Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 7

Kabanata 7: Earth

Hindi ako lumingon. Pinilit kong huwag bumalik. Hindi ko na narinig ang kanyang boses hanggang sa pinakahuling pag-apak ko sa roof deck.

Habol-habol ko ang hininga ko. Nanginginig ang tuhod ko. Hindi ko alam kung paano ko nagawang talikuran si Blaze pero masaya ako. Masaya akong nakayanan kong 'wag pangunahan ang nararamdaman ko.

"You okay?"

"Oh, Light!" Tumawa si Light dahil sa panggugulat nya. "You startled me." I rolled my eyes.

Dumiretso ako ng lakad. Naabutan kong may kausap sa cellphone si Kuya Led na nakatalikod sa akin. Nag-aayos naman ng table si Jude at may ilang lalaki rin silang kasama.

"Are you staying here for good?" Napalingon ako sa kabilang lamesang nakaayos na. Nakaupo do'n si Jean kausap ang babaeng kasama ni Jude.

Umupo ako sa tabi nila. Ngumiti ako sa babae nang mapatingin ito sa akin. Saktong kakarating lang din ni Blaze na dumiretso lang sa mga boys. Hinubad nito ang long sleeve nya. Puting tshirt na lang ang suot nya at slacks.

"Hindi pa rin ako makapaniwala. Akala ko ay girlfriend ka ni Jude." sabi ni Jean na ikinalingon ko.

"Hindi mo sya boyfriend?" I asked. Umiling ito kaya bahagyang gumalaw ang kulot nyang buhok. Kung susuriin ay mahinhin ito at tahimik. Halatang hindi gaanong mahilig sa ganitong kasiyahan.

"Half brother nya si Jude," sabi ni Jean na ikinabigla ko. "Last month lang din niya nalaman na anak pala sya sa labas ng kanyang daddy." kwento pa nito.

Napansin kong hindi sya gaanong komportable na pag-usapan ang ganito.

"It's my first time here in Philippines, actually. Pero nakakaintindi ako ng tagalog dahil sa parents ko na pilipino." Mahinhin niyang sinabi. May foreign accent ang pagsasalita nito. "Irene." inilahad nya ang kamay nya sa harap ko.

"Chelsea." inabot ko ang kamay nya. Malamang na nagkakilala na sila ni Jean dahil kilala ko ang babaeng 'to. Malamang na kanina nya pa kinakausap si Irene.

Napatingin kami sa pinto nang biglang umingay. Pumasok si Trisha na may bitbit na ice box. Tumatawa ito. Sumunod sa kanya si Ryde na nakangisi, katulad ni Trisha ay may dala rin itong ice box.

"Ba't ang tagal nyo?" inis na tanong ni Kuya Led. Lumapit ito sa mga ice box at chineck ang laman ng mga ito.

"Nahirapan kaming itago ang mga 'yan papasok dito. Agh! Ang sakit ng balikat ko." Marahas na tinanggal ni Ryde ang kanyang tshirt. Nakasandong itim na lang ito.

Lumapit sa amin si Kuya Led at inilapag sa tabi namin ang isang ice box. Binuksan ko 'yon at tama ang hinala ko. Mga softdrinks and juice lang 'yon!

Napansin ko ang paninitig ni Blaze kay Trisha na nagtatali ng buhok.

"Hindi mo ba kami bibigyan kahit isa lang?" I asked. Umiling si Kuya Led.

"Nope." simpleng sagot nito bago muling pumunta sa table nila.

Lumapit sa amin si Trisha at umupo sa tabi ko. Narinig ko pang minura ni Kuya Led si Ryde.

"Hi!" Masayang bati ni Trisha sa amin.

Nakita ko ang pasimpleng pag-ismid ni Jean. Nakipagkilala si Trisha kay Irene. Nakita ko rin ang pasimpleng pagsulyap nya kay Jean na sumisimsim sa juice.

"Saan kayo galing?" bigla kong natanong.

"Ah? Ewan. Basta bumili kami ng mga bagay na ito sa kung saan," turo nya sa mga ice box. "Natagalan kami dahil kay Ryde. May pinuntahan pa kasi sya." napatango na lang ako.

"Bagay kayo ni Ryde." nagulat ako sa sinabi ni Jean kay Trisha.

Nagulat din si Trisha at hindi agad nakasagot. Gusto kong tumawa dahil sa iniisip ko. Parang nandidiri si Trisha at hindi man lang 'yon magawang mapansin ni Jean.

"Huh? Hindi naman." Nahihiyang sinabi ni Trisha.

Busy si Irene sa kanyang cellphone. Nagtatawanan ang mga boys sa kabilang table. Buti na lang at 'di nila tinotoo na magdadala sila ng mga babae dahil kung hindi ay malaking gulo 'yon pag nalaman nina mommy at daddy.

"Yes! You look perfect together!" Giit ni Jean na iritado na. "Feeling ko nga ay type ka rin ni Ryde." mahinang tumawa si Jean.

Napasandal na lang ako sa upuan at mahinang sinipa ang paa ni Jean. Hindi nya ako pinansin. Alam ko ang binabalak nya. Gusto nyang ilayo si kuya kay Trisha kaya nya ito ipinagtutulakan kay Ryde.

"I hate boys." nagulat kami sa sinabi ni Trisha.

Sumimsim ito sa juice bago bumuga ng hangin. "Wait. I have something for us." ngumisi ito bago tumingin sa table ng mga boys. Nang makita nyang busy ang mga ito sa pagkukwentuhan ay binusak nyang muli ang ice box. Hinalungkat nya ang pinakailalim ng box.

"Gotcha." Inilabas nya ang kamay nya na may bote na ng red wine.

"Saan mo nakuha 'yan?" Jean asked.

Ngumisi ito. "Ryde." kumindat ito bago binusaksan 'yon at nagsalin sa baso.

Hindi ko alam kung bakit nainis ako. Ang sabi ni kuya ay bawal kaming uminom ng alak--- Kaming mga babae. Pero nakipagsabwatan sya kay Ryde! Naiinis ako!

"Ayaw mo?" Trisha asked.

"Okay na ako sa juice." umiling ako.

Umiling din si Irene na hindi raw umiinom no'n. "Hindi naman 'to gaanong nakakalasing." pamimilit ni Trisha at naiinis na naman ako.

"No. Baka mapagalitan ako kay Jude. Kinausap nya na ako sa bagay na ito."

"Just try."

Hindi ko alam kung bakit bigla kong kinuha ang baso na may laman na wine at nilagok 'yon. Nagulat sila sa ginawa ko. Maging ako ay nagulat din.

"Akala ko ayaw mo." naguguluhang sinabi ni Trisha.

"Akala mo lang--- I mean, nauuhaw ako." Hilaw na ngumiti ako.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Jean. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nairita! Naiinis ako at hindi ko alam kung bakit!

Nag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko ito sa aking pouch. Nakailaw ang screen at agad na bumungad sa akin ang pangalan ni Ryde.

"Good evening, Earth!"

Tumingin ako kay Jean at saktong hawak nya rin ang kanyang phone. "May number ka ni Ryde?" tanong ko sa kanya.

Napatingin sya sa akin. Nanlisik ang mga mata nya at mukhang may iniisip na naman syang kabaliwan. "Yes pero hindi ko ibibigay sa'yo," tumingin ito kay Trisha. "Gusto mong ibigay ko sa'yo ang cellphone number ni Ryde?" tanong nya.

Umiling si Trisha na halatang naiinis na rin sa mga sinasabi ni Jean.

"Nagte-text ba sa'yo si Ryde?" tanong kong muli kay Jean. "Like, Earth?" tanong ko pa.

Kumunot ang noo nito. "Ryde? Tapos naging Earth? Lasing ka ba?" Inirapan nya ako bago muling tumingin sa kanyang cellphone.

Ngumuso ako nang itapat nya sa table ng mga boys ang camera ng cellphone nya. Nanlaki ang mata nya nang mag-flash ito. Humalakhak ako dahil nataranta ito. Napatingin sa amin ang mga boys.

"Uulan pa ata! Kumidlat!" sigaw ni Jean.

Hindi ko na talaga napigilan at sabay-sabay kaming natawa nila Trisha. Maging si Irene ay hindi napigilang matawa. That was epic! At ang reason nya ay kumidlat! Bruha talaga.

"Kinuhanan mo ba ako ng litrato?" tanong ng isang lalaki na kasama nila Kuya Led.

Maangas ito at halatang mayabang.

"Fuck dude! It was a fucking lightning!" Madiin na sinabi ni Kuya Led.

Napayuko sa hiya si Jean. Kahit papaano ay tumahan na rin kami sa pagtawa.

Napatalon ako sa gulat nang biglang may tumabi sa akin. Halos maubusan ako ng hangin nang ipatong ni Ryde ang kanyang braso sa balikat ko.

"Hi girls!" bati nya sa amin.

Pinilit kong inalis ang braso nya sa balikat ko dahil nabibigatan ako. "Ano ba Ryde!" Tumawa ito bago inalis ang kanyang braso.

"Dito na muna ako. Inaaway nila ako sa kabilang table eh." sabi nya.

"No." Natawa ako nang sumulpot si Kuya at hinila si Ryde pabalik sa kanila.

"Crush ka talaga ni Ryde, Trisha." sabi na naman ni Jean.

"Really?" Naguluhan ako nang maramdaman kong parang nagustuhan ni Trisha ang sinabi ni Jean.

"Yeah! Nakita ko ang tingin nya sa'yo."

"Parang kay Chelsea ata nakatitig si Ryde." naguguluhang sinabi Irene. Nag-init ang mukha ko.

"Baka naman naduling ka, Irene. He was staring at Trisha!" giit pa ni Jean.

Nagpaalam na muna akong magc-cr. Lumabas ako ng roof deck at pumunta sa kwarto ko. Pagkatapos kong mag-cr ay nagpalit na ako ng damit.

Bumaba ako para tignan ang nangyayari doon. Medyo marami pa ang mga bisita at busy pa sina mommy.

"Kasama mo si Trisha?" tanong ni manang na kagagaling lang sa labas. May dala pa itong tray.

"Nasa taas po." sagot ko.

Matapos kong makipag-usap kay manang ay umakyat na akong muli sa roof deck. Pagkapasok ko ay halos umatras ako dahil saktong pababa si Blaze.

Nakayuko ito kaya hindi nya ako nakita. Dumiretso lang ako at hindi na nag-abalang lumingon. Naabutan kong nagsasagutan sina Jean at Trisha habang si Irene ay pinipilit silang awatin.

"Bakit ba pinipilit mo ako kay Ryde?"

"Ewan! 'Wag mo akong kausapin!"

Hindi na sila nag-usap matapos no'n. May kakaiba talaga kay Trisha. Ayaw nya sa mga lalaki at parang mas attracted sya sa mga babae. Pero bakit? Pakiramdam ko ay may mas malalim pang dahilan.

"Fuck, Ryde! Lahat na lang ata ng babae ay pinapatulan mo!" Napatingin akong muli sa table ng boys. Tumatawa ang lalaking mayabang.

Nakita ko ang galit sa mata ni Ryde na sumandal sa upuan.

Napansin kong napatingin si Blaze na kakarating lang kay Ryde. "Shut up, dude." sabi nito sa mayabang na lalaki.

"Ganon ka ba katigang?"

What the fuck? Just what the fuck! Gusto kong hambalusin ang pagmumukha ng mayabang na panget na ito.

Napansin ko rin na pinapakalma ni Jude si Ryde na nakatingin lang sa baso. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nya pero alam kong hindi nya ito papatulan.

"Hindi ko kasalanan na nagkadarapa sa akin ang girlfriend mo." sagot ni Ryde na ngumisi.

Kinuha nito ang cellphone nya. Nag-type ito bago nag-vibrate ang phone ko. Nanuyo ang lalamunan ko nang makita ang pangalan ni Ryde.

"He's a trash. Fuck. Earth, help me."

Nanginig ang kamay ko. Tumingin akong muli sa kanila. Hawak pa rin ni Ryde ang kanyang cellphone.

"Easy, bro. Nagsasabi lang ako ng totoo." Mahinang tumawa ang lalaking mayabang.

"Dude, please." umiling si Light sa lalaking mayabang ngunit tinawanan lang sya nito.

"Who the hell is that asshole?" Jean asked. Nakahalata na rin sya.

May sinabi pa ang mayabang dahilan para makita kong bahagyang umatras ang upuan ni Ryde. Muli itong nagtipa sa kanyang cellphone.

Tumingin na ako agad sa aking cellphone. Gaya ng inaasahan ko ay nag-text nga sya.

"I'm still cool... Earth, I need you."

Nataranta ako. Nagulat kami nang kalampagin ng mayabang na lalaki ang table. Napatayo na ako sa gulat. Nanatiling kalmado si Ryde na nakatingin pa rin sa kanyang cellphone. Tumayo na sina Kuya Light para pakalmahin ang nagmumurang lalaki.

Ba't ba sya nagkakaganyan? Parang ang laki ng galit nya kay Ryde. Kung totoo man na may gusto ang girlfriend nya kay Ryde ay labas na si Ryde do'n. Hindi na 'yon kasalanan ni Ryde Leibniz.

"Hey, Earth. Don't worry, hindi ko sya papatulan. Pwede mo ba akong ilayo dito?" basa ko sa text ni Ryde.

Nagpumiglas ang mayabang na lalaki sa pagkakahawak nina Jude at Light habang si Ryde ay nanatiling nakaupo at kalmado. Hawak pa rin nito ang kanyang cellphone.

"Ilayo nyo na si Ryde!" sigaw ni Jean.

Hindi ko alam kung bakit pero lumapit ako sa kanila. Hinawakan ko ang braso ni Ryde. Hinila ko sya palayo at mabilis naman syang sumama.

I have no fucking idea who the hell is Earth at kung bakit sa kanya humihingi ng tulong si Ryde pero kailangang lumayo si Ryde sa mayabang na 'yon.

Damn! Bakit ko ba ito ginagawa? I'm not Earth! Agh!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #trapped