Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 2

Kabanata 2: Trust

"Can I talk to Mr. Olivo?" I asked his secretary politely ngunit parang hindi 'yon ang gusto niyang mangyari. She stared at me with a glimpse of disgust written on her face.

"You are?" Her eyebrows bent.

"Chelsea E. Vellarde." I already completed my name. Baka kasi gusto niyang malaman lahat at tinatamad na akong ulitin pa 'yon. "E for Eras..." I added.

"He's busy..." Kumunot ang noo ko nang magpatuloy ito sa pag-aayos ng mga papel sa kanyang lamesa.

"Then why did you ask my name?" I arched my left eyebrow. "Call him and say my name." I ordered her.

Pabagsak na ibinaba niya ang mga papeles na hawak niya lang kanina bago kinuha ang telephone sa gilid niya. Ramdam ko ang irita sa bawat mabibigat na pagdindot niya roon. What's wrong with her? Trabaho niya ito.

"Hello, Sir? May naghahanap po sa inyo rito." Then she looked at me. Hindi ko pinansin ang pagtingin niya sa akin mula ulo hanggang paa. "Miss Vellarde, Sir." She answered. "O-Okay..." Ibinaba niya ang tawag bago tumikhim.

Tumayo ito sa kanyang upuan. I can feel how irritated she is with me like I give a damn. All I need is to talk with his boss... our boss. Malawak ang building na ito na ang pinaka opisina ng mga boss ay hindi namin nadadaanan. Nasa last floor ito ng building.

She cleared her throat, "Follow me and please, huwag mong patunugin ang stiletto mo." Bumagsak ang tingin niya sa aking mga paa bago tumalikod at nag-umpisa ng maglakad.

I flipped my hair and did what she told me I shouldn't. Mas binigitan ko ang hakbang na ginagawa ko na lumilikha ng nakakairitang ingay. I hate the sound of it too but I can endure it just to annoy this girl. She's just an employee here like me.

She faced me with her irritated look.

Mabilis na nakita ng mata ko ang pangalan ni Rexor sa isa sa mga pinto kaya napangiti na ako. I turned my back at mabilis na naglakad palapit doon. Kumatok ako bago muling tinignan ang secretary. Pinitik niya ang kanyang buhok bago umalis at malamang na bumalik na sa kanyang trono.

"Come in..." Ang matipunong boses ni Rexor ang sumira sa katahimikan. I held the knob and opened the door. Sumilip ako at mabilis na sinalubong ni Rexor ang aking tingin. He smiled at me.

I closed the door gently.

"Have a seat," Inilahad niya ang kanyang kamay kaya umupo ako sa couch. Tumayo rin ito sa kanyang swivel chair at umupo sa harapan ko.

Nakaramdam ako ng pagkailang. Isang buwan pa lang siya sa company na ito unlike me na mahigit isang taon na rin kaya medyo nakakaramdam pa rin ako ng ilang sa kanya. He's just very professional to handle such awkward situation like this.

"I already told you the good news, right?" He asked so I nodded my head. It was not a good news for me at all. "Did you pack your things up? One week din 'yon." He chuckled.

Mabilis na napansin ko ang hindi magulo-gulong buhok niya. It seems like it's already fixed like that. Just like Ryde, kitang-kita ang porma ng panga niya kapag tumatagilid ang kanyang ulo. He also has this pointed nose and pink lips. Mas malaki lang ang boses ni Ryde kesa sa kanya.

"You went here just to stare at me..." Namula ang mukha ko sa sobrang hiya na kanina pa pala ako nakatitig sa kanya. "I could give you a picture of mine if you want." Mahinang tumawa ito.

Walang pagsiglan ang hiyang nararamdaman ko ngayon.

"What brings you here?" He asked.

"Hmmm... Tinanggap ko lang naman ang opportunity na 'yon dahil akala ko ay isang araw lang. I don't think I can survive that place longer..." Without him.

Umayos ito ng upo at pinagsalikod ang kanyang kamay.

"That's why I'll come with you. I grew up there so I think I can also be your tour guide."

"And I don't think my boyfriend would let me go alone..." I said honestly.

Iniisip ko pa lang ang magiging reaksyon niya ay natatakot na ako. He would get mad and over think that. Kilala ko si Ryde. He's very possessive with me and I love that. I want him that way. Kaya kong talikuran ang lahat para sa kanya at alam kong gano'n din siya.

Tumikhim ito. "Siya ba 'yong galit na galit na lalaking bigla ka na lang sinundo?" Nakita ko ang panunuya sa pagkakasabi niya no'n. "That was a rude move. "He snickered.

"I love him being rude..." I smiled at him.

"Uh, but that's not good for you."

"Because that's the best for me..." Hindi ko inalis ang ngiti sa aking labi.

Hindi ko gusto ang sinasabi niya pero kaya ko pa namang maging kalmado at ipagtanggol si Ryde sa hindi masamang paraan. He's still higher than me but I just can't sit hear and listen to him insulting my boyfriend in front of me.

Tumikhim itong muli, "I'm sorry for that." Nakita ko ang hiya sa kanyang ngiti.

"Baka po may iba pang pwedeng sumama sa inyo... I can't." I shook my head.

"I've already booked us a plane ticket. Nailista na rin ang pangalan mo sa mga guest na dadalo sa Royal Hotel. Magagahol tayo kapag pinalitan pa ang lahat. We could lose this opportunity."

Nakagat ko ang labi ko. Malaking dagok 'yon sa company and I don't think papalagpasin ito ng pinaka boss namin. Baka maalis pa ako sa trabaho pag bumaba ang rating namin. Isa itong malaking event na inaabangan ng media. Minsan lang kasi magpaunlak ng interview si Mr. Wilfaro.

"W-Wala na po bang ibang paraan?" Sumasakit na ang ulo kung paano ko uumpisahan na magpaalam kay Ryde.

"You can bring your boyfriend... I guess?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"R-Really?" If he really is... I will really bring Ryde with me.

"Yeah pero hindi na sagot ng company ang expenses niya."

"That's okay!"

Ngumiti lang siya sa akin habang ako ay parang gusto na siyang yakapin. I'm saved! Malamang na papayag si Ryde kung ando'n siya. Pagkatapos no'n ay nagpaalam na rin ako dahil napagpasyahan kong mag-undertime para puntahan si Ryde.

"Uwi ka na?" Nakasalubong ko si Cielo, isa rin sa mga kasamahan ko.

I nodded my head, "Kailangan eh..." Natatawa kong sagot.

"Oo nga pala. Wala ka bang balak dahil ulit ang boyfie mo here?" Tanong niya sa akin.

Napangiwi na lang ako. Minsan ko na kasing sinama rito si Ryde dahil nagpumilit siyang makita kung sino ang mga kasama ko. Kitang-kita ko kung gaano kalagkit ang tingin nila sa kanya kaya hindi ko na no'n dinala pa si Ryde sa lugar na ito.

"He's busy eh."

"Kami na lang kaya ang pupunta sa inyo?" She suggested.

"Next time. Una na ako, ah?" Mabilis na nilagpasan ko siya. Napailing na lang ako.

Ngumiti sa akin ang guard nang dumaan ako sa harapan niya. Hawak ko ang susi ko habang papunta sa parking lot. Malamang na nasa resto na si Ryde ngayon kaya roon ko na lang siya pupuntahan.

Pagkarating ko sa parking lot ay mabilis na pinatunog ko ang sasakyan at pumasok doon. Kinuha ko ang phone ko sa pouch. Mabilis na lumitaw ang wallpaper ko. Ryde took a topless picture of him with my name written on his chest. Hindi naman 'yon tattoo dahil natanggal din.

One message from him...

"Hi, Earth! Good morning. See you later."

Hindi na ako nag-abalang mag-reply doon dahil pupuntahan ko na rin naman siya. Hindi naman mabilis ang pagpapatakbo ko sa sasakyan pero dahil na rin siguro sa dami ng iniisip ko ay hindi ko namalayan na andito na pala ako sa resto niya.


Lumabas ako ng sasakyan matapos kong mai-park ang sasakyan ko. Tumambad sa akin ang malaking pangalan ng restaurant niya sa pinakataas.

Yume Restaurant and Bar. Yume stands for Yummy and me. Hanggang ngayon ay natatawa pa rin ako sa pinangalan niya sa business niya. May naipon na pala siya no'n pero hindi naging sapat at dahil ayaw niyang humingi ng pera sa parents niya ay nagtrabaho muna siya sa loob ng apat na buwan bago niya naipatayo ito. Tatlong buwan na rin ang business niya na 'to at mabilis na naging sikat.

Napatingin ako sa lalaking sumalubong sa akin.

"Good afternoon, Ma'am. Are you alone? We have a table here for one person." Ngumiwi ako dahil sa habang kanyang sinabi.

"Hmmm... Can I talk to the owner?" I asked him. Minsan na akong naipakilala ni Ryde sa lahat ng empleyado rito pero mukhang bago ang isang ito.

"Ah, sino po ba kayo?"

Lumapit sa amin ang isa pang empleyado. Nakita ko ang pasimpleng pagsiko niya sa lalaking kausap ko. Ngumiti ito sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik.

"Sumunod po kayo sa akin, Ma'am." Aniya.

Ngumiti ako sa lalaking nakakunot ang noo. Sumunod ako sa babae hanggang sa dalhin niya ako sa kitchen nila. Naabutan ko ang lahat na busy. May kanya-kanya silang task doon. Napatingin ako sa isang lalaking naghahalo sa malaking lalagyan. He's wearing an apron and toque blanche on his head just like the others.

Lumapit ako sa kanya.

"Ryde..."

Napatingin siya sa akin ngunit mabilis na ibinalik niya rin sa kanyang ginagawa ang kanyang atensyon. Hindi ko mapigilang sumilip sa niluluto niya dahil sa nakakagutom na amoy no'n.

"Punta ka sa kabila. Doon mo ako hintayin." Malamig na sinabi nito na ikinanguso ko na lang.

Ganito talaga siya pag sa trabaho lalo na pag may ginagawa. Hindi nakakausap kahit na nino... Kahit na ako. Doon lang ang buong atensyon niya. Walang makakaistorbo sa kanya. He's the owner so I think no one would dare.

Gaya ng sinabi nya ay lumipat ako sa kabila kung nasan ang bar. Medyo nakakalma ang dim lights at soft music do'n. May mangilanngilan din na narito. Malamang na mamayang gabi pa magdadagsaan ang mga tao rito.

Lumapit ako sa mga inumin kung nasan si Gizo. Ngumiti ito nang makita niya ako.

"What drink, Ma'am?" He smirked.

I just shook my head. Umupo lang ako sa high chair at pinanuod kong paano siya maghalo ng mga alak. He's good at this. Mabilis ang mga kilos niya. Iba't-iba ring kulay ng alak ang naro'n. Inabot niya ang bagong timplang alak sa babaeng nakatayo sa tabi ko. Tinanggap 'yon ng babae bago umalis.

"What's up, Mr. Bartender." I greeted him.

Lumapit ito sa akin at inabutan ako ng isang alak. "Don't worry... Parang juice lang 'yan." Aniya nang hindi ko 'yon tanggapin.

"Thanks..." Sumimsim ako ro'n at gaya ng inaasahan ko ay masarap 'yon. Walang halong pait. Tama lang na siya ang napili ni Ryde para rito.

"Hindi mo ata kasama 'yong madaldal na babae?" Natatawa niyang sinabi.

Natigilan ako sa pagsimsim sa inumin na ibinigay niya. Naalala ko na naman si Jean. Dalawang linggo na matapos siya malipat sa Dubai. Isa siya sa mga empleyadong ipinadala roon. Hindi siya umayaw dahil gusto raw naman niyang mabuhay nang wala ako sa kanyang tabi.

"Nagsasawa na kasi ako sa mukha mo... Sa mukha nyo ni Ryde." 'Yon ang huling sinabi niya sa akin. Aalis na nga lang, manlalait pa.

She even disconnected our connection to her. Agh! I already missed her.

Muntik ko nang mabitawan ang basong hawak ko nang may naramdaman akong gumapang na kamay sa bewang ko. Tumawa si Ryde na kumuha ng alak sa harapan niya. Mabilis na naamoy ko ang pabango ni Ryde na malamang ay ginamit niyang muli bago pumunta rito.

"Bored?" His eyebrows arched. Medyo basa pa ang sa harap na buhok niya kaya alam kong naghimalos din siya bago pumunta rito.

"Boss... Uwi rin ako agad maya, ah?" Pagpapaalam ni Gizo kay Ryde.

Napasinghap ako nang ilapit pa ako ni Ryde sa kanya.

"No." Maikling sagot ni Ryde sa kanya.

Hinila na ako ni Ryde palayo roon. Narinig ko pa ang malakas na pagmura ni Gizo kay Ryde dahil sa hindi siya nito pinayagan. Wala lang 'yon kay Ryde,

Pumunta kami sa pinakadulo kung saan may couch. Mula rito ay kitang-kita ang mga tao sa lugar na ito. Dim ang lights at masyadong malikot sa mata ang mga ilaw na papalit-palit ng kulay.

Naramdaman ko ang hininga ni Ryde sa aking leeg kaya hindi ako makalingon sa kanya.

"You smell really damn good, Love." He whispered.

Napaatras ako nang halikan niya ang leeg ko. Mabilis na kumalabog ang dibdib ko sa gulat at sa kiliti na dulot no'n sa akin. Ngumisi siya sa naging reaksyon ko. Pinatong niya ang binti niya sa hita ko at sumandal sa couch.

"What do you think is missing on this bar?" He asked me.

Kumunot ang noo ko. I roam my eyes around this place. Kumpleto naman sa gamit. Wala naman akong nakikitang kulang.

"Entertainment, Love." Napatingin ako sa kanya. Nahuli kong nakatingin din siya sa akin. "Pole dancer... Sexy ladies." Tumaas ang isang sulok ng labi niya.

"Ikaw bahala..." Sagot ko na lang.

"You're hired..."

"Heh!" Namula ang mukha ko sa sinabi niya.

"Kidding... But I am thinking of having that inside my room." He smirked at me. "And I am the dancer..." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Humagalpak siya ng tawa.

Napanguso na lang ako. Kung anu-ano na lang ang sinasabi niya.

"Oo nga pala, Ryde." Napatingin siyang muli sa akin. Humaba ang kanyang kamay para kunin ang alak sa lamesa. "Do you want to have a vacation with me?"

Ininom niya ang laman ng baso ng alak habang nakatingin sa akin.

"London..." I added.

"Bakit biglaan? You're not thinking of honeymoon, are you?"

Hinampas ko ang balikat niya dahil do'n. Puro kalandian talaga ang alam niya.

"Doon kasi ang next project ko..." I said that made his smile disappear. Nangapa ako ng sasabihin dahil sa kaba. "Kaya nga gusto kong kasama ka." Ngumiti ako para pagtakpan ang kaba sa dibdib ko.

"It's okay..."

Naguluhan ako sa sinabi niya.

"What?"

"Alam kong trabaho mo 'yon at ayoko namang maging pabigat pa sa'yo ro'n."

"Hindi ka kailanman naging pabigat sa akin."

"Stop saying sweet lines, Love." He pouted his lips.

Hindi niya sineseryoso ang mga sinasabi ko.

"I'll be with my boss... Rexor." Pag-amin ko.

"Go ahead..."

"Ryde!"

Napalunok ako nang bigla siyang lumapit sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko at itinapat 'yon sa kanya. Ngayon ay kitang-kita ko ang labi niyang basa dahil sa alak.

"I trust you enough that's why I am doing this." Napalunok ako sa sobrang seryoso ng kanyang boses.

Bumaba ang hawak niya sa aking baba hanggang sa maramdaman ko na ito sa aking labi. Hinaplos niya 'yon habang nakatingin sa aking mata.

"You know how much I am into you, Ms. Vellarde."

I nodded my head. I know...

"It's only me, right? Ako lang ang mahal mo, 'di ba?" Tanong niya kaya tumango akong muli. "I know you will never break my trust in you, Chelsea." Then he smiled at me.

After he said that... I felt his soft and wet lips kissed mine.

I know, Ryde... Hindi ko sisirain ang tiwalang ibinigay mo sa akin. Pero ang bigat sa dibdib ng mga sinabi niya. I don't know but I am a little bit scared. Trust... Such a huge responsibility.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro