Kabanata 6
Kabanata 6: Please
Nagpaalam na ako sa kanila na uuwi na. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako at parang hinahanap ng katawan ko ang kama at malambot na unan. Ang bigat ng pakiramdam ko habang kinakausap si Kuya Led.
"Ayos ka lang? Hatid na kita." Tumayo si kuya ngunit pinigilan ko na sya.
Tumingin ako kay Ryde na nakatingin lang sa akin. Hindi ko magawang ikilos ang paningin ko para tignan si Trisha dahil alam kong kasama nya si Blaze. Ghad! Ba't ba ako nagkakaganito? Ako lang talaga ang nagbibigay malisya sa ganito. Walang alam si Trisha at alam kong walang pakialam si Blaze. Nag-usap lang sila at naglaro ngunit iba ang dating no'n sa akin.
"You sure?"
"Lemme do the pressure." Tumawa si Ryde bago tumayo. Iiwas pa lang sana ako ay nahawakan na nya ang braso ko. "Let's go." Bulong nya bago ako mahinang hinila palayo roon.
Binalikan ko ng tingin ang mga naiwan namin. Nahuli kong nakatingin sa akin si Blaze na mabilis ding umiwas. Hindi rin ata ako napansin ni Trisha dahil busy sya sa mga kausap nya.
"Wait!" pigil ko kay Ryde.
Bumalin ito ng tingin sa akin bago tumaas ang mga kilay nya. "H-Hindi ko maaring iwan si Trisha! Ako ang nagsama sa kanya kaya akong ang responsable 'pag may nangyari sa kanyang hindi maganda!" giit ko habang patuloy na binabawi ang aking braso sa mahigpit nyang pagkakahawak.
Sinubukan kong pigilan ang mga binti ko sa paglalakad ngunit hindi ko magawa at naiirita ako kay Ryde. Baka masubsob lang ako 'pag nilabanan ko ang pwersa nya.
"Ryde! Bitawan mo nga ako!"
"Stop acting like a fucking worried mother of a bitch."
Napanganga ako sa sinabi nya. "Stop acting like my fucking worried boyfriend too, Ryde!" hindi ko napigilan ang pagtaasan sya ng boses. Pakiramdam ko ay sinasakal nya ako at tinatali. Hindi ko maintindihan kung bakit nya pa ito kailangang gawin. Hindi ko sya maintindihan.
Binuhos ko ang natitira kong lakas para higitin ang kamay ko na nagawa ko naman. Tumigil kami sa paglalakad. Narinig ko ang mahina nyang mura bago bumalin sa akin. Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mata.
"What the hell is wrong with you?" giit nya bago pinasadahan ng kamay ang kanyang buhok.
Nag-iinit ang dugo ko. "There's nothing wrong with me. Ano bang problema mo?" Sagot ko. Ako pa talaga ang may mali ngayon? Ako pa talaga ang parang may kasalanan.
Mabuti na lang at kami lang ang tao sa gilid ng kalsadang ito at kung may dadaan man ay mapapatingin lang sa amin.
"My problem is your stupidity!" may diing niyang sinabi.
Pumikit ako at kinalma ang sarili ko kahit na parang sasabog na ako sa galit. Bakit ba ako nakikipagtalo sa kanya? Sa pagkakaalam ko ay hindi kami gaanong nagpapansinan dati at walang pakialam sa isa't-isa. Kailangan naming bumalik sa dati.
"Okay, Ryde. Listen." Bumuntong hininga ako bago tumingin sa kanya. Seryoso ang kanyang mata na nakatingin sa akin. Nakasuot na sa kanya ang kanyang jersey shirt kaya medyo hindi na nakakaasiwang tumitig sa kanya. "Kung gusto mo ng umuwi, go ahead. Babalikan ko lang si Trisha para yayaing umuwi. Okay?" kalmado kong sinabi.
Ang kanyang seryosong mata ay napalitan ng ngisi bago mahinang tumawa. "Si Trisha nga ba?" nanunuyang tanong nya.
Hindi ako nakasagot dahil 'yon naman talaga ang dahilan ko sa pagbalik at pakiramdam ko ay nandidiri sya sa akin. Naguguluhan ako sa inaasta nya at inaamin kong hindi ko ito nagugustuhan. Mas pabor pa sa akin ang dating Ryde na walang pakialam sa akin at kung magtatagpo man ang landas namin ay ngisi lang ang ginagawa nya hindi katulad ngayon na halos lahat ng kilos ko ay pinupuna nya.
"You're not flirting with me, are you?" diretso kong tanong.
Nakita kong natigilan sya sa sinabi ko. "Look, hindi ako ang babaeng makakapagbigay sa'yo ng saya. Hindi ko kayang ipatikim sa'yo ang langit sa kama kaya kung pwede lang... tigilan mo na ako." Tumalikod na ako para sana bumalik nang higitin nya ako paharap sa kanya.
Napalunok ako nang magtama ang mga mata namin. Bumilis ang paghinga ko dahil sa pagdiin nya ng sarili nya sa akin. Hindi ako makapag-isip nang maayos dahil sa lapit namin sa isa't-isa. Halos maramdaman ko na sa mukha ko ang kanyang hininga na parang hinihingal.
"You look damn sexy when you're serious, Love." Ngumisi ito.
Namula ang pisngi ko. Tinulak ko ang dibdib nya para mabitawan nya ako ngunit mabilis ko ring inalis ang kamay ko nang mapagtanto kung ano ang nahawakan ko. "Pervert!" singhal nya bago humalakhak.
Napatili ako nang buhatin nya ako sa ipatong sa kanyang balikat. Hinampas ko ang kanyang likod at sinubukan kong magpumiglas ngunit hindi umubra. Muntik pa kaming ma out-of-balance nang biglain ko sya.
"Sshhh. Huwag kang sumigaw baka akalain nilang ginagahasa kita."
"Help! Rape!"
Tumawa ito nang malakas dahil sa sigaw ko. "Nice try..." sinabi nya pa.
"Hey dude!" sigaw ko sa isang lalaking nakabisikleta. "Help me! He's going to rape me!" I begged for help. Ngunit ang hinayupak na lalaki ay nilagpasan lang ako.
"Isang pang sigaw at baka totohanin ko na ang paratang mo."
Hindi na ako nakapagsalita at hinayaan ko na lang sya. Para akong lantang gulay na nakasampay sa kanyang balikat. Ibinaba nya na ako nang matanaw ko na ang gate namin.
Lalayo pa lang sana ako sa kanya nang bigla na naman nya akong higitin palapit sa kanya. Naramdaman kong bumaba ang kanyang kamay sa jeans ko bago ito itinaas. "Lahat ba ng panty mo ay kulay dilaw?" Namula ang buo kong mukha at pakiramdam ko ay hindi ko na makakalimutan ang nangyaring ito at ang mga sinabi nya.
"S-Sinisilipan mo ba ako lagi?"
"Not really baka nga pinapakita mo talaga. Mauna na ako, Chels." He waved his hand bago lumihis ng daan. "Oh wait!" bigla itong muling humarap sa akin. "The color of mine right now is gray. So, it's a tie." Humalakhak ito bago tumakbo.
Naiwan akong tulala at hindi makapaniwala sa nangyari, Sa loob ng ilang minuto ay nagawang dumihan ng malanding 'yon ang pagkatao. Inis na bumalik na lang ako sa bahay. Tinanong pa ako ni manang kung nasan si Trisha kaya sinabi ko na lang na kasama nya si Kuya Led.
Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at naghubad para maligo. Dumaan ako sa trashcan para itapon ang underwear na sinuot ko. "A sinful underwear." I whispered bago pumasok sa loob ng comfort room.
Matapos kong maligo ay umidlip muna ako. Nagising na lang ako nang marinig kong bumukas ang pinto. Pumungay ang mata ko habang nakatingin kay Trisha na nakadungaw sa pinto. "I'm sorry to disturb you pero pinapagising ka ni Led." Sabi nya.
Ngayon ko lang napansin na nakabalot pa ang towel sa kanyang ulo at halatang katatapos lang maligo. Napatingin ako sa wall clock. Oras na rin pala at maya-maya lang ay magsisidatingan na ang mga bisita. "Pakisabi sandali lang." sabi ko. Tumango ito bago muling isinara ang pinto.
Tamad na tumingin ako sa labas ng bintana. Kulay kahel na ang langit na nagpangiti sa akin. Gustong-gusto kong nakikita ang ganito. Tumayo na ako para mag-ayos. Kahit na naligo na ako kanina bago natulog ay saglit pa rin akong naligo. Pagkalabas ko sa comfort room ay tumambad sa akin si Jean na nakahalukipkip.
Umangat ang kilay ko nang makita ang galit sa kanyang mukha. Nakaayos na sya at suot na nya ang isa sa mga binili nya sa boutique na pinuntahan namin. Akala ko at tototohanin nya ang sinabi nyang magba-bra at panty lang sya ngayon.
"Kaibigan ba talaga kita?" tanong nya na ikinagulat ko. Kalmado ang pagkakasabi nya ngunit puno ng pagbabanta. Okay. Ano na naman ba ang nasinghot ng babaeng ito at nagkakaganito sya?
Umupo ako sa tabi nya. "Anong drama na naman ba ito ngayon?" tanong ko habang pinapatuyo sa blower ang buhok ko.
"Drama?" mahina itong natawa. "Hindi mo sinabing may fiancé na si Led!" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
Nagngingitngit ang kanyang ngipin habang nakatingin sa akin. Umatras ako nang konti dahil pakiramdam ko ay sasampalin nya ako. Minsan pa naman ay sinasapian ng masamang ispiriru ang babaeng ito.
"W-Walang fiancé si kuya! Saan mo naman nasagap ang balitang 'yan?"
"Hindi nya fiancé 'yong babaeng kausap nya kanina sa baba? 'Yong matangkad na morena? 'Yong babaeng kung makatawa ay sobrang lakas?"
Kumunot ang noo ko bago naunawaaan kung sino ang kanyang tinutukoy. "Malamang na si Trisha ang nakita mo. Hindi nya 'yon fiancé, huwag kang oa. Anak 'yon ni Manang Lory!" pagpapaliwanag ko bago pumunta sa closet at kinuha ang isang floral dress na kulay dilaw.
Natigilan ako nang may maalala sa kulay dilaw. Umiling ako bago pumili ng isang simpleng blouse. Hindi ko naman kailangang maging magara dahil bibisita lang kami sa labas para bumati sa mga bisita nila mommy tapos ay didiretso nasa roof deck gaya ng napag-usapan nila Light.
"Really?" tanong ni Jean.
Umupo ako sa harap ng salamin bago naglagay ng konting make up sa mukha ko. Si Jean naman ang nagtirintas ng buhok ko. Madalas na ganito kami. Ako ang nag-aayos sa buhok nya tapos sya naman ang mag-aayos sa akin, vice versa.
"But she's weird," umupo sa tabi ko si Jean nang matapos na sya sa ginagawa nya sa buhok ko. "Kaninang lumapit ako sa kanila para bumati sa asawa ko ay iba sya makatingin." Ngumuso ito.
Matapos kong maglagay ng kulay sa labi ko ay nag-spray ako ng pabango. "Anong kakaiba sa tingin nya?" tanong ko kahit na parang may hint na ako sa sinasabi nya.
"Parang ayaw nya akong humalik sa pisngi ng asawa ko like--- The hell! Asawa ko 'yon! Wala siyang pakialam kahit na mag-french kiss kami!"
Hindi ko gaanong napagtuonan ng pansin ang kababuyan na sinabi nya. May something talaga kay Trisha at ayoko namang maging judgmental pero may kakaiba talaga sa kanya. Pero bigla kong naisip ang eksena nila kanina ni Blaze... Napangiti na lang ako.
Matapos kong mag-ayos ay lumabas na kami. Medyo maraming tao ang nasa loob ng bahay at busy ang lahat. Nakita ko pa si manang na kinakausap si mommy. Lumabas kami. Sumalubong sa amin ang mahinang tunog ng stereo. Nakaayos na ang mga table at may mini stage sa harap. May mga mangilan-ngilan na ring bisita na nakaupo sa mga table.
Agad na nahagip ng mata ko si Kuya Led na kausap ang isang grupo ng kalalakihan sa isang table na sa tingin ko ay mga kaklase nya dati. Hinila ko si Jean palapit sa kanila. Napatingin sila sa amin kaya medyo nakaramdam ako ng pagkailang.
"Oh, ba't ganyan ang suot mo?" tanong ni Kuya Led. Naka-black tuxedo ito at nakaayos ang buhok nya at kitang-kita ang kislap ng kanyang mata. "'Di ba may yellow kang dress?" tanong nya pa.
"I hate yellow." Pinitik ko ang buhok ko.
Naguguluhang tumawa si kuya. Niyakap ko sya. "Nabati na kita last week, kahapon at kaninang umaga but still, happy birthday, kuya. I love you." I whispered.
Tumawa ito bago hinagod ang likod ko. "Thank you, my princess." Humalik ako sa pisngi nya.
Napatingin ito kay Jean na nakatingin sa kung saan. Hindi ko alam kung bakit hindi sya makatingin kay kuya na himala. Ang pagkakaalam ko ay wala siyang hiya. "Jean, okay ka lang?" tanong ko.
"Oo naman!" mahina nya akong hinampas ng kamay bago tumingin na naman sa iba.
Ipinakilala kami ni kuya sa mga kaklase nya. Tanging ngiti na lang ang naisukli ko habang si Jean ay hindi mapakali. Umupo kami sa table nila. Nakangiti lang ako sa kanila habang inaasar si kuya na pwede na raw siyang mag-asawa.
"Baka tumanda kang binata nyan ah!"
"Sayang ang lahi. Ikalat ang Vellarde!"
Humagalpak sila ng tawa. Tumingin ako sa katabi kong si Jean na nakatungo sa table. Hindi ko maiwasang purihin ang ganda nya. Naka-bun ang kanyang buhok at may ilang hibla ng buhok nya ang nakawala sa gilid ng kanyang mukha.
"Hey." Bulong ko sa kanya.
"Don't talk to me, Chels. Wala akong kwentang babae."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Nag-excuse muna ako kina kuya at hinila si Jean sa hindi mataong lugar. Hinarap ko sya sa akin. Nangingilid na ang luha sa kanyang pisngi.
"Shh... Jean, don't cry."
"Ang tanga ko kasi eh!"
"Ano ba kasi 'yon?"
Humarap ito sa akin. Tumingala sya para pigilan ang kanyang luha bago tumingin sa akin. "Sa sobrang excited ko sa araw na ito... nakalimutan ko... Wala akong regalo para sa asawa ko." Malungkot nyang sinabi.
"Hala! Ayaw pa naman ni kuya Led ng walang regalo."
"Chels..."
"Baka hiwalayan ka na nya."
"Chels..."
"Nalulungkot ka dahil wala kang regalo?"
"Oo"
"Gusto mo nang umuwi?"
"Oo..."
"Umuwi ka na. Andito naman si Trisha para kay kuya at ayoko rin naman sa mga maarteng katulad mo. Ayoko ng babaeng sa simpleng ganito lang ay nagkakaganito na. Ayoko sa mga babaeng katulad mo para kay kuya."
"Listen, drama queen. You're his wife and it doesn't matter if you have nothing to offer for his day as long as you're on his side... It's enough... you're enough... kahit na ikaw lang ang nakakaalam na mag-asawa kayo."
Ilang saglit siyang tumahimik habang ako ay hingal na hingal dahil sa haba ng sinabi ko para pakalmahin sya. Nang dahil lang sa regalo ay nagkakaganito na sya. Hindi ba nya naisip na hindi naman kailangan ni kuya ng kahit na ano? Oa talaga ang isang 'to.
"Alam mo, Chels? Minsan ay may silbi ka rin pala."
"W-What?!"
"Sshh... That's a compliment. Let's go back, my husband is waiting for his wife."
Nauna na syang bumalik habang ako ay kinakalma pa ang sarili. Matapos ko syang pakalmahin ay ginanito nya lang ako. Inayos ko muna ang sarili ko bago sumunod.'Pagkabalik ko ay marami ng tao. Medyo lumakas na rin ang stereo at buhay na ang mga kulay sa mga ilaw.
"Hey!" nagulat ako nang sumulpot sa harap ko si Jude na may kasamang babae. Nakaakbay pa ito sa kanya.
"Ow, hi! Saan sila?" I asked.
Tinuro nya ang isang table sa bandang likod. Ngumiti ako bago tumuloy. Mukhang itutuloy nila ang plano nilang magdadala sila ng babae. Naabutan ko sa table sina Kuya Led, light, Blaze at Jean. Humalik ako sa pingi ni Light at ganon din kay Blaze bago tumabi kay Jean na nakatulala kay kuya Led.
"'Pagkatapos akong ipakilala ni daddy ay pwede na tayong dumiretso sa taas." Dinig kong sabi ni kuya kay Blaze na busy sa kanyang cellphone. Naka-maroon na sleeve ito na tinernohan ng itim na slack.
"Kuya, sabi ni mommy bawal ang alcoholic beverages. May pasok ka pa bukas eh."
"Oh come on, Chelsea. Don't tell me magsusumbong ka?" tamad na tanong ni Light.
"Hindi ako sumbungero tulad ni Ryde. Pinapaalala ko lang." I rolled my eyes.
Napansin ko ang simpleng pagsulyap sa akin ni Blaze. Maya-maya ay nag-umpisa na ang ceremony. Nagsalita sina mommy at daddy at ipinakilala kami ni kuya pero si kuya lang ang may-speech sa harap since sya naman ang may birthday.
"Kuya Light..." tawag ko kay Light na pumapalakpak. Tumingin ito sa akin.
"Ryde is with Trisha." Biglang sinabi ni Blaze na ikinabigla ko.
Paano nya nalaman na itatanong ko 'yon? Napansin nya ba na kanina ko pa sila hinahanap o baka naman bigla nya lang naisipan na sabihin 'yon at tumugma naman sa iniisip ko.
"Ano 'yon, Chels?"
"W-Wala." Sagot ko dahil nasagot na ni Blaze.
Bakit naman magkasama sina Trisha at Ryde--- Shit! Kasama nya ang malanding lalaking 'yon. Huwag nya lang talaga pagsasamantalahan si Trisha dahil ako mismo ang magdadala sa kanya sa police station.
Matapos mag-speech ni kuya ay masigabong palakpakan ang sumunod sa pangunguna ni Jean. "Whooo! Asawa ko 'yan!" she yelled. Natawa kami nila Jude at Light sa kanya.
Sinenyasan kami ni Kuya Led na sumunod. Humiyaw si Light at Jude. "Finally! Inaantok na ako eh." Sabi pa ni kuya Light.
Naunang sumunod sa kanila si Kuya Light, Jean at Jude kasama ang kanyang babae. Naiwan kami ni Blaze sa table. "H-Hindi ka pa ba susunod sa kanila?" tanong ko para basagin ang katahimikan.
"Hinihintay lang kita."
Natahimik ako. Sumabog na naman ang feelings ko at naiinis ako. Bakit nya pa kailangang sabihin 'yon? Gusto nya ba talagang mahirapan ako? Bakit ba ganito si Blaze?
"Hindi pa ba tayo susunod sa kanila, Chels? Naiinip na ako."
"Go ahead, Blaze. Hindi mo naman ako kailangang hintayin."
Hindi ito sumagot. Dahil hindi ko na nakayanan ang makasama sya ay tumayo na ako. Napapikit ako sa inis nang tumayo rin sya. Naglakad na ako papasok sa loob at nakasunod pa rin sya.
Tumakbo ako para mabilis na makaakyat. Narinig ko ang sigaw ni Blaze.
"Chels, wait for me... Please."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro