Kabanata 13
Kabanata 13: You have me
The ambiance of the coffee shop was calm and refreshing plus the serenity from soft music. I should be calm because everything was cool but I couldn't. These two people infront of me have been avoiding my gaze since we got in and sat down to our comfortable seats.
Tumikhim ako para basagin ang nakakabinging katahimikan namin.
"So... You really knew about this and you didn't even tell me?" I arched my eyebrows.
Rouve looked at me, feeling sorry. "We didn't want to mingle with other poeple's business?" He said, unsure.
Cielo kept her phone. Bumuntong-hininga ito bago hinawakan ang mainit na kape na sa harapan niya. She took a sip from it.
"Ibang tao na pala ako ngayon para sa inyo? I didn't know." I could not hide how disappointed I was.
They kept those things away from me because they didn't want to get involved with me. Nakaka-disappoint na parang ibang tao ang tingin nila sa akin.
"No..." Cielo pouted her red lips. "Pero siguro nga gano'n na rin. Hindi ba dapat ay si Ryde mismo ang magsasabi ng totoo? Kahit na gusto namin ay ayaw namin siyang pangunahan. He's your guy. Dapat ay sa kanya manggaling ang mga 'yon."
I nodded my head. "I get your point but you still kept it as a secret. You didn't bother to tell me."
"At least we didn't lie..." Nakita ko ang pasimpleng pagsiko ni Cielo sa kanyang kambal. "What? It's better to keep a secret than to make a lie. Come on!" He groaned.
"You are already lying when you conceal the truth," I said.
I let a heavy sigh. Kinuha ko ang kape na nasa harapan ko at dinamdam ang init no'n sa aking nanginginig na palad. Inilapit ko ito sa labi ko bago sumimsim. Tamang-tama ang timpla, hindi mapait at hindi matamis. Hindi siya nakakaumay.
"Did you already asked Ryde about this?" asked Cielo. "That you already remembered everything?"
I looked outside the trasparent glass wall beside me before I shook my head. "Hindi ko alam kung paano uumpisahan." I said, honestly.
I don't know but I am scared to tell him about the memories I just recalled. He wouldn't lie if it was just a normal accident so I believe there's more than that. I am so bothered right now.
"Ryde is being unfair to you," Rouve said. "So as you. Whoa. It's a tie!" He grinned.
Binatukan siya ni Cielo. "There is a right time for wrong things. But... I think it would be better if you and Ryde will be open to each other. You know what I mean? Secrets are not healthy in a relationship."
"Right. Kapag ako nagka-girlfriend? I will tell her every single details about me." Pagmamayabang ni Rouve.
Napailing na lang ako. I doubt it.
"Get yourself a girlfriend first, Rouve." Cielo rolled her eyes. "I bet you wouldn't tell her you have a birthmark on your butt."
"Cielo!" Namula ang mukha ni Rouve na ikinatawa ko na lang.
Matapos no'n ay bumalik na kami sa trabaho. Narito ako ngayon sa opisina namin ni Rexor. He was sitting next to my table. Masyadong malawak ang silid na ito para sa aming dalawa kaya hindi ko maiwasang magtaka kung paano siya nabuhay mag-isa sa ganito kalaking silid.
"Have you already finished the article?" I almost had a heart attack because of his sudden voice.
I looked at him. "Uh... Almost?"
"Are you okay?"
"I am."
"Good. Don't you want to join us tonight?" Naalala ko na naman ang party mamayang gabi. Today is Lizel's birthday. "Rouve and his twin will be there."
Wala naman akong gagawin kaya napatango na lang ako. Nagpaalam muna ako na uuwi para makapagpalit ng damit. May baon namang damit si Cielo kaya hindi na niya kailangang umuwi. Nauna na sila sa venue habang ako ay umuwi sa condo.
Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay sumalubong agad sa akin si Ryde. Nakadapa ito sa sofa at nakatingin sa screen ng tv. He was holding the remote control on his left hand. Napatingin siya sa akin.
"How was your day?" Umayos ito ng upo. Napaiwas ako ng tingin nang makita ang suot niya.
"My god, Ryde. This is not your condo unit!" Namumula kong sabi. "Wear your short!" Hindi pa rin ako lumilingon sa kanya.
"Uh? It's a boxer short. What is so wrong?"
Inis na binalingan ko siya ng tingin. Mas lalong dumagdag sa hiya ko ang kanyang nakakalokong ngiti. Sinubukan kong huwag bumaba ang tingin ko. The temptation... Damn it!
"What is so wrong? First, this is not your condo unit. Second, it's mine. And lastly, I am a girl!"
"Friend?"
"What?"
"Girlfriend. You're my girlfriend." Napangiwi ako sa sinabi niya. "Dapat nga ay kabisado mo na lahat ng parte ng katawan ko."
Dumiretso ako sa kwarto ko at pabagsak na ibinaba ang aking bag sa kama. Mabilis na hinubad ko ang uniform na suot ko bago naglakad sa closet para kumuha ng maisusuot.
Minsan ay tinatamad din akong makipagtalo kay Ryde.
"I am already hungry----Fuck!" Napanganga ako nang pumasok si Ryde.
Mabilis na kumuha ako ng damit sa closet para ipangtakip sa hubad kong katawan. Mabilis na naramdaman ko ang pag-init ng buo kong mukha.
"Close your fucking eyes, Leibniz!" I yelled at him. Nakatulala lang kasi siya habang nakatingin sa akin at medyo nakaawang pa ang kanyang bibig.
"H-How?"
Mabilis na lumapit ako sa kanya at tinulak siya palabas ng kwarto ko. I immediately locked the door. Nabitawan ko ang damit na hawak ko. I bit my bottom lip.
He saw me with just my underwear and bra... I don't want to make it a big deal. Ang importante ay wala siyang nakita sa mga pinakapribadong parte ng katawan ko. I convinced myself it's okay. It really is anyway.
Matapos kong makapag-ayos ay kinuha ko na ang phone ko at shoulder bag. Pagkalabas ko ng kwarto ay si Ryde na naman ang bumungad sa akin. He was standing beside the door.
"I'm sorry..." Iyong ang unang katagang lumabas sa kanyang bibig. "I didn't mean to see you with just bra and yellow underwear. Forgive me, Love." Hinihingal na sinabi niya.
Namula nang bahagya ang mukha ko. Bakit niya pa kailangang banggitin ang kulay ng pang-ibaba ko?
I remained calm. Damn this guy. Hiyang-hiya na ako at parang hindi man lang niya iyon nararamdaman.
"Lesson learned, Ryde. You should knock first before getting in someone's room."
"Am I just someone to you?" He teased.
"Ryde..."
"Yeah, okay. I just learned a lesson today. Sisilip na lang ako at hindi agad papasok. In that case, you won't notice me." Biro niya.
I glared at him.
"And... Where are you going?" Pinasadahan niya ng tingin ang aking suot.
Pumunta ako sa harapan ng salamin sa tabi ng tv para ayusin pa ang sarili ko. Ramdam ko ang mga nakasunod na tingin sa akin ni Ryde. Pumunta siya sa likod ko at tumingin sa reflection namin sa salamin.
"Lizel's birthday. Remember her? Iyong kasama nating pumunta sa London?" I looked at him on his reflection. I brushed my hair using my finger.
"I'm hungry, Chels. Can we just eat first? I honestly have waited for you. Hindi pa ako nag-dinner. Ayokong kumain mag-isa. Pakiramdam ko ay single ako."
"Magbihis ka na. Sama ka na lang sa akin."
Ngumiti ito bago tumakbo palabas. Naiwan akong tulala sa reflection ko sa salamin. Bumagsak ang balikat ko. Ayos naman kami. Wala naman sigurong problema. I tried to smile. I did it.
Habang nasa sasakyan kami ni Ryde ay kinukwento niya sa akin ang plano niyang magtayo ng isang branch sa Pampanga.
"Nakapag-ayos ka na ba ng damit?" Bigla niyang tanong.
Napangiwi na lang ako nang maalala na bukas na pala kami pupunta sa Batangas. Nakapagpaalam na rin ako at baka i-send ko na lang ang document kay Rexor mamaya para sa article na tinapos ko.
"Mukhang hindi pa. Huwag tayong masyadong pagabi, ah? Maaga pa tayo aalis bukas."
Pagkarating namin sa bahay ay agad na sinalubong kami nina Cielo at Lizel. Bumati ako sa kanya bago humalik sa pisngi.
"Kain muna kayo," aya sa amin ni Lizel.
Maliit lang ang bahay nila na tama lang para sa kaniyang pamilya. Naabutan namin sa likod ng bahay nila ang mga kasama namin.
Bumati muna kami sa kanila bago kumain. Mabilis na siniko ko si Ryde dahil angal siya nang angal na gutom na.
"Finally..." Kinagat niya ang kanyang labi habang kumukuha ng pagkain. Nauna akong natapos kumuha sa kanya dahil konti lang ang kakainin ko.
Umupo ako sa pwesto nila Rouve at Rexor dahil may vacant pa roon.
"Kasama mo pala si Ryde," sabi ni Rexor habang nakatingin kay Ryde na naglalakad palapit sa amin.
Umupo siya sa tabi ko. Tahimik na kumain lang kami at nakikinig lang sa usapan nila Rouve at Rexor.
"Gusto mo pa?" Tanong ko kay Ryde nang makitang ubos na ang pagkain niya.
"Actually, kanina pa talaga ako busog." Kumunot ang noo ko sa sinagot niya at sa tono ng kaniyang pananalita. "I didn't know you have that kind of body, Love." Kinagat nito ang kanyang labi. "Heaven. Ang swerte ko."
Namula ang mukha ko. Sinulyapan ko sina Rouve na busy pa rin sa pag-uusap. Mukhang hindi naman nila narinig ang sinabi ni Ryde.
"Hindi pa no'n ako nag-workout," pagmamayabang ko.
"May alam akong exercise na pwede sa'yo."
Sumimsim ako sa tubig. "Mahirap? Ayoko namang pumunta sa gym."
"What? Baliw ka ba? Wala tayong gamit sa bahay."
"Ano? Baliw ako?" Tanong ko sa kanya.
Ngumiwi ito bago umiling. "Biro lang. Pero may alam akong exercise na pwede kahit nasa kwarto ka lang." Sumandal ito sa upuan.
Namilog ang mata ko. "Really?"
"Yep but you can't do that alone. Bale sabay tayong mag-e-exercise."
Kumunot ang noo ko bago naintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin. Hinampas ko ang braso niya na kanyang ikinahalakhak.
Nagpaalam na muna si Ryde na pupuntang comfort room.
Napatingin ako sa wine na nasa table. Kukunin ko na sana 'yon nang ilayo sa akin ni Rouve. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Bawal ata siyang uminom?" Tanong ni Rexor kay Rouve.
"Hindi. Baka mas makasama sa'yo ang alak."
"Natural lang 'yon." Inikutan ko siya ng mata.
"So, wala ka pa ring alam?" Tanong niya sa akin.
"What?" Nalilito ako sa sinabi niya.
Tumingin ito sa paligid bago ako sinenyasan na sumunod. Kumunot ang noo ko habang nakatingin kay Rexor na nakakunot din ang noo.
Sumunod ako kay Rouve. Naabutan ko siya sa bandang dulo. Magkasalikop ang kanyang daliri na parang kinakabahan.
"Ano ba 'yon?" Paunang tanong ko. Hindi ko rin tuloy maiwasang kabahan sa inaakto niya.
He let a heavy sigh. Kabadong-kabado ito base sa kanyang kilos.
"Hindi ko sinadyang marinig ang usapan ni Ryde sa taong kausap niya sa phone. Nung nasa London pa tayo?"
Napailing ako dahil hindi ko siya maintindihan.
"Anong narinig mo?"
"H-Hindi ko alam kung ako ba dapat ang magsabi nit---"
"Just spill it out!"
"Okay... Okay." Mukhang natakot ito sa pagsigaw ko. "I think hindi dahil sa stress kaya ka nahimatay no'n."
I gulped.
"Then, what?"
"Narinig ko si Ryde na sinabi niyang kailangan mong ma-operahan as soon as possible. I think... May mas malala ka pang sakit."
Namutla ako sa sinabi niya. I suddenly remembered Gizo's text to Ryde about the medicine. Was he referring to me? Naalala ko rin nung may pinainom na gamot sa akin si Ryde nung nasa bahay nila kami. Realizations made me tremble.
"Hey... Why are you two here?" Ryde greeted us with his confuse look.
Nanginig ang labi ko na mas nagpakunot sa kanyang noo. Aktong aalis na si Rouve nang hawakan ni Ryde ang kanyang braso.
"What did you say to her?" It was a calm question. Pero ramdam ko ang pagbabanta sa kanyang boses.
"I told her about what I've heard," Rouve answered, directly. Sinabayan nito ang malalalim na tingin ni Ryde. "May sakit si Chelsea at kailangan niyang malaman 'yon."
Naramdaman kong lumabas pababa ng mata ko ang luha.
Binitawan ni Ryde ang pagkakahawak niya sa braso ni Rouve. "Leave us alone." Naiiling na sabi ni Ryde.
Matapos umalis ni Rouve ay sinubukan akong hawakan ni Ryde pero dumistansya ako. Ngumiwi ito sa ginawa ko.
"Pwede bang iuwi mo muna ako sa condo, Ryde?"
"Chelsea..."
"Okay. Magta-taxi na lang ako."
Nagawa kong lumagpas sa kanya nang mahawakan niya ang isang kamay ko. Nakatalikod ako sa kanya at alam kong nakatalikod din siya sa akin pero konektado ang magkahawak naming kamay.
"Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa'yo. Trust me, Love. You have me."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro