Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 21

Kabanata 21: Blue eyes

It is already confirmed. I am carrying Ryde's baby inside of me. I am already a mother. Pakiramdam ko tuloy ay nasa tabi ko pa rin si Ryde. Nakakunot ang noo at inaasar ako ng mga salita niya. It's been a week without him but it feels like a year already.

Pinanuod kong pirmahan ni Rexor ang aking resignation letter. Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas. Bumungad sa akin ang kambal.

"T-Totoo ba? Magre-resign ka na?" Naiiyak na tanong ni Cielo.

Napatingin naman ako kay Rouve na hawak ang camera niya na nakatutok sa akin. "Susulitin ko na ito... Baka hindi ka na namin makita." Ngumuso ito.

"Here..." Napatingin ako kay Rexor nang may iabot siya sa aking puting sobre. "Take that as my gift for you, Ms. Vellarde. Working with you has been fun. Thank you for being part of us. Don't forget me... Pwede akong ninong." Ngumiti ito.

Tinanggap ko ang sobreng inabot niya bago ngumiti.

"Sure, Sir. Thank you so much... Sana pagkabalik ko ay may pwesto pa ako rito," biro ko.

"Of course... You are always welcome here."

I gave him a hug after that. Binalingan ko ng tingin si Cielo na umiiyak. Lumapit ako sa kanya at binigyan din siya ng yakap.

"Thank you... I will be back." I whispered.

She pushed me away. "You must! Kapag hindi ka bumalik ay aagawin ko sa'yo si Leibniz! I don't care kung may anak na siya... Sa'yo." Pinunasan nito ang luha sa kanyang mata.

Tumango na lang ako bago lumapit kay Rouve. Ibinaba nito ang kanyang camera bago yumakap sa akin.

"Pagkabalik mo may abs na ako..." Bulong niya.

"Gusto kong makita 'yon pagbalik ko..." Natatawa kong sabi.

Nagpaalam din ako sa mga ibang nakatrabaho ko. Napuno ng iyakan ang lahat kaya hindi ko rin maiwasang lumuha. Matapos no'n ay hinatid na ako nina Cielo at Rouve sa parking lot.

"Magbabakasyon lang ako... Medyo maselan kasi ang lagay ko kaya kailangan kong magpahinga." Hindi ko alam kung ilang beses ko na bang sinabi ang pagpapaliwanag na 'yon kay Cielo para tumahan na siya.

Humarap ako sa kanila nang nasa harap na kami ng sasakyan ko. Nagpakawala ako ng isang mabigat na hininga.

"I will surely miss you guys..." I smiled at them.

"Balik ka! Kapag hindi ka na bumalik, hindi mo makikita ang abs ko, bahala ka diyan." Ngumuso muli si Rouve.

I nodded my head. "Cielo... Gusto ko 'pagkabalik ko ay may ipapakilala ka na sa aking lalaki," biro ko sa kanya.

"What?! No! Ako muna! Bawal pa si Ate Cielo!"

Binatukan ni Cielo ang kakambal niya. "Shut up, Rouve. Mas matanda ako sa'yo ng ilang minuto..." Inikutan niya ito ng mata bago tumingin sa akin. "Sure, Chels! Mas gwapo pa kay Ryde..."

"Malabo, Cielo..." Biro ko.

"Oh, si Ryde na lang kasi!"

"Not my Ryde, girl..." I smirked. "So, yeah. Aalis muna ako..." Ngumiti ako sa kanila bago binigyan ng huling yakap at sumakay sa aking sasakyan.

Pagkarating ko sa bahay namin ay nakahanda na ang mga dadalhin kong gamit. Sinalubong din ako nina mommy at daddy kasama ang parents ni Ryde.

Hinila ako ni Mommy papunta sa kusina. Hinarap niya ako sa kanya. Tumawa ako bago pinunasan ang luha sa kanyang mata.

"Ang bilis naman, Chels! Magiging lola na agad ako..."

"Don't worry, mom. Wala naman sa istura eh."

Hinawakan niya ang kamay ko. "Hindi ka na ba mapipigilan? Mas kailangan mo kami ngayon dahil buntis ka. Walang mag-aalaga sa'yo ro'n..."

"Isang buwan pa lang akong buntis, mom. Saka hindi naman ako gano'n katagal mawawala. Gusto ko lang magpahinga muna..." Lumunok ako nang maramdaman na naman ang pagbara ng lalamunan ko. "H-Hindi ko kasi kayang manatili sa Pilipinas habang nakakulong si Ryde. Gusto ko siyang puntahan..." Hindi ko na napigilan ang luha sa aking mata.

Nakangiting napatango naman si Mommy.

"Mom... Gusto ko siyang makita. Gusto kong makita niya ang unti-unting paglaki ng tyan ko pero nangako ako sa kanya..." Umiling ako. "Kaya gusto kong munang lumayo habang wala siya..." Pagpapatuloy ko.

Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili kong puntahan siya at baka mas lalo lang akong maiyak kapag nakita siya sa loob ng selda. Hindi magiging mabuti 'yon sa kalusugan ko. Gusto ko munang alagaan ang sarili ko... ang anak namin. 'Yon lang ang magagawa ko sa mga sandaling ito.

Matapos no'n ay bumalik na kami ulit sa salas kung saan naghihintay sina dad at ang parents ni Ryde. Nagulat ako nang tumayo si Tita Flare at lumapit sa akin.

Bumaba ang kanyang kamay papunta sa tyan ko at mahinang hinaplos 'yon.

"Chelsea... Alagaan mo ang apo ko."

"Opo, Tita."

"Mommy..." Natigilan ako sa sinabi niya. "Mommy ang itawag mo sa akin... Mag-iingat ka. Huwag mo masyadong isipin si Ryde. Gagawa kami ng paraan para agad siyang makalaya." Nakangiti niyang sabi.

Ngumiti ako bago yumakap sa kanya. Lumapit din sa akin si Tito Randy na tumatawa.

"Ganap ng hokage ang anak ko..."

"Ang lakas nga po niya, Tito eh." Biro ko na mas lalo niyang ikinatawa.

"Well... Kanino pa ba siya magmamana?" Natatawa niyang tugon bago yumakap sa akin. "Masaya si Ryde ngayon... Sana ikaw din."

Matapos no'n ay kay daddy na ako napatingin. "Kung ako ang masusunod ay hindi kita hahayaang umalis," naiiling na sabi niya. "Kapag nalaman ko lang na may nangyaring masama sa'yo, wala akong pakialam sa desisyon mo... Iuuwi kita agad dito "

Natawa na lang ako sa sobrang seryoso ni Dad.

"Opo... Hindi ko naman po hahayaang may mangyaring masama sa akin eh." Nakangiti kong tugon.

Bumuntong-hininga ito bago ako sinenyasan na lumapit sa kanya. Pagkalapit ko ay agad niya akong binalot ng yakap.

"Wala na nga ang Kuya mo, mawawala ka pa rin... Basta. Alagaan mo ang sarili mo. Just call us if you need something... Anything, my baby." He whispered.

Nagkaroon kami ng konting salo-salo at bago pa maghapon ay hinatid na nila ako sa sasakyan na maghahatid sa akin sa airport.

"Mag-iingat ka.."

Tumango lang ako bago pumasok sa loob ng sasakyan. Kumaway ako sa kanila habang palayo kami nang palayo.

Ipinikit ko ang mata ko... Bumagal ang paghinga ko. Naramdaman ko muli ang pagtulo ng luha sa aking mata. Kumuyom ang kamao ko.

Shit... Huwag mong gagawin 'yon, Chelsea. Sabi ko sa sarili ko.

Kinalma ko ang sarili ko.

"Shit!" Napamura ako dahil hindi ko kaya. Tumingin ako sa driver... "Manong..." Tawag ko sa kanya.

Tumulo ang luha sa mata ko habang nakatingin sa malawak na city jail kung saan ngayon nakakulong si Ryde.

"Ma'am, hindi po makakabuti sa inyo ang lugar na ito... Baka mapagalitan ako kina Sir." Nag-aalalang pakiusap ng driver nila Ryde.

Umiling ako bago hinawakan ang pinto ng sasakyan.

"Sandali lang ako, Manong..." Pagkalabas ko ay hindi ko napigilang tumakbo.

Sinabi ko sa nakaabang na information area ang pakay ko. May isang police ang nag-assist sa akin. Pabagal nang pabagal ang hakbang na ginagawa ko. Pakiramdam ko ay may mga pabigat sa aking paa para mahirapang iakbang ang mga 'yon.

"Dito po, Ma'am..." Hindi agad ako umakbang para makita ang isang selda.

Nanatili akong nakatayo ilang metro mula roon. Kinagat ko ang labi ko dahil sa inis na hindi ko man lang kayang pigilan ang sarili ko. Nangako ako sa kanya... This is insane!

Nangako ako sa kanya... Umiling ako bago hinila ang paa ko palayo roon. Mabilis na lumabas ako at pumasok muli sa loob ng sasakyan.

Hindi pwede... Baka hindi ko kayanin. Baka hindi na ako makaalis pa sa lugar na 'yon. Gusto ko munang magkalakas ng loob para harapin siyang muli. Ngumiti ako bago sumandal sa upuan.

"Tara na, Manong... Ihatid mo na po ako." Bulong ko habang nakapikit.

Pagkamulat ng mata ko ay tumambad sa akin ang malawak na paliparan. Tinulungan ako ni Manong na bitbitin ang bagahe ko. Pagkarating sa entrance ay binigay na niya iyon sa akin.

"Manong..." Tawag ko sa kanya.

"Ano po 'yon, Ma'am?"

Huminga ako nang malalim. "May tanong po ako... Ilang buwan ang sentensiya kay Ryde?" Tanong ko sa kanya.

"Sa pagkakaalam ko po ay limang buwan..."

I nodded my head. I knew it. Nagsinungaling na naman siya sa akin. Hays.

Pagkapasok ko sa loob ay saktong tinawag na rin ang flight number ko. Pagkaupo ko sa nakahandang upuan sa akin ay ipinikit kong muli ang aking mata.

Pagkalapag ko sa airport ng London ay wala sa sariling napangiti ako. Parang kailan lang ay kasama ko pa rito si Ryde... Parang kanina lang ay inaasar niya pa ako pagkalapag namin dito. Napahawak ako sa aking tyan.

Hey, baby... Sorry kung hindi mo muna makakasama si daddy. Pero andito naman ako... Tayo na muna. Magiging makasarili muna ako para ako lang ang makasama mo. Pangako... Pagkabalik natin sa Pinas... Ipapakilala ko sa'yo ang ama mo.

Pumunta ako sa hotel na tutuluyan ko. Pagkapasok ko ay agad na napaupo ako sa sofa. Parang wala rin namang pinagkaiba sa condo namin sa Pinas. Nilamig ako kaya nilakasan ko ang heater.

Inayos ko na rin ang mga damit ko. Baka bukas na lang ako mag-grocery dahil hapon na rin naman. Siguro ay kakain na muna ako sa malapit pero kapag may stock na ay ako na ang magluluto para sa akin. Hindi rin naman kasi maganda na kumain ako sa kung saan-saan dahil baka makasama pa 'yon sa akin.

Humiga ako sa kama at tumulala sa puting kisame. Wala pa man ay nakaramdam na ako ng lungkot na dapat ay iwasan ko. Hindi bale... Ngayon ko lang ito mararamdaman. Bukas din ay iiwasan ko ng mag-isip ng mga makakalungkot sa akin.

Pagkagising ko ay medyo gabi na rin. Nag-text na rin ako kina mommy na safe akong nakarating. Hinigpitan ko ang scarf sa leeg ko habang nakatingin sa salamin. Mabilis na ipinilig ko ang ulo ko nang may maalala. Ngumiti ako bago umalis sa harapan ng salamin.

Pagkalabas ko ay malamig na hangin ang agad na bumungad sa akin. Naglakad-lakad ako sa gilid ng kalsada habang hawak ang aking camera. Kinunan ko lahat ng maganda sa aking paningin.

Buhay na buhay ang paligid kahit na pagabi na. Nakakalat din sa paligid ang mga iba't-ibang store at mga nagtitinda sa gilid ng kalye.

"Ice cream... Uncle. I want ice cream!" Napatingin ako sa isang bata na kinukulit ang isang lalaking nagtitinda ng ice cream.

Nakatungtong ito sa cart ng nagtitinda habang tinuturo ang ice cream. Halata naman na natatawa ang nagtitinda dahil sa kanya.

"You don't have money, kid. Go and ask your mom to give you 2 pounds..." Sabi ng lalaking nagbabantay.

Nakita kong umikot ang mata ng batang babae. "I don't have a mom!" Pagkasabi niya no'n ay umikot na naman ang mata niya.

"Then... Whom are you with?"

Nanatili akong nakatayo at nakikinig sa usapan nila. Kumislap ang kulay asul na mata ng batang babae at bahagyan ginulo ng hangin ang kanyang blonde na buhok. Namumula rin ang pisngi nito habang kumukurap ang kanyang mata.

"I'm with my boyfriend..."

Napanganga ako sa sinabi niya. Humalakhak ang lalaking nagtitinda kaha mas humaba ang nguso ng batang babae. Halatang naasar ito sa sinabi ng nagtitinda.

"I have no time for this, kid."

"Ice cream! I want your ice cream! I won't leave you alone until you give me one!"

Lumapit ako sa kanila at kumuha ng pera sa bulsa ko. Inabot ko 'yon sa lalaki. Binigyan naman niya ako. Nakatingin sa akin ang batang babae.

"Aren't you going to buy me too? I love ice cream..." She said to me.

Mahina akong tumawa bago inabot sa kanya ang binili ko. Nanlaki ang mata niya dahil do'n.

"Yay! Thank you, sweetheart," she giggled. Masayang kinuha niya 'yon.

Tumalon ito pababa sa cart. Napangiti ako nang simulan na niyang kainin ng ice cream.

"Aren't you cold?" Tanong ko dahil masyadong malamig ang panahon para sa ice cream.

She shook her head without saying anything.

"Kiza!" Napatingin kami sa isang lalaki na tumatakbo.

Tumakbo ang batang babae palapit sa lalaking tumawag sa kanya.

Umupo ang lalaki para buhatin ang masayang bata. Lumapit sila sa amin. May kinuha siya sa kanyang bulsa.

"No... The lady gave it to her," turo sa akin ng nagtitinda.

Natigilan ako nang titigan ako ng kulay asul niyang mata gaya ng sa batang babae na yakap niya. Magkamukhang-magkamuha sila. Ang lamig ng kanyang titig.

"Uh... Thank you." Tinignan ko lang ang perang inaabot niya.

Umiling ako.

"No. That's my treat. You have a beautiful younger sister." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Thanks..." Ngumiti ito bago ibinalik sa kanyang bulsa ang pera. "Buy she's not my younger sister..." he chuckled.

"I am his girlfriend!" The cute girl in his arm shouted at me.

Tumawa ang lalaki.

"I'm Hariz and this is Kiza... My daughter."

Kahit na nagulat ay inabot ko ang nakahanda niyang kamay sa harapan ko.

Ngumiti ako sa kanya.

"I'm Chelsea..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro