Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 34

Kabanata 34: Endearment

Naiingayan ako sa kanila na patuloy pa ring inaasar sina Blaze at Erish. Ibinalin ko na lang sa labas ng bintana ang aking tingin. Matarik na ang dinadaanan namin na konting pagkakamali lang ng driver ay maaari naming ikapahamak.

Pine trees are everywhere. Medyo hindi ko maaninag ang ganda ng paligid dahil makapal ang hamog na bumabalot sa paligid.

"I'm still broken as fuck so please, fuck off." Napatingin ako sa harapan nang magsalita si Ryde.

Mukhang nabalin na sa kanya ang kanina lang na panunukso kay Blaze.

"Come on, Ryde! It's just a dare!" Pagpupumilit ng isa sa aming mga kaklase.

Magtatanong pa lang sana ako nang mapansin ang babaeng naiiyak sa harapan nya. Tumalikod na ito kay Ryde at handa na sanang maglakad pabalik sa kanyang upuan nang harangin sya ng isa sa mga kaklase naming babae, si Paula.

"Come on, Lyn. I know you have a crush on him." Wika ni Paula sa kanya. Bumalin ang tingin ni Paula kay Ryde. "Just a kiss on her cheek. It's just for fun."

Gusto kong matawa sa inis. Mukhang nahihiya na si Lyn sa ginagawa ni Paula pero wala lang 'yon sa kanya. Ryde already rejected the dare at nakakahiya 'yon para kay Lyn dahil sa harap pa mismo ng maraming tao.

"Ryde, 'wag ka namang kj!" Paula groaned.

"Why don't you kiss her instead?" Napalingon sa akin si Paula at automatic na umangat ang kanyang bagong ahit na kilay. "Come on, Paula. 'Wag kj, it's just a dare." May halong panunuya kong sinabi.

Bumagsak ang kamay niyang nakahawak sa braso ni Lyn. Kinuha naman ni Lyn ang pagkakataon na 'yon para bumalik sa kanyang pwesto. Nanatiling nakatayo si Paula at masama ang tingin sa akin.

"See? Ganyan ang nararamdaman ni Ryde when you were forcing him to kiss someone. Isn't it annoying?" I mocked her.

I'm not mad. I just hate her dare and forcing someone who is not up for her so-called fun. I mean, why force him?

"Then, I dare you to kiss Blaze." Medyo nagulat ako sa sinabi niya ngunit hindi ko pinahalata.

I laughed, "Kiss your ass, I'm not up for your game too. No, not me." I said then rolled my eyes.

"Oh, baka magkapikunan na kayo dyan, ah?" Tumayo na ang prof namin para pigilan kami. "Please go back to your seats, medyo matarik na ang daan at baka masaktan pa kayo."

Paula rolled her eyes at me, "We're not yet done, Ms. Vellarde." May halong pagbabantang sinabi nya bago bumalik sa kanyang upuan.

Hindi ko na lang 'yon pinansin. Well, I am sorry but I'm already done.

Matapos no'n ay naging tahimik na ang lahat. Malamang na naubusan na sila ng pag-uusapan o napagod na sa kakadaldal. Patag na rin ang daan at medyo bumagal ang sasakyan dahil madulas ang daan.

Mayamaya ay huminto na ang sasakyan sa harapan ng isang malawak na tarangkahan. Namamangha ang mga tingin nila habang kami ni Jean ay kalmado lang. Nakapunta na kasi kami rito.

Tumayo ang prof namin, "Tandaan nyo ang mga ibinilin ko sa inyo kanina. Walang uuwi hanggat hindi pa tapos ang retreat unless may emergency sa inyo. Walang lalabas ng resort at hindi rin naman kayo makakalabas dahil may mga bantay. Remember... Control your curiosity. So, yeah. Have fun!" Nagsigawan silang muli matapos no'n.

Bago kami bumaba ay nagbilang na muna kami at sinabi kung sinu-sino ang magkakasama sa kwarto. Kami ang pumili ng mga partners namin, apat na myembro sa isang kwarto. Hiwalay din ang kwarto ng mga girls sa mga boys.

Magkakasama kami nila Jean, Fairy, at Paula sa iisang kwarto. Hindi ko alam kung ano ang pumasak sa kukote ng babaeng ito at sa amin sya sumama. Kung may binabalak man syang masama ay siguraduhin nyang mapupuruhan ako.

Hinayaan na muna nila kaming gumala sa kabuuan ng resort at bumalik na raw kami after 30 minutes para sa lunch. Napatingin ako kay Jean na busy sa pagkuha ng mga litrato. Mamaya lang ay kukunin na ang mga gadgets namin kaya sinusulit na nila.

"Chels, dyan ka lang." Napahinto ako sa paglalakad. Tumingin ako kay Jean kasabay ng paglitaw ng nakakasilaw na ilaw mula sa kanyang camera. "Good." Nakangiti nyang sinabi.

Pinuntahan namin ang mga pool at may ibang hindi na nakapagpigil at sumuong do'n. Hindi naman kasi malamig ang tubig kaya hindi sila giginawin. Mararamdaman na lang nila ang lamig pag umahon sila.

"Chelsea Vellarde!" Napatingin ako kay Jude nang isigaw nya ang buo kong pangalan. Nasa isang cottage sila kasama ang iba pa nilang kaklase.

Hindi ako lumapit dahil nahihiya ako lalo na't halos lalaki ang mga kasama niya.

"Have you already prepared your team?" Napatalon ako sa gulat nang sumulpot sa gilid ko si Blaze. Naka-simpleng gray shirt ito na tinernohan ng maong na short. Hindi ba siya nilalamig?

I cleared my throat, "Not yet. Sandali lang naman 'yon." Sagot ko.

Naalala ko na naman ang nangyari kanina. That was weird. I was just calmed down the whole time at hindi man lang nakaramdam ng kahit na ano kahit na inaasar na sila ni Erish. Siguro ay dahil alam kong biro lang 'yon.

Yeah, that's it.

"Buti hindi mo kasama si Erish?" Tanong ng kakarating lang na si Jean galing sa pagkuha ng mga litrato.

Mahinang tumawa si Blaze, "That was just for fun. Sinakyan ko lang ang mga biro nila." Sagot niya.

"Lahat naman for fun lang sa'yo," bulong ko.

"Ano 'yon, Chels?" Tanong ni Blaze.

Umiling na lang ako. Iginala ko ang tingin ko sa mga nakakalat naming kasama. Lahat sila ay enjoy na enjoy. Umihip ang malamig na hangin at halos yakapin ko ang sarili ko dahil do'n.

Napatingin ako kay Jean nang kumislap na naman ang camera nya. Naabutan kong nakatutok 'yon sa amin ni Blaze. Umawang ang bibig ko nang mapagtanto kung ano ang ginawa nya.

"Hey, delete that!" I glared at her but the bitch just took another picture of us.

Tumawa si Blaze, "That was just a picture, Chels." Lumapit ito kay Jean. Inabot naman sa kanya ni Jean ang kanyang camera. Kinuha ni Blaze ang kanyang phone. Isang minuto ang lumipas bago nya ibinalik ang camera ni Jean.

"Sunod na lang kayo pag tapos na kayo dyan, ah?" Bilin ni Blaze bago naglakad palayo.

Mabilis na lumapit ako kay Jean at sinubukang abutin ang kanyang camera ngunit mabilis na inilayo nya 'yon sa akin. Malawak ang ngiti sa kanyang labi.

"Bagay kayo ni Blaze, I must say."

"Stop it," nawalan ng gana ang boses ko.

"Gusto ko lang sanang sabihin sa'yo na kalmado ka na 'pag andyan si Blaze." Biglang niyang sinabi dahilan kung bakit natikom ang bibig ko. "Hindi ka na ganon kung umiwas at parang wala na lahat sa'yo. Is that a good sign?"

Hindi ako sumagot. That's a good sign but I don't know... mas natatakot ako.

"Guys! Lunch time na!" sigaw ng isang prof.

Nagtayuan naman ang mga kanina ay nagpapahingang kasama namin at isa-isang sumunod do'n. Inayos ko ang nagulo kong buhok dahil sa malakas na hangin.

"Tara na nga," Ipinulupot ni Jean ang braso nya sa akin at mahina akong hinila.

Hindi ko maisipang mag-isip ng kung anu-ano. Dapat ay masaya na ako dahil alam kong kahit papaano ay humuhupa na ang nararamdaman ko para sa kanya pero baliktad ang epekto no'n sa akin. Bawat paghupa ng pakiramdam ko ay siya naman magtaas ng kaba sa dibdib ko.

Pagkarating namin sa dining hall ay nakalatag na ang pagkain. Katulad kung paano kami pumunta no'n ay nakalatag sa dahon ng saging ang iba't-ibang klase ng pagkain.

"Let's pray first." Sabi ng isang prof.

Isa-isang pumikit ang kanilang mga mata. Hindi ko maiwasang mapatingin sa isang lalaki sa dulo. Nakapikit ang kanyang mata. Hindi ko alam kung bakit nahumaling ako sa kakatitig sa kanya at nakalimutan kong ipikit ang mata ko. Natapos ang prayer nang nakatingin lang ako kay Ryde. He looks fine and I am happy for him.

Masaya kaming kumain. Kahit na hindi ako gutom ay nakakaganang kumain pag marami kang kasama. 'Yon bang pakiramdam na pag hindi ka sumalo ay mabilis na mauubusan ka. Lahat kami ay nakakamay lang, pero may iba rin namang nakabalot ang kamay.

"Our first activity, subuan nyo ang nasa kaliwa nyo." Malawak na nakangiting sabi ng isa pang prof.

Napatingin ako kay Jean na nasa kaliwa ko. Ngumanga ito. Kumuha ako ng pagkain at isinubo 'yon sa kanya. Sinamaan ko sya ng tingin dahil mahina nya pang kinagat ang daliri ko. Tumawa lang ito.

Tumingin ako sa kaliwa ko. Naabutan kong nakangisi sa akin si Paula. Okay?

"Open your mouth and savor this food..." Natatawa niyang sinabi.

Halos maduwal ako nang halos ipasok nya ang buong daliri nya sa aking bibig. Mabilis naman na itinulak ni Jean palayo sa akin si Paula na tumatawa lang.

Umatras ako at isinuka ang pagkain na 'yon. Muntik na akong mapaiyak nang maramdaman ang sobrang init ng lalamunan ko. Inabot ko ang tubig na nasa table at halos maubos ko 'yon para lang maalis ang anghang.

"Sir, si Paula nilagyan ng sili ang pagkain ni Chelsea!"

"W-What? H-Hindi ko alam na may sili 'yon." She lied. Alam kong sinadya nya 'yon.

"Okay. That's enough. Nasa harapan kayo ng pagkain. You don't want to receive a warning, do you? You wouldn't like the punishment." May halong pagbabantang sabi pa ng prof namin.

Hindi ko alam kung ano ang parusa dahil hindi rin naman nasabi 'yon sa amin kaya mas mabuting tumahimik na lang ako. Ayokong patulan si Paula dahil baka ipalamon ko sa kanya ang buong dahon ng saging.

Umawang ang bibig ko dahil hindi pa rin naalis ang anghang. Ramdam ko na rin ang pagtulo ng pawis mula sa aking noo.

"You're just adding fuel to the fire when you drink water again. Eat rice instead." Kumalabog ang dibdib ko nang magsalita si Ryde. Ngayon ko lang sya ulit narinig magsalita.

Ginawa ko ang sinabi nya. Nakailang lamig na kanin ako at dinurog ang lahat ng 'yon sa bibig ko at hindi agad nilunok. Matapos ang ilang segundo ay humupa na ang anghang sa bibig ko.

"Stop blubbering, Ryde. Hindi mo pa sinusubuan si Lyn." Natatawang sabi ni Jude.

Ngayon ko lang napansin na magkatabi pala sila ni Lyn. Mas lalong namula ang mukha ni Lyn nang mabalin sa kanya ang atensyon ng lahat.

"I-It's okay. Busog na rin naman ako."

Kinagat ko ang labi ko nang humarap si Ryde sa kanya. Umawang naman ang bibig ni Lyn dahil sa pagkabigla. Kumuha ng pagkain si Ryde at itinapat ang ito sa bibig ni Lyn.

"N-No. I'm already full, Ryde." Tumawa ito pero halatang dahil lang 'yon sa hiya.

"Say ah..." Ngumiti si Ryde.

Bumagsak ang balikat ko.

"Hoy, Ryde! Ginawa mong bata si Lyn." Sabi ng isa sa mga kasama naming lalaki.

Tumawa si Ryde, "Come on, Lyn. It's for our better future." Biro ni Ryde pero hindi ganon ang dating sa akin. Hindi ako natutuwa.

Now... He's using same words he used to me.

Mas lalong namula ang mukha ni Lyn na halos hindi na makatingin kay Ryde.

"I'm okay, Ryde. You don't have to force yourse---"

"Hey, I'm sorry for what happened a while ago. I was just in a bad mood." Pangungumbinsi sa kanya ni Ryde. "Stop blushing, Love."

Mas tinatagan ko ang tuhod ko dahil parang bibigay na ito. Kakakain ko lang pero pakiramdam ko ay nanlalambot na naman ako. Damn.

"Ryd---" Natigilan si Lyn nang isinubo sa kanya ni Ryde ang pagkain. Lumawak ang kanyang bibig para tanggapin 'yon. Naubo ito dahil sa pagkabigla kaya mabilis na binigyan sya ng tubig ni Ryde.

Nanginginig ang kamay ko. Nasa harapan kami ng pagkain pero ganito ang eksena.

"I'm sorry for that, Love."

That endearment was once mine.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #trapped