kaya pumayag. Sinabi ko naman na ayos lang naman sa akin.
Hapon na nung umupo kami sa bench para magpahinga. Kiza sat on my lap. Hinila ko naman siya para sumandal sa akin.
Kumunot ang noo ko nang maramdaman na mainit ang noo ni Kiza. Sinabi ko naman 'yon agad kay Hariz kaya umuwi na kami. Sumama ako sa kanila sa unit nila.
Maingat na ibinaba ni Hariz sa kama si Kiza na nakatulog dahil sa pagod. Kumuha ng basang towel si Hariz para punasan si Kiza. Pinalitan din namin ito ng damit para hindi matuyuan ng pawis.
Matapos no'n ay katahimikan na ang bumalot sa amin. Nakaupo kaming dalawa ni Hariz sa magkabilaan ni Kiza na mahimbing pa rin ang tulog.
"Thank you..." Napatingin ako kay Hariz na nanatili ang tingin sa kanyang anak.
Inayos nito ang buhok ni Kiza.
"My favor is..."
Tumingin siya sa akin. Nanlamig ang katawan ko nang makita ang namumula niyang mukha na halos umiyak na. Kinagat nito ang kanyang labi bago nagpakawala ng isang mabigat na hininga.
"Stay away from us..." Parang nabingi ako sa sinabi niya.
He smiled at me and nodded his head.
"Thank you for everything, Chelsea. Thank you for being part of our life..."
"Hariz..."
"But I know Kiza will not going to believe me when I say you already left us..." He said in a low voice.
Bumagsak ang kaniyang tingin muli sa anghel na natutulog.
"I can explain myself to her... Hariz. Please..."
Parang hindi ko rin kayang bigla na lang umalis nang hindi man lang nagpapaalam kay Kiza. Gusto kong maintindihan niya ang mga bagay na dapat ay alam niya.
"She is already treating you as if you are her mom... Chels... I can't watch her crying when you are already leaving... Please. I do not want her to invest more feelings to you."
Natutop na ako sa kinauupuan ko. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya kaya sa puntong ito ay sumasang-ayon na ako. Masakit para sa akin pero naiintindihan ko.
"Can you... Please... Stay away from us.--- Or maybe... I will just get other home for us... Away from here... Away from you."
"No... Hariz. Stay here... I will just get myself other place to stay in."
I smiled.
Tumayo ito at lumapit sa akin. Ngumiti ito bago yumakap sa akin. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya. Naramdaman ko na rin ang pamumuo ng tubig sa mata ko.
"I am sorry, Chelsea."
"It's okay, Hariz."
Kumalas ako sa pagkakayakap at hinarap siya. Pinunasan ko ang luha sa kanyang pisngi. Sa huling pagkakataon ay tumitig ako sa nakakalula niyang asul na mata.
"Take care of her... I want to meet her again someday."
"I will..."
Muli kong binalingan ng tingin si Kiza na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Gamit ang nanginginig kong kamay ay hinawakan ko ang kanyang pisngi.
Sa pagdampi ng kamay ko sa balat niya ay muling bumalik ang mga alaala namin na pinagsamahan. Ang kakulitan niya... Ang pagtawa niya. I will surely miss her.
"Hey, Kiza. Mommy will leave now... Be a good girl to your dad. I love you, honey."
Hinalikan ko ang pisngi niya kasabay ng pagbagsak ng luha sa aking mata.
Nagulat ako nang imulat niya ang kanhang mata. Ngumiti ito sa akin.
"Mommy..." She whispered.
"Paalam, Kiza. Hanggang sa muli nating pagkikita..." Bulong ko na ikinakunot ng kanyang noo.
"What?" Naguguluhang tanong niya.
Tumawa na lang ako. Sa huling pagkakataon ay niyakap ko siya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro