Kabanata 36
Kabanata 36: Hide and Seek
I didn't do anything. Well... Darling, karma is bitchier than you.
Hindi mawala-wala ang ngiti sa aking labi habang inaayos ang mga damit ko. Hapon na nung pumasok kami sa loob ng kwarto namin at gaya ng napag-usapan ay magkakasama kami nila Jean, Paula at Fairy sa iisang kwarto. May dalawang kama na kasya para sa amin. May maliit din na comfort room at tama lang ang liwanag. Sa bintana ay sumisilip ang magandang tanawin mula sa isang hot spring.
"Hindi ako nakakatulog nang may katabi," Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko ng narinig 'yon kay Paula.
Lumabas mula sa cr si Jean na kakatapos lang maligo. Nakabalot pa sa kanyang buhok ang towel na ginamit nya.
"Good. Sleep on the floor then. I don't mind." Fairy rolled her eyes. Tumayo na ito. Bitbit ang kanyang damit ay siya na naman ang pumasok sa loob ng comfort room.
Lumikha ng ingay ang blower ni Paula. Iniiwasan kong mapatingin sa kanya dahil baka matawa na naman ako. Umusod ako ng konti para bigyan ng space si Jean. Medyo tuyo na rin ang buhok ko dahil kanina pa ako tapos maligo.
"Sino ang mga kasama natin?" Tanong sa akin ni Jean.
Saglit kong binalingan ng tingin si Paula. Nahuli ko syang nakataas ang kilay kaya mabilis na iniwas ko rin ang tingin ko. Lumobo ang pisngi ko pero hindi ko hinayaan na matawa ako dahil baka mas lalo syang mainis.
"Ako, ikaw. Hmm... Si Paula at Lyn." Sagot ko. Kami ang representative ng course namin para sa game mamaya na hide and seek.
"Ryde Ozix Leibniz is such a jerk!" Napatingin kami kay Paula. Gusto kong matawa dahil alam kong kanina nya pa pinipigilan ang sarili nyang maglabas ng hinanakit.
You knew he's a jerk but still, you dared to play a game with him. Blame yourself.
"It's not like I want to kiss him!"
"But you dared to..." Nanlilisik ang matang napalingon sa amin si Paula. Napahinto sya sa pagpapatuyo ng kanyang buhok. Wala namang pakialam si Jean sa kanya... Katulad ko.
Hindi sana siya mapapahiya kung hindi niya ginawa 'yon. Napaso sya sa sariling apoy na ginawa nya.
Mahinang tumawa si Paula, "Yes. Ryde is hot without a heart." Natigilan ako sa pagsuklay ng buhok ko.
Umawang ang bibig ni Paula nang makita nya ang reaction ko.
"What? Don't tell me ipagtatanggol mo sya?" Natatawa nyang tanong.
Pasimple akong hinawakan ni Jean kaya napatingin ako sa kanya. Masama ang tingin nya sa akin habang umiiling. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. Konting pasensya na lang ang natitira sa akin.
"Did you see Ryde earlier, Chels?" Tanong sa akin ni Jean. Kumindat sya sa akin. "He's breathing fine. I am pretty sure he has a heart."
"Not funny..." Paula mumbled.
Gabi na rin nung lumabas kami ng kwarto namin. Papunta na kami sa dining hall para sa dinner. Marami-rami rin kaming kasabay na papunta na rin do'n. Humiwalay na sa amin si Paula na malamang ay pumunta na sa mga kaibigan nya.
"Calm your ass. She was trying to trap you." Bulong sa akin ni Jean.
"Trap from what?"
"That you are now into Ryde."
Natigilan ako sa paglalakad. Tamad na huminto rin ito at tumingin sa akin.
"I am not!"
She chuckeled, "Fine. Come on, Chels. I'm hungry to argue with you." Lumapit sya sa akin at hinigit ako.
Habang naglalakad kami ay hindi ko maalis sa aking isipan ang mga sinabi nya. I shook my head as I focus my mind to the game that will happen later. Naabutan namin na halos naroon na silang lahat. Sinalubong ako ng nakataas na kilay ni Paula.
Lumipat ako ng lugar at hindi na tumabi sa kanya. I need to save my energy for later.
"Quiet please..." Napatingin ako kay Blaze na nasa tabi ko pala.
Napatingin din sya sa akin. Ngumiti ako sa kanya pero nilagpasan nya lang ako ng tingin. Unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi. Hinila ako ni Jean palapit sa kanya.
Gaya ng ginawa kanina ay nagdasal muna kami sa pangunguna ni Blaze. I closed my eyes. Hindi ko pa rin maalis sa aking isipan ang ginawa nyang paglagpas lang sa akin ng tingin. I was expecting to smile back and that expectation hurt me. Dapat ay tinitigilan ko na ang pag-assume ng kung anu-ano tungkol sa kanya.
Kumain ako nang tahimik. Nagkakasiyahan sila at wala man lang ako magawang isingit. I was just listening and trying to smile when they are laughing the whole time.
After that ay binigyan kami ng 30 minutes para makapagpahinga bago mag-umpisa ang palaro. May kanya-kanyang spot ang mga kasama namin. Hinila ko na lang si Jean papunta sa isang kubo sa gilid ng pool.
Umupo ako sa upuan na gawa sa kawayan. May maliit na ilaw sa itaas na nagsisilbing liwanag sa paligid. Tahimik at tanging ang ingay mula sa mga kasama namin at pagaspas ng hangin ang sumisira sa katahimikan.
"You are almost there..." Jean said. That was just a whisper one but the effect to me was just so much to handle. My heart is on fire. My mind is messed up that I couldn't think well. "Almost over him."
Tumingala ako sa labas ng bintana. Malawak ang kalangitan na walang ulap kaya kitang-kita ang hindi mabilang na bituwin na nakapaligid sa buwan. It was a nice view but I just can't appreciate it. Hindi ko makalma ang sarili ko at bawat oras ang lumilipas ay mas tumataas ang kaba sa dibdib ko.
"I want to congratulate you now..." Naramdaman ko ang pagbalot ni Jean sa akin. Lumakas ang ihip ng hangin. "Finally, Chelsea."
Finally? Yes! Ito ang hinintay at ginusto ko. Ngayon ay abot kamay ko na ngunit hindi ko magawang kunin. Hindi ko magawang masaya kasi alam kong may mas malaki pa akong dapat na katakutan.
Napatingin ako sa lalaking pumasok. Gusto kong magmura at sampalin ang sarili ko... Bakit ba ganito ang kalabog sa dibdib ko? Bakit ko nararamdaman sa kanya ang mga dapat na nararamdaman ko lang para kay Blaze? Bakit... Bakit mo ako ginugulo, Ryde?
"Ryde..." Kumawala sa pagkakayakap sa akin si Jean. Humigpit ang hawak ko sa kanya nang mapalingon sa amin si Ryde. "Lyn is not bad, right? Maganda sya. Mabait..." Sabi ni Jean.
Sobrang sikip ng dibdib ko na dinadagdagan pa ni Jean. Bakit nya pa kailangang gawin ito?
"Uh, yeah. So?" Malamig na tanong ni Ryde.
Napanganga ako nang ilabas nya mula sa kanyang bulsa ang in-can beer. Isa 'yon sa mahigpit na ipinagbabawal. Bawal magdala ng kahit na anong inumin na nakakalasing. Hindi ko alam kung paano nya nagawang ipuslit 'yon.
"You like her?"
Tinungga ni Ryde ang alak habang nakatingin sa labas. Humangin muli na sumira sa porma ng buhok nya. Naka-simpleng black shirt lang sya na nakatupi ang ilang bahagi ng manggas nito.
"I like girls... Hindi na bago 'yon sa akin." Ngumisi ito kay Jean.
"So you like her?"
"Uh, she's a girl. So, I think, yes." He chuckled. Naging maganda 'yon para sa pandinig ko.
Iniiwas ko ang tingin ko dahil masyadong matagal na akong nakatitig sa kanya. Pumasok din si Jude. Nanlaki ang mata nya nang makita ang hawak ni Ryde.
"T-That's mine!"
Humalakhak si Ryde bago ibinato 'yon kay Jude. Inalog ni Jude ang lata ng alak bago ibinato ulit kay Ryde nang maramdaman na wala ng laman 'yon. "Fuck you! Isa lang 'yon!" Ngumuso ito bago tumabi sa akin.
"You are one of the officers, right?" He asked me. Tumaas ang kilay ko. "Bakit kinukunsinti mo si Ryde? Hindi mo ba sya isusumbong?" Ngumiwi ako dahil masyadong mahirap ang tanong na 'yon.
Unti-unting napalitan ng ngisi ang kaninang nakangiti nyang labi.
"Oh, well. There's always an exception to the rule."
"I didn't know! I though it was just a juice!" Oh ghad! Masyadong kapani-paniwala ang sinabi ko para tumawa silang dalawa ni Jean.
Umusbong ang galit ko sa kanya. Damn it!
Narinig na namin ang pagtunog ng kampana kaya mabilis na nagtayuan ang mga kasama namin. Nagtakbuhan sila dahil mapaparusahan kami 'pag hindi agad nakarating do'n sa loob ng isang minuto.
"Come on, guys!" Humalakhak si Jude na halatang nasisiyahan sa takbuhan.
Bago kami nakaalis ni Jean do'n ay hindi nakatakas sa aking paningin ang masamang tingin ni Ryde. Hindi ko 'yon gaanong pinag-isipan ng kung ano. He's mad at me... Hindi ko alam kung bakit.
Umupo ang mga kasama namin sa damuhan habang kami nila Paula, Jean at Lyn ang nakatayo para sa course namin. Sinabi ng prof namin kung ano ang dapat naming gawin. Simpleng tagu-taguan lang naman ang mangyayari pero may twist na hindi ko inaasahan.
Buong akala ko ay team mate kaming apat pero hindi pala. They shuffled us. Sa isang group ay iba-ibang course ang kasama namin. Hindi kasama sa laro si Blaze dahil siya ang organizer.
"Blaze? Pwede bang palit kami ni Jean?" Bulong ko sa kanya dahil magkatabi lang naman kami.
He simply shook his head.
"Baka matalo pa tayo..." Nagpantig ang tainga ko sa sinabi ni Ryde. Tumawa naman ang iba naming kasama.
Magka-team kami ni Ryde, isang Education Student at CE Student. Familiar sila sa akin dahil nakikita ko rin sila sa Campus pero hindi katulad ni Ryde na kilala ko talaga.
"Listen..." Tumahimik ang lahat nang magsalitang muli si Blaze. "I will be the seeker. Kung sino man ang huli kong mahahanap ay sya ang mananalo. Kahit na nakita ko na lahat ng ka-team mo pero ikaw ay hindi pa at ikaw ang pinakahuli kong nakita... Your team will still be the winner."
Naghiyawan naman ang lahat.
"Oh, nice. Akala ko kapag nahuli ang isa sa amin ay talo na agad kami." Natatawang sabi ni Ryde. Bakas na ang pagkalasing sa kanyang boses.
Alam kong ako ang pinapatamaan nya dahil ako lang ang babae sa group at paminsan-minsan ay nginingisian nya pa ako.
"Ang mananalong team ang siyang papasok sa finals. For the finals, individual na. May isang magre-represent ng bawat course. Ang sino mang huling makita... siya ang panalo and the points will be given to their group or course. Are we clear?"
Sumang-ayon ang lahat. Masyado akong kabado para tumango.
Nahuli ko ang tingin ni Paula sa akin. Mabilis na umiwas ito ng tingin.
"Chels!" Tawag sa akin ni Jean na nasa ibang grupo. Tumango lang ako sa kanya.
Naghanda na kami. Pwede kaming magtago kahit saan pero lang sa likod at sa loob. "Pag bilang ko ng sampo dapat ay nakatago na kayo... Isa!" Kumaripas kami ng takbo nang mag-umpisa na syang magbilang.
"Where the fuck are you going?!" Napatingin ako kay Ryde nang magmura siya. "Lalayo ka sa akin?" Hindi makapaniwalang tanong nya.
Hinarang nya ang daan ko. Ngumiwi ako dahil halos nakatago na pero kami ay narito pa rin. Buti na lang at nasa likod kami ng malaking puno.
"Kapag nahuli tayong magkakasama ay talo na agad tayo! Come on, Ryde!"
Sinubukan ko pang tumakbo pero pigilan na nya ako. Bumali ang leeg nya, "You are not going anywhere without me." Seryoso niyang sinabi.
Natigilan ako. Hinila nya ako at sabay kaming tumakbo sa likod ng isang halaman.
"Ryde, mas maganda kung maghiwalay na tayo."
"No... Stay close to me."
"Ryde..."
"Oh, please. Shut up." Mahina itong tumawa.
Mabilis na tinapalan nya ang bibig ko nang makita si Blaze. Palinga-linga ito sa paligid. Nakita kong ngumisi ito habang dahan-dahan na lumalapit sa likod ng isang puno.
"Gotcha!"
"Ahh!" Muntik na akong matawa nang mapatili si Jean. "You fucking startled me!" Hinampas nya ito sa balikat.
Tumawa si Blaze, "Kung magtatago ka, maghanap ka naman ng puno na mas malapad sa katawan mo."
"Ouch..." mabilis na binawi ni Ryde ang kamay nyang nakatakip sa bibig ko nang makagat ko ito dahil sa tawa. "Masarap ako pero 'wag mo akong kainin. Psh." I rolled my eyes.
Matapos mahuli ni Blaze si Jean ay nagpatuloy na ito sa paghahanap. Dumiretso ito sa bandang likod kaya hinila na ako ni Ryde patayo para humanap ng bagong tataguan. Napatingin ako sa kamay nyang nakahawak sa akin.
Hinila nya ako papunta sa likod ng isang trash can na malaki sa gilid ng pool. Malakas ang kabog sa dibdib ko hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa kaba na baka mahuli kami o dahil sa kasama ko si Ryde.
"Damn. I'm starting to love this game." He whispered.
Me too...
Ilang minuto kaming namalagi do'n.
"Saan ka na naman pupunta?" Tanong nya sa akin nang umamba akong tatayo.
Namula ang mukha ko, "Naiihi na ako."
Nanlaki ang mata nya. "Ngayon mo pa talaga naisipang umihi?" Natatawa niyang sinabi. "Just pee here and pretend that I am not with you."
"No way..."
"Oh, come on."
Hindi na lang ako umimik. Mapipigilan ko pa rin naman ito. Ilang minuto pa ang lumipas at hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. Nahuli kong nakatingin sa akin si Ryde.
He let a heavy sigh before he stood up. My eyes widened in shock.
"Gotcha!"
Napapikit ako sa inis nang mahuli kami ni Blaze. Malakas na tumawa si Ryde habang nakangisi lang si Blaze. "Talo na ang team nyo. Nahuli ko na kayong lahat." Natatawa nya pang sinabi.
"Pee now, Chels."
"Shut up!"
Natatawang tumingin sya sa akin, "The game is over. You're now free... Do what you want."
Hindi ko alam kung bakit iba ang dating sa akin ng mga sinabi nya.
"You can now stay away from me..."
Bakit ngayon pa?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro