Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 12

Kabanata 12: Words

Those forgotten memories suddenly started to flashback and so as the emotions that have been concealed. It brought me into tears... I was shaking while hugging Ryde. My fists were clenched... Liar.

"Chels... What's wrong?" Iniharap niya ako sa kanya. "Tell me, please..."

I shook my head. Napatingin ako kay Tita Flare na nakatayo sa tabi ni Tito Rich. Narito na kami ngayon sa kwarto ni Ryde. Pinunasan ko ang luha sa aking mata bago ibinalin ang tingin kay Ryde.

"I didn't even touch her," sabi ni Tita Flare kaya napatingin ako uli sa kanya. Nakataas ang dalawang kilay nito. "Kinausap ko lang siya about you, Ryde. Kinumusta ko lang ang lagay niyo roon."

Napalunok ako. I get it. Hindi niya ako gusto para kay Ryde dahil sa mga nagawa ko sa anak niya. I understand that, she's still Ryde's mother at alam kong gagawin niya ang lahat para sa ikakabuti ng anak niya.

"Chels..."

"I'm good, Ryde. Sumakit lang ang ulo ko kanina dahil sa byahe." Hinawakan ko ang kamay niya para pakalmahin siya. Kitang-kita ko pa rin sa mga mata niya na hindi siya naniniwala sa sinabi ko. I tried to smile... I did it. Ngumiti siya sa akin bago tumango.

Inalalayan niya akong makasandal sa headboard ng kama niya.

"I'll get you medicine." He kissed my forehead.

"Are you really fine now?" Tito Rich asked me. "Gusto mong ipatawag ko ang family doctor namin?"

"H-Hindi na po... I'm good, Tito."

He let a heavy sigh before he nodded his head. "Magpahinga ka na muna siguro. Mukhang napagod ka nga lang siguro sa byahe niyo."

"Mom..." Tawag ni Ryde sa mommy niya. "Pwede ba tayong mag-usap?"

Nakita ko ang pasimpleng pagtawa niya sa sinabi ni Ryde. "Of course, son. But I already told you, hindi ko sinaktan ang girlfriend mo."

"Why so defensive?" Natatawang tanong ni Tito Rich sa kanya. Natahimik din ito nang samaan siya ng tingin ni Tita Flare.

Pagkalabas nila ay isinara ni Ryde ang pinto. Naiwan ako sa tahimik na kwarto ni Ryde. I roam my eyes around. Simple lang naman ito. Halos libro lang ang laman ng kwarto niya. Ryde loves to read books, minsan nga ay kinukwento niya sa akin ang mga binabasa niya. Napatingin din ako sa mga gitara niyang nakasabit sa wall. Yeah, he's obviously into music too.

Napatingin ako sa unan na nasa tabi ko. Niyakap ko 'yon. Naiwan pa ang amoy ni Ryde dito kaya mas hinigpitan ko ang pagkakayakap dito. I closed my eyes... Why did you lie, Love?

Napaayos ako ng upo nang may kumatok. Ryde got in the room with a tray on his hands. Ipinatong niya 'yon sa table bago kinuha ang isang tablet na gamot at isang baso ng tubig.

"Hindi na masakit ang ulo ko..."

"Inumin mo na lang."

Ibinigay niya 'yon sa akin. Matapos kong mainom 'yon ay inabot niya sa akin ang platito na may mga cookies. Napangiti ako dahil gano'n na gano'n ang cookies na ginagawa ni Ryde para sa akin. Ganitong-ganito rin ang lasa.

Naramdaman kong gumapang sa likod ko ang kamay ni Ryde. Napatingin ako sa kanya na nakatingin din pala sa akin. "I'm sorry..." He whispered.

Ipinatong ko ang platito sa table at uminom ng tubig.

"Sinabi na sa akin ni Mommy ang mga nasabi niya sa'yo..." Malungkot na ngumiti ito sa akin.

Humarap ako sa kanya.

"Why did you do that? Dapat ay pumunta ka sa meeting na 'yon. Sinabi sa akin ng mommy mo na isa 'yon sa mga pangarap mo. Sayang." Nanghihinayang talaga ako para sa kanya.

Bumuntong-hininga ito bago sumandal sa headboard. Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap. Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya. Ramdam ko ang malakas na tibok ng kanyang dibdib.

"It was one of my dreams... Nanghihinayang din ako."

"You should have come..." Bulong ko.

Inangat ko ang aking tingin. Diretso lang ang tingin niya na animo'y masyadong malalim ang iniisip. Kahit na nangangawit ako ay hindi ko inalis ang tingin ko. Mula sa pwesto ko ay kitang-kita ko ang porma ng kanyang panga at ang maya't maya niyang paglunok.

"If that would happen again... Ikaw pa rin ang pipiliin ko." Bumagsak ang tingin niya sa akin at kinita ang aking mata. "If you are one of the choices... Don't ever expect that I won't choose you. You are above the choices after all, Love. Always my priority." His rosy lips stressed.

Humaba ang nguso ko nang mabilisan niyang dinampi ang kanyang malamig na labi sa akin. That was just a one swift move... But damn it. Why am I shaking? Napako ang tingin ko sa kanyang labi.

"Kiss me..." Bulong ko sa kanya.

"S-Someday?"

"No. Just kiss me..."

Muli kong itinaas ang tingin ko sa kanyang mata. "I already kissed you... It's your turn."

Umayos ako ng upo bago naabot ang kanyang labi. Hindi siya gumalaw. Tanging nakalapat lang ang aming mga labi. Kumunot ang noo ko. Naramdaman kong nag-stretch ang lips niya na ngayon ay nakangisi na.

"Kiss me back... Ryde." I begged.

Mahina itong tumawa bago inilapit ang kanyang mukha sa akin. Inangkin niya ang labi ko. His kiss was damn hard and I'm already used to it. Kapag hinahalikan niya ako ng daplis lang ay parang wala lang sa akin. Laging hinahanap ng aking labi ang mabigat at madiing labi ni Ryde.

"How's your business?" Tanong ni Tito Richkay Ryde na pinaglalagyan ako ng pagkain sa plato. Ramdam ko ang mga nakasunod na tingin sa akin ni Tita Flare kaya hindi ko magawang lumingon sa kanya.

Tumango na ako kay Ryde para ako na lang ang kukuha ng pagkain ko. Umayos naman na ito ng upo.

"Okay naman, dad. May plano na nga akong magkaroon no'n sa ibang lugar." Ryde answered. "Successful. I told you, dad. Masarap ako." Napaubo ako sa sinabi ni Ryde.

Humalakhak ang daddy niya.

"Masarap nga, wala namang nakakatikim." Hindi ko na inalis sa tabi ko ang tubig dahil hindi ko kinakaya ang usapan ng mag-ama.

Napatingin ako kay Tita Flare nang salinan niya ng tubig ang baso ko. Hindi 'yon napansin nila Ryde na busy pag-uusap. Ngumiti ako kay Tita pero hindi niya ako pinansin kaya kumain na lang ako ulit.

"Oo nga, dad. Ang daming gustong tumikim sa akin pero ang babaeng gusto kong kumain sa akin ay ayaw naman."

Sinipa ko ang binti ni Ryde dahil sa sinabi niya.

"Dad, nakita mo ba 'yon? Sinipa ako ni Chelsea sa paa." Pagsusumbong niya sa daddy niya.

I rolled my eyes. "Tignan mo, dad! Ganyan pa niya ako tignan."

"Nasa harapan ka ng pagkain, Ryde." Sabi ko sa kanya.

Napatingin kami kay Tita Flare nang tumawa ito.

"I like that!" Turo niya sa akin. "May disiplina sa harapan ng pagkain, hindi katulad ng mag-ama diyan."

Napayuko ako bago ngumiti.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Tanong sa akin ni Ryde.

Umiling lang ako.

"Alam mo, anak... Hindi sa lahat ng oras ay sa bibig ng babae nanggagaling ang sagot." Ngumisi si Tito Rich. "Minsan, sa palad nila. Hindi mo malalaman ang sagot hanggat 'di dumadapo sa pisngi mo ang palad nila." Humalakhak siya matapos niyang sabihin 'yon.

Ngayon ay malinaw na sa akin kung kanino galing ni Ryde ang kanyang ugali at ang mga salita niya. Hindi ko inakalang ganito rin ang kanyang daddy at parang mas malala pa nga ito. Gusto ko tuloy maawa kay Tita Flare.

Gabi na nung mapagpasyahan naming umuwi. Gusto pa nga nilang doon na kami magpalipas ng gabi pero tumanggi na si Ryde dahil may pasok pa raw ako. Namumula pa rin ang mukha ko 'pag naaalala kung paano niya ipinagmalaki sa kanyang magulang ang promotion na nagtanggap. Ryde being proud of my achievements... Agh!

Habang nasa sasakyan kami ay nakatingin lang kaming pareho ni Ryde sa daan. I looked at him... His eyes were glimmering because of the street lights. Nakabukas pa ang bintana kaya iniihip ng hangin ang kanyang buhok.

"I can feel you looking at me..."

"Bawal?"

"Hindi naman. Hindi lang kasi ako makapagmaneho ng mabuti. My girlfriend is looking at me and it frustrates me when I can't look at her back." Saglit siyang tumingin sa akin bago nginitian. "I love you..."

"You know my answer..." Biro ko sa kanya pero hindi ko inasahan ang sagot niya.

"That's better because I don't really believe in words that much. Not also through actions... You can fake both of them without me knowing." Natahimik ako at pinanatili ang tingin ko sa kanya na diretso pa rin ang tingin.

"H-Hindi ka naniniwala sa mga sinasabi ko sa'yo?"

"Parang ganoon na nga..." Mahina itong tumawa. "Mas pinaniniwalaan ko kasi ang sarili ko kesa sa iba. I know you love me... You don't need to say that. I always believe in myself and that's what I want you to do."

Itinabi niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Ryde's always giving me a hard time but in a good way.

"Hindi ko sinasabi sa'yo na huwag kang maniwala sa iba. Ang gusto ko lang ay bago mo paniwalaan ang iba, paniwalaan mo muna ang sarili mo. Matapos ang lahat... Ikaw lang naman ang nakakaalam ng totoo."

"I don't know what you are doing to me, Ryde... I just... Love you. Hindi ko inakalang magiging ganito ako sa'yo."

Hindi ko inakalang darating ang araw na masasabi ko ang mga ito sa kanya.

"I don't love you anymore..."  He said.

Natawa ako. "You love me, Ryde. Alam ko 'yon."

"That's it! You don't always trust words and actions from someone... Fuck those bullshits who are good in words and actions but are so damn fake."

"Words of wisdom by my love..." I giggled.

"I don't share that much to anyone but you're not anyone... You're my only one."

"Whoa. Kinikilig ako ro'n, ah?" I said, in a sarcastic tone.

"I'm serious here, love." He pouted his lips.

Tumawa ako bago hinawakan ang labi niya. "I don't also believe in your words... Your kiss can speak with your lips with mine. Talk to me through that way." I gave him a smack kiss.

Pagkarating namin sa building ay dumiretso si Ryde sa condo unit ko. Nanatili siya sa salas habang ako naman ay pumasok sa loob ng kwarto ko para magpalit ng damit. Kinapa ko ang phone sa bag at binuksan ang mga new messages.

Matapos kong mag-reply kina Cielo kung bakit hindi ako nakapasok ay ibinaba ko na rin ang phone ko. Humarap ako sa salamin at sinuklay ang buhok ko. Nabitawan ko ang suklay nang makita ang dugo sa damit ni Ryde... Namalikmata lang ako pero sobrang lakas ng kabog sa dibdib ko.

Kinuha ko ulit ang suklay at ipinatong sa table. 'Yong lola... Siya ang huling nakausap ko bago ako naaksidente. Ngayong naalala ko na ang nangyari ay gusto ko siyang makausap. Gusto kong malaman ang bawat detalye at kung bakit nasa kanya ang kwintas ko.

Napahawak ako sa leeg ko. Inalis ko ang kwintas na 'yon at ipinatong sa table. Kinikilabutan ako sa tuwing nakikita 'yon.

Pagkalabas ko ay wala na si Ryde sa salas. Malamang na pumunta na rin siya sa unit niya. As usual ay malinis na naman... Pagkarating namin dito kanina ay nakakalat ang remote control ng tv at nasa lapag ang mga throw pillows pero ngayon ay malinis na.

Babalik na sana ako sa kwarto ko nang mahagip ng mata ko ang isang bagay na nasa sofa. Lumapit ako para kumpirmahin ang hinala ko at tama nga ako... Mukhang hindi namalayan ni Ryde na nahulog na pala niya ang kanyang phone. Ang burara talaga ng lalaking 'yon.

Kinuha ko 'yon at binuksan.

Naging mabilis ang kamay ko at namalayan ko na lang na nasa inbox na ako. Mabilis na pinatay ko 'yon. Pumikit ako para pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko ugaling magbukas ng messages ng iba dahil isa 'yon sa mga natutunan ko kina mommy.

Ibinaba ko ang phone niya at aalis na sana nang umilaw ang screen no'n. Isang message galing kay Gizo ang nag-appear sa screen. Hindi ko napigilan ang sarili kong silipin 'yon.

"Pakner... Nabigay mo na ba 'yong gamot? Baka mas lumala pa ang sakit niya sabi ng doctor kapag hindi naagapan."

Nabitawan ko ang phone ko nang biglang bumukas ang pinto.

"I forgot my phone..." Bungad ni Ryde.

Kinuha niya ang kanyang phone at tinignan 'yon. Nakita ko ang pagkabahala sa kanyang mukha bago tumingin sa akin.

"Did you open my phone?"

Kumalabog ang dibdib ko. I don't know why am I damn nervous at this time.

"Chels?"

I shook my head.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro