Kabanata 10
Kabanata 10: Promoted
Naiilang ako sa mga papuri nila. Bawat madadaanan kong working station ay bumabati sa akin na tanging ngiti lang ang naisasagot ko. Kulang na lang ay yumuko na ako.
Nakangising sinalubong ako nila Cielo, Rouve at iba naming kasamahan. Natigilan ako sa gulat.
"Congratulations!" Napatingala ako nang pumutok ang confetti at kumalat sa hangin ang iba't-ibang kulay ng papel.
"Thank you..." Namula ang pisngi ko sa hiya.
"Madam Vellarde. Maupo ho kayo," nakangising sabi ni Rouve na inilapit pa sa akin ang isang swivel chair.
Lumapit naman sa akin si Cielo at binigyan ako ng saglit na yakap. Natawa ako nang makita ang namumula niyang mata.
"Di ko tuloy alam kung maganda ba ang promotion na nakuha mo kasi alam kong lilipat ka na ng working station."
Ang media namin ang highest rating sa buong Pilipinas dahil sa pag-cover ng tungkol kay Mr. Wilfaro. At dahil do'n ay na-promote ako at naitaas sa pangalawang position bago kay Rexor. Kasabay din no'n na lilipat na rin ako ng working station sa office ni Mr. Rexor Olivo.
Naputol ang ingay nang dumating si Rexor. Bumati sa kanya ang lahat. As usual ay naka-poker face ito, panimulang expression.
Napatingin ito sa akin. "Congratulations," nakangiti niyang bati.
"Thank you, Sir."
"Hindi mo na kailangang mag-ayos ng mga gamit dahil ipagagawa ko na lang yan sa iba." Sabi niya pa. "Ang asikasuhin mo na lang ay kami. I think we deserve a treat for that."
Sumigaw silang lahat matapos niyang sabihin 'yon. Napagpasyahan namin na pumunta sa isang bar na malapit para sa chill daw. Syempre, ako ang sasagot sa lahat ng gastos at ayos lang naman 'yon sa akin.
"Here," Napatingin ako kay Rexor nang ilapit niya sa akin ang isang baso ng alak.
I shook my head. "Okay lang po ako."
Pumungay ang mata niya nang marinig ang sinabi ko.
"Drop the 'po', come on." Umiling pa ito bago kinuha ulit ang basong inalok niya sa akin at siya ang uminom no'n.
I heard Cielo frowned in the midst of shaking sounds coming from huge stereos. Dim ang ilaw at malikot sa mata ang iba't-ibang kulay ng ilaw na sumusunod sa saliw ng musika.
"Huwag ka ngang KJ. It's your night." Bulong sa akin ni Cielo.
Umiling ako. "I can't be drunk without Ryde." I whispered back. "It's not being kill joy." Bakit ba kapag umayaw ka ay kill joy na agad ang dating? I mean... Hindi ko naman sila pinipigilan sa gusto nila.
Napatingin ako sa mga kasama namin na nag-eenjoy. Ang iba ay nagkukwentuhang tungkol sa mga asawa nila at boyfriend. Iilan na lang ata ang walang may asawa sa amin dahil karamihan ay may mga anak na.
"Sir, buti po wala pa kayong asawa?" Biro ng isa sa amin kay Rexor.
Napunta kay Rexor ang lahat ng atensyon namin. Niluwagan niya ang tie na nasa leeg niya na malamang ay naiinitan na. Hawak nito sa kaliwang kamay ang baso na may alak.
"I still have plans before that." He smirked. "Like traveling alone." Sabi pa niya sabay inom sa laman ng baso.
Napatango naman ang iba sa amin at ang iba ay hindi pa rin siya tinantanan ng tanong. Kitang-kita ko ang pagsabay niya sa mga biro ng mga ito. He is the usual serious and professional type of boss. Marunong din siyang makisama sa mga katrabaho niya that makes him an effective leader. He has earned a huge respect from us.
"Chels? Nagtataksil ka sa boyfriend mo." Napatingin ako sa isa pa naming kasamahan.
Tumaas ang dalawa kong kilay dahil hindi naging maganda 'yon sa pandinig ko. Does she even know what she said? Nagtataksil? Such a big word to ruin a relationship.
"Kanina ko pa kasi napansin na nakatingin ka kay Sir Rexor." Tumawa pa ito.
I rolled my eyes. "That's how you do it. Mas nakakabastos na habang may nagsasalita ay sa phone mo ikaw nakatingin." I smiled at her.
Nakita ko ang pag-ismid nito bago ibinalik sa kanyang shoulder bag ang phone niya. Nakakainit ng ulo pero hindi ko hahayaang sirain ng mga sinabi niya ang gabing ito.
"Flirt..." I heard her mumbled.
"It's not being a flirt. That's showing respect and you should know that." Naramdaman kong hinawakan ni Cielo ang braso ko.
Wala sa sariling kinuha ko ang shot glass na nakapatong sa table at nilagok iyon. Napabuga ako ng hangin bago sumandal. Nakakauhaw makipagtalo sa isang taong katulad niya.
Napatingin ako kay Rexor. Nahuli ko siyang nakatingin din sa akin. Pumupungay na rin ang kanyang mata at halatang inaantok na.
"Chill guys..." Tumatawang basag ni Rouve sa katahimikan.
"Cheers?" Itinaas ni Rexor ang kanyang baso at lumapit naman sila para gawin 'yon.
Nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito sa loob ng bag ko. Kumunot ang noo ko nang mapansin na naman ang isang message mula sa isang unregistered number.
I didn't bother to open the message. Muli ko na lang 'yon ibinalik sa loob ng bag ko. Ayokong masira ang araw na ito dahil may pakiramdam din ako na hindi ko magugustuhan kung ano ang laman ng mensahe na iyon.
"Guys! Groufie tayo!" Tumayo sa pinakaharapan si Rouve.
Nag-compress kami para magkasya. Napatingin ako sa katabi kong si Rexor na nakatingin din pala sa akin. Hindi ko agad naiwas ang tingin ko, huli na nang umilaw na ang flash mula sa camera ni Rouve.
"Isa pa!" Request ni Cielo.
Natawa ako nang muntik nang mahulog sa upuan si Rouve. Medyo nakainom na rin siya. Hindi ko alam kung ilang beses kaming binulag ng ilaw mula sa kanyang camera bago sila nakuntento.
Nakaisang shot lang ako at hindi na nasundan pa. Wala silang ginawa kundi ang magtawanan sa pangunguna ni Rexor. Hindi ko inakalang may sense of humor din pala ang istrikto naming boss.
"Oh, ito pa. Paano mag-confess ng feelings tuwing Halloween?" Nakangising tanong ni Rexor.
"Patay na patay ako sa'yo?" Sagot naman ni Rouve.
Tumatawang umiling si Rexor.
"Ghosto kita. Ghostong-ghosto kita." Tumawa silang lahat matapos niyang sabihin 'yon.
Hindi ko napansin na ala una na pala ng umaga nang matapos ang celebration na 'yon. Halos lasing na silang lahat pero kaya nilang dalhin ang sarili nila. Papasok na sana ako sa kotse ko nang may humawak sa aking braso.
Kumunot ang noo ko nang tumambad sa akin ang matandang babae. May hawak itong box na naglalaman ng mga sigarilyo at candy.
"Ano pong kailangan n'yo, Lola?" Magalang kong tanong sa kanya.
May kinuha ito sa kanyang bulsa. Kumunot ang noo ko nang itaas niya ang isang makintab na kwintas. Napahawak ako sa leeg ko kung saan nakasuot sa akin ang kwintas na kagaya ng hawak niya. May letter R din yon na pendant.
"Hija. Ibinabalik ko na pala. Patawad kung nagawa kong kunin sa'yo 'to." Mabilis na iniwas ko ang kamay ko nang tangkain niyang ibigay sa akin 'yon. Kinabahan ako sa sinabi niya.
"Nagkakamali ka ata, Lola. Hindi po akin 'yan." Nalilito ako sa sinabi niya.
"Hindi, Hija. Sa'yo ko ito kinuha." Pagpupumilit niya. Tinangka niya ulit ibigay sa akin 'yon pero iniwas ko ang kamay ko.
"Hindi po, La. Ito po ang akin." Ipinakita ko sa kanya ang kwintas na suot ko. "Mauna na po ako sa inyo."
Mabilis na pumasok ako sa loob ng sasakyan ko at hindi na pinansin ang matanda. Pagkalabas ko ng parking lot ay binilisan ko ng konti ang pagpapatakbo ko sa sasakyan ko.
Napatingin ako sa rear mirror. Hindi pwedeng sa akin ang kwintas na 'yon dahil hindi naman nawala ang suot ko. Narito pa ito sa aking leeg.
Pagkarating ko sa building ng condominium ko ay agad na pumunta ako sa parking lot at naglakad papasok sa building.
Sumakay ako ng elevator at pinindot ang button ng floor na pagbababaan ko. Pagkalabas ko ay agad na tumambad sa akin si Ryde na nakaupo sa labas ng condo unit ko. Nakayuko ito at halatang kanina pa naghihintay.
Lumapit ako sa kanya. Mukhang tulog na siya. I bent my knees to gently tap his shoulder.
"Ryde..."
Umangat ang tingin niya. Nagtama ang mga mata namin. Namumula ang kanya na halatang nakatulog na rito. Napatingin ito sa wrist watch niya.
"It's already 1:30 AM," he said. Tumayo ito at pinindot ang passcode ng unit ko. Nauna akong pumasok bago siya sumunod.
Pinatong ko ang bag ko sa katapat na lamesa ng sofa bago hinarap si Ryde. Kinukusot niya pa ang kanyang mata at halatang inaantok pa rin.
"Hinintay mo ako?"
"Isn't it obvious?" Umupo ito sa sofa at humikab. "Had fun, Love?" He asked.
Umupo ako sa tabi niya. Naka-simpleng white shirt na lang ito at jersey short. Bumaba ang tingin ko sa tsinelas niyang style crocs. 'Yon ang lagi niyang suot pag nasa loob siya ng condo unit niya.
"Alam mo kung saan ako galing?" Tanong ko sa kanya.
"Uh, yeah. I'm glad you're not drunk." He smiled at me.
"How did you know? Sinong nagsabi sa'yo?"
Tamad na kinuha niya ang kanyang phone sa bulsa. May pinindot siya roon bago ipinakita sa akin ang screen.
"One of your friends tagged you in a photo."
Nakagat ko ang labi ko nang makita 'yon. Nasa pinakagitna kami ni Rexor at nakatingin sa isa't-isa. Kumalabog ang dibdib ko.
"I-It's not what you think..." My voice was shaking.
Mabilis na ibinaba rin niya ang kanyang phone at ibinalik 'yon sa kanyang bulsa.
"It is." Natatawa niyang sabi. "Hindi mo sinadyang mapatingin sa kanya kasabay ng pag-flash ng camera."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Wala akong mabakas na sarcasm sa pagkakasabi niya no'n.
"Y-Yeah. That's it." Sagot ko.
He nodded his head.
"Magpapalit lang ako ng damit," sabi ko.
Tumayo na ako at nakakaisang hakbang pa lang nang higitin ako ni Ryde papunta sa kanya. Napaupo ako sa lap niya kasabay ng pagyakap niya sa akin.
"Congratulations, Love. I'm so proud of you." He whispered.
Napangiti ako.
"You're part of this success, Ryde. You know? For our better future."
"Our future will be even more better if you will start to rip my shirt now."
"Really?" Humarap ako sa kanya.
I spread my legs before I sat down on his lap facing him. Napalunok ito sa ginawa ko. Inilapit ko sa kanya ang mukha ko.
"You are so damn hot, Love." He whispered. "And enough to make mine alive now."
"So are you and so I am." I answered, while biting my lower lip.
"Shit!" Napangiwi ako nang itulak niya ako. Muntik na ako mapaupo sa sahig dahil sa ginawa niya.
"Hey!" Natatawa kong sabi sa kanya.
"Leave me alone!" Namumula niyang sinabi sa akin na mas ikinatawa ko pa.
"This is my condo unit, Love." I said, teasing him.
"Magpalit ka na ng damit!" Dumapa ito sa sofa at ibinaon ang mukha niya sa unan.
Natawa na lang ako bago pumasok sa kwarto ko. Kinuha ko ang towel bago pumasok sa loob ng comfort room. I did my evening routine.
Nagpalit na rin ako ng damit bago nag-spray ng konting pabango sa leeg ko. Hindi naman 'yon kasama sa routine ko but Ryde is here.
Pagkalabas ko ay tumambad sa akin ang natutulog na lalaki sa sofa. Nakatihaya itong natutulog habang ang isa niyang binti ay nakababa na sa sahig.
Napailing na lang ako bago 'yon itinaas. Para na rin hindi siya mangawit. Mukhang napuyat siya sa kakahintay sa akin.
Lumapit ako sa table kung nasaan ang bag ko at kinuha roon ang aking phone. Tumambad pa rin sa akin ang message mula sa unregistered number.
Umupo ako sa tabi ni Ryde na tulog na tulog bago binuksan ang message.
Napatakip ako sa aking bibig. Nanginig ang buo kong katawan nang makita 'yon. Nabitawan ko ang phone ko na hindi ko nagawang hawakan nang mabuti.
Nasa picture si Ryde... Nababalutan ng dugo ang damit at katawan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro