Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 19

Kabanata 19: Good news

Hindi mawala sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ni Ryde kagabi. 'Yong mga sikretong ipinagtapat niya sa akin. Siya na pala ang sumagot sa lahat ng gastos ng naaksidente niya. 'Yong mga gamot na binibili niya ay hindi para sa amin kundi para sa kanila. 'Yong kailangang ng operation ay hindi rin isa sa amin, kundi sa naaksidente niya. I am so proud of him because of that. Hindi niya tinakasan ang nagawa niya.

But I don't understand... Hindi pa ba sapat ang mga ginawa ni Ryde para hindi na sila magsampa ng kaso? Gusto ko silang makausap pero hindi sinabi sa akin ni Ryde ang pangalan ng naaksidente niya.

"Miss Vellarde?" Napaangat ang tingin ko nang marinig na may tumawag sa akin.

Nahihiyang napangiti na lang ako sa mga kasama ko ngayon sa meeting room. We are having meeting but I can't pay attention to it. I am so preoccupied right now. Hindi ako makapagtrabaho nang mabuti.

"Hey!" Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Rexor pagkalabas namin sa meeting room.

I stopped from walking and turned to face him. I hid everything in just a smile. Pretending sometimes is not that bad. You don't always show everything... Not everyone will understand you. That's life... This is life.

"You okay? Kanina ko pa napapansin na tulala ka." Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.

Is it bad to open up to someone who is not close to you? Pakiramdam ko ay nag-iisa ako ngayon sa mga problema ko. If Jean was just here. Baka binatukan na niya ako.

I miss her so much.

"Coffee?" He asked me.

I looked at him. Sinabi ko sa kanya ang gusto ko. Pinauna na niya ako sa opisina namin. Pagkapasok ko ay mabilis na umupo ako sa pwesto ko.

Sumandal ako sa swivel chair. Mapait akong napangiti nang maalala na naman si Ryde. Hindi man niya sinasabi sa akin ay alam kong hirap na hirap na siya ngayon. Nasasaktan ako sa tuwing dinadaan niya lahat sa biro.

Umangat ang tingin ko nang bumukas ang pinto. Hinila ni Rexor ang isang bakanteng table at nilagay doon ang mga alak.

"Buti hindi ka nahuli?" Biro ko sa kanya dahil bawal ang magdala ng mga nakakalasing na inumim dito.

Tinaasan niya ako ng kilay bago umiling. Tumayo ako at umupo sa inilaan niyang upuan para sa akin.

"Ako pa ba? Masyado mo ata akong minamaliit," naiiling na sabi niya. Umupo ito sa tapat ko.

Nilagyan niya ng ice cube ang baso bago 'yon sinalinan ng alak. Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa niya 'yon.

"Wait..." Tumayo ito at kinandado ang pinto. "Mahirap na. Baka may makakita." Natatawa niyang sabi.

I smirked before I pointed my finger on the CCTV camera. Napangiwi ito sa nakita niya.

"I don't care. Tsk..." Natawa na lang ako sa kanya.

Inilapit niya sa akin ang isang basong may alak. Pinagmasdan ko muna 'yon bago kinuha at nilapit sa aking labi. Napapikit ako nang diretsong nilagok iyon. Nanginig ang katawan ko dahil sa lamig.

Tumawa naman si Rexor bago lumapit sa aircon at hininaan 'yon. Habang ginagawa niya 'yon ay nagsalin akong muli sa aking baso at ininom 'yon.

"Easy... Baka hindi ka pa naglalabas ng hinanakit, tulog ka na." Natatawa niyang sabi bago uminom ng kanya.

Inayos ko ang kumawalang buhok sa tenga ko bago sumandal sa upuan. Bumagsak ang tingin ko sa basong may lamang yelo.

"We are not that close but I don't mind if you will open up. I am your boss so yeah, maybe I can give you advice," he chuckled.

I looked at him.

"I love Ryde so much..." Bigla na lang kumawala sa bibig ko ang mga salitang 'yon.

He nodded his head. "Not obvious..." Natatawa niyang sabi.

"But he is making me feel that I am not worth fighting for..." I said.

Naalala ko ang mga sinabi niyang kapag nalaman niyang nasasaktan na ako dahil sa kanya ay papakawalan na niya ako. Hindi ko matanggap na ang dali lang para sa kanya na sabihin 'yon.

"Paano mo naman nasabi?" Nagtaas ito ng kilay na parang hinahamon akong mag bigay ng katanggap-tanggap na rason.

"That's just what I feel..." I shrugged my shoulder.

Inabot ko muli ang bagong salin niyang alak. Ginawa ko 'yong tubig kung inumin. Napatingin ako sa CCTV camera. Napailing na lang ako dahil lagot siya pag nalaman ng management ito.

"That's what love for him, I guess?" Napatingin ako sa kanya matapos niyang sabihin 'yon. "I salute him for that. Not all guys can do that sacrifice."

Kumunot ang noo ko dahil parang pinapanigan niya si Ryde at parang pinagkakaisahan nila ako.

"Love should not be painful because if it is, is it not love."

"What?"

"What I meant was... If it really is love. Nothing should be painful. Or should I say.... You should not take everything as a pain."

"I don't think so..." Ngumuso ako. "When you get hurt, it is love. Why would you get hurt if it is not? Simple." Dugtong ko na ikinahalakhak niya.

Nilagyan ko ng laman ang dalawang babasagin na baso bago kinuha ang akin. Hinawakan ko lang 'yon at hindi muna ininom.

"Yeah, right. But you can't blame him. Come on, Chels. We have our own ways when it comes to love. Like for you... Love is worth fighting for. But not for everyone. You have to understand that." He smiled at me.

Napatango na lang ako. Muli kong inubos ang laman ng baso. Napangiwi ako dahil masyadong mapakla.

"Naka limang shot lang ako ubos na agad." Naiiling na sabi niya bago binuksan pa ang isang dala niya.

"Alak ba talaga 'yan? Parang hindi naman." Pagmamayabang ko dahil hindi man ako nagawang pahiluhin kahit konti.

"Mababa lang talaga ang alcohol content nito kaya hindi ka tatamaan." Natatawa niyang sabi. "Ayoko namang malasing ka at magkalat dito."

"Duh. Hindi ako gano'n. I can handle myself. Baka ikaw..." I rolled my eyes.

"But seriously, Chelsea. Ano ba talaga ang problema mo?" Seryoso niyang tanong.

"Si Ryde kasi..." Nakagat ko ang labi ko nang magtubig na ang mata ko. Ngumiti naman sa akin si Rexor na parang sinasabi na ayos lang. "Nasasaktan si Ryde kaya nasasaktan din ako." Hindi ko na napigilan ang luha sa mata ko.

Inabutan niya ulit ako ng baso at agad kong inubos ang laman no'n. Nagsunod-sunod 'yon hanggang sa naramdaman kong medyo tinamaan na ako.

Sinabi ko sa kanya lahat ng alam ko, nakangiti lang siya habang nagsasalita ako. Pumiyok ako dahil sa luha.

"H-Hindi naman siya makukulong, hindi ba?" Tanong ko.

Gusto kong marinig kahit na sa kanya lang na magiging maayos din ang lahat. Pakiramdam ko ay kapag sa akin lang na naggaling 'yon ay hindi ko rin paniniwalaan maging ang aking sarili.

"Bakit bigla atang nagbago ang isip nila? But I must say Ryde really is a good guy."

"Hindi 'yon ang tanong ko!" Sigaw ko na ikinatawa niya.

"Lasing ka na ata..."

"Hindi!"

"Oh, okay. Pero kung makukulong si Ryde dahil lang do'n ay imposibleng magawa 'yon ng isang simpleng tao lang."

Naguluhan ako sa sinabi niya kaya hindi ako agad nagsalita. Hinintay ko siyang dugtungan iyon.

"It was an accident and he took the responsibility. Malamang na sa ngayon ay nagpapagaling na 'yon. Dapat ay maayos na ang lahat. Why would they file a case against him? That's too much and I don't think kaya pa siyang ipakulong."

"R-Really? Pero nagsampa na sila ng kaso." Kahit papaano ay nabuhayan ako ng loob.

"I don't know. I am confused too. Pero posible siyang makulong kung isang makapangyarihan na tao ang nakabangga nila. You know? They can manipulate everything because of money. Kung gusto nilang makulong si Ryde ay kaya nila."

Bumagsak ang balikat ko dahil sa sinabi niya.

"Maimpluwensyang tao rin ang mga Leibniz. Baka magawan nila ng paraan." Sabi ko.

"What if those are more influential?"

"Shut up!"

"But just like what you said... Baka magawan nila ng paraan."

Napasandal na lang ako sa upuan dahil sa mga sinabi niya. Parang nagsisisi tuloy akong sa kanya pa ako nagsabi.

Hapon na rin nung napagpasyahan kong umuwi. Hindi ko alam kung paano ko nagawang makalabas ng building namin nang hindi halatang hilo. Pagkapasok ko sa sasakyan ko ay umikot ang paningin ko. Halos maduwal ako pero mabuti na lang at napigilan ko. Ako lang ata ang nakaubos ng tatlong bote na dinala ni Rexor.

Kinapa ko sa bag ko ang phone ko nang marinig na tumutunog 'yon. Pumipikit na rin ang mata ko dahil sa antok. Hindi ko na tinignan ang tumatawag at basta ko na lang 'yon sinagot.

"Love?!" Napangiwi ako nang marinig ang masayang boses ni Ryde sa kabilang linya.

Napangiti na lang ako.

"Yes, Love? What happened?" Inaantok na sagot ko.

"Wait... Nakainom ka ba?" Nawalan ng gana ang kanyang boses. "Where are you? Susunduin na lang kita."

"May car is with me. I can still drive..."

"You are fucking drunk. Don't you dare to drive. Tell me where are you?" Natawa na lang ako sa kaangasan ng kanyang boses.

Pinatay niya agad ang tawag matapos kong sabihin kung nasan ako. May good news daw siya sa akin kaya masaya ang mokong.

Lumabas ako ng sasakyan nang makita na ang sasakyan ni Ryde. Lumabas din ito agad sa kanyang sasakyan at lumapit sa akin. Agad na sinalubong ako ng nakakunot niyang kilay.

"Lasing ka pero magmamaneho ka pa rin?" He mocked. "I have a good news!" Masaya niyang sabi.

Napatingin ako sa langit nang magsimula na umambon.

"Ryde... May payong ka ba? Umuulan."

"Lasing..." Natatawa niyang sabi.

"Konti lang..."Ngumuso ako.

Hindi kami umalis sa pwesto namin kahit na nababasa na kami. Nakatingin lang ako kay Ryde na halatang masaya.

"So... What is the good news?" Tanong ko.

"Guess what?" Ngumisi ito.

Nanlaki ang mata ko dahil mukhang alam ko na kung bakit siya masaya.

"H-Hindi na matutuloy ang pagsampa ng kaso sa'yo?!" Masaya kong tanong ko.

Tumawa ito. Halos yakapin ko na siya sa mga sandaling ito.

"Nope. Pero baka sa halip na tatlong buwan ay maging dalawang buwan na lang ako sa kulungan!" Masaya niyang sabi.

Natigilan ako.

"Ang galing, 'di ba? Mas magiging mabilis ang paglaya ko!" Nakangiti pa niyang sabi.

Napalunok ako. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagpatak ng luha sa aking mata. Nanginig ang labi ko habang nakatingin sa kanya. Nanatili ang ngiti sa kanyang labi.

"You call that a good news?" I asked.

"It really is! At least... Dalawang buwan na lang!" Humalakhak ito.

Nakita ko ang pagbuo ng luha sa kanyang mata habang nakangiti.

"Damn you, Leibniz!" Humagulgol ako. Sinubukan niya akong yakapin pero itinulak ko siya palayo.

"Chelsea... Huwag ka namang ganito."

"Stop pretending too, Ryde! It is not a good news and it will never be!"

"Can you hug me, Love?" Nakangiti niyang tanong. "I am so scared right now."

Isang hakbang ang ginawa ko bago siya nayakap. Naramdaman ko ang pagtaas-baba ng kanyang balikat. Hinagod ko ang kanyang likod.

"That's not really the good news..." He whispered. "You are, Love. The good news is you... hugging me... still with me."

"I love you so much, Ryde Ozix Leibniz."

"Hihintayin mo ba ako?"

Hinampas ko ang balikat niya.

"I am always here..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro