Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Trapped

Trapped

Napangiti ako nang mahawakan ko na ang diploma sa aking kamay. Isang hamak na papel man ang tingin ng iba rito pero para sa mga estudyanteng katulad ko na nagpakahirap ng ilang taon, isa itong pangarap na natupad. This is more than just a paper; this is our trophy.

"Congratulations!" Salubong sa akin nina Mommy at Daddy.

Mangiyak-ngiyak na yumakap ako sa kanila. "Thank you, mom, dad. This is for you." I whispered. Sinubukan kong huwag maiyak dahil masyado pang maaga para masira ang ilang oras kong pinaghirapan na make-up.

Ilang ilaw mula sa camera ni Kuya Led ang bumulag sa amin bago sya sumama sa amin at itinaas ang camera para makunan kaming apat.

"Wala na tayong baby." Natatawang sabi ni Kuya. "Pwede na ba akong gumawa, dad?" Mabilis na nabatukan ni daddy si Kuya Led dahil sa sinabi nito.

"Ayusin mo muna buhay mo! Kawawa magiging asawa mo."

Malawak ang ngiti sa labi ni Kuya habang hinuhugot mula sa kanyang bulsa ang isang kapiraso ng papel. Nung nakita ko pa lang ang logo na nakalagay doon ay napatili na ako. Tumawa si daddy bago niyakap si Kuya Led na halatang proud na proud sa sarili niya.

"You did it, Led! I'm so proud of you, son."

Mangiyak-ngiyak naman na yumakap din si mommy kay Kuya. Natanggap siya sa isang malaking kumpanya sa ibang bansa. Isa ang kumpanya na 'yon sa mga pangarap ni Kuya. Dati nya pa nga kinukwento sa akin na kahit daw janitor lang siya basta makapagtrabaho ro'n ay ayos lang.

"What can you say to your awesome kuya, Chels?" Binuksan niya ang braso niya para sa akin. Natatawang yumakap naman ako sa kanya.

"Congrats! Paano ba 'yan. Kami na lang nila mommy sa bahay." Sabi ko pa sa kanya.

Mabilis naman na kumawala siya sa pagkakayakap sa akin at pinaningkitan ako ng mata.

"I'll hire a bodyguard for you. Baka kung saan-saan ka pumunta."

Natawa na lang ako sa kanya. Napatingin ako sa isang babae na nasa likod ni Kuya Led. Mabilis na napawi ang ngiti sa aking labi nang makita ang naiiyak niyang mata. Ngumiwi ako dahil mukhang may isang babae na hindi masaya sa nangyayari.

"Oh, Jean. Congrats!" Yumakap si mommy sa kanya at isang simpleng ngiti lang ang nagawang isukli ni Jean.

Tumawa si daddy na gaya ko ay mukhang naintindihan niya agad ang nararamdaman ni Jean.

"Baka gusto mong sumama sa asawa mo, Jean." Biro ni daddy sa kanya.

Nakita ko agad ang pagkawala ng ngiti sa labi ni Kuya Led.

"H-Hindi po, Tito Rich. Sige po. Punta na lang ako mamaya sa inyo." Mabilis na tumalikod ito sa amin.

Napailing na lang ako.

Nauna na sina mommy, daddy at Kuya Led sa parking lot. Mabilis na iginala ko ang mata ko sa paligid. Unti-unti na ring nagsisialisan ang mga tao. May mga umiiyak din sa paligid at ang iba ay nagyayakapan.

Napatingin ako sa tatlong lalaking magkakaakbay. Suot pa nila sa ulo ang toga at sa isang kamay naman nila ang kanilang diploma. Tumatawang lumapit sa akin sina Ryde, Blaze at Jude.

"Ang ganda mo, Chels!" Ngumiwi ako sa isinigaw ni Jude.

Tumawa naman si Blaze nang makita ang pasimpleng pagsiko ni Ryde sa kanya.

"That's my girlfriend, Jude. Thank you though." Ngumisi si Ryde matapos niyang sabihin 'yon.

"Hi, Chels. Congrats!" bati sa akin ni Blaze.

Yumakap siya sa akin. Nakita kong tinakpan ni Ryde ang kanyang mata. Tumatawang pinipilit alisin naman 'yon ni Jude. Napailing na lang ako.

"Congrats din." Bati ko sa kanya.

"Oo nga pala... Gigimik pala kami. Ipagpapaalam ko lang sana si Ryde." Nakangiting sabi ni Blaze.

Mabilis na nawala ang ngiti sa labi ko. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang fansign niya sa isang sexy na babae.

"Ayos lang?" Tanong sa akin ni Ryde. "Kung hindi... Okay lang."

"Ugh! Come on, Chels. Last naman na 'to." Sabi pa ni Jude.

Huminga ako ng malalim bago ngumiti.

"Sure."

Umawang ang bibig ni Ryde, "Aren't you going to stop me? Come on, Chels!"

"No. Ryde. Go ahead." I smiled at him as an assurance that it's okay with me.

"Why can't you be so possessive?" He uttered.

Hinila na nila si Ryde. Matapos no'n ay sumunod na rin ako kina mommy. Tahimik lang si Kuya Led hanggang sa makauwi kami. Hindi ko alam kung ano ang dahilan pero alam kong kahit konti ay bahagi no'n si Jean.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay mga message galing kay Ryde ang agad na bumungad sa akin.

"Hi, Love. Look, I'm wearing my seatbelt. Don't worry about me." And he attached a picture of him wearing seatbelt.

Natawa na lang ako bago humiga sa kama.

"Nope. You are old enough to protect yourself, Ryde." I replied.

Kaka-send ko pa lang no'n ay may bago na naman siyang message.

"Look, Chels. I stopped my car when the traffic light turned into red. So, yeah. You have nothing to worry about me." Then he attached again a photo of him grinning while pointing his finger on the traffic light.

"That's my boy." I replied again.

"Hey. Can you take a picture of you? Send me nude."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Kidding. But I can send you mine if you want."

"Don't text while driving, Ryde!"

Natigilan ako nang makita ang pangalan niya sa screen ko. I answered his call. Agad na bumungad sa akin ang mukha niya. Halos mahulog ako sa kama sa pagtawa dahil sa ginawa niya sa mukha niya.

"Open your video cam, Love." Ginawa ko ang gusto niya.

"What did you do to your face, Ryde?" Hindi pa rin ako matigil sa kakatawa. Hindi maayos ang pagkakalagay ng lipstick sa kanyang labi. Hindi rin maganda ang make-up na ginawa niya sa kanyang mukha, "Are you gay now?"

Natigilan ito. Namula ang mukha nya at nakita kong medyo nailang ito sa akin.

"B-But you have a gorgeous boyfriend. Ayokong may lumapit sa akin. Ah, I don't care. My handsome face and sexy body are for your eyes only."

Napakagat ako sa labi dahil sa sinabi niya.

"Come on, Ryde. Don't pretend. Tanggap kita."

Nangunot ang kanyang noo, "Don't tease me, Love." He pouted his lips.

"Enjoy, Miss Leibniz." I winked at him.

"Humanda ka sa akin." Mabilis na pinatay ko rin ang tawag na 'yon.

Ilang minuto ang lumipas bago tuluyang humupa ang tawa ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya sa kanyang mukha. But yeah, that was so sweet. Aw, my Ryde.

"I'm still waiting for you to stop me." He texted me again.

Napailing na lang ako bago nagpalit ng damit. Hindi pa rin mawala-wala sa aking labi ang ngiti. Umilaw muli ang phone ko kaya kinuha ko ito. Isang text message galing naman kay Jean ang tumambad sa akin.

"Get drunk with me, Chels. I need you now."

Mabilis na nagtipa ako ng sagot. "Where are you?" Tanong ko. Pagkasabi niya kung nasan siya ay mabilis na lumabas ako ng kwarto ko. Naabutan ko si Kuya Led na nanunuod. May hawak itong beer sa kanyang kamay.

"Can't she be happy for me?" Parang nabingi ako sa tanong niya.

"She's happy. Trust me. But you have to understand her too, Kuya. Malabo ang namamagitan sa inyo kaya ganito. Malamang na iba ang iniisip niya."

Nagulat ako nang tumayo siya, "Pupuntahan mo ba siya? Can I come?" Malambing niyang tanong sa akin.

Tumango ako. Ginamit namin ang sasakyan niya at mabilis na tinahak ang daan papunta sa lugar na kung nasan ngayon si Jean. I texted Ryde too na pupunta ako sa lugar na 'yon.

"You know that I hate her. She's never been my ideal girl. But fuck! Why does it feel like I have to explain myself to her? We're not even friends!"

"Calm down, Kuya."

Hindi na siya nagsalita matapos no'n. Pagkarating namin do'n ay naabutan namin si Jean na nakaupo sa mapinong buhangin ng dalampasigan. Pinapanuod nito ang paglubog ng araw. Agad na napansin ko ang hawak niyang alak.

"Hey!" Mabilis na umupo ako sa tabi niya.

Napatingin ako kay Kuya Led na nanatili sa likod ni Jean. Alam kong alam ni Jean na nasa likod niya si kuya kahit na hindi ito lumingon.

"May nakita akong gwapo kanina, Chels. I think I'm in love with him."

Napaubo ako dahil sa sinabi niya.

"Intindihin mo si Kuya Led. Pangarap niya 'yon."

Natawa ito sa sinabi ko bago uminom muli sa kanyang hawak na alak.

"Ano bang sinasabi mo? Kung pangarap niya 'yon, sige lang. Para namang pipigilan ko siya. Ano ba niya ako?"

"Don't pretend, Jean. Huwag sa harap ko. Naiinsulto rin ako."

"What?" Tumingin siya sa akin. Mabilis na natutop ako sa kinauupuan ko nang magsalubong ang tingin namin. "Don't tell me you're thinking that I am in love with him." She chuckled.

Napatingin ako kay Kuya Led. Nakita ko rin ang mabilis na pagbago ng mood niya. Kung kanina ay may lungkot sa mata niya ngayon ay galit na ang pumalit do'n. Damn. It's getting complicated. Gusto kong magkaayos sila ngayon pero mukhang malabo.

"He's your husband, right? Ikaw ang nagsabi no'n."

"Oh ghad, Chels. Lahat ng gwapo ay asawa ko."

What the hell? Alam kong kasinungalingan 'yon. Alam kong alam niyang naririnig ni Kuya lahat ng sinasabi niya. Sinasadya nya ito.

"Siguro tama ka pero kay Kuya Led pa rin lagi ang bagsak mo. Natatandaan ko pa kung paano mo siya angkinin sa lahat ng babaeng nagtatangkang lumapit sa kanya!"

"Gwapo siya at 'yon lang ang nagustuhan ko sa kanya!"

Liar!

"Paano kung pumangit ko, ako pa rin ba?" Mas lalong bumigat ang hangin nang magsalita na si Kuya Led.

Tumawa si Jean, "Of course not. Sino pa ba ang magmamahal sa'yo kung pangit ka? Masama na nga ang ugali mo, panget ka pa."

Parang gusto ko siyang sampalin dahil sa sinabi niya. Paano niya nagagawang sabihin ang mga ganito?

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kuya Led. Ang mahinang tawa na mayamaya'y naging isang halakhak. Tumagal 'yon ng minuto bago natapos.

"Sana 'pag lumubog ang araw, wala ka na rin."

"Kahit hindi pa lumulubog ang araw, aalis na rin ako."

Napapikit na lang ako nang magsimula ng maglakas si Kuya Led paalis. Naiwan kaming dalawa ni Jean. Tahimik naman ang paligid at tanging ang alon lang mula sa magalaw na tubig ng dagat ang bumabasag sa katahimikan.

"Sana ay masaya ka sa naging desisyon mo." Bulong ko.

Narinig ko ang mahinang paghikbi niya.

"I already cried two times because of him, Chels. Remember? Hanggang lima ang kaya kong iiyak para sa isang lalaki."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"Gusto ko lang malaman niya na kaya kong mabuhay nang wala siya."

"Insane!"

"He's already in love with me, Chels. Ayokong maging hadlang 'yon para maabot niya ang kanyang pangarap." Malakas na tumawa ito.

Napailing na lang ako. Hindi mo pa masyadong kilala si Kuya Led. Lahat ng bagay ay sineseryoso niya. Ikaw pa kaya? Mga sinabi mo pa kaya? Well, good luck na lang sa love story niyo.

"Hey girls!" Napalingon kami sa kakadating lang na si Ryde.

"Who are you?" Tanong sa kanya ni Jean. Lumobo na naman ang pisngi ko dahil sa pagpipigil na matawa. Hindi pa rin niya inaalis ang nilagay niya sa kanyang mukha. "Gay!" Sigaw pa sa kanya ni Jean.

"W-What? Are you drunk?"

"Heh! Mas lasing ka pa sa akin. Diyan na nga kayo..."

Naiwan kaming dalawa ni Ryde. Ang kaninang nakanguso niyang labi ay napalitan ng malawak na ngisi.

"Let's swim?" He asked.

Nanlaki ang mata ko. "What? No. Gabi na!"

"That's more romantic, isn't it?" Lumapit ito sa akin kaya napaatras ako. "You... with me... in a romantic place like this... This is perfect, Love."

Hinubad niya ang kanyang damit bago ako binuhat. Napasigaw ako nang tumakbo siya papunta sa tubig. Halos manginig ako sa lamig nang balutin ng malamig na tubig ang katawan ko. Tumawa lang si Ryde habang ako ay halos manginig sa tubig.

"Shit! I'm wet!" Napanguso na lang ako.

"W-What? Ganon ka bilis?"

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung ano ang ibig niyang sabihin at kung ano ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko.

"N-No. Basa na ako. Tubig--- What the hell is wrong with you?!"

Umiling ito bago ako niyakap. Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ang hindi dapat maramdaman. Humalakhak siya dahil do'n at ako naman ay halos manlambot dahil sa hiya.

"Felt it, Love?"

Mabilis na inilayo ko sa kanyang mukha ko nang tangkain niyang halikan ako.

"Hey. Hindi pa magaling ang labi ko." I pouted my lips.

He frowned, "Para isahan na lang ang paggaling, Chels. Last lang... Please." Ngumiti pa ito sa akin.

Hindi pa man ako nakakasagot nang sunggaban na naman niya ang labi ko. Malakas ang kabog sa dibdib ko habang nararamdaman ang labi niya sa akin.

Please... Don't bite me... Please.

"Fuck!"

"Shit! I'm sorry!"

Napanguso na lang ako. Matapos no'n ay napagpasyahan na muna naming magpalit ng damit. May malapit naman na store na nagtitinda ng damit kaya bumili na lang si Ryde. Ayoko rin namang umuwi ng basa.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbibihis nang maramdaman ang presensya ni Ryde sa likod ko. Nagmadali akong isuot ang damit ko bago siyang hinarap. Nakangisi ito sa akin.

"Live nude..." He whispered.

"Bastos!"

"Oo nga pala. Natatandaan mo pa ba nung sinampal mo ako kasi nahuli ako ni Blaze na hawak ang notebook mo nung exam? May peace offering sana akong ibibigay kasi mainit ang ulo mo sa akin. Nasa bahay pa 'yon. Gusto mong makita?"

"Ano ba 'yon?"

"Chocolate cake made from my heart." Napangiwi ako sa sinabi niya.

Nagulat kami nang biglang mamatay ang ilaw. Mabilis din na lumapit ako sa pinto pero hindi ko na 'yon mabukas. Sinubukan kong sumigaw ngunit lumipas ang ilang minuto na wala man lang nagbukas.

Napabuntong hininga na lang ako.

"We are trapped..." Bulong ni Ryde kasabay ng pagyakap niya sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #trapped