Kabanata 11
Kabanata 11: Memories
Halos hindi ako pinatulog kakaisip sa nakita ko. Natatakot ako para kay Ryde at sa dahilan kung bakit nababalutan siya ng dugo sa picture. The picture was taken on a parking lot of hospital. Papasok na si Ryde kanyang kotse ang pagkakaintindi ko sa kuha ng litrato na 'yon.
Nagising ako ay alas otso na ng umaga. Pagkalabas ko sa kwarto ko ay wala na si Ryde sa sofa at malamang na bumalik na sa kanyang condo unit.
Napabuga na lang ako ng hangin bago muling pumasok sa aking kwarto. Pumasok ako sa comfort para saglit na maligo. Habang dumadausdos pababa sa aking hubad na katawan ang malamig na tubig ay lumilipad naman ang isipan ko sa kung anu-anong bagay.
I need to confront him regarding this. Hindi maganda ang kutob ko sa nangyayari at ayokong dumating ang araw na saka pa lang ay magkakalabas ng loob na tanungin siya kung kailan malabo na ang lahat. Nope. I am not going to wait for that day.
Kanina pa ako nakatayo sa harapan ng condo unit ni Ryde. Hindi ko alam kung paano siya haharapin at kung paano ako mag-uumpisa. I was about to press the passcode when the door suddenly moved. Nagtama ang mga mata namin ni Ryde.
His eyes were confused and silently asking why am I standing in front of his condo unit like a stranger being shy to face him. Basa pa ang kanyang buhok na halatang kakaligo lang. Halata rin na papasok na siya sa trabaho.
"What are you doing there?" He asked me. "Wait... Wala kang pasok?" He really is confused.
I took a deep breath. "Can we talk?" Nakita kong natigilan ito sa sinabi ko at halatang kabado.
Pagkapasok ko ay muli niyang isinara ang pinto. Umupo ako sa sofa at naramdaman ko rin na tumabi siya sa akin. Nakakasakal ang hangin sa loob at nakakapanibago ang pakiramdam na ito sa akin.
"Chels... Is there something wrong?"
Marin akong pumikit at kinuha lakas ng loob ko sa katawan para harapin siya. Medyo nagulat pa ito sa akin dahil sa biglaan kong paglingon.
"There is," I said, honestly. "And you're going to tell me everything about it.... Honestly."
"Why are you acting so weird today? Masama ba ang pakiramdam mo?" Iniwas ko ang mukha ko nang aktong hahawakan niya ang noo ko.
"Huwag mong ibahin ang usapan, Ryde."
"What? I don't understand."
Natawa na lang ako bago kinapa sa bulsa ko ang aking phone. Nanginginig ang kamay ko habang hinahanap sa inbox ang message sa akin kagabi.
"Wala ka bang pasok? Come on, Chels. Kaka-promote mo lang."
Itinapat ko sa kanya ang screen ng cell phone ko nang makita ko na ang message na 'yon. Mabilis na nagbago ang expression ng kanyang mukha, from worried to a cold one. Parang nawalan ng gana ang kanyang mata matapos kong ipakita sa kanya 'yon.
"What's that?" Tanong niya na dapat ay sa akin... Dapat ako ang nagtatanong no'n.
"I don't know. What happened?"
Ibinalik ko na sa aking bulsa ang phone ko nang hindi inaalis ang tingin ko kay Ryde.
"Are you sure it was me?"
That made me laugh a bit. "I know you so well, Ryde. Alam kong ikaw ito at pakiusap lang... Sabihin mo sa akin kung bakit puno ng dugo ang damit mo."
Alam kong hindi siya ang nasugatan o napahamak. Parang nadikitan lang siya ng dugo mula sa naaksidenteng tao.
"Wait... Was it me?" Kinabahan ako nang mapagtanto. "Ako ba ang inakay mo papasok sa hospital nung naaksidente ako? Kaya puno ng dugo ang damit mo?"
Hindi nagbago ang expression ng kanyang mukha na tila parang nababagot lang siya sa mga sinasabi ko.
"Can we just forget about this?"
Napanganga ako sa sinabi niya at mas naguluhan. Kung ako nga 'yon ay simpleng 'oo' lang ang isasagot niya at tapos na agad ang usapan. Bakit kailangan niya pang ibahin ang sagot sa tanong ko?
"I can't. You are involved here so I can't." I said, honestly.
Napangiti siya sa sinabi ko. "You are really worth my sacrifice." Natatawa niyang sabi. "It's nothing, Love."
"Nothing? Wala lang 'yong dugo sa damit mo no'n? Come on, Fucking Leibniz." Hindi ko napigilan ang bibig ko.
Nag-aalala ako, sobra at sana ay nararamdaman niya 'yon. Gusto kong malaman kung ano ang dahilan no'n at hindi man lang niya kayang magtapat sa akin.
"Wala kang pasok?" Tanong niya muli sa akin.
Napatingin naman ako sa wall clock dito. Napabuga na lang ako ng hangin.
"Meron pero hindi na ako makakapasok."
"Good. Come with me." Tumayo ito at inaayos ang kulay puting long sleeve na suot niya. Itinupi niya iyon hanggang siko.
"Where?"
"My palace..."
Hanggang sa makapasok kami sa kanyang sasakyan ay hindi na ako nagsalita. Alam kong nararamdaman niya 'yon kaya hindi rin naman siya nagtatangkang magsalita.
"Okay... Chels. Can you please trust me with this one?" Saglit niya akong binalingan ng tingin bago ibinalik sa daan ang kanyang atensyon.
"Hindi ka naman gagawa ng hakbang na maaari mong ikapahamak, hindi ba?" Panigurado ko.
Mahina itong natawa. "I can't. Hindi pa nga dumarating ang someday eh."
"Promise me..." Humarap ako sa kanya.
Ibinaba niya sa aking kamay ang isa niyang kamay habang ang isa ay nanatili sa manibela. Saglit siyang tumingin sa akin.
"Pangako..."
Pagkapasok namin sa loob ng restaurant niya ay halos tumakbo na palapit sa amin ang mga empleyado niya para lang bumati.
"Good morning..." Ryde greeted back with a wide smile.
Pumunta kami sa kusina nila kung saan busy ang lahat na hindi man lang napansin ang pagdating namin. Pinanghila ako ng upuan ni Ryde.
"Watch me..." Kinindatan niya pa ako.
Lumapit ito sa sink para maghugas ng kamay at matapos niyang gawin 'yon ay kumuha siya ng mga ingredients para sa kanyang lulutuin na nakasulat sa note sa bandang taas.
Hindi na ako pinansin ni Ryde nang mahawakan na niya ang kutsilyo. Seryoso lang ito sa paghiwa ng mga gulay at iba pang rekados.
Kinuha ko ang phone ko sa aking bag at kinuhanan ng litrato si Ryde. Nakakagutom ang mabangong luto nila.
Matapos no'n ay naghugas na ulit ng kamay si Ryde bago lumapit sa akin.
"Alcohol, please..." Nakangisi niyang sabi sa akin.
Kinuha ko naman ang alcohol sa bag at ibinigay 'yon sa kanya.
"What can you say to your hot and yummy boyfriend, Chels?" Nakangisi niyang tanong sa akin.
"Masarap ka?" Biro ko rin sa kanya.
Ibinalik ko ulit sa loob ng bag ko ang alcohol matapos iyon gamitin ni Ryde.
"Habang tumatagal, mas lalong sumasarap." Kinindatan niya pa ako bago hinila palabas ng kusina.
Pinaupo niya ako sa isang pangdalawahang table bago bumalik sa loob. Pagkalabas niya ay nakapang-waiter na damit na siya at may bitbit pang menu list.
"May I know your order, Miss beautiful?"
Imabot niya sa akin ang menu at tinignan ang mga putahe roon. As usual ay gulay ang main dish nila.
"Thank you..." Napanguso ako nang hablutin niyang muli ang menu mula sa pagkakahawak ko.
"Hindi pa ako nakapili." Nagtatakang sabi ko sa kanya.
"What about me? Don't you want to eat me, Miss Beautiful?"
Napapatingin sa amin ang ibang empleyado na natatawa na lang sa inaakto ng kanilang boss.
"Magkano ka ba?"
"50 thousand pesos, Miss Beautiful. You can have me for that amount of money for an hour."
"Heh! Gutom na ako, Ryde." Napanguso na lang ako nang kumalam ang sikmura ko.
Tumawa ito bago pumasok muli sa loob. Napatingin ako sa babaeng kakapasok lang. Halatang sanay na sanay na ito rito dahil dumiretso siya sa kanan kung saan papunta ang bar. Masyadong magaan ang paglalakad niya.
"Here..." Halos pumuso ang mata ko nang makita ang iba't-ibang putahe na hinain nila sa harapan ko.
Umupo sa tabi ko si Ryde. "Libre lang 'to, 'di ba?" Tanong ko sa kanya.
Umiling ito. Inabot niya sa akin ang isang papel kung saan nakalagay ang mga pagkain at may total price na agad.
"M-May bayad?" Tanong ko sa kanya.
He simpled nodded his head.
Matapos kong kumain ay nagbayad na ako. Padabog ko iyong inilapag sa lamesa bago tumayo at kumanan kung saan papunta ang bar nila. Narinig ko ang malakas na pagtawag ni Ryde sa akin.
"Love!"
"Love yourself!" Tinulak ko siya nang tangkain niya akong yakapin. Akala ko pa naman ay libre.
"I love myself. Don't worry."
Pagkapasok namin sa bar ay agad na bumungad sa akin ang babaeng pumasok kanina na ngayon ay kausap ni Gizo. Kumaway naman sa amin si Gizo nang mapansin niya kami.
"Oh, it's been a long time, Miss Vellarde." Bati ni Gizo.
Napatingin sa akin ang babaeng kasama niya. Sexy ito at halatang pinaghirapan niya ang hubog ng kanyang katawan.
Umupo kami sa isang table. May assistant naman si Gizo na ngayon ay nagmamanage sa mga alak.
"Uh, Chelsea... Si Faye nga pala." Pagpapakilala ni Gizo kay Faye. "Girlfriend ko." Dugtong pa niya.
Ngumiti sa akin si Faye at inabot ang nakahanda kong kamay.
"Nice to finally meet you, Chels."
Napatingin ako kay Ryde na umupo sa tabi ko. May dala itong mga alak at ipinatong ang mga 'yon sa table.
"Have you already introduced her?" Tanong ni Ryde kay Gizo.
"Yep." Maikling sagot ni Gizo. Nakaakbay ito kay Faye na nagsasalin ng alak sa baso.
Napatingin ako kay Ryde nang bumaba na naman ang kamay niya papuntang hita ko. Nakasadal ito sa upuan habang sa isang kamay niya ay hawak ang baso ng alak. Mukhang nakasanayan niya nang gawin iyon.
"It's too early to drink, Ryde." Pinaningkitan ko siya ng mata.
"Uh?" Napatingin naman siya sa basong hawak niya bago 'yon ibinalik sa table. "Okay."
"I'm so thrilled too, Babe." Gizo whispered that made Faye giggled.
"How 'bout you?" Tanong sa akin ni Gizo.
Umangat ang dalawa kong kilay.
"Ah, Ryde haven't told you about our plan?"
"Plan?" I looked at Ryde with eyebrows furrowed.
Naramdaman ko ang mahina niyang paghaplos sa hita ko. "May Private Beach Resort sina Mommy sa Batangas. Napagplanuhan namin na mag-stay muna ro'n maybe for a week? Chill."
"And... I am not included?"
"No. Nope."
"Ryde!"
"Of course, you are! Come on! Ikaw nga ang dahilan no'n eh." Humaba ang nguso niya. "Lagi ka na lang kasing trabaho. No time for relaxing."
"Kailan ba?"
Nagsalin ako ng tubig at diretsong ininom 'yon. Hinampas ko ang kanyang kamay nang tumaas na ang paghawak niya sa akin pero hindi 'yon nagpatinag.
"Next week..." Tamad na sagot niya.
"At kailan mo pinaplanong sabihin sa akin ang tungkol do'n?"
"Anytime but yeah, now you know." Kinindatan niya pa ako.
Pagkatapos no'n ay pumunta na muna kaming mall para bumili ng snacks na dadalhin sa bahay nila Ryde. Si Ryde ang nagtutulak sa cart habang ako ay busy sa pagpapakalma sa sarili ko.
"Bakit naman biglaan?" Tanong ko kay Ryde na kumuha ng pagkain.
Saglit siyang tumingin sa akin bago ibinalik sa cart ang kanyang tingin.
"Si mommy ba?" Tanong niya.
Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko alam kung bakit pero tila may lihim na galit sa akin ang mommy niya.
Naramdaman kong inakbayan ako ni Ryde gamit ang isa niyang kamay habang ang isa ang nagtutulak sa cart.
"Ako ang bahala sa'yo." Bulong niya.
"Ako naman ang kawawa."
Tumawa lang ito. Nasa loob na kami ng sasakyan ngayon at pauwi sa bahay nila Ryde. Hindi ko alam kung saan ko ibabalin ang tingin ko dahil masyado akong kabado.
"Calm your ass down, Love."
"Si Tita Flare kasi..."
"Mommy, Chels. She is your mom too."
"But she doesn't like me."
"Uh, yeah. Hindi ka nga niya gusto."
Hinampas ko ang braso niya dahil nananakot pa siya. Nang nasa tapat na kami ng gate nila ay halos hindi na ako makahinga. Kung hindi pa sana ako hinila ni Ryde palabas ng sasakyan ay hindi ako bababa.
Nasa bungad pa lang kami ay nakita ko na ang isang maputing babae na tumatakbo papunta sa amin. Sa bawat hakbang na ginagawa niya ay gumagalaw ang hanggang balikat na kanyang itim na buhok. Naka-simpleng white dress ito. Mahilig siya sa gano'n ayon sa kwento sa akin dati ni Ryde.
"Mom..." Ngumuso si Ryde nang tadtarin siya ng halik sa pisngi ni Tita Flare.
"I missed you, Baby Ryde."
Napatingin sa akin si Tita Flare. Nakita kong umikot ang kanyang dalawang mata.
"G-Good afternoon po, Tita."
"I am not your Tita."
"Mom..." Pagbabanta ni Ryde sa kanyang mommy.
Pagkapasok namin sa bahay nila ay sinalubong agad kami ng dalawang katulong. Inabot ni Ryde ang jacket niya sa kanila. "Paki kuha na lang 'yong grocery sa sasakyan. Salamat." Nakangiting sabi pa niya sa kanila bago nagpatuloy sa paglalakad.
Masyadong moderno ang magarbong bahay nila na itim at puti ang main color. Gawa sa puting marmol ang sahig na kumikintab. Ang mga bintana ay malawak na nakabukas.
Pagkapunta namin sa pinaka main nika kung saan may lalaking nakaupo sa sofa at tutok na tutok sa kanyang pinapanuod sa malaking screen ng tv.
"Naruto na naman, dad." Napatingin sa amin ang maskuladong lalaki.
"Oh, Ryde. What are you doing here?" Tumawa sila ni Ryde matapos magbatian. Gano'n naman sila lagi.
Hindi pa rin ako sanay na nakikita ang daddy ni Ryde dahil naiimagine ko na gano'n ang magiging hitsura niya kapag tumanda ng kaunti. Parang kambal sila ni Ryde.
"Good afternoon po, Tito Randy," bati ko sa kanya.
"Come here..." Humalik ako sa pisngi ni Tito.
Napatingin siya sa tiyan ko bago umiling. "Mahina ang anak ko. Hindi ka pa ganap na isang hokage." Naiiling na sabi niya kay Ryde.
"Isa lang, dad. Isang round lang kaya kong lagyan ng laman ang tyan niya." Pagmamayabang ni Ryde.
Napatingin ako sa mommy ni Ryde nang kalabitin niya ako. Sinenyasan niya akong sumunod. Hindi na ako nakapagpaalam kay Ryde na ngayon ay nakikipagkulitan na sa kanyang daddy.
Pagpunta namin sa kusina ay pinaupo ako ni Tita sa isang high chair bago pumunta sa mga kitchen utensils. Napalunok ako nang makita ang hawak niyang kutsilyo.
"T-Tita..." Halos hindi na ako makahinga.
Bigla itong humarap sa akin. "Alam mo bang sa akin nagmanang magluto si Ryde?" Tanong niya sa akin.
Halos hindi na ako huminga nang pumunta siya sa harapan ko habang hawak pa rin ang kutsilyo na kinuha niya. Napalunok ako sa kaba.
"You know what? I don't like you for my son."
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.
"Ikaw ang dahilan kung bakit lagi siyang umuuwi na malungkot." Nakita ko ang galit sa kanyang mata. "At ikaw din ang dahilan kaya hindi natuloy ang meeting na 'yon."
Sumandal ito sa lababo at ibinaba ang hawak niyang kutsilyo. Humalukipkip ito habang nakatingin sa akin.
"P-Po?"
"Ah, hindi mo nga pala alam." Bumuntong-hininga ito. "Alam mo bang may importanteng meeting si Ryde nung gabing 'yon? That was his big dream! Natanggap kasi siya sa isang malaking hotel sa ibang bansa para maging isa sa mga chef doon pero sinira mo lang ang lahat..."
"H-Hindi ko po kayo maintindihan, Tita."
"Mas inuna ka niya kesa ro'n. Mas inuna niya ang kapakanan mo bago ang kanya. Pero anong ginawa mo? Sinaktan mo lang siya. Dapat ay masaya siya nung gabing 'yon pero umuwi siyang parang namatayan."
Natahimik ako dahil parang alam ko na kung ano ang tinutukoy niya. Yun ay nung gabing may pumasok sa bahay namin at dumating si Ryde. May nabanggit siya sa akin na meeting na dapat ay pupuntahan niya pero mas inuna niya ako.
"You ruined his dream."
"Hindi po, Tita. It was his choice, not mine." Sagot ko.
"Sumasagot ka pa?" Nanlaki ang mata ko nang aktuhin niyang sasampalin ako.
Napahawak ako sa aking ulo dahil bigla iyon sumakit.
"Mom!" Narinig kong sigaw ni Ryde. Napayuko na lang ako habang sapo-sapo ang aking noo. "What did you do to her?!"
"W-What? I didn't do anything! Kinausap ko lang siya at wala akong ginawang masama sa kanya. Umaarte lang ang babaeng 'yan!"
Napapikit ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Sa kadiliman ay may mga liwanag na nabubuo. Mga memoryang panandaliang ipinagkait sa akin. Mga nawalang piraso na palaisipan sa akin nung araw na 'yon.
"Chels..."
Tumulo ang luha sa aking mata bago ako tuluyang napahagulgol. Mula sa pagpunta namin sa jewelry shop, hanggang sa loob nc kotse ko. Ang kwintas. Ang matanda. Lahat ay naaalala ko na.
Those memories... Now, I remember it all.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro