Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 35

Kabanata 35: Breathe

Matapos ang lunch ay nagpahinga na muna kami bago napagpasyahan na maligo na sa mga pool. Nakaupo lang ako sa edge ng pool at nakatingin sa mga kasama naming nagkakasayahan. Kahit saan ako lumingon ay mga talsik ng tubig ang bumubungad sa akin. Hindi ko na nga kailangang lumusong sa tubig dahil basa na rin ako.

"You don't swim?" May halong panunuyang tanong sa akin ni Paula. Napapikit ako nang ihampas nya sa akin ang tubig mula sa pool. "You don't know how to swim!" then she laughed. Nakatingin lang sa amin si Lyn na nasa gilid niya.

Hindi ako umimik.

"I am willing to teach you!" Napatingin ako sa isang lalaking umahon mula sa tubig. Kung hindi ako nagkakamali ay kaklase siya ni Blaze dahil nakita ko na rin sya minsan na kasama nila.

Umusod ito ng konti palapit sa akin.

I shook my head, "Marunong ako. Mamaya na lang." Maikli kong sagot.

Sa hindi kalayuan ay nakita kong naglalaro ng tubig ang grupo nila Ryde kasama si Blaze. Habang si Jean naman ay nakatingin lang sa kanila. Gusto ko ng bumalik sa loob pero baka sumunod lang si Jean at masira ko ang mood niya.

Kumunot ang noo ko nang tumama na sa balikat ko ang katawan ng lalaking nagprisintang turuan akong maligo. Ngumiti ako sa kanya bago umatras ko konti. Tumawa ito sa ginawa ko. Hindi ba nya maramdaman na umiiwas na ako?

"Come on, Miss Vellarde. Hindi ka ba naiinggit sa kanila?" Turo nya sa iba naming kasama na kasama ang kanilang boyfriend. Kumunot ang nook o bago ibinalik sa kanya ang tingin ko.

Damn. He's flirting with me.

"Wait..." Pumagitna sa amin si Jude at hinawi ang lalaking makulit. Umpo sya sa pagitan namin. "Gusto mo ba ng gulo?" Tanong ni Jude sa kanya.

Mahina lang na tumawa ang lalaki, "Come on, Jude Clavez. I am just being friendly to her. Can't you see? She's alone here." Nakangising sabi niya.

Hindi ako umimik. I'd rather be alone here than to have his accompany. I am not interested.

"Well, I'm here now. You may leave us alone." Bakas na ang inis sa boses ni Jude. "Damn. He's not in a mood.... I am telling you." Tumagos ang tingin ni Jude sa likod nila kung nasaan si Ryde na nakatingin sa amin.

His eyes met mine and it gives me uneasiness. Mabilis na umiwas ako ng tingin at sumuong sa tubig. Lumusong ako sa pinakailalim ng pool at hindi agad umahon. Kumirot ang dibdib na syang nagpasikip ng dibdib ko kaya napabilis din ang pag-ahon ko.

Suminghap ako ng hangin bago inayos ang buhok ko. Sinalubong ako ni Jean kasama sina Quin at Fairy.

"We need 4 members to play tonight for the game," bungad sa akin ni Quin.

"Count me in," Masayang sabi ni Jean.

"Not me, I don't play hide and seek." Pagtanggi ni Fairy.

Umawang ang bibig ko, "I am not in a mood to play too." Sagot ko.

Quin rolled her eyes, "It's still tonight! Come on, Chels. Baka naman mabago pa ang mood mo mamaya."

Nakita ko agad ang mapanuring mata ni Jean. Bakit ba ang bilis nyang makahalata pag dating sa ganito?

Inubos namin ang natitirang oras sa paglangoy. Walang gustong umahon sa amin dahil masyadong malamig. Buong oras ay nakababad lang kami sa tubig. Iniiwasan ko ring mapagawi sa lugar nila Ryde.

"May palaka!" Mabilis na lumayo ako sa likod nang sumigaw si Jean.

Mabilis naman na tumalon ang palaka palayo na malamang ay natakot sa sigaw ni Jean. Hindi naman sya pumunta sa tubig dahil batuhan 'yon. Sinamaan ko ng tingin si Jean.

"Mas hihimatayin ako sa gulat sa'yo kesa sa palaka!"

Lumangoy ito palapit sa akin at hinila ako palayo sa pwesto na 'yon.

"Alis tayo rito baka bumalik 'yon." Hinayaan ko syang hilain ako.

Natigilan ako sa paglangoy nang mapagtanto kung saan kami papunta. Tumigil din sa paglangoy si Jean na nakakunot ang noo.

"Problema mo?"

"D-Dito na lang." Sabi ko.

Kinabahan ako nang ngumisi ito. Lumapit ito sa akin

"I knew it, iniiwasan mo si Ryde!" Mabilis na tinapalan ko ng kamay ko ang kanyang bibig dahil sa sinabi nya.

Nahuli kong nakatingin sa amin si Paula. Mabilis na umiwas ito ng tingin pero hindi nakaligtas sa akin ang pasimple nyang pag ngisi.

Binalikan ko ng tingin si Jean, "Isang sigaw mo pa at ipapalamon ko sa'yo ang palakang 'yon." May halong pagbabantang sabi ko. Tumango naman ito.

Nanatili akong malayo kina Ryde ngunit naririnig ko na rito ang mga boses nila, hindi katulad kanina na nasa makabila kaming dulo ng pool.

"Bakit ganyan ka makatingin kay Ryde?" mabilis na iniba ko ang tingin ko nang marinig na naman si Jean. Iniwasan ko ang mapanuring mata niya. "Natatakot na rin ako sa'yo, Chels."

Nanginig ang labi ko dahil mukhang naiintindihan ko na ang sarili ko. Kung bakit ganito ako kay Ryde at kung bakit ganon na lang ang epekto sa akin ni Blaze. Naiiyak ako sa maari ko pang malaman.

Nagsigawan na naman ang mga kaibigan ni Ryde at ginawa ko ang lahat para lang hindi lumingon. Tumalikod ako sa kanila. Hindi ko man sila makita ay naririnig ko naman na binabanggit pa nila ang pangalan ni Lyn.

Naramdaman kong hinawakan ni Jean ang aking braso, "Tumingin ka, Chelsea. Tignan mo! Nasa balikat ni Ryde si Lyn!" Hindi ko alam kung bakit nya pa kailangang sabihin 'yon.

Nanatili akong nakatalikod na animo'y takot na humarap. Lumakas ang malamig na hangin at hindi man lang 'yon nakatulong para lumuwag ang paghinga ko. Sariwa ang hangin sa lugar na ito pero sinasakal ako nito.

"Kiss! Kiss! Kiss!"

Mabilis na lumingon ako nang marinig 'yon. Nasa balikat ni Ryde si Lyn. Nakapalibot sa kanya ang mga kasama namin na sumisigaw ng halik para sa kanilang dalawa. Masyadong maganda ang tanawin dito pero ang nakikita ko ngayon ay hindi maganda.

Hinila ako ni Jean palapit sa kanila. Hinayaan ko ang sarili kong magpahila sa kanila. Nung makalapit na kami ay halos mas mabingi ako sa sigawan nila sa pangunguna ni Paula.

Napatingin sa akin si Jude na mukhang hindi rin nasisiyahan sa nangyayari. Nasa tabi niya si Blaze na nahuli kong nakatingin sa akin. Ngumiti siya sa akin ngunit hindi ko man lang 'yon masuklian.

"Kiss lang si pisngi! Last lang!" Sigaw pa ni Paula. Ngumisi ito sa akin nang mapunta sa akin ang tingin nya.

Maingat na ibinaba ni Ryde si Lyn mula sa kanyang balikat. Mabilis naman na kumapit ito kay Ryde. Umiling ako dahil marunong syang lumangoy. Nakita kong sumisid kanina si Lyn at alam kong bihasa sya sa tubig. Then what's with the I-don't-know-how-to-swim act?

Bumali ang leeg ni Ryde nang itulak sya ng isa sa mga lalaking kasama nila. Alam kong hindi nya 'yon nagustuhan... Hindi ko rin nagustuhan.

"Gusto nyo bang halikan ni Ryde si Lyn?" Tanong ni Paula.

Nagsigawan ang mga kasama namin at lahat sila ay sumang-ayon pero lang kina Blaze, Jude at Jean na tahimik lang. Hindi rin ako umimik. Hindi ako makahinga ng maayos. Gusto ko nang umalis. Pagod na ako at kailangan ko pa ng lakas para sa laro mamayang gabi.

Muling tumingin sa akin si Paula. Masyadong malawak ang ngiti sa kanyang labi. Mukhang alam ko na kung bakit nya ito ginagawa.

Nagsigawan silang muli nang yumuko na si Ryde kay Lyn. Mariin kong ipinikit ang mata ko dahil ayokong makita. Nanginginig ang ang buo kong katawan. Damn.

Nanatiling nakapikit ang aking mata.

Nagtaka ako nung biglang tumahimik silang lahat. Mabilis na iminulat ko ang mata ko na sana ay hindi ko na lang pala ginawa. Nakatingin silang lahat sa akin. Lahat sila ay nagtataka kung bakit ako pumikit.

Sobrang lakas ng kabog sa dibdib ko lalo na nung magtama ang tingin namin ni Ryde. Masama ang titig nya sa akin at hindi ko alam kung bakit.

"Someone is jealous!" Sigaw ni Paula.

Breathe... Breathe, Chels. Damn it!

"She's not! Masyado lang kadiri ang naisip mong laro!" Pagtatanggol sa akin ni Jean.

Hindi ko maalis ang tingin ko kay Ryde. Gusto kong magtanong kung bakit... bakit ang sama ng titig nya sa akin? Bakit kailangan nyang gawin ito? Bakit kailangan nyang gamitin sa iba ang ginamit na nya sa akin?

Gusto kong sampalin ang sarili ko. Ano namang pakialam ko?

"Ituloy!" Inis na sigaw ni Paula.

"That's enough. Masyado ng mapusok ang laro nyo." Pumagitna na si Blaze.

Umirap si Paula, "It's just a kiss! Come on, Mr. Abelard!"

"Then why don't you kiss Ryde instead? Ikaw naman ang may gusto, 'di ba?" Inis na sabi sa kanya ni Jean.

Nanatiling nanunuod lang kami sa bangayan nila.

"See? You said it's just a kiss. Bakit hindi mo magawa?" Pang-iinis ni Jean sa kanya.

"Fine!" Lumapit ito kay Ryde.

Umamba itong hahalik sa pisngi ni Ryde ngunit umiwas ang mukha ni Ryde. Umatras ito at umahon sa tubig. Ipinilig nito ang kanyang ulo at ginulo ang basa nyang buhok. Nag-umpisa na itong maglakad palayo.

Malakas na natawa ako. Okay. Mukhang bumalik na ang mood ko.

"Hey, Quin!" Tawag ko kay Quin. "Count me in." Ngumiti ako bago hinila si Jean para umahon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #trapped