Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 38

Kabanata 38: In Love

I was stunned for a moment. Ang kaninang nakangising labi niya ay napalitan ng pandidiri. She heard everything and I know I am doomed. Ayokong may makalaam ng kung sino tungkol dito at kung malalaman man nila ay gusto ko sa akin mismo manggagaling.

"You are in love with him..." Mahina siyang tumawa. "You are in love with Ryde."

"And you're not going to tell anyone about this..." Sinubukan kong bigyan ng diin ang mga sinabi ko para kahit papaano ay masindak siya ngunit kabaliktaran ang naging reaksyon niya.

Malakas na tumawa ito. Sa lahat ng makakarinig sa akin... Ba't siya pa? It would be better kung si Ryde na talaga ang nakarinig sa akin para hindi na ako mataranta ng ganito.

Tumalikod na ito sa akin at nagsimulang maglakad pabalik. Hinabol ko siya. Hinawakan ko ang kamay niya at dahil ang napanghawak ko ay ang braso kong nasaktan kanina dahil sa pagtulak sa akin ni Blaze ay nabitawan ko rin ito. Ngumiwi ako nang manumbalik ang hapdi mula rito.

"Paula Reloz! Don't you dare..."

Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa akin. Umangat ang isang kilay nito. "Ako na ang magsasabi ng mga bagay na hindi mo masabi. You have to thank me for this." She smiled devilishly.

Sinubukan kong humabol pero tumakbo siya. Tumakbo rin ako pero hindi naging sapat 'yon para mahabol ko siya. Mas lalong lumaki ang pangamba sa dibdib ko. Unti-unting bumabagal ang takbo ko hanggang sa naglakad na lang ako. Hindi ko maiwasang mataranta.

Paano kung malaman niya? Walang masama dahil totoo naman 'yon. Pero ang gusto ko ay sa akin mismo magmula ang mga 'yon.

Pagkabalik ko sa loob ay naabutan ko ang mga kasama namin sa malawak na terasa. May hawak na gitara ang isa sa kanila at kumakanta naman ang iba. Mabilis na hinanap ng mata ko si Paula ngunit si Jean lang ang sumalubong sa akin.

"Saan ka galing? Hindi ka gutom?" Paunang tanong ni Jean. Umiling ako habang ginagala ang tingin ko.

"Si Paula?" Tanong ko sa kanya.

Naguguluhang tumingin naman sa akin si Jean. "Ano na naman ang ginawa ng babaeng 'yon?" Nag-iba agad ang mood niya nang marinig ang pangalan na 'yon.

"Are you looking for me?" Biglang lumabas si Paula.

Nakataas ang dalawa niyang kilay habang may hawak na dalawang stick ng marshmallow. Inabot niya ang isa sa akin. Tinanggap ko 'yon na mahina niyang ikinatawa.

"Why did you do to her? Ugly witch!" I stopped Jean from attacking Paula. She gave me a confused look. "What?" Naguguluhan na talaga siya sa ikinikilos ko.

Kumapit sa braso ko si Paula. Gusto ko mang alisin ang pagkakalingkis niya sa akin ay hindi ko magawa. She's starting to blackmail me... I know. I have to be careful. Kailangan ko na ring maging mabilis na umamin kay Ryde para hindi na niya iyon magamit laban sa akin.

"We are already friends, Miss Jean Dion Remez. You have a problem with that?"

Ang akala ko ay magagalit si Jean ngunit kabaliktaran no'n ang naging reaksyon niya. She smiled, "But I am the best among her friends. I know her darkest secret..." Ngumisi ito sa amin.

Kumunot ang noo ko.

"I know her secret too..." ganti ni Paula.

Mabuti na lang at maingay ang mga kasama namin na kumakanta at nagtatawanan para marinig at mapansin na nagkakainitan na kami rito.

"Secret? That she's already in love with Ryde?" Natigilan sa pagtawa si Paula dahil sa sinabi ni Jean. Maging ako ay bahagyang nagulat. "Bago mo pa malaman... Bago niya pa malaman..." Tukoy niya sa akin. "Alam ko na. Well, I am her bestfriend anyway." Mahinang tumawa si Jean.

Pinakawalan ni Paula ang aking braso.

"Alam mo na rin pala... Dapat ay malaman na rin ng lahat ito."

Hindi pa man nakakapaglakad si Paula ay mabilis na nalapitan siya ni Jean.

"You know that I will do anything just to protect my bestfriend..." Hinila siya ni Jean papunta sa madilim na lugar kaya mabilis akong sumunod. Kinakabahan ako sa maaring mangyari.

Binitawan niya ang braso ni Paula nang mapuntahan na namin ang lugar kung saan walang makakarinig kahit na magsigawan kami. Hindi naman masyadong madilim dito dahil sa ilaw mula sa nagkalat na lamp post at liwanag mula sa buwan.

"Protection?" May halong panunuyang tanong sa akin ni Paula. "Are you that vulnerable? Can't you protect yourself?" She mocked me. "How pathetic..."

"She doesn't need protection but I am still willing to protect her... Why? Are you jealous? Wala bang gustong magprotekta sa'yo? You can rent me, girl." Mahinang tumawa si Jean.

"I am not that vulnerable just like your friend. What is so scary on confessing your feelings for someone?"

"I-It's not that easy..." Hindi gano'n kadaling umamin ng nararamdaman.

"It is easier than pretending..."

Tumawa si Jean, "I won't stop you now, Paula." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "She's right, Chelsea. When do you plan to confess? When everything is already over? Remember that regrets always happen at the end."

Natikom ang bibig ko. Ang akala ko ay makakahinga ako ng maluwag dahil sa retreat na ito pero mas sumikip ang mundo ko. Mas naging mahirap sa akin lahat. Parang mas napabilis ang lahat ng bagay na dapat ay dahan-dahan lang na nangyayari.

"I said it is not that easy... Ako ang unang nagtulak sa kanya palayo! I already rejected him! I still need time! Please..."

Sariwa pa sa alaala ko ang mga nangyari no'ng gabing 'yon. Kung paano siya umiyak sa harapan ko at humingi ng pagkakataon... Kung paano niya ako inalok ng tulong para gamitin siya. Lahat ng iyon ay tinaggihan ko. Nasaktan ko siya at ngayong nagdesisyon na syang layuan ako... Ako na naman ang naghahabol.

"He's still mad at me. Alam kong hindi rin sya maniniwala 'pag sinabi ko 'yon sa kanya. Baka nga isipin nya na naaawa lang ako sa kanya." Pinigilan ko ang pagpatak ng luha sa mata ko.

"Girls! What are you doing there?" Sigaw ng prof namin. "Pumasok na kayo. Gabi na!" Sigaw niya pa.

"It is not easy but he deserves to know the truth. He's worth the risk and just for once... Don't hurt him. Nasaksihan ko kung paano siya nasaktan when she gave up Ate Ereza for the sake of his friend... Blaze."

Nagulat ako sa sinabi niya. Ngumiti siya sa akin bago naglakad pabalik. Naiwan kaming dalawa ni Jean na tulala. Hindi ko pa rin lubos maisip na ang tinutukoy ni Blaze na babae ay ang ate ni Paula... Ereza.

Nagpalipas lang kami ng ilang sandali roon bago sumunod. Iilan na lang ang nadatnan namin sa terasa, malamang na pumasok na rin ang lahat. Pagkapasok namin sa kwarto ay tumambad sa amin si Fairy na tulog na.

"Bakit may cell phone ka pa ring hawak?" Tanong ni Jean kay Paula. Hindi siya nito pinansin, patuloy pa rin ito sa pagkalikot doon. "'Yong akin nga kinuha tapos sa'yo hindi?"

"Kinuha nila 'yong isa ko... I have another phone." Itinapat niya sa kanyang tainga ang kanyang cell phone. "Hello?" Tawag niya sa kabilang linya.

Dumiretso ako sa mga gamit ko at kumuha ng maisusuot.

"So, are you really coming back?" Dinig kong tanong niya sa kabilang linya.

"Lower your voice, natutulog na ako..." Angal ni Fairy bago tinakpan ang tainga niya ng unan.

Matapos kong kumuha ng damit ay kinuha ko na rin ang nakasampay kong tuwalya. Masyadong malagkit ang katawan ko dahil na rin sa pagod. Ramdam ko na rin ang mabibigat na talukap ng mata ko.

"Really?! I can't wait! See you soon, Ate Ereza. Mr. Leibniz is waiting for you..." Natigilan ako sa pagpihit ng pinto. Damn... Love. Damn.

Nanatili akong nakatalikod sa kanila.

"Unfortunately, he's already in love with someone else." Paula chuckled. Hindi ko alam kung sinasadya nya ba talagang lakasan ang kanyang boses para marinig ko ang usapan nila. "But who knows? You were his first and first love never dies."

Ngumisi ako bago tuluyang pumasok sa loob ng comfort room.

Kinabukasan ay halos maghapon kaming naglaro. Bukas na kami uuwi kaya sinulit na rin namin ang huling araw ng pamamalagi namin sa lugar na ito. Matapos kumain ay nagbabad na ang halos sa amin sa mga pool.

Nanatili akong nakaupo malayo sa pool at pinapanuod lang sila. Kumaway sa akin si Jean na kasama sina Blaze.

Sinamaan ko ng tingin si Jude nang pagpagin nya ang kanyang basang kamay sa harapan ko. Tumawa ito bago tumabi sa akin. Umatras ako ng konti palayo sa kanya dahil basa siya.

"Do'n ka na nga!"

"Mas maganda naman ang view mo 'pag andito na ako." Pinasadahan nya ng kanyang kamay ang kanyang hubad na katawan. Ngumiwi ako bago siya inirapan.

"Kadiri." Bulong ko.

"Oo nga pala." Biglang nagseryoso ito. "Kailan nga pala kayo papasyal sa bahay? Hinihintay kayo ni Irene eh."

"Bakit ba kasi hindi mo na lang syang hayaan na pumunta sa amin?" Tanong ko sa kanya.

Para kasing ikinukulong niya ito sa bahay. Mabibilang lang din sa daliri ang paglabas niya at madalas pa niya itong pagalitan 'pag ginagawa niya 'yon. Masyado na niyang sinasakal ang kanyang kapatid.

"Bawal siyang mapagod."

Kumunot ang noo ko, "Bakit?"

"Basta! Punta kayo, ah? Baka kasi bumalik na rin siya sa ibang bansa eh."

Mabilis na tumakbo ito palayo at sumisid sa pool. Pakiramdam ko ay may itinatago pa siyang iba sa amin. Ayoko namang siyang pakialaman at alam ko naman na lahat ng ginagawa niya ay para rin sa ikakabuti ng kanyang kapatid.

Napatayo ako nang makitang itinulak ng isang lalaki si Jean. Napasandal ito sa dulo ng pool na bato. Mabilis na lumapit ako sa kanila at kahit na ayokong maligo ay napasuong ako sa tubig.

"Hoy! Babae 'yan!" Itinulak ko si Jux palayo kay Jean.

Hindi na nagsalita si Jean na halatang nagulat di'n sa ginawa ni Jux sa kanya.

Napatingin sa amin si Ryde ngunit hindi ko 'yon mabigyan pansin.

"Sinampal niya ako!" sigaw niya sa akin.

"Because you hugged me, idiot!" Sigaw naman pabalik ni Jean.

Napatingin ako sa braso ni Jean na hawak niya. Mabilis na napansin ko ang pamumula no'n. Napailing na lang ako.

"Jux... Listen." Gusto ko siyang sampalin pero ayoko ng palakihin ang gulong ito. "Iwasan mong malaman ni Kuya Led ang ginawa mong ito." Ngumiti ako sa kanya bago hinila si Jean paahon sa tubig.

Umupo kami sa bato.

"Ayos ka lang?" Tanong ko kay Jean. Hindi ito kumibo kaya napailing na lang ako. Nalingat lang ako sandal ay nagkaganito na.

"Sorry..." Napatingin ako kay Jux. Hindi ko namalayan na nasa harapan namin siya.

Kumunot ang noo ko, "Ba't sa akin ka nagso-sorry?" Tanong ko. "Hindi ba dapat kay Jean?"

Narinig ko ang paghalakhak ni Jude na katabi si Ryde. Masama ang tingin niya kay Jux na mukhang natataranta na. "Basta, sorry. Psh. Diyan na nga kayo." Dumiretso na ito papasok sa loob.

Mabilis na umiwas din ng tingin si Ryde habang si Jude naman ay nag-thumbs up. Ngumuso ako dahil pinagtatawanan nya kami sa kadahilanang siya lang ang nakakaalam.

"Ang hapdi..." Ngumuso si Jean.

"Okay ka na?" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Paula. "Buti 'di ka napaos sa kakasigaw kagabi?" Humalakhak ito.

Nanatili akong tahimik. Masama ang kutob ko.

"Chelsea is in love!" sigaw ni Paula. Napatingin sa amin lahat. Mabilis na napunta sa akin ang panunukso nila. Napalunok ako nang mapatingin na naman sa amin si Ryde. Umahon ito sa tubig at inabot ang kanyang tuwalya.

"Sino 'yan, ah?" Panunukso ng isang lalaki sa akin.

"Ganito kasi 'yan..." Mabilis na umakyat sa dibdib ko ang kaba. "Sinundan ko kagabi si Chelsea. Narinig ko lahat ng isinigaw niya. Sabi niya ay in love raw siya... Isinigaw niya kung gaano niya kamahal si hmmm." Tumawa ito sa pambibitin niya.

"Kanino?" Tanong ni Jude.

"She's in love with Blaze Abelard!" Sigaw ni Paula.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #trapped