Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 5

Kabanata 5: Pleasure

Narinig ko ang tawag sa akin ni manang sa labas kaya mabilis na kinuha ko ang pouch na nakapatong sa table at nagmadaling bumaba at lumabas. Sumakay ako sa likod ng sasakyan habang nasa harap naman sina Tito Raul at Manang Lory.

"Dalian na natin para makatulong tayo sa kanila." Sabi ni manang kaya mabilis na pinaandar ni Tito Raul ang sasakyan.

Ngayon kasi naming susunduin sa airport ang anak ni Manang Lory na si Trisha. Sumama na lang ako dahil ayokong maiwan sa bahay kasama sina Kuya Led at ang buo nyang tropa. Ngayon na ang kanyang kaarawan ngunit mamaya pang gabi ang celebration.

"Hindi mo naman kailangang sumama, Chelsea. Baka naabala ka pa." sabi ni manang na nakatingin sa kanyang di-keypad na cellphone. Nakalayo sa kanyang mukha ang cellphone at nakakunot ang kanyang noo habang nilalabi ang mga binabasa nya. "Naroon na raw s'ya." Bigla nyang sinabi na dahilan ng pagngiti nito.

Umuuwi naman si Manang Lory sa probinsya pero tuwing pasko at bagong taon lang kaya kahit papaano ay nagkakaramdam sya ng pagngungulila. Nagkakausap naman sila sa cellphone ngunit minsan lang dahil busy rin si Trisha sa kanyang trabaho. Ang alam ko ay isang teacher si Trisha ayon sa pakakakwento sa akin ni manang.

"Na-miss ko rin ang batang 'yon." Biglang sinabi ni Tito Raul. "Naalala ko pa kung paano sya tumatakbo sa bahay namin kapag pinapagalitan mo." Natatawang sabi pa nit okay manang.

Nakita ko ang simpleng pagngiti ni manang. Sa pagkakaalam ko ay magkababata sina Manang Lory at Tito Raul. Naunang namasukan sa amin si manang, bata pa lang kami ay nasa bahay na s'ya at ilang taon lang ang lumipas at si Tito Raul na naman nakuha ni daddy. Hindi nga naming inakalang magkakilala ang dalawa dahil kamakailan lang naming 'yon nalaman.

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito sa aking pouch. Napuno ng notifications ang lockscreen ko kaya nilinis ko muna lahat 'yon bago in-unlock. Karamihan ay galing sa mga social media, mga greetings para kay Kuya Led na sa akin pa idinadaan. May mga personal messages na galing sa mga classmates ko.

Binuksan ko ang message ni Jean. "I'm still alive but I'm barely breathing~ Today is the day!" sabi nito. Hindi ko alam kung sa akin lang nya 'yon sinend o group message.

Nag-scroll up pa ako hanggang sa huminto ito sa pangalan ni Ryde. "Shout out to my ancient friend! Alled Vellarde, happy beerthday! Good morning and I love you, Earth!" ngumiwi ako sa sinabi nya.

Ibinalik ko na lang sa aking pouch ang cellphone ko. Good morning, Earth! Good afternoon, Earth! Good night, Earth! I love you, Earth! What's with Earth? Fuck, Earth!

Hindi na kami bumaba sa sasakyan at tanging si Manang Lory na lang para puntahan si Trisha. Napansin ko kung paano sundan ng tingin ni Tito Raul si Manang Lory. "May crush ka ba kay Manang Lory, tito?" biglang tanong ko.

Nabigla ito sa tanong ko bago tumawa. "Oo." Sagot nya na mas ikinagulat ko.

"W-Whoa! Seriously? Teka... Wala ka pang asawa?" tanong ko. Oh God! Umaandar na na naman ang pagkamausisa ko.

Umayos ng upo si Tito Raul. Since nasa likod ako at sya ay nasa harap, sa rear-view mirror ko lang sya nakikita. Nakatingin ito sa labas ng binatana. Maraming sikreto si Tito Raul at hindi sya gaanong nagsasalita. Minsan nakakatakot din sya dahil sa sobrang tahimik nya.

"Tama ang narinig mo at sa tingin ko ay hanggang doon lang ako."

"Wala kang asawa, byuda na siya. Oh, come on!" I rolled my eyes. Ayoko sa lahat ay ang torpe dahil naartehan ako sa kanila. Yes, I know mahirap ang umamin pero mas mahirap ang magtago ng feelings.

Natawa sya sa sinabi ko. "Hindi sa lahat ng oras ay kailangang pairalin ang puso, Chels. Gamitin mo rin ang isip mo. Tama na ang ganito lang kami." Natatawa nya pa ring sabi.

Hindi na lang ako nagsalita. "Bakit, Ms. Vellarde? Puso lang ba ang ginagamit mo sa lahat ng oras?" nanunuya nyang sinabi.

"Of course and it's not something I can stop.Why, can you stop using your heart even just a second?"

Tumawa siya sa sinabi ko at hindi na nagsalita. Hindi na rin ako nagtanong dahil parang hindi rin sya komportable sa topic na 'yon. Maya-maya ay natanaw ko na si Manang Lory kasama ang isang babae. Namilog ang mata ko habang nakatingin sa kasama nya, matangkad na morena. Oh God! Walang nabanggit sa akin si Manang Lory na pang-beauty queen ang kanyang anak!

Lumabas kami ni Tito Raul sa sasakyan. Nakita kong nanlaki ang mata ni Trisha nang makita si tito. Yumakap ito sa kanya nang mahigpit. "Tito! Na-miss kita!" tumawa ito.

"Kamusta na ang Mutya ng Baranggay 2015?" tanong ni tito sa kanya dahilan ng paghalakhak nito.

Sobrang ganda nya ngunit wala kang mababakas na kaartehan sa kanya. Kung paano sya magsalita na medyo may accent pa ng kapampangan at kung paano sya tumawa na walang pakialam kung maraming makarinig.

"Trisha, si Chelsea nga pala. Anak ng amo ko." Pakilala sa akin ni manang.

Nakaramdam ako ng hiya nang mapatingin sya sa akin. Nakita ko rin ang pag-aalangan na bumati sa kanya. "I-Ikaw pala 'yong kinukwento sa akin ni mama. Ako nga pala si Trisha. Kalagu mo pala!" na-excite ito.

Ngumiwi ako.

"Trisha, hindi sya nakakaintindi ng kapampangan." Natatawang suway ni Tito Raul.

"Chelsea..." inilahad ko ang aking kamay sa harapan nya na tinanggap naman nya. "Trisha Harado." Pagpapakilala nya. Nagulat ako nang yakapin nya ako. Mabilis naman syang kumawala at nahiya sa ginawa nya.

Natawa ako. "Pleased to meet you." Sabi ko na lang.

"Oh, tara na. Para makatulong na tayo sa kanila!" sabi ni manang. "Dyan na kayong dalawa sa likod." Pahabol pa nito. Nauna akong pumasok bago sumunod si Trisha.

Inilagay naman ni Tito Raul sa likod ang bagahe ni Trisha. Humarap sa akin si Trisha kaya medyo nagulat ako. "K-Kapatid mo si Alled?" bigla nyang tinanong kaya nagulat ako.

"O-Oo?" hindi siguradong sagot ko dahil sa gulat. Hindi ko inakalang kilala nya si Kuya Led.

"Nakita nya kasi ang picture natin kaya kilala nya ang kuya mo, Chels." Wika ni manang.

Tumingin ako kay Trisha na nagniningning pa ang mata. "Nakita ko kung paano sya pumorma sa picture. Maskulado!" humagikgik ito.

"Teka... Huwag mong sabihing may-crush ka sa kuya ko."

Nakita ko ang pandidiri sa kanyang mata. "W-What? No! Hindi kami talo!" sabi niya.

Naguluhan ako sa sinabi nya. "Trisha, pakiusap. Huwag mo akong umpisahan ngayon." Biglang sinabi ni manang kaya tumahimik si Trisha.

Hindi ko pa rin naintindihan kung ano ang ibig sabihin nyang 'hindi kami talo'. Pero isa lang ang sigurado ako, hindi nya crush si Kuya Led dahil sa kung paano sya nandiri nung tinanong ko kung may crush sya rito. Parang namangha lang sya sa pagkamaskulado ni kuya.

'Pagkarating namin sa bahay ay naroon na ang mga mag-aayos. Ipinakilala ni manang si Trisha kina daddy at mommy. Magiliw na bumati ito at pinaulanan ng papuri. Parang wala lang 'yon kay Trisha na parang sanay na syang masabihan ng mga compliments.

Tumulong sa pag-aayos sina Manang Lory, Trisha at Tito Raul. Pumanhik muna ako sa kwarto ko at nagpalit bago muling bumaba. Ibinulsa ko na lang ang cellphone ko. Naabutan kong nag-aayos ng table si Trisha. Nanlaki ang mata ko nang buhatin nya ang lamesa at inilipat ng lugar.

"Hey! Hindi mo naman 'yan kailangang gawin!" pigil ko sa kanya. Tinawanan nya lang ako bago nilatagan 'yon ng table cloth. Manghang-mangha ako sa kanya. Parang wala lang sa kanya 'yon.

Nakailang suway kami sa kanya nila mommy ngunit tinatawanan lang kami nila manang. "Hayaan nyo sya. Ganyan talaga 'yan." Natatawang sabi ni manang.

Nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito sa aking bulsa. Binasa ko ang text ni Kuya Led. Pinapapunta nya kami sa basketball court para pagdala sila ng tubig. Hindi ko sana sya susundin ngunit naalala kong birthday naman nya.

Kumuha ko ng mga bottles of mineral water at inilagay sa tray. 'Pagkalabas ko ay tumambad sa akin si Trisha na nagpupunas ng pawis. Naka-bun ang kanyang buhok. Lumapit ito sa akin. "Saan mo dadalhin 'yan? Tulungan na kita." Alok nya.

"Hindi na. Pupuntahan ko lang sila kuya para dalhan ng tubig." Pagpapaalam ko.

Nakita ko ang pagkasabik sa kanyang mga mata. "Sama ako!" masaya niyang sinabi.

Tumango na lang ako. Lumabas kami at kumanan ng daan. Hindi naman malayo ang basketball court ng subdivision pero medyo aabutin pa kami ng ilang minuto sa paglalakad. Hindi ko maiwasang punain ang paglalakad ni Trisha. Masyadong maangas.

"Ang ganda naman dito." Sabi nya.

"Teka... Ano 'yong mutya ng baranggay na sinabi ni Tito Raul?" tanong ko.

"Parang beauty contest sa isang baranggay na kalimitang ginaganap tuwing fiesta." Sagot nito.

"Oh? Pumasok ka sa top three?"

"Uh, Yes? Nanalo ako, actually."

Napalunok ako nang sabihin nya 'yon na parang wala lang. Kahit na pang maliit na community lang ang title na 'yon, it's still something Trisha should be proud of. Like, duh? Contest kaya 'yon kung saan pinataob nya lahat ng kalaban nya.

Naabutan namin sina Kuya Led na nagpapahinga. Nagtatawanan naman sina Jude at Light. May mga kasama pa sila na hindi ko na kilala. Napalunok ako nang makita si Blaze na kausap ang isang kasamahan nila.

"Help?" nagulantang ako nang nasa harap ko na pala si Ryde. Nakatopless ito at nakalagay lang sa kanyang balikat ang jersey shirt nya. Pawis na pawis ito at medyo hinihingal pa.

Hinayaan ko syang kunin ang tray at i-distribute sa kanyang mga kasamahan. Nakita ko ang mga tingin nila kay Trisha.

"Whoa! Totoo ba 'to?" nanlaki ang mata ko nang hawakan nya ang katawan ng isa sa mga kasamahan ni Kuya Led na nakahubad. "Astig!" sabi niya pa.

Hinila ko sya sa lalaking gulat pa rin. "Ah, si Trisha pala. Anak ni Manang Lory." Pakilala ko sa kanila.

"Hi!" magiliw na bati ni Trisha.

Nakipagkamay sya sa kanilang lahat. Binati sya ni Kuya Led bago sumunod na pumunta kay Ryde na umiinom ng tubig. "I'm Trisha." Pakilala nya.

"Narinig ko nga." Walang ganang sinabi ni Ryde bago tumalikod at umupo sa pinakataas ng bleachers. Walang modo talaga ang isang 'to.

Nakipagkamay din ito kay Blaze na sinuklian sya ng isang matamis na ngiti. Iniwas ko ang mata ko dahil hindi kaayaaya 'yon sa aking paningin. Umupo ako sa tabi nila kuya Led.

"Ang ganda nya,'di ba?" tanong ko kay Kuya Led na nakatingin din sa kanila.

"Ganon din naman ata ang gusto nya." Natatawang sabi ni Light.

"Hindi naman. Baka ganyan lang talaga sya." Sabi ko. Sa palagay ko ay medyo lalaki lang talaga kumilos si Trisha pero medyo may pagkamahinhin din. Malambing ang kanyang boses.

Tumingin ako kay Trisha na nakikipagtawanan kina Blaze at Jude. Hinarap ako ni kuya sa kanya. "May kasalanan ka sa akin. Sinabi sa akin ni Ryde na nakipagkita ka kay Blaze nung hinatid ko kayo sa mall." Sabi niya.

Napalunok ako. Hindi ako sumagot kahit na mukhang mali ang pagkakaintindi nya. Sabi ko na nga ba at sumbungero ang malanding 'yon. "You forced me, Led. Hindi ko naman sasabihin kung hindi mo ako pinilit." Wika ni Ryde na nakaupo sa likod ko. Nasa pinakataas sya ng bleachers habang ako ay nasa baba at harapan nya.

"Whatever, Ryde." I rolled my eyes.

Nagsigawan ang mga boys kaya napatingin kami sa kanila. Naglalaro ng basketball sina Jude, Blaze at Trisha. Hawak ni Trisha ang bola nadini-dribble nya pa habang nasa harap nya si Blaze na pinipigilan sya. Hindi ko maiwasang punain kung paano magtama ang kanilang mga katawan at kung paano tumawa si Blaze.

"Go, Trisha!" cheer ng isa sa kanila.

Sumikip ang dibdib ko sa nakikita ko at hindi ko man lang magawang alisin ang tingin ko sa kanila. Akala ko ay medyo nakakawala na ako dahil minsan na lang syang sumagi sa aking isipan. Akala ko ay malapit na akong makalaya ngunit sa mga sandaling ito ay inaamin kong... nasasaktan ako.

Kahit na alam kong ako lang ang nagbibigay malisya sa nakikita ko ay nasasaktan ako.

Nagulat ako nang isandal ako ni Ryde sa kanya at tinakpan nya ang mata ko gamit ang dalawa nyang kamay. Hindi ako makakilos. Naramdaman ko ang kanyang mainit na hininga sa aking tainga.

"I know you need my help so yeah. My pleasure, Love." He whispered.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #trapped