Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 40

Kabanata 40: Mine

He was the meaning of a heartless man for me. Lahat ng ipinakita nya sa akin ay ang mga bagay na hindi ko kailanman ginusto. He's been an asshole of my life. Siya ang may kakayanan na sirain ang araw ko kahit na sa simpleng pagtawa lang. Minsan ko na siyang pinandirian. Lahat ng nakita ko tungkol sa kanya ay hindi maganda at 'yon lang ang binigyan pansin ko.

Ngumiti ako bago umupo sa pool. Ibinabad ko ang paa ko sa maligamgam na tubig. Hindi pa man sumisikat ang araw ay gising na ako. Hindi ko tuloy alam kong nakatulog ba talaga ako pero hindi naman ako inaantok. Masiyadong maluwag ang paghinga ko na parang nakalaya ako mula sa pagkakagapos.

In the middle of the night, under the billion stars. I've finally confessed the feelings that I've been struggling to conceal inside of me. I admit to the world; I am in love with him, that my heart is already belong to Ryde Ozix Leibniz.

"Hey, why are you already awake?" Napatingin ako kay Paula na kanina pa pala nakatayo sa tabi ko. Mabilis ko rin na iniwas ang tingin ko.

Hindi ko pa rin matanggap ang ginawa niyang kasinungalingan. Muntik na niyang sirain lahat.

Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at gaya ko ay ibinabad niya rin sa tubig ang kanyang binti.

"Masakit?" Ngumisi ito nang mapadapo sa aking labi ang kanyang tingin.

Mabilis naman na napangiti ako, "Walang masakit sa gawa ng pag-ibig." Sagot ko na ikinangiwi niya. Mabilis din na napawi ang ngiti sa aking labi nang mapagtanto ko kung ano ang sinabi ko.

"Aren't you going to thank me?"

"For what?" Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko maramdaman ang pagkasarkastiko ng pagkakasabi niya roon.

Mahina itong tumawa. "Sabi mo hindi ka pa handang umamin. I did you a favor." Napapikit ako nang maging magulo ang paggalaw niya sa tubig na gumawa pa ng talsik sa mukha ko.

"Thank you then. You almost made things more complicated."

"Am I bad? Lahat ba ng ginawa ko ay masama ang dating sa'yo?" Ngayon ay nag-iba ang tono ng pananalita niya. She seemed disappointed with herself. "Agh! Of course, Paula. Alangan namang matuwa siya sa mga ginawa mo."

Itinikom ko ang bibig ko. Mukhang naiintindihan ko na kung bakit ganito ang mga sinasabi niya.

"Why don't you look at the positive side of what I've done? Come on, Chels. If I didn't provoke you, I don't think you could be brave enough to be true to yourself."

"You could have done that in a nice way."

"I am not nice, sorry. I just hate seeing a girl like me crying because of a damn thing called love. Love is not something you have to take seriously... I mean, just be true to yourself and that's it. Why do you have to make things complicated?"

"Sa'yo na mismo nanggaling. Love is a damn thing that could fuck up everything about you. Minsan, darating tayo sa punto na babaliin natin lahat ng prinsipyo natin sa buhay para sa isang bagay. That's life, Paula."

Ngumiwi ito bago ako inirapan. Huminga ako ng malalim bago inangat ang binti ko mula sa tubig. Mabilis na kumapit do'n ang lamig nang umihip ang hangin.

"Aren't you scared? Darating na si Ate Ereza."

Natigilan ako sa paggalaw. "I don't think I have to be scared. I mean, who the hell is she?" I rolled my eyes. "Ryde is mine. You know that I can be a bitch for the sake of love, Paula. I've learned so much when it comes to this." Ngumiti ako bago nagpatuloy sa pagpasok. Narinig ko pa ang malakas niyang pagtawa.

Ayoko ng sapitin kung ano ang nangyari dati. This time, I'll fight for my happiness. Sawa na akong maging luhaan sa huli at puno ng pagsisisi. He loves me? Oh well, it's only me and I'll make sure of that.

Natigilan ako sa pagpasok nang makasalubong si Ryde. Hawak nito ang isang tasa ng mainit na kape sa kanyang kanan na kamay. Naka-jacket ito na bumabalot sa kanyang katawan. Medyo magulo rin ang kanyang basang buhok, halatang kakagising lang nito.

"G-Good morning," I greeted him. Bumagsak ang kanyang tingin sa labi ko. Nakaramdam ako ng pagkailang nang maalala na naman ang nangyari kagabi.

He just nodded his head. Napanganga ako nang lagpasan niya lang ako.

Mabilis na sinundan ko siya ng tingin. Diretso lang ito sa paglabas at hindi man lang ako nagawang lingunin pa. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi. After he wounded my lips, he just left without any word. Just what the hell is wrong with him?

"Good morning!" Napalingon ako kay Jude. Gaya ni Ryde ay may hawak din itong tasa ng kape sa kanyang kamay. Malawak na nakangiti ito sa akin. "That should be Ryde's answer." Tumawa ito sa kanyang sinabi.

"Anong problema ng kaibigan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Gwapo naman siya kahit konti. Mayaman. Matalino. Wala naman ata siyang problema." Humawak pa ito sa kanyang baba na animo'y nag-iisip pa. "Wala talaga..." Bulong pa nito.

"Ewan ko sa'yo..." Nilagpasan ko na lang siya at dumiretso na sa kanang pasilyo papunta sa kwarto namin.

Masyadong mabigat ang bawat paghakbang na ginagawa ko. Wala akong makitang dahilan kung bakit ganon na lang siya sa akin. He should be happy gaya ko. Maliban na lang kung napagtanto na niyang hindi talaga ako ang ma--- Hindi. Stop over thinking, Chelsea.

Pagkapasok ko sa kwarto namin ay kakatapos lang maligo na Jean. Nagpapatuyo na ito ng buhok sa blower. Pabagsak na humiga ako sa tabi niya. Niyakap ko ang unan ng sobrang higpit.

He ignored me.

"Maligo ka na, Chels. Uuwi na tayo mamaya." Pagpapaalala ni Jean sa akin. "Kamusta na kaya si Led?"

"Tatlong araw pa lang ang nakalipas, Jean. Huwag OA."

"But I already missed him."

"I don't think he feel the same way."

"Ganon? Baka magalit 'yon pag nalaman niyang sinugatan ka sa labi ni Ryde."

Napabangon ako sa kama dahil sa sinabi niya.

"Wala kang sasabihin."

"Miss na ba ako ni Led?" Tanong niyang muli sa akin. Malawak ang ngisi niya habang nakatingin sa labi ko. "Chelsea?"

"Oo." Bulong ko.

"Ano 'yon, Chelsea?"

"Oo! Miss na miss ka na ni Kuya Led! Malamang na nagpagawa na 'yon ng rebulto mo dahil sa pagka-miss niya sa'yo!"

"Good. Madali ka naman palang kausap eh."

Hindi ko na siya pinansin. Kumuha na ako ng damit sa bag ko at kinuha ang nakasampay na towel ko. Mabilis na nahagip ng mata ko ang cellphone ni Paula na nakapatong sa lamesa malapit sa higaan nila ni Fairy.

Napatingin sa akin si Fairy na nag-aayos ng gamit nang lumapit ako ro'n. Tumingin muna ako sa pinto bago kinuha ang phone niya.

"Chelsea, paki-search naman meaning ng privacy sa google. Please." Natatawang sabi ni Fairy.

Hindi ko siya pinansin. Nakailang pindot na ako sa button ngunit ayaw bumukas. Hawak ko lang 'yon habang nag-iisip ng paraan. Kumunot ang noo ko nang mapansin na kakaiba ito. Tinignan ko lahat ng parte no'n bago ko itinapon sa wall.

Napatingin ako kay Paula na kakapasok lang. Napansin niya ang phone niyang nasa sahig na, hindi man lang napano. Napatakip ito sa kanyang bibig at dahan-dahang tumawa ng malakas. Halos maglupasay ito sa sahig dahil sa kakatawa.

Laruan lang ang cellphone na 'yon! Hindi totoo!

Sa sobrang inis ko ay pumasok na ako sa loob ng comfort room. Napasandal na lang ako sa wall sa sobrang inis at the same time ay hiya. Napaniwala niya akong may kausap talaga siya that time! Pagpapanggap lang ang lahat. Hindi ko tuloy alam kung ano ang papaniwalaan ko sa mga sinabi niya.

Agh!

Umpisa pa lang ng araw ay ganito na ang salubong sa akin. Ano pa kaya mamaya?

Matapos kong maligo ay sumunod na si Paula. Nasa kalagitnaan kami ng pag-aayos nang pumasok si Quin. Nakataas ang kilay nito habang bitbit ang isang box. Pabagsak na ibinaba niya iyon sa sahig.

"Kunin nyo na ang phone niyo."

Mabilis naman na nagsilapitan kami roon. Naunang nahanap ni Jean ang phone niya bago sumunod si Fairy. Napatingin ako sa isang phone na umilaw. Nag-init ang mukha ko nang lumitaw do'n ang picture namin ni Blaze. 'Yon ang kuha ni Jean sa amin pagkarating namin dito.

Pagkakuha ko ng phone ko ay umilaw na naman ang isa pang cellphone. Napangiwi ako. Isang sexy na babae ang wallpaper niya. Ipagsasawalang bahala ko na lang sana 'yon nang mahagip ng mata ko ang hawak na papel na babae sa picture. May nakasulat do'n.

"Ryde me, baby."

Pumikit ako bago tumayo. Now, tell me. Hindi ba nag-enjoy si Ryde sa pagpapanggap niya na playboy? No! He is really a playboy! Kunwari pa siyang para sa akin 'yon! May fansign pa talaga siya sa isang sexy na babae na halos wala ng saplot.

Agh! Pero ganon pa man... He is still Ryde. Walang magbaba ro'n. Mahal ko pa rin siya.

Matapos no'n ay lumabas na kami. Nagsisilabasan na rin sa mga kwarto ang iba pa naming kasama. Hirap na hirap ako sa pagbitbit ng mga gamit ko dahil basa ang iba na nasa-plastic lang.

"You need a hand?" Napatingin ako kay Blaze na nagtuturo ng direksyon sa iba.

Umiling ako dahil baka maistorbo ko lang siya.

"You need my hand." Mabilis na kinuha sa akin ni Ryde ang bag ko at nauna na ito sa labas. Tumawa lang si Blaze bago nagpatuloy sa ginagawa niya.

Mabilis na humabol kami kay Ryde. Nauna siyang pumasok sa loob ng bus. Pagkapasok ko ay nadatnan ko siya sa isang pangdalawahang upuan. Nakatingin ito sa labas ng bintana habang yakap-yakap ang bag ko.

Lumapit ako sa kanya, "T-Thanks..." Sinubukan kong kunin ang bag ko ngunit hindi niya ibinigay. Nanatili ang tingin niya sa labas ng bintana habang yakap ang bag ko. "Ryde. Give me my bag."

Halos manlambot ako nang mapatingin siya sa akin. Hinawakan niya ang upuan sa tabi niya at mukhang alam ko na kung bakit. Umupo ako ro'n. Halos hindi ako makahinga nang sumandal siya sa akin.

Ngumuso si Jean na tumabi na lang kay Lyn. Tumango lang sa akin si Lyn.

"Andito na ba lahat?" Tanong ni Quin.

Naghintay ito ng sagot pero wala siyang nakuha.

"Andito na lahat, Queen Quin." Sagot niya sa sarili niya bago umupo sa harapan.

Mayamaya'y umandar na rin ang sasakyan. Napatingin ako kay Ryde na nakatingin sa labas ng bintana. Yakap niya pa rin ang bag ko habang ang sa kanya ay nasa itaas. Kinuha ko na lang ang phone ko at nilagyan ng headset.

Kinuha ni Ryde ang isa at inilagay 'yon sa kanyang tainga. Hindi na lang ako kumibo.

Now Playing: Stolen by Dashboard Confessional

Ipinikit ko ang mata ko. Naramdaman ko ang braso ni Ryde na umakbay sa akin. Hinila niya ako palapit sa kanya at isinandal ang aking ulo sa kanyang balikat. Napangiti ako sa ginawa niya.

Hindi niya kailangang magsalita... Sa simpleng ganito lang niya ay kumakalma na ako. Ngayon ay nawala lahat ng pagdududa sa akin. Hindi niya kailangang sabihin sa akin na mahal niya ako... Nararamdaman ko 'yon.

Napamulagat ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa labi ko. Mabilis na hinawi ko ang kamay niya.

"Does it still hurt?" Malambing niyang tanong sa akin.

Umiling ako. Agh! Nawawalan ako ng hininga sa simpleng ganito niya lang.

"Good. Pwede na siguro ulit..." Nilayo ko ang mukha ko sa kanya nang aktong hahalikan niya ako.

Sobrang init ng mukha ko dahil sa ginawa niya.

Ngumiti ito sa akin. "I'm sorry but can you keep your lips away from me? They are fucking seductive." Nakagat ko ang labi ko dahil sa sinabi niya. "Damn. I can bite it for you, Love. My pleasure." Iniwas niya ang tingin niya.

Hindi ko kayang ilayo masyado ang ulo ko dahil nasa kanya ang isang part ng headset ko.

May kinalkal ito sa kanyang bag.

Humaharap siya sa akin. Hinila niya ang ulo ko palapit sa kanya. Isinuot niya sa akin ang isang face mask na tinatakpan ibabang bahagi ng mukha ko. Muli itong ngumiti bago isinandal ang ulo niya sa akin.

"Should I still court you?" Tanong niya sa akin. Hindi siya nakatingin sa akin dahil nakasandal sa balikat ko ang ulo niya.

"It is a must, Ryde."

"Okay... Love. I wouldn't mind to be your slave."

Hindi ako kumibo.

"You can ride me anytime you want, Love."

"Sir! May naglalandian dito sa harap namin!" sigaw ni Jean.

Natahimik ako.

"I love you, Chelsea. Damn. Finally, I can call you mine, Earth." He whispered.

"Just sleep, Ryde." Namumula na ako sa mga sinasabi niya.

"Okay." Mahina itong tumawa.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #trapped