Kabanata 39
Kabanata 39: You are
"You heard it right, guys. She's still in love with Blaze!"
Sa sobrang gulat ko ay hindi ko nagawang ibuka ang bibig ko para dipensahan ang sarili ko. Gusto kong itama ang kasinungalingan nya ngunit natutop ako sa kinauupuan ko. Wala akong nagawa kundi ang tumulala kay Ryde na nakatalikod sa akin. Nagpupunas ito ng kanyang buhok, masyadong mabigat ang kilos niya.
"Ikaw, ah? Akala ko naka-move on ka na,"
"Hindi naman na nakakagulat ang ibinalita mo. Matagal na siyang in-love kay Blaze."
"Akala ko pa naman kung ano. Dati pa naman patay na patay si Chelsea kay Blaze."
Naiingayan ako sa kanila... Nabibingi ako. Gusto kong takpan ang tainga ko. Ramdam kong hinawakan ni Jean ang aking balikat. May ibinulong siya ngunit hindi ko gaanong narinig iyon.
Huminto sa pagpunas si Ryde sa kanyang buhok ngunit nanatili siyang nakatalikod sa akin. Itinapon niya sa malayo ang towel na ginamit niya at bumagsak 'yon sa tubig. Nagsimula itong maglakad palayo.
"Oh? Ano ng nangyayari rito?" Tanong ng kararating lang na si Blaze. May dala itong tray na may cookies.
Tumayo si Jean. Hinawakan ko ang braso niya ng aktong susugod siya kay Paula. "Liar! Itchy bitchy ugly witch!" Sinubukan niyang kumawala sa pagkakahawak ko ngunit hindi ko siya hinayaan.
"What?" Natatawang sabi ni Paula. "Tama naman ako, 'di ba? Mahal pa rin ni Chelsea si Blaze! Narinig kong isinigaw niya 'yon kagabi!"
Nakita kong umawang ang bibig ni Blaze. Kinuha ng iba ang tray na hawak niya at inumpisahan ng kainin ang pagkain do'n. Kumunot ang niya habang nakatingin sa akin.
"Pagkauwi mo sa inyo, ipa-check up mo 'yang tainga mo, ah?" Nakangising sabi sa kanya ni Jean. "O kaya 'yang utak mo na lang. Baka naalog dahil sa kakalangoy mo."
Umawang ang bibig ni Paula para sana magbato pa ng salita ngunit natigilan din ito nang dumating ang isang prof. Mabilis na humiwalay sa amin ang iba na nagkunwaring hindi kami kasama.
"Umahon na kayo riyan! Magbanlaw na kayo. Nakahanda na ang hapunan." Pagpapaalala nito. Mabilis na nasiahunan ang lahat. Napatingin sa amin ang prof namin kaya mabilis kong iniiwas ang tingin ko. "Pumasok na kayo." Ang huling sinabi niya bago kami tinalikuran at nauna na roon.
Sumunod na sa kanya ang iba.
"Is it true?" Nagulat ako sa tanong ni Jude.
"Where's Ryde?" Tanong naman ni Blaze sa kanya.
Nagkibit-balikat lang si Jude. "Baka naglalabas ng sama ng loob? Sakit? Andyan lang 'yon." Mahina itong tumawa.
Napatingin ako kay Paula. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin bago ako tinalikuran at sumunod na rin sa iba.
Hindi ako nakatiis. Binitawan ko ang pagkakawak ng kamay ko sa braso ni Jean at nag-umpisang sundan kung saan pumunta si Ryde. Narinig kong tinawag ni Jean ang pangalan ko ngunit hindi ko na 'yon pinansin.
Nagsisimula na ring dumilim.
Gusto kong linisin ang pangalan ko sa kanya. Gusto kong malaman niya ang mga dapat ay alam niya. Wala akong pakialam kung ano man ang isipin niya dahil ang mahalaga ngayon ay maging totoo ako sa sarili ko.
Huminto ako para luminga-linga sa paligid. Papunta na ito sa likod ng resort kung saan hindi na gaanong naabutan ng liwanag. Nag-umpisa na ring tumaas ang mga damo na kanina ay maliit lang.
"Ryde!" Sinubukan kong isigaw ang pangalan nya at umasang may sasagot ngunit wala. Naglakad pa ako ng konti. "Leibniz!"
Muntik na akong madapa dahil hindi ko napansin ang maliit na batong nakausli sa daan. Ngumiwi ako dahil baka mapunta na ako sa pinaka dulo ay hindi ko pa rin siya makita. Imposible naman na pumasok na siya sa loob.
"Love!" Sigaw ko.
Napahinto ako nang makita na ang mga pinakadulo ng resort. Ang mga matutulis na wire ang nakaharang do'n tanda na hanggang doon lang ang pwedeng mapuntahan. Hindi naman siguro siya lalabas dito dahil isa 'yon sa patakaran.
"Ryde Ozix Leibniz? Where on earth are you?!"
Tanging echo lang mula sa akin ang sumagot pabalik. Medyo madilim na rin at hindi ko pa rin siya mahanap. Napansin ko ang isang parte ng harang na mukhang nagalaw dahil bumaba ang parting 'yon.
Talagang lumabas siya?
Lumapit ako roon at maingat na tumawid. Kinabahan ako nang naging magalaw 'yon. Sumabit ang isang paa ko at mabilis na nagalusan. Galos lang ngunit mabilis na kumawala rin ang malapot na dugo roon. Ipinikit ko ang mata ko at sinubukang tiisin ang hapdi. Iniwas ko ang tingin ko dahil ayokong makakita ng dugo.
Tumayo ako at pinilit na huwag tignan ang binti ko.
Napahinto ako nang mapansin na lumalayo na ako. Masyado na ring mataas ang mga puno rito at konting lakad ko na lang ay maaring maligaw na ako.
"R-Ryde..." Ang sana'y sigaw ay naging isang bulong. Bumara ang lalamunan ko nang maramdaman na nagsimula na namang magtubig ang mata ko. "Ryde!" Sigaw ko. Umasa akong may sasagot ngunit wala... Wala akong nakuhang sagot.
Nanatili akong tahimik habang naghihintay ng sagot mula sa kanya. Mapait na napangiti na lang ako bago tumalikod. Nag-umpisa na akong bumalik. Napangiwi ako nang maramdaman na naman ang hapdi sa aking binti.
"Chelsea!" Napatingin ako sa hindi kalayuan. Nasilaw ako sa hawak niyang flash light. "Come here..." Wika ni Blaze sa akin. Lumapit ako sa harang na wire. Ibinaba niya ang flash light na hawak niya at binuhat ako para itawid doon.
Napaupo ako sa damo matapos kong makatawid. Kinuha ni Blaze sa kanyang bulsa ang isang panyo at tinapalan no'n ang binti ko. Parang nawala ang mga luhang kanina ay nagbabadyang bumagsak.
"S-Si Ryde?" Tanong ko sa kanya.
Natigilan ito sa pagtali sa binti ko. Umangat ang tingin niya sa akin. "K-Kakalabas nya lang din galing dito kani-kanina. Hindi kayo nagkita?" Naguguluhang tanong niya sa akin.
Hindi na ako nakasagot. Mukhang hindi rin sang-ayon ang tadhana sa akin... Sa amin. Matapos no'n ay pinasan niya ako sa kanyang balikat. Pagod na isinandal ko ang katawan ko sa likod niya.
"Mahapdi pa?" Tanong sa akin ni Blaze.
"Ang gulo mo Blaze," Hindi ko napigilan ang sarili ko. "Sabi mo ay wala kang nararamdaman sa akin. Bakit mo pa ito kailangang gawin? Hindi na kita mahal ngunit hindi ibig sabihin no'n na wala na lahat ng nararamdaman ko para sa'yo."
Kumunot ang noo ko nang mapansin na huminto siya sa paglalakad.
"May problema ba?" Tanong ko. "Teka. Ibaba mo na ako. Baka pagod ka na." Sinubukan kong bumaba ngunit mas humigpit ang kapit niya sa likod ko.
Ramdam kong mas humigpit pa 'yon.
"Blaz---"
"Ssshhh," Mahinang tumawa ito. "Hayaan mong magpakatotoo ako sa sarili ko kahit lang sa ilang segundo." Bulong niya.
Natahimik ako.
"You deserve him, Chelsea. 'Yon ang itinatak ko sa isipan ko bago kita sinaktan. Ang daya mo... Masyado atang malakas ang tama mo kaya maging ganito rin ako sa'yo." Muli itong tumawa. "Pero gusto ko lang malaman mo..." Naging mabigat ang paghinga nito. "Lahat ng sakit na naramdaman mo... Doble ang dating no'n sa akin."
Napangiti ako.
"Nung itinutulak kita, nais kang yakapin ng puso ko."
Mukhang alam ko na kung saan ito patungo. Masaya ako na malaman ang mga sinasabi niya.
"Minahal kita... Mamahalin pa rin kita sa malayo. Patawad."
Napatingin kami sa isang lalaking tumatakbo. Kumalabog ang dibdib ko habang palapit ito nang palapit sa amin. Huminto ito ilang metro mula sa amin. Ang kaninang nag-aalalang mata niya ay biglang nawalan ng gana.
Gusto kong tumawa kasi iba na naman ang pagkakaintindi niya sa nakikita niya.
"I don't find this place romantic at all... You could have a room with full of candles and petals of roses, Blaze. Chelsea doesn't deserve a date in a place like this."
Oh god. I love it... He's jealous and I fucking love it.
"I can't do it. Why don't you do it for her instead?"
"I fucking want to but the hell this girl is into you... Even if the place is romantic but the girl you bring there doesn't feel anything for you... It's totally useless."
Kumalas ako sa likod ni Blaze. Nagsimula akong lumapit kay Ryde. Kumunot ang noo nito. Sobrang lakas ng kabog sa dibdib ko. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko ngunit hinihingal na ako.
"Romantic places are useless if the girl only wants to be with you... If she really loves you, just you beside her is enough... It's the most romantic place in the world." Nakangiting sabi ko.
Mabilis na inalalayan niya ako nang muntik na akong matumba. Para akong batang nag-uumpisa pa lang maglakad at naghahanap ng gabay.
"Beside you is the most romantic place in the world..." Kumawala ang tubig sa aking mata. "Take me with you... Own me, Love." I whispered.
Umawang ang bibig ni Ryde.
"I don't understand you... But fuck. Pinapakilig mo ako."
"If Earth is the meaning of love for you... I want to your Earth."
"You are confusing me. Please, sum it up in three words."
"I love you..." I whispered.
Napapikit ako nang angkinin niya ang labi ko. Naramdaman ko ang mainit niyang katawan na bumalot sa akin. Naging magalaw ang kanyang kamay na agad na umakyat sa batok ko para idiin pa ang labi ko sa kanya.
Umawang ang bibig ko nang kagatin niya ang labi ko.
Ugh! Sinugatan na naman niya ang labi ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro