Kabanata 9
Kabanata 9: Greet
Matapos ang magulong usapan ay nagpaalam na sina Kuya Light at Ryde. "Agh! Damn! Hot!" Inaantok na sinabi ni Ryde. Sobrang pula na ng mukha nya at halos kumapit na sya kay Light para lang hindi matumba.
Tulog na si Trisha na ngayon ay nakasubsob na sa lamesa. Si Kuya Led naman ay hinatid na kanina ni Light sa kwarto nya. Naglinis na kami kanina ni Light dahil kami na lang ang hindi lasing at baka makita pa ito nila mommy.
"Fuck Ryde! Subukan mo lang akong sukahan, ihuhulog kita sa ground floor." Mahinang inilayo ni Light si Ryde nang aktong duduwal ito.
Napatingin ako kay Blaze nang tumayo ito. Tinulungan nito si Light sa pag-alalay kay Ryde. "Idaan na lang natin sya sa likod dahil baka makita tayo ng mommy nila." Sabi nito.
Tumayo ako at binuksan ang pinto para hindi na sila mahirapan.
Napalunok ako nang magtama ang tingin namin ni Blaze. Pumupungay na rin ang mata nya at halata na ang antok. May tama na rin ito pero hindi ganon kalala katulad ng kay Ryde. Umihip ang malamig na hangin at halos mangatog ang tuhod ko.
"Isa pa Ryde, ihuhulog na kita." Inis na sinabi ni Light bago tumingin sa akin. "How 'bout Trisha?" tanong nya. Napatingin kami kay Trisha na ganon pa rin ang posisyon. Mukhang nangangawit na ito.
"Ako na ang bahala." Sagot ko.
"No," nagulat ako sa sinabi ni Blaze. "Ihahatid ko lang si Ryde sa kotse at babalik ako." Sinabi nito bago sila tuluyang bumaba. Narinig ko pa ang huling sinabi ni Blaze. "Just wait, Chels." Dinig ko.
Tumahimik nang makababa na sila. Iwinaksi ko ang mga bumagabag sa aking isipan at tumingin na lang kay Trisha. Malinis na ang paligid at wala ng bakas na may lasingan na nangyari pero alam kong makakahalata bukas sina mommy at daddy.
Lumapit ako kay Trisha. Tulog na tulog ang bruha. Gumalaw ito kaya muntik na syang mahulog sa upuan, mabuti na lang at naalalayan ko sya agad. Siguradong lagot din sya kay Manang Lory 'pag nalaman nyang naglasing ito.
Inaantok na rin ako ngunit hindi ko naman pwedeng iwan dito si Trisha at nagbilin din si Blaze na babalik sya. Babalik sya... Hindi para sa akin, kundi para buhatin si Trisha papunta sa kwarto. Natawa ako nang biglang sumagi sa aking isipan ang sana... Sana lasing din ako para sya ang bubuhat sa akin papasok sa kwarto.
Bumuntong hininga ako kasabay nang mga yabag ng paa papalapit sa akin. Kahit hindi ako lumingon ay parang kilalang-kilala ito ng katawan ko. Sumaboy sa hangin ang pabango nya na amoy alak.
Tumayo ako para bigyan sya ng daan at mabuhat si Trisha. Hindi ako lumingon.
Lumapit ito kay Trisha at binuhat ito. Hindi ko alam kung bakit pero napaiwas ako ng tingin. Damn! I'm jealous! Sana lasing na lang din ako. Sana ganito rin ang nangyari sa akin.
Nagtaka ako kung bakit hindi pa rin sya kumikilos. Hindi ko rin magawang lumingon. Sobrang nawawalan ako ng hangin sa katawan. Malamig na ngunit mas dumoble ang pangangatog ng katawan ko lalo na't alam kong nakatingin sya sa akin.
"Chels."
"Shit!" Halos himatin ako sa gulat nang magsalita sya. Nagkaroon tuloy ako ng lakas ng loob para bumalin sa kanya at samaan sya ng tingin. "What?" Iritang tanong ko.
Nakita ko ang pagsilip ng ngiti sa kanyang labi dahil sa naging reaksyon ko.
"Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang babaeng ito," sabi nya. Namula ako nang mapagtanto kung bakit hindi sya kumikilos kahit na buhat na nya si Trisha. "Maari mo ba akong samahan?" Magalang na tanong nya.
Hindi ako sumagot. Naglakad na lang ako at alam kong nakasunod sya. Ingat na ingat ako sa hakbang na ginagawa ko. Mabuti na lang at hindi na kami dadaan sa harap ng kwarto nila mommy dahil baka makita nila si Trisha na lasing. Pumunta kami sa kwarto ni Manang Lory. Mabuti na lang at wala pa sya, malamang na tumutulong pa sa labas.
Maingat na binagsak ni Blaze si Trisha sa kama. Gumulong ito at niyakap ang unang na natamaan nya. Gusto ko sanang awatin si Blaze nang lagyan nya pa ng comforter si Trisha, I mean, ba't pa sya mag-aabala eh mukhang init na init ang babaeng ito?
Tumingin si Blaze sa akin. Hindi ako nakagalaw. "Now, it's your turn..." Umatras ako nang lumapit sya sa akin.
"W-What? I'm not drunk!"
"But, you're tired." Mabilis na nakuha nya ang braso ko at marahas akong hinila palapit sa kanya. Tumama ang mukha ko sa katawan nya kasabay ng pagsabog ng kung anong pakiramdam sa loob ko. "My princess is tired." Bulong nya bago ako binuhat.
Hindi ako nakakilos at wala akong nagawa kundi ang tumitig sa kanyang mukha. Nagsimula na syang maglakad. Diretso lang ang tingin nya habang ako ay diretso lang din... Diretso sa kanyang mukha.
"Hindi mo ba itatanong kung saan ang kwarto ko?" Hindi ko alam kung bakit ko pa 'yon natanong.
Sinulyapan nya lang ako bago umiling. Namalayan ko na lang na tinulak na nya ang pinto ng kwarto ko para mabukas, gamit ang kanyang paa ay isinara nya rin ito nung makapasok na kami.
"Where?" Bigla nyang tanong.
Kumunot ang noo ko. "Sa kama. Sa'n pa ba?" Pabalang na sagot ko.
Tumango ito bago ako pabagsak na ibinaba sa kama. Namilog ang mata ko sa ginawa nya at medyo nasaktan din ang likod ko. "Bumigat ka." Tumawa ito bago nag-stretch ng katawan.
Bumangon ako sa kama. "Makakaalis ka na." malamig kong sabi.
Tumango ito. "You're confused, I know, my princess. I'm sorry for that." Ngumiti ito.
"I'm not confused! Malinaw sa akin ang lahat ng gusto mong mangyari, Blaze. Kung may naguguluhan man dito, ikaw 'yon!" Mapakla kong sagot.
Malinaw ang gusto kong mangyari na ayon din sa sinabi nya. Hindi ako ang magulo kundi sya. Siya na gusto ng patulin ang namamagitan sa amin ngunit ngayon ay pilit na lumalapit.
"I'll let you know everything, Chels." Bahagya na itong gumalaw patalikod sa akin. "Sa ngayon ay ganito muna tayo. Ihahanda ko muna ang sarili ko," ngumiti ito. "Good night." Tuluyan na itong tumalikod at lumabas.
Naiwan akong tulala. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy nya. Ano ba ang dapat kong malaman at bakit kailangan nya pang ihanda ang sarili nya para do'n? Umiling ako para alisin ang mga bumabagabag sa aking isipan.
Nanlaki ang mata ko nang may maalala. Tumingin ako sa kama ngunit wala si Jean. Natawa ako nang makita sya sa ibaba. Halos pumasok na sya sa ibaba ng kama. Masarap pa rin ang tulog nito. Tumayo ako at kumuha ng unan at kumot.
"Gusto mo ba dyan? Good night." Bulong ko.
Pabagsak na humiga ako sa kama at hinayaan ang sariling lamunin ng dilim. Nagising na lang ako at wala na si Jean sa ibaba ng kama. Napatingin ako sa wall clock. 10:45am na pala.
Pumasok ako sa cr para maghilamos. Matapos kong mag-ayos ay lumabas na ako sa kwarto. Pagkapunta ko sa salas ay parang gusto ko na lang muling bumalik sa kwarto ko. Nakasandal si Kuya Led sa sofa at hindi makatingin kay mommy. Inaantok pa rin ang mata nito.
"Ano ngayon? Hindi ka nakapasok sa trabaho." Dinig kong sabi ni mommy.
"Hindi naman nila ako papatalsikin do'n, mom. Hahabulin pa rin nila ako kung sakali." Tamad na sagot ni Kuya. Aalis na sana ako nang mapatingin sa akin si mommy. Nanlilisik ang mata nya at sinenyasan nya akong lumapit.
"Halika, Chelsea." Tumayo ako ilang metro mula kay mommy. "Huwag kang matakot." Nakangisi nya pang sinabi. Pagkalapit ko ay isang batok agad ang tumama sa ulo ko.
"Kinukunsinti mo pa talaga ang kuya mo!" Ngumuso ako habang nakatingin kay Kuya Led na natatawa. "Nagbilin na ako. Sinuway nyo pa rin." Umupo ako sa tabi ni kuya at pasimple syang siniko.
"Damay tuloy ako." Bulong ko.
"Tama na 'yan," biglang pumasok si daddy na bagong ligo. Naka office suit na ito. "Malalaki na ang anak mo, alam na nila ang ginagawa nila." Sabi pa nya.
Napangiti kami ni kuya dahil nakakuha kami ng kakampi. Akala ko ay papagalitan nya rin kami pero dahil mukhang good mood si daddy ay kinampihan nya kami.
"Magsama kayong mag-aama!" Naunang lumabas si mommy bago sumunod si daddy na tumatawa.
Nang makaalis na sila ay binatukan ko si kuya. "Kasalanan mo!" tumawa lang sya bago humiga sa sofa. Mukhang kinulang sa tulog kaya mabilis din syang nakatulog.
Mayamaya ay pumasok si Manang Lory. May bitbit itong mga grocery bags. "Hindi pa ba sila nakakabalik?" tanong nya habang nagpapalit ng tsinelas.
"Sino po?"
"Sina Trisha at Jean. Ang sabi nila ay mag jo-jogging lang sila."
Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Manang Lory. "Hindi pa po." Maikli kong sagot. Tumango lang ito bago tumuloy sa kusina. Kaya pala wala si Jean,magkasama sila ni Trisha. Nag-jogging! Hindi man lang ako sinama!
Inis na pinalo ko sa braso si Kuya Led dahil sa pagkainis. Hindi naman ito nagreklamo dahil tulog na tulog. Binuksan ko na lang ang tv at nanuod ng kung anu-ano. Panay ang tingin ko sa wall clock. Alas dose na wala pa rin sila. May nagja-jogging pa ba sa ganitong oras? Mainit na sa labas!
Mayamaya ay narinig ko na ang mga tawanan nila. Pumasok na sila sa loob habang ako ay nanatili ang mata ko sa screen ng tv. Hindi ko sila pinansin kahit na magtawanan sila sa tabi ko.
"Nakita mo ba 'yong nagtitinda ng ice cream? Nakatitig sya sa akin." Tumawa si Jean at naiirita ako.
Nilakasan ko ang volume ng tv. Kulang na lang ay itodo ko na kahit na advertisement lang ang palabas. Ang ingay... naiingayan ako sa kanila.
"Chelsea, good morning." Dinig kong bati ni Trisha.
Hinitay kong bumati rin si Jean ngunit wala akong narinig. Inis na pinatay ko ang tv at tumayo. Pumunta na lang ako sa kusina kung saan nadatnan kong naghihiwa ng gulay si Manang Lory. Umupo ako at pinanuod sya. Alam kong sumunod ang dalawa.
"Oh, buti andyan na kayo." Bati sa kanila ni manang.
"Natagalan kami dahil kay Trisha. Gusto nyang igala ko pa sya sa lugar na ito." Masayang sagot ni Jean.
Oh? Dapat ginala nyo na ang buong Pilipinas para naman mas matagal.
"Maligo na muna kayo," sabi ni manang.
Tumingin ako kay Jean nang buksan nya ang refrigerator. Nakita kong kinuha nya ang bote ng gatas at nagsalin sa baso. "Sinong nagsabing pwede kang uminom dyan?" Tanong ko sa kanya.
Hindi ito umimik at nagpatuloy sya sa pagsalin. Muli nyang ibinalik sa loob ng ref ang gatas. Kinuha nya ang baso at diretsong nilagok ang gatas do'n. "Manang Lory, ano pong iluluto nyong ulam?" Tanong ni Jean.
"Sino nagsabing dito ka kakain?" tanong ko.
Hindi pa rin nya ako inimik.
"Ba't parang may galit kayo sa isa't-isa?" Natatawang tanong ni manang.
Tumingin ako kay Jean na nakatingin din pala sya sa akin. Nagtama ang mga tingin namin at halos sumabog ako sa galit. "May pajogging-jogging pa kasing nalalaman ang isa dyan, feeling naman nya sexy sya." Umismid ako kay Jean.
Damn. Para kaming mga bata na nagtatalo. Naiinis lang ako na bakit hindi nya ako sinama? Pwede naman nya akong gisingin. Hindi naman ako mag-iinarte. O baka naman nagsawa na sya sa akin kay humanap sya ng bago?
"May kaibigan bang itutulak ka pababa sa kama? Ang sakit ng likod ko!"
"What? Baka naman kasi malikot 'yong babaeng 'yon matulog kaya nahulog?"
Akala ba nya ay itinulak ko sya sa kama? Kaya ba nagkakaganito sya?
"Ganon? Kaya pala may unan din ako sa ulo at nakakumot pa. Ano 'yon? Kusang naglakad?"
"Ako ang naglagay kasi hindi kita kayang buhatin! Pasalamat ka at nilagyan pa kita ng unan kundi baka mas sumakit ang ulo mo!"
"What? Ganyan ka na ngayon, Chelsea? Sinusumbatan mo na ako?"
Hindi na ako sumagot dahil alam kong walang patutunguhan ang usapan na ito.
"Para kayong mga bata." Natatawang suway ni manang..
Hindi ako umimik.
"Is this friendship over?"
Hindi pa rin ako umimik.
Nagseselos lang ako at alam kong mali. Selfish ako sa kaibigan ko at ayokong may kasama syang iba. Kung meron man ay gusto kong andon din ako. Alam kong nagtatampo rin sya dahil sa maling akala nya. Oa sya mag-isip, selfish ako. Umiling ako. I just love this bitch.
"Bad morning!" sigaw nya bago umalis.
Tumayo ako at sumunod sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro