Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Simula

Simula

"Wala na tayo, Chelsea. Wala ka ng karapatan sa akin."

Natigilan ako sa pag-iyak dahil sa mga sinabi nya. Kumirot ang dibdib ko sa mga katagang 'yon. Alam kong mas masasaktan pa ako lalo kapag pinagpatuloy ko pa ang ginagawa ko ngunit ba't ganon? Hindi ko magawang sumuko.

"But... I love you." I whispered.

Kinagat ko ang labi ko para muling pigilan ang pag-agos ng luha kong hindi napapagod.

"You still love me?" natawa sya sa sinabi ko. "It's been a year, Chelsea. Sorry pero ni-katiting na pagmamahal ay wala ng natitira sa akin." Diretsong sabi nya habang nakatingin sa aking mata.

Natawa ako sa sobrang sakit dahil parang hindi nya man 'yon naramdaman. Hindi ba nya alam na nasasaktan din ako? Pero, kasalanan ko naman. Patuloy pa rin kasi akong umaasa at kumakapit sa isang tao na matagal na akong binitawan.

Should I give up? I think, Yes. But, how? I'm trapped. I don't know how to let go. He's my first love and I was wrong when I thought it would last forever. I was fooled by my own thought.

"Umuwi ka na, Chelsea. I didn't invite you."

Ngumiti ako. "Can I stay, Blaze? Not in your life, but I want to stay with you even just this night." Kinagat ko ang labi ko at suminghap. "Don't worry, it will be the last. Please, Blaze. Just this one." I begged.

Ayokong umuwing ganito. Gusto ko pa syang makasama kahit na ngayong gabi lang ay makasama ko sya and after this, kahit na mahirap ay unti-unti na akong lalayo. Lalayo sa mundong hindi na para sa akin.

Huminga ito nang malalim. "Okay." Tipid na sagot nya bago bumalik sa loob ng bar.

I wiped my tears. Kinalma ko ang aking sarili bago sumunod. 'Pagkapasok ko ay ganon pa rin ang eksena. May mga nagsasayaw at may mga nagtatawanan. Lahat sila ay Masaya habang ako ay pinipilit na ngumiti.

Nakita kong nakatingin sa akin si Blaze habang lumalagok ng alak sa baso ngunit agad din syang umiwas ng tingin.Ngumiti ako at dumiretso sa bandang likod kung saan bakante ang isang table.

Kumuha ako ng alak sa dumaan na waiter at nilagok 'yon. Halos maduwal ako dahil sa biglaan kong pag-inom. Gumuhit ang mainit na likidong 'yon sa aking lalamunan ngunit ang pait ay nanatili sa aking dila.

Tumingin ako sa table nila Blaze. Naroon ang mga pinsan, kaibigan at kaklase nya. Susulitin ko na ang nalalabing oras na makikita ko sya sa malapitan dahil kapagkatapos ng gabing ito ay lalayo na ako.

Kinagat ko ang labi ko at tumayo. Kumuha ako ng isang bote ng champagne bago bumalik sa table ko. Dapat ay sinama ko si Jean para may kasama ako ngayon. Pakiramdam ko tuloy ay wala ng nagmamahal sa akin.

Napatalon ako sa gulat nang biglang may umupo sa table ko. Napamura ako nang makitang nakaupo si Ryde at may kahalikang babae. Gusto kong sumigaw dahil sa pagkadismaya na sa harap ko pa talaga sila naghalikan ng babaeng ito.

"Ugh. You're wet..." Ryde whispered.

Napangiwi ako nang makita ang kamay niyang nasa loob ng skirt ng babae. Bumaba ang halik nya sa dibdib nito habang ang babae ay nakatingala at kagat-kagat ang labi.

"I'm tired." Sabi ni Ryde na mabilis na tinulak ang babae palayo sa kanya. Bakas ang gulat at pagkabitin sa mukha ng babaeng hindi maipinta ang mukha. "Not good enough for me. You couldn't even make me feel aroused. Leave me alone." He said.

Namula ang mukha ng babaeng umalis din. Nakatulala pa rin ako at hindi makapaniwala sa nasaksihan ko. What was that? Hindi pa ako nakikita ng ganong eksena at ngayong harap-harapan kong nakita ay parang gusto kong masuka.

"Andito ka pa rin pala." Humalakhak ito nang makita ako.

Hinawakan nito ang kanyang earing bago umupo sa tabi ko. Nanuot sa aking ilong ang pabango nya nang masyado syang lumapit sa akin.

Napangisi ako. "Ang baboy mo." Nandidiri kong sabi.

Nagkibit-balikat ito at inimon ang laman ng baso sa harap ko. Pinanuod ko ang pagtaas-baba ng adam's apple nya habang sinisimot ang alak na pinagpaguran kong isalin sa basong 'yon.

Iniwas ko ang tingin ko dahil masyado na akong nakatitig sa kanya. Nahuli kong nakatingin sa amin si Blaze. Nakita ko ang pag-angat ng kanang labi nya at parang nandidiri sya sa nakikita nya.

"It's no longer love, Chelsea. It's now stupidity." Napatingin ako kay Ryde nang magsalita ito. Nakatingin ito sa basong nakapatong sa table. "Loving someone who can't even love us back is stupidity. Wala ka pa masyadong alam tungkol sa pag-ibig, Chels." Tumingin ito sa akin. "Yes, Love. You're still ignorant when it comes to love." Nakangising sabi nya.

Napahalakhak ako sa mga sinabi nya. "Look who's talking. How could you say that? You don't even know what love is nor how to love." Natatawa kong sabi.

Kinuha ko ang basong ginamit nya at nagsalin muli ng alak. Inayos ko ang buhok ko sa likod ng aking tainga habang iniinom yon. Ramdam ko ang tingin nya sa akin kaya hindi ko magawang lumingon.

"Siguro tama ka. I don't know how to love but I know how to fuck."

Nanlaki ang mata ko sa narinig kong sinabi nya. Humagalpak ito sa kakatawa nang makita ang nagging reaksyon ko. Kahit na kilala ko na ang ugali ni Ryde ay hindi pa rin ako makapaniwalang nasabi nya 'yon sa harap ko.

"Love and fuck are both good in feeling but there's a big difference between those two." Natatawa pa rin sya. "I bet you don't know. Hindi ka pa nga ata nakahalik ng labi." Ngumisi ito.

Napayuko ako. He's right. Kahit na tumagal kami ng isang taon ni Blaze ay walang nangyaring halikan. Hawak-kamay lang at halik sa noo pero ang halik sa labi ay wala.

"Leave me alone, Ryde Leibniz. I don't need you."

"But I need you." Natigilan ako sa sinabi nya. "Lasing na silang lahat at wala na akong matinong makausap. Ikaw na lang ang matino." Dugtong niya.

"So, kinakausap mo lang ako dahil wala kang choice?"

"Why? Nasaktan ba kita?"

Natawa ako sa kahanginang taglay nito. "Bakit hindi ka na lang sumama sa mga kaibigan mo?" tukoy ko kina Jude na humalakahak.

Kinagat ko ang labi ko nang biglang lumabo ang paningin ko. Sumandal ako at kinalma ang pakiramdam ko. Hindi ko inakalang malakas ang tama ng alak na ito.

"Here." Inabutan pa ako ni Ryde ng isang baso.

Tinanggap ko 'yon kahit na hilong-hilo na ako. Hindi lang isa dahil nagsunod-sunod ang tagay nya sa akin. Inayos ko ang buhok ko sa likod ng aking balikat dahil ang init ng pakiramdam ko.

"Kaya mo pa?" tanong ni Ryde. Naka unbutonned ang ilang bahagi ng kanyang polo. Napalunok ako nang gumapang ang mata ko doon kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. Lasi na nga ako.

"Uuwi na ako." Sabi ko.

Tumayo ako. Napahawak ako sa lamesa nang manlambot ang tuhod ko. Hindi ko na rin gaanong maaninag ang paligid dahil blurred na ang mata ko. Naparami ata ang inom ko.

"I'll drive you home."

Hinawi ko ang kamay ni Ryde. "I can handle myself, Ryde." Sabi ko.

Huminga ako nang malalim at kinalma ang aking sarili. Kahit papaano ay nagawa ko ng hihakbang ang aking mga paa ngunit medyo nahihilo pa rin ako.

Napatingin ako sa lalaking humawak sa aking braso. "Ako na ang maghahatid sa'yo." Sabi ni Blaze.

Hindi ako nagpumiglas. Inanalayan nya akong makalabas. Binilin nya sa akin na maghintay dahil kukunin nya pa ang kotse sa parking lot.

Nakatingin lang ako sa kanya at hindi nagsasalita.

Lihim akong napangiti kahit na nahihilo pa rin. Talagang gusto na nyang umuwi na ako para matapos na ang gabing ito at matupad ko na ang ipinangako ko.

Huminto ang sasakyan nya sa harap at lumabas doon si Blaze. Napailing ito nang makita akong pagewang-gewang na naglalakad. Inanalayan nya akong makapasok bago sya umikot at sumakay sa kabila.

"Hindi ka dapat umiinom kung hindi mo kaya."

Pumungay ang mata ko at isinandal ang aking ulo. "You're talking as if you still care, Blaze. Tama na." pagsasabi ko ng totoo.

Ayokong umasa na naman sa motibong ipinapakita mo. Buo na ang pasya kong kalimutan ka at gagawin ko 'yon. Alam kong mahirap pero mas masakit kung patuloy pa rin akong kakapit.

"Of course, I care. Kasama mo lang naman si Ryde kanina at nakita ko ang tingin nya sa'yo. Hindi ko alam kung bakit mo sya in-entertained. Kilala mo ang lalaking 'yon at alam mong wala syang matinong maidudulot sa'yo."

Humalakhak ako. "Kung assuming lang ako ay malamang na iisipin kong nagseselos ka. Tama na, Blaze. Huwag mo na akong pakialaman sa mga bagay na hindi ka na sakop. Ikaw na ang nagsabi na wala na tayo at wala na dapat tayong pakialam sa isa't-isa." Kumirot muli ang puso ko sa mga katagang binitawan ko.

"So, you really like Ryde?"

Natawa ako sa sinabi nya. "Ano naman kung ganon nga? Ano bang pakialam mo kung gusto ko nga si Ryde? Ano naman sa'yo, Blaze?" tumingin ako sa kanya.

Hininto nya sa gilid ang sasakyan.

"Kung magmamahal ka, pakiusap, doon ka sa hindi ka sasaktan."

"Pero bakit mo ako sinaktan?"

Natigilan ito. Maging ako ay natigilan dahil pakiramdam ko ay nagsusumbatan kami. Shit. Pakiramdam ko ay may nararamdaman pa sya sa akin kaya nya sinasabi ang mga ito. Heto na naman ako... umaasa.

"Kung kay Ryde ka rin naman babagsak. Chelsea... Hindi ako papayag."

Nabingi ako sa sinabi nya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #trapped