Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 37

Kabanata 37: Trapped

Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko matapos niyang sabihin 'yon. Why do I have to feel this? This is no longer new to me but it still scares me. "Shit..." I cursed under my breath.

"Why are you still here? Come on, Chelsea. Alam kong kanina mo pa gustong lumayo sa akin." Ngumisi ito. Mabilis na nawala ang porma sa kanyang labi nang hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko.

Ngayon ko lang aaminin sa sarili ko ito... Nasasaktan ako.

Hinawakan ni Blaze ang balikat ni Ryde pero mabilis nya rin itong hinawi. Bumali ang leeg ni Blaze dahil doon.

"Pwede mong sabihin sa akin na ayaw mo akong makasama. Hindi mo naman kailangang gumawa ng dahilan."

Umawang ang bibig ko, "H-Hindi kita maintindihan..." Kung ang iniisip nya ay ginawa ko lang dahilan ang sakit ng puson ko para makalayo sa kanya ay hindi ko maintindihan. Bakit ganito siya mag-isip? Parang nawala ang sakit ng puson ko dahil sa nangyayari.

Narinig ko ang pagpapatunog nya sa kanyang dila habang ginugulo ang kanyang buhok. Bumigat muli ang mga paghinga ko. The oxygen in this place is not enough to supply my needs. Yes, he's getting into my nerves... down into my heart. Damn it!

"You can't understand me? Oh well, Blaze is here. Probably because of him. Siya naman lagi ang dahilan mo."

"Ryde... Amoy alak ka. Are you drunk?" Blaze asked him.

Hindi sumagot si Ryde. Nanatili sa akin ang nanlilisik nyang mata. Gusto kong iiwas ang tingin ko dahil nasasaktan akong ang tingin nya sa akin ay nagpapahiwatig ng pandidiri. Why is he even mad at me?

"Why the hell are you still fucking here?!" Napaatras ako sa gulat. Mabilis na hindi ko na-control ang sarili ko. Bumagsak ako sa lupa at naramdaman kong gumapang ang hapdi sa aking braso nang ragasain nito ang mga damo. Hindi naman ako nasugat pero mahapdi.

Umawang ang bibig ko dahil doon.

"Fuck it! Stop shouting at her!" Itinulak ni Blaze si Ryde palayo sa akin.

Mabilis na lumuhod ito sa akin at dinaluhan ako. Ang hapdi sa braso ko ay mabilis na naibsan.

"This is such a heart-breaking scene... Don't tell me the scene next to this is kissing?" His lips formed a smirk.

Tumayo ako at hindi pinansin ang nakahandang kamay ni Blaze. I can stand up by myself... I do not need anyone. Ayokong kaawaan nila ako.

"Or maybe a bed scene?"

Isang hakbang ang ginawa ko kasabay ng pagpula ng kanyang pisngi. Mabilis na ibinaba ko ang palad ko matapos kong gawaran ng hapdi ang kanyang pisngi.

"Hindi ka pa rin nagbabago... Nakakadiri ka pa rin."

Bumali ang leeg niya dahil sa sinabi ko, "That hurts more than that slap." Humakbang ito ng isang beses palapit sa akin at inilapit ang kanyang mukha sa akin. "Isa pa nga, baka sakaling mas masakit na ang kasunod kesa sa mga sinabi mo."

Umapaw ang galit ko sa kanya.

"You used to be a heart-breaker. Ngayon alam mo na ang pakiramdam nila 'pag ginagawa mo 'yon sa kanila?" Hindi ko gustong ipamukha sa kanya 'yon... He pushed me on my limit.

Kumunot ang noo niya, "It's because of you..." Namaos ang kanyang boses. Kumirot ang dibdib ko. "Kailangan kong ipakita kay Blaze na hindi ako nasasaktan para tigilan ka na niya." Mapait na ngumiti ito. He pressed the bridge of his nose. "Masama bang maghangad ako ng mabuti para sa'yo?"

'Yon ang tuluyang nagpatikom sa bibig ko. Kinagat ko ang labi ko... Why am I even smiling?

"I became a person I never wanted to be because of you. I can play their hearts... But damn. Love, you own me... I am all yours."

"Shut up..." I whispered.

Unti-unting nabubuo ang magkakahiwalay na piraso ng ideya... Hindi pa man ito tuluyang buo ay may hinuha na ako kung ano ito.

"I love you but that doesn't mean I can't live without you..." Those words made my heart skipped a beat. I am scared... No, please. "Do me a favor..." Inilapit nya ang mukha nya sa akin. "Stay away and let me forget you..."

I was stuck for a moment... "I am selfish, Ryde! I won't do you a favor!" I yelled at him.

Kumunot ang noo niya at sumabay ang mapanuri niyang mata, "You are making this harder for me, Love." He chuckled.

Napatingin ako kay Blaze na nakayuko lang. Pinaglalaruan nito sa kanyang paa ang maliit na bato.

"Don't use to me those words you also used to other girls! I am selfish... What mine is only mine."

"Fuck! Fuck it! Why did you have to say that?" He bit his lower lip. Nakita ko ang pagsilip ng ngiti sa kanyang labi. "I am fucking in love with you, Chelsea Eras Vellarde!" He screamed.

I was stunned for a moment. Pakiramdam ko ay nasusunog ako sa apoy at kahit na malapit lang ang tubig ay ayokong mapaula ito. Konting piraso na lang ang kailangan ko para makupirma ito. Ayokong magkamali sa pagkakataong ito.

"Y-You are just drunk..." 'Yon ang tanging lumabas sa bibig ko.

"Mas nalalasing ako sa'yo... Lakas ng tama mo sa akin."

"Stop!"

Malakas na tumawa ito. Ang tawa na 'yon ay bumalot sa buong paligid. Ilang minuto nagtagal ang tawa na 'yon hanggang sa mawala ito.

Humikab ito, "Inaantok na ako. Sana bukas 'pag kagising ko, nakalimutan na kita." Doon ko nakumpirma lahat ng hinala ko.

Kung bakit ako ganito sa kanya, kung bakit nasasaktan ako pag binibiro siya sa iba, kung bakit masyado akong apektado 'pag andyan siya... Ngayon ay nakumpirma ko na. Natatakot na lang ako kung paano ko aaminin.

"Goodbye, Chelsea. Good night, Blaze." Matapos niyang sabihin 'yon ay umalis na siya.

Napatingin ako kay Blaze, "Tapos na ba kayo? Hays. Saan na ba ako ulit mag-uumpisang maghanap?" Nagpalinga-linga ito sa paligid.

Matapos no'n ay bumalik na ako ulit sa main site. Sinalubong ako ni Jean na nakangiwi.

"Ang akala ko ay ikaw na ang huling mahahanap." Nakanguso niyang sinabi. Mabilis na napawi 'yon nang makita niya ang ngiti sa labi ko. "Ngayon ko lang ulit nakita ang ngiti na 'yan."

Umupo na lang ako sa damuhan. Natapos ang buong laro na nanunuod lang ako. Civil Engineers won the game. Nagsigawan sila nang in-announce 'yon. Kahit na talo kami ay nakangiti pa rin kami habang nakatingin sa kanila.

Ano ba ang dapat naming ikasimangot kahit na natalo kami? They deserved it. Ang mga taong kinain lang ng inggit... sila lang ang kailanman ay hindi magiging masaya para sa mga kapwa nilang umaangat. Talo na nga sila, nagmumukha pa silang talunan.

Matapos no'n ay nagkaroon ulit ng salo-salo at dahil busog pa ako ay hindi na ako nakisali. Nanatili ako sa labas kasama ang ibang hindi pa rin gutom. Si Jean ay nasa loob.

"You're not hungry?" Blaze asked me. Inabutan niya ako ng isang naka-stick na marshmallow.

"Thanks..." I uttered.

"I hope you had fun... Or should I say, you really had fun." Mahina itong tumawa.

"I-I'm sorry..." Natigilan ako sa pagkain nang marinig ang sinabi niya. "Okay lang kung hindi mo ako mapatawad."

Hindi ako umimik. Hindi madaling magpatawad dahil sa ginawa niya pero hindi ibig sabihin no'n ay pang habang-buhay ko na itong dadalhin. Darating din ang araw na mapapawi ang sakit na ginawa niya pero alam kong hindi 'yon ngayon.

"B-Blaze..." Humarap ako sa kanya. Nagsalubong ang mga mata namin. "N-Ni minsan... Hindi mo ba talaga ako minahal?"

Natigilan ito. Namula ang mukha ko sa tanong ko. Nasagot na niya ang tanong na 'yon at sobrang sakit ang dating no'n sa akin pero nagawa ko pa ring itanong muli. Gustong-gusto ko talagang nasasaktan. Minsan, tayo na rin ang gumagawa ng mga bagay na nakakapanakit sa atin.

Umiwas ako ng tingin.

"Importante pa ba 'yon?" Natatawa niyang sinabi. "Hindi na siguro dahil ang importante ngayon ay alam kong masaya ka na. Take me as a lesson-learned, Chelsea. Huwag mong hayaang masaktan ka pa ulit gaya ng nagawa ko sa'yo."

Gusto kong matawa kasi alam kong naramdaman ko na lahat ng iba't-ibang klase ng sakit dahil sa pagmamahal ko sa kanya.

"Gusto ko lang malaman mo, Blaze. Hindi ko kailanman pinagsisihan na minahal kita." Ngumiti ako sa kanya. Gusto ko ng pakawalan ang konting nararamdaman ko sa kanya.

Damn... Paano ito nagawa sa akin ni Ryde?

He already got me out of being trapped.

"Aww... Ang sarap pakinggan no'n." Napatingin ako sa likod namin. Nakatayo si Ryde.

Napatayo ako. Bumali ang leeg nya. Pakiramdam ko ay kailangang kong magpaliwanag. Mali ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko at gusto kong malaman niya iyon.

"Sabi ko na nga ba... Dapat ay natulog na ako." He pouted his lips.

Blaze chuckled, "Congratulations..." Tumayo si Blaze at hinawakan sa braso si Ryde. Ngumiti ito sa akin bago tumuloy sa loob.

Naiwan kaming dalawa ni Ryde. Nalilito ang kanyang mata habang nakatingin sa akin.

"R-Ryde..."

Napapikit ako sa inis nang talikuran niya ako at dumiretso sa loob. Sa sobrang inis ko ay tumakbo ako papunta sa likod kung saan walang makakita sa akin. Gusto kong maglabas ng hinanakit ko.

Huminto ako nang maabot ko na ang lugar na gusto ko. Hinabol ko agad ang hininga kong kumawala ata dahil sa bilis ng takbo ko.

"Idiot!" Sigaw ko. "Siraulo ka, Ryde Ozix Leibniz!"

Lumobo ang pisngi ko.

"Ngayon mo pa ako lalayuan? Kung kailan ang nararamdaman mo para sa akin ay nararamdaman ko na rin para sa'yo? Ang daya mo!"

Kahit na magsisigaw ako rito ay walang makakarinig sa akin.

Lumandas pababa sa mata ko ang mga luha.

I'm still trapped but this time... It's you now.

"I'm yours now, Love. I'm trapped but this time... Because of you." I whispered. Kumuyom ang kamao ko. Nag-ipon ako ng sapat na hangin para sumigaw.

Pumikit ko, "I am now ready to be your Earth! Love me... Ryde Ozix Leibniz!" sigaw ko.

Napatingin ako sa likod ko nung may narinig akong ingay.

Napatakip ako sa aking bibig habang nakatingin sa kanya na nakangisi.

"P-Paula..." Mabilis na umakyat sa dibdib ko ang kaba.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #trapped