Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 20

Kabanata 20: Favor

Pinaglalaruan ko ang buhok ni Ryde habang nakahiga siya sa hita ko at naglalaro ng NBA sa kanyang phone. Isang linggo na rin matapos ko malaman ang mga sinabi ni Ryde. Hindi ako pumasok ngayon para makasama siya kasi pakiramdam ko ay kung hindi ko siya makikita ngayon ay hindi na ulit ako magkakaroon ng pagkakataon.

"Ayaw mo ba talaga munang umuwi sa inyo, Ryde? Sasama naman ako eh." Hindi ko alam kung ilang beses ko ng nasabi ang mga salitang 'yon ngayong araw.

Hininto ko ang paglalaro sa kanyang buhok at tumingin sa screen ng kanyang phone. Patuloy pa rin ito sa paglalaro.

"Ryde..." I called his attention.

"Hmmm? Ayoko. Iiyak lang lalo si Mommy," walang ganang sabi niya.

Napatango na lang ako. Naiintindihan ko si Tita Flare dahil nararamdaman ko rin kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Gusto kong maging positibo sa pagkakataong ito na makalipas ang dalawang buwan ay magkakasama kami ulit.

"Paano 'yong resto mo? Who will handle that?"

"Gizo," maikli niyang sabi.

Muli na naman akong napatango. Kinagat ko ang labi ko dahil may gusto akong itanong na hindi ko masabi.

"Ryde... Ang sabi mo makukulong ka..." Napalunok ako dahil hindi ko na alam kung paano 'yon dudugtungan.

Umayos ng upo mula sa pagkakahiga si Ryde. Binitawan niya ang kanyang phone bago tumingin sa akin. Bumagsak ang tingin ko pero mabilis din niyang itinaas ang mukha ko gamit ang kanyang kamay.

I looked at his eyes.

"Are you really willing to wait for me?" He asked.

My lips slightly parted. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay kapag sinabi kong hindi ay papakawalan na niya agad ako.

"I have no choice, Ryde. Wala namang ibang Ryde Leibniz sa mundo..." Napanguso na lang ako.

He chuckled.

Natigilan ako nang maramdaman ang pag-ikot ng paningin ko. Sandali kong ipinikit ang mata ko kasabay ng pagtaas ng hindi maipaliwanag na pakiramdam sa akin. Napatayo ako nang maramdaman kong maduduwal ako.

Mabilis na tumakbo ako papunta sa CR at tumapat sa bowl. Pakiramdam ko ay lalabas lahat ng bituka sa loob ko pero wala man lang lumalabas sa bibig ko.

"Hey... Nahihilo ka ba?" Naramdaman ko ang kamay ni Ryde sa likod ko at bahagya 'yong hinahagod.

Hinampas ko ang kamay niya. "Alam mo na pala magtatanong ka pa..." Muli akong tumapat sa bowl nang maramdaman na masusuka ako ulit.

"Ang sungit mo, Love." Tumawa siya.

Tumayo ako at iniwan siya sa loob. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa. Pumunta ako sa kusina niya at kumuha ng tubig sa refrigerator. Ramdam ko ang tingin sa akin ni Ryde.

"You want coffee?"

"Don't ask me, please. Just do it..." I rolled my eyes.

Umupo ako at pinanuod siyang magtimpla. Napasimangot na lang ako dahil naiinis akong nakikita siyang nakangiti. Masaya talaga siyang naaasar ako.

"Here, Love. Konting sugar lang ang nilagay ko."

"I didn't ask..." Kinuha ko ang tinimpla niyang kape at bahagyang sumimsim doon.

Umupo siya sa katapat kong upuan at kinuha ang kanyang phone. Tutok na tutok siya roon at napapansin ko pa ang mahina niyang pagkagat sa kanyang labi.

Hindi ko na lang siya pinansin. Mayamaya ay humalakhak ito. Binato ko sa kanya ang mansanas na nakapatong sa table.

"Aray naman. Masakit ah," natatawa niyang sabi habang hinihimas ang noo niyang natamaan ko.

"May nililihim ka na naman sa akin?" Tanong ko sa kanya. "M-May itinatago ka na naman sa akin, Ryde?"

Nakangiti ito habang umiiling. Natigilan ako nang tumayo ito at lumapit sa akin. Nanatili siyang nakatayo sa harap ko habang nakangiti.

"Leibniz..." Kinakabahang tawag ko sa kanya.

Nabigla ako nang yakapin niya ako. Napangiti ako dahil sa ginawa niya. Nakaramdama ako ng antok sa mga pagkakataong ito.

"Ryde?"

"Hmmm?" Nanatili itong nakayakap sa akin.

"Pwedeng umalis ka na sa pagkakayakap sa akin? Inaantok na ako."

Mabilis naman na ginawa niya ang sinabi ko. Kumunot ako nang mabilis niyang pinunasan ang kanyang mata.

"Umiiyak ka ba?"

"Huh? Bakit naman?"

Pinaningkitan ko siya ng mata na ikinatawa niya. "Halika... Kailangan ko muna kayong patulugin..." Natatawa niyang sabi.

Hinawi ko ang kamay niya at tumayo akong mag-isa. Inirapan ko siya bago naglakad palabas ng kusina. Pumunta ako sa salas at humiga sa sofa.

"Hey! Doon ka sa kwarto ko..." Hindi ko pinansin si Ryde.

Napakamot ito sa kanyang batok habang nakatingin sa akin. Humikab ako dahil sa antok. Umupo sa lapag si Ryde bago hinawakan ang buhok ko.

"Bakit ngayon pa?" Dinig kong tanong niya kahit na nakapikit na ako. "Ang daya. Hindi ko man lang kayo maaalagaan." Sa pagkakataong 'yon ay tuluyan na akong nakatulog.

Pagkagising ko ay nasa kwarto na ako ni Ryde. Umupo ako mula sa pagkakahiga at pinagmasdan ang oras. Tatlong oras din pala akong nakatulog.

Biglang bumukas ang pinto. Nagtama ang mga tingin namin ni Ryde kaya mabilis na napansin ko ang kakaiba sa kanyang mata.

Mabilis na lumapit ito sa akin.

"Fuck! I think I can't!" He cursed while looking at me. "I can't just leave you alone..." Madiing kinagat nito ang kanyang labi.

Hinawakan ko ang kanyang kamay para pakalmahin siya. Bumigat ang paghinga ko.

"Fuck this life!" Napapikit ako nang ibato niya ang nahawakan niyang unan. Tumama 'yon sa mga babasaging display dahilan ng pagkahulog ng mga ito.

Napapikit ako sa gulat pero mabilis ding dumilat para yakapin si Ryde.

"Calm down, Love." I whispered.

Natakot ako nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan nang mahigpit ang aking kamay. Sumeryoso ito kaya mabilis na umakyat sa aking dibdib ang kaba.

"Come to me..." Hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko. Sinubukan niya akong hilain pero hindi ako kumilos.

"T-Tatakas tayo?" Tanong ko.

Natigilan ito bago tumango. Naramdaman kong nanginig ang kanyang kamay na nakahawak sa akin.

"Come on, Chels. Baka dumating na ang mga pulis."

Doon ako tuluyang natakot. Nakagat ko ang labi ko nang mariin. Naiiyak ako ngunit walang luha ang lumalabas sa mata ko.

"Let's escape... Come with me."

I nodded my head.

Wala kaming imik sa loob ng sasakyan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta at alam kong hindi rin alam ni Ryde kung ano ang gagawin.

Nanatiling hawak ni Ryde ang aking kamay habang ang isa ay nagmamaneho. Natigilan ako nang binitawan niya ang kamay ko at hinawakan ang aking tyan.

"I love you, baby..."

"What?! Our endearment is love!"

Tumawa lang ito. Hinampas ko ang braso niya nang bigla niya akong halikan sa labi. Sa isang iglap ay natunaw agad ang inis na nararamdaman ko dahil sa ginawa niya.

Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming nagbibyahe o kung umabot na ba ng isang oras. Tahimik lang kami.

"Ryde... Tama ba ang ginagawa natin?" Tanong ko sa kanya.

Hindi ito kumibo kaya hindi na rin ako nagsalita. Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang fast food chain. Mabilis na inalis niya ang kanyang seat belt bago lumabas at pinagbuksan ako ng pinto. Pagkalabas ko ay agad na rumagasa sa sa bewang ko ang kamay niya.

Kumunot ang noo ko dahil masyado siyang maingat sa akin. Habang kumakain kami ay nakangiti si Ryde.

"Why are you acting weird today?"

"What?"

"Kanina ko pa kasi napapans---"

"Just eat, Chels. Baka gutom na si baby..."

"Baliw..."

Matapos kong kumain ay nagpaalam muna ako na pupuntang CR. Napanguso na lang ako nang samahan pa ako ni Ryde. Nakaabang siya sa labas.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Bakit kaya ang weird ni Ryde? Napatalon ako sa gulat nang tumunog ang phone ko.

Mabilis na kinabahan ako nang makita ang pangalan ni Tito Randy sa screen ng phone ko. Nagpakawala ako ng isang mabigat na hininga at kinalma ang sarili ko bago sinagot ang tawag.

"Hello, Tito?" Pamungad ko.

"Hello, Chels? Where are you?" Pamungad na tanong niya.

Napalunok ako nang marinig ang pagtawag sa akin ni Ryde sa labas. Lumayo ako nang konti sa pinto.

"Chelsea? Kasama mo ba si Ryde?"

"Opo, Tito..." Kinagat ko ang labi ko dahil sa kaba.

"Umuwi na kayo..."

Napapikit ako. "Hindi na po kami uuwi..." Sagot ko.

Umabot ng ilang segundo bago muling nagsalita si Tito Randy.

"Don't do this, Chelsea. Iuwi mo na si Ryde... Huwag nyong takasan ang problema."

"T-Tito..." Nahirapan na akong magsalita nang muling bumuhos ang luha sa aking mata.

Narinig ko ang iyak ni Tita Flare sa kabilang linya at ang mabibigat na paghinga ni Tito Randy.

"Kung tatakasan niyo ito ay baka mas tumagal ang sentensiya kay Ryde. Magagawan ko ng paraan para mabilis siyang makalaya. Pakiusap..."

Mabilis na pinatay ko agad ang tawag. Napaupo ako at tinakpan ang bibig ko gamit ang dalawa kong kamay para pigilan na marinig ni Ryde ang iyak ko.

"Chelsea? Let's go..." Dinig kong tawag ni Ryde sa labas.

Mabilis na pinunasan ko ang luha sa aking mata at inayos ang sarili ko. Nagpalipas ako ng dalawang minuto bago lumabas. Agad na bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Ryde.

Pagkapasok namin sa sasakyan ay agad na hinalikan ko si Ryde. Agad naman na pumulupot sa katawan ko ang kanyang mga braso. I pinned myself to him.

Bumaba ang upuan kaya mabilis na napunta ako sa taas niya. I unbuttoned his polo shirt pero mabilis niya akong pinigilan.

He shook his head bago ako muling hinalikan at inilayo sa kanya. Kumunot ang noo ko nang buhayin na niya ang makina ng sasakyan at pinaadar 'yon.

"What is your problem, Leibniz?" Iritang tanong ko sa kanya.

Hindi ito sumagot. Habang tumatagal kami sa byahe ay mabilis na napagtanto ko kung saan kami papunta. Batangas... Pinaplano niyang dalhin ako sa beach resort nila.

Bigla kong naisip ang sinabi ni Tito Randy. Mas lalo lang kaming mahihirapan kung tatakasan namin ang aming mga problema. We can't escape reality no matter how hard we try... It will just keep chasing us. Fuck reality!

Mariin akong napapikit.

"Ryde... Naiihi na ako."

Kumunot ang noo niya. "Kakapunta mo pa lang sa CR, ah?" Naguguluhang tanong niya. "Hanap lang ako..."

Nakangiti lang ako sa kanya habang nagmamaneho. Hininto niya ang sasakyan sa isa pang fast food chain na nadaanan namin. Kakalasin na sana niya ang kanyang seatbelt nang pigilan ko siya.

"Ako na lang... Sandali lang ako."

Pagkalabas ko ay pumasok na ako sa loob ng CR. Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang phone ko. Hinanap ko sa contacts ang pangalan ni Tito Randy. My heart is pounding rapidly.

"Tito..." Napangiti ako kasabay ng pagpatak ng isang luha sa mata ko.

Matapos kong makapag-CR ay bumalik na rin ako agad. Nadatanan ko si Ryde na nakangiti. It was a bright smile.

"Ayos ka na?" Tanong niya kaya tumango na lang ako.

Tahimik na kami habang nasa byahe. Niyakap ko ang braso ni Ryde at sinandal doon ang ulo ko. Kahit papaano ay bumaba na ang takot sa aking dibdib.

"Mahal na mahal kita, Ryde..."

"Mahal na mahal ko rin kayo..."

Natanaw na namin ang pantalan. Napangiti na lang ako nang matanaw doon sina Tita Flare at Tito Randy at ang mga pulis. Napatingin ako kay Ryde na nakangiti.

"I'm sorry, Ryde..." Bulong ko.

"Alam ko, Chels. Hindi naman ako gano'n katanga para hindi mahalata sa mga kilos mo..." Natatawa niyang sabi.

Hininto niya ang sasakyan sa harapan ng mga pulis. Nanlabo ang mata ko dahil sa mga luha. Nanatili kami sa loob ng sasakyan.

Pagkalabas namin ay kukunin na nila sa akin si Ryde...

Naramdaman ko ang kamay ni Ryde sa mukha ko. Nakangiti ito sa akin. Bumaba ang hawak niya sa tyan ko.

"Take care of our baby..."

Napahagulgol ako sa mga sandaling ito. Sumagi na rin 'yon sa isipan ko nung isang araw. Madali akong mapagod at madalas akong maduwal pero wala namang lumalabas. Baby... I'm sorry.

"I love you so much. We will wait for you... Daddy."

Mabilis na ginawaran niya ako ng halik. Kinalas niya ang kanyang seatbelt. Napatakip ako sa aking bibig nang buksan na niya ang pinto.

Hindi ko nakayanan at napahawak ako sa kanyang braso para pigilan siya sa paglabas.

"Ryde... Fuck. Ryde. Madalas akong dadalaw sa'yo. Alagaan mo ang sarili mo ro'n."

"Can you do me a favor?" He asked.

I nodded my head.

"Anything for you, Love."

"Huwag mo akong bibisitahin... Huwag kang magpapakita sa akin. Alagaan mo ang sarili mo. Matapos ang ilang buwan... Babalikan kita."

Kahit na tutol ay tumango ako. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang mangyari pero wala akong nagawa kundi ang sumang-ayon.

Pagkalabas niya ay agad siyang nilapitan ng mga pulis. Mabilis na lumabas ako at tumakbo palapit kay Ryde.

"Ssshhh.... Stop crying, Love."

Naramdaman ko ang kamay ni Tito Randy sa balikat ko. Hinawakan ni Ryde ang kamay ko nang mahigpit.

Ngumiti ito sa akin bago dahan-dahang inalis ang pagkakahawak niya sa akin.

Naramdaman ko ang paglabo ng paningin ko ag unti-unting pagkawala ng lakas sa katawan ko. Pakiramdam ko ay sobrang hina ko ngayon. Gusto ko pang makita ang mukha ni Ryde ngunit hindi na kinaya ng katawan ko.

"Chelsea!"

Naramdaman kong may yumakap sa akin... Napangiti na lang ako.

"I'm sorry, Chels..." Ryde whispered. "Goodbye for now, Love..." I felt his soft lips kissed my forehead.

I will miss you... Love. Goodbye for now.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro