Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 4

Kabanata 4: Liar

Nanatili kami sa loob ng resto since wala naman gaanong customer. Hindi na rin kumibo si Jean na ngayon ay nakatutok na sa kanyang cellphone. Nag-reply na rin si kuya Led na papunta na raw sila nila mommy at daddy pero mukhang matatagalan pa sila since masyado raw traffic.


"Akala ko ayaw mong sumabay?" Tanong ko kay Jean na nakatutok pa rin sa kanyang cellphone.

Hindi ito kumibo. Kinuha ko na lang muli ang aking cellphone saktong biglang dumating si Blaze. Mabilis na hinanap ng mata ko si Ryde na hindi nya kasama.

Umupo ito sa kaninang pwesto nya. "May pupuntahan pa raw si Ryde." Biglang sinabi nito na parang nabasa nya ang nasa aking isipan.

Tumango na lang ako bago ibinalik sa screen ng cellphone ang aking atensyon. Baka naman may kikitain na naman siyang babae. Sana lang ay huwag nyang makalimutang wala na siyang condom.

Ramdam ko ang titig ni Blaze sa akin kaya hindi ako makapag-focus sa nilalaro ko. Nanginginig ang kamay ko at halos hindi ko magawang ikilos ang mga daliri ko.

Bakit ba sya nakatitig?

"Ah, may sundo ba kayo?" Bigla nyang tanong na bahagya ko pang ikinagulat.

"Y-Yes, papunta na rin si Kuya Led." Sagot ko na hindi man lang sya tinatapunan ng tingin.

Muntik ko nang mabitawan ang aking cellphone. Kahit na anong higpit ng hawak ko ay dumudulas pa rin ito. Nanginginig ako. Ganito pa rin ang epekto sa akin ng lalaking ito.

"You okay?" Tanong nya. Iniwas ko ang aking kamay nang aktong hahawakan nya ito.

Tumikhim ako bago ibinalik sa aking bag ang cellphone. Baka mabasag ko lang ito. Sinulyapan ko si Jean na hanggang ngayon ay nakatutok pa rin sa kanyang cellphone. Ano bang pinagkakaabalahan niya?


"Chelsea?" Tawag ni Blaze.

Kinalma ko ang sarili ko bago humarap kay Blaze. Nag-aalala ang mga mata nito kaya parang gusto ko itong takpan. Nahihirapan ako sa ginagawa at ikinikilos niya.

Natatandaan ko lahat ng sinabi nya sa akin, mga salitang nanakit at patuloy na nananakit sa akin. Mga salitang gusto nyang pumutol sa ugnayan namin dahil sa dahilan na hindi na raw niya ako mahal pero ba't ganon? Ang labo nya.


"Nanginginig ang kamay. Okay ka lang ba?"

Napansin ko nga ang panginginig ng kamay ko kaya ibinaba ko ito sa aking lap para hindi nya makita. "I'm okay, Blaze." Matabang kong sagot.

After all the pain you've given to me, after all those tears I cried every night while whispering your name? "I'm okay." Muli kong sagot.

Huminga ito ng malalim. "I'm sorry." He said.

Kumunot ang noo ko. "Sorry for what? Oh, well. It's nothing. Kalimutan na natin 'yon." Sagot ko.

"I am really sorry."

"I said it's nothing! Bakit ba lumalapit ka pa sa akin? Dahil ba mahal mo pa rin ako? Gusto mong makipagbalikan? Kung wala roon ang sagot mo pakiusap, Blaze, maaari ka ng umalis."

Alam kong nagiging bastos ako pero nahihirapan akong magpanggap sa harap nya. Gusto kong magpanggap na kaya ko pa syang harapin sa kabila ng lahat pero hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang nakikita sya sa harapan ko.

I don't want to look like a pathetic ex-girlfriend crying and begging for him to love me back again. I've done that many times that I lost count. I'm so tired with the same old scene.

Naramdaman kong nangilid ang luha sa aking mata. Shit. Iiyak na naman ako sa harapan nya.

Naramdaman kong hinawakan ni Jean ang aking braso. "Ano ba talaga ang gusto mong mangyari, Blaze?" Tanong nito.

Bahagya kong inangat ang aking mukha para hindi pumatak ang tubig sa aking mata.

Bumuntong hininga si Blaze. Nakita ko ang pasimpleng pagkuyom nya sa kanyang kamao.

"Okay. I won't bother you anymore." Panimula nito. Sumikip ang paghinga ko dahil sa sinabi niya. "In one condition," tumingin ito diretso sa aking mga mata. "Leave Ryde alone. Huwag kang lalapit sa kanya." May diin niyang sabi.


Natawa ako sa sinabi niya. "Why? Are you jealous, Blaze?" Pabiro kong tanong.

Nanumbalik ang mga sinabi sa akin kanina ni Jean.

Tumayo na si Blaze at inayos ang kanyang relos. "Para akong tanga hindi ba?" Nagulat ako sa sinabi niya. Ngumisi ito. "I'm a liar, Chelsea." Ang mga katagang binitawan nya bago kami iniwan.

Natulala ako. Wala akong maintindihan sa sinabi nya. Para iyong palaisipan. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa sobrang lakas ng pintig nito. Blaze Abelard... You jerk. Ginugulo mo na naman ako.

Naramdaman kong niyugyog ako ni Jean kaya napatingin ako sa kanya. "He's really jealous!" Mahinang tumili ito.

"Shut up, Jean."

Hinarap nya ako sa kanya. "Ano ba ang sinabi niya sa'yo?" Tanong niya sa akin.

Naguluhan ako sa tanong niya. "Ano bang sinasabi mo?" Tanong ko pabalik.

Kinakabahan ako sa ngisi niya. Para siyang may binabalak na masama.

"Ang gwapo ni Blaze lalo na kapag seryoso." Humalakhak ito.

Ngumiwi ako. Baliw talaga ang isang ito. "Seryoso naman. Ano ba ang ibig mong sabihin?" Tanong ko.

Ngumisi itong muli. "Bakit siya nakipaghiwalay sa'yo?" Tanong niya.

"H-Hindi na nya ako mahal."

"Oh shit! It was a lie!"

"What?"

"He said he is a liar. Tanga ka ba? Isipin mo kasing mabuti." Napanganga ako nang maintindihan ang sinasabi niya. "Just be thankful you have 'Jean "The Gorgeous" Remez' in your life." Kumindat pa ito sa akin.


Umayos ako ng upo. Sumandal sa akin si Jean. "What do you think, Ms. Chelsea Vellarde?" Tanong pa nito.

Akala ko si Blaze ang gugulo sa akin. Hindi ko inakalang ang babaeng nasa tabi ko pa ang mas malala. Hindi ko maintindihan kung bakit nya pa kailangang sabihin sa akin 'yon.


Maya-maya ay may nakita kaming sasakyan sa labas ng resto. Nakababa ang mga bintana kaya mabilis na nakita ko si mommy na kumakaway pa sa akin.

Tatayo pa lang ako, nasa labas na si Jean. Kakaiba talaga ang isang 'to.

Nagmano ito kina mommy at daddy habang ako ay yumakap at humalik sa kanila.

"Mas lalo kang gumanda, Jean." Puri sa kanya ni mommy.

"Maliit na bagay Tita Sandra." Napanganga ako nang bahagya nya pang pinalo ang braso ni mommy.

Nasa likod kami nila mommy at Jean habang si daddy ay nasa tabi ni Kuya Led na nagda-drive.

Nakita ko ang nanlilisik na mata ni Kuya sa rear-view mirror. Napalunok ako kaya umiwas ako ng tingin. Anong problema ng isang ito?

Napatingin ako kay Jean na nakatingin kay kuya. "Daan muna tayo kina Jean. Para hindi na sya maglakad." Sabi ni daddy.

"Hindi na, dad---Tito Rich. Doon na muna ako sa bahay nat---nyo."

Tumawa si mommy habang ako ay nandidiri sa sinabi niya. Really, Jean? Hindi ko masasabing mahal mo na si Kuya Led dahil malamang na naga-gwapuhan ka lang sa kanya. Maging kina Ryde at Blaze ay ganito. Paano kaya kapag nagmahal ang isang ito? Para tuloy ako ang nae-excite.


Nagkwentuhan sina mommy at Jean habang ako ay nakatingin lang sa labas. Iniiwasan ko ring mapatingin sa harap dahil nakakasalubong ko ang masamang titig ni kuya. Parang may nagawa akong hindi maganda.

Sinalubong kami nila manang at tito Raul. Dumiretso sa kwarto sina kuya at daddy habang sina manang at mommy ay nag-uusap sa kusina para sa gagawing celebration bukas. Siguradong mga business partner nila ang karamihan sa dadalo.

Tumingin ako kay Jean na nakatutok na naman sa kanyang cellphone. Hindi ko napigilang sumulyap dito.

"I want to meet you soon." Basa ko sa message.

Mabilis na inilayo sa akin ni Jean ang kanyang cellphone. "Privacy, Chelsea. Alam mo ba 'yon?" Inikutan nya ako ng mata.

"Sino ba 'yang ka-text mo?" I asked.


"Dunno. Bigla na lang nag-text at gusto nyang magkita kami. I think, gwapo ito."

Hinarap ko ang kaibigan ko dahil mukhang maluwang na ang tornilyo nya sa kanyang ulo. "Hindi ka makikipagkita sa taong naka-text mo lang. Hindi mo ba nababalitaan ang mga ganito?" Nag-aalala kong tanong.

Alam kong ganito talaga ang kaibigan ko at medyo nag-aalala ako sa kanya.

Napatingin ako kay Kuya na umupo sa tabi ko. Binuksan nito ang t.v at nilakasan ang volume no'n. Napanganga ako nang makita ang nasa t.v.

Ipinapakita sa balita ang nangyari sa isang babaeng nakipagkita sa isang ka-text mate nito na hindi nya kilala. Kinabukasan ay natagpuan na lang syang walang buhay at nakahubad.

Napatingin ako kay kuya Led na seryosong nakatingin sa t.v. Tumingin din ako kay Jean na halatang natakot sa balita. Tumingin akong muli sa screen. Imposibleng coincidence lang ang lahat.


Iginala ko ang mata ko sa screen. Napangisi ako nang makita ang naka flash na date sa gilid. Medyo maliit lang 'yon kaya hindi gaanong napapansin. 2010 pa ang balitang 'yon at malamang na recorded na lang.

"Oh god. Nakakatakot." Bulong ni Jean.

Tumingin ako kay Kuya Led. Nakita ko ang pasimpleng pagngisi nito bago tumingin sa akin.

"Huwag na huwag kang makikipagkita sa taong hindi mo kilala, Chelsea. Kung makikipagkita ka, sabihin mo sa akin." Biglang tumagos sa likod ko ang kanyang tingin. "Sasamahan kita at ako mismo ang papatay sa kanya." Ang huling mga salitang binitawan nito bago kani iniwan.


Naka-connect sa kwarto ni Kuya Led ang t.v namin kaya malamang na ginawan nya ito ng paraan.

Napatingin ako sa screen ng cellphone ni Jean. Nakita ko kung paano nya binura ang conversation nila. Matapos niyang gawin 'yon ay binato nya sa kabilang sofa ang kanyang cellphone.

"Ayoko na. Hindi na ako makikipagkita sa kanya." Niyakap nya ang aking braso. "Feeling ko mas gwapo pa ang asawa ko sa kanya." Sabi pa nito.

Napatingin ako sa kwarto ni kuya Led nang marinig ko ang kanyang halakhak.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #trapped