Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 33

Kabanata 33: Scared

I looked at my reflection on the mirror. Halatang-halata ang sugat sa labi ko na ginawa ni Ryde. Hindi na gaanong namamaga ang mata ko gaya ng kanina at kahit papaano ay humupa na ang nararamdaman ko. Yumuko ako para maghilamos. Dumampi ang malamig na tubig sa mukha ko na mas lalong nagpagaan sa init ng katawan ko.

It's funny how things for him suddenly changed. He used to be the heart breaker and the reason behind the tears but now, he was the victim. He was the one who had rejected, he was the one who had shed tears. Ryde Leibniz... I'm sorry.

"Chels?" I heard Jean knocked on the door.

Pinunasan ko ang mukha ko ng malamig na towel. Inayos ko ang medyo nagulo kong buhok gamit ang daliri ko bago naglakad papunta sa pinto. Pagpihit ko no'n ay si Kuya Led ang agad na bumungad sa akin. Nasa likod nya lang si Jean. Mabilis na umakyat sa dibdib ko ang kaba.

"K-Kuya..."

"You okay?" Tumaas ang dalawa nyang kilay. Bumagsak ang tingin nya sa labi ko dahilan ng pagkunot ng kanyang noo. "Who did that?"

Nilagpasan ko sya. Dumiretso ako sa cabinet ko para maghanap ng damit. Kakapalit ko lang kanina pero pakiramdam ko ay malagkit na naman ako. Ramdam kong nakasunod sa akin ang tingin ni Kuya Led kaya hindi ko magawang lumingon.

"Akala ko bukas na kayo makakauwi?" Tanong ko nang hindi man lang sumusulyap sa kanya.

Hindi ko rin gaanong mapagtuonan ng pansin ang paghahanap ko ng damit. Masyado akong kabado sa mga titig na ibinabato nya sa akin.

"Someone texted me... What happened here?"

Nilakasan ko ang loob kong tumingin sa kanya. Naabutan kong nakatingin sya kay Jean na mukhang natataranta. "Nadulas si Chelsea!" Napalakas ang pagkakasabi nya no'n dahil sa kaba. "Hinalikan nya ang sahig." Dugtong pa niya. Ngumiwi ito sa akin kaya napailing na lang ako.

Bumalik sa akin ang tingin ni Kuya at alam kong hindi sya naniniwala sa sinabi ni Jean. Hindi naalis sa akin ang tingin nya kaya alam kong naghihintay sya ng sagot sa akin. Kinalma ko ang sarili ko para hindi sya makalahata.

"Nadulas ako, Kuya." Pinanindigan ko na lang ang sinabi ni Jean. I lied again but I know it will not work now. Hindi kapani-paniwala ang rason namin. Agh!

"Tell me what happened." Napalunok ako sa sobrang lamig ng pagkakasabi nya no'n. He really didn't believe. Sino bang niloko ko? He knows me well. Alam nya kung kailan ako hindi nagsasabi ng totoo.

Mukhang wala akong pagpipilian ngayon. Alam kong mas magagalit lang sya pag nagsinungaling pa ako. Nilakasan ko ang loob kong magsalita.

"M-May masamang loob na nakapasok dito..." Paunang sinabi ko at hindi nya 'yon nagustuhan dahil sa pagbali nya sa kanyang leeg. "I forgot to lock the door. Buti na lang dumating si Ryde. He helped us." Sinubukan kong huwag ng dugtungan 'yon dahil nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao.

Napaatras si Jean nang sipain ni Kuya ang maliit na lamesa sa gilid nito na bumasag sa katahimikan.

"Fuck!" He cursed. Mabilis na lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang braso para pakalmahin ito. Nanginginig ang kamay ko at ramdam ko rin na ganon din sya.

"I-It's okay, Kuya." Sinubukan kong patahanin ang galit sa loob nya.

"No!" Nakita ko ang galit sa kanyang mata na animo'y nag-aapoy. Lumunok ako dahil natatakot na rin ako sa kanya. "This is all my fucking fault!" Hinawakan nya ang pisngi ko. "I'm sorry, my princess." He whispered.

I smiled at him. Gusto kong umiyak sa harapan nya dahil sa bigat ng nararamdaman ko pero ayoko nang dagdagan ang pag-aalala nya sa akin.

"Siya rin ba ang gumawa ng sugat sa labi mo?" Namaos ang kanyang boses.

I shook my head. Ayoko nang magsalita. Niyakap ko na lang sya at hinagod ang kanyang likod. I'm so lucky to have a brother like him. I love Kuya Led so much. Nasasaktan ako pag nakikita kong nasasaktan sya.

"Sleep now. Don't worry, I'm here." Tinuro nya ang labas. "Ako ang bahala sa inyo." Ngumiti ito bago pinindot ang kandado ng pinto at lumabas. Pagkasara no'n ay napaupo na ako sa kama.

Humilata si Jean sa kama. Nawalan na rin ako ng ganang magpalit kaya humiga na ako sa tabi nya. Tahimik lang kami habang parehong nakatingin sa puting kisame. Masyadong maraming nangyari ngayong gabi.

"I still can't believe that you broke Ryde Leibniz's heart." Natawa ako dahil mukhang namamangha pa sya.

"You think I need an award for that?" I asked.

Pumungay ang mata ko. Ngayon ko lang naramdaman ang antok.

Gumalaw si Jean at kahit hindi ako lumingon ay alam kong nakaharap na sya ngayon sa akin habang ako ay nanatiling nakatihaya.

"He said goodbye but that doesn't mean it's over..."

Lumingon ako sa kanya, "Then?"

"Marami na akong narinig na pagpapaalam pero bumabalik pa rin sila."

Kumunot ang noo ko.

"The real goodbye is when he already moved on from you."

Kumalabog ang dibdib ko dahil sa sinabi nya.

"Darating ang araw na mawawala lahat ng nararamdaman nya sa'yo at pagdumating ang araw na 'yon... Everything is over. He doesn't love you anymore and that's the real goodbye."

Ipinikit ko na ang mata ko. Pakiramdam ko ay bumalik ang bigat ng pakiramdam ko at sa pagkakataong ito... Naiinis ako.

Inubos ko ang weekends ko sa panunuod ng kung anu-ano sa laptop ko. Hindi na rin bumisita si Jean na nagte-text lang. Lagi na ring maagang umuuwi si Kuya Led. Nalaman na rin nila ang nangyari kaya mas humigpit ang bantay sa village na ito. Nakakuha na rin sila ng bagong driver. Next week na babalik si Manang Lory.

"Just call me if you need something," Kuya Led said.

Ngumiti ako sa driver nung kunin nya ang bag ko at ipinasok na sa loob ng sasakyan.

"Kuya, sige na. Baka ma-late ka pa sa trabaho mo." Nahihiya na kasi ako na parang batang pinagbibilinan. Andito na kami ngayon sa school at nakahanda na ang mga service namin papuntang Baguio. Bali by course ang sasakyan.

Napatingin si Kuya kay Jean, "Bantayan mo ang kapatid ko."

"Sure." Walang ganang sinabi ni Jean.

Umiling na lang si Kuya bago sumakay muli sa kanyang sasakyan. Pinaningkitan nya pa ako ng mata bago umalis na ikinatawa ko. Nang makaalis na sya ay binalingan ko ng tingin ang mga kasama namin sa retreat. Mukhang excited ang lahat.

"Miss Vellarde!" Tawag sa akin ng isang prof kaya mabilis akong lumapit.

"Po?"

"Ilan pa ang vacant na upuan sa sasakyan nyo?" Tanong nya sa akin.

"Apat po," sagot ko.

Konti lang kasi kami at iisa lang ang sasakyan namin habang ang ibang course ay dalawa na ang sasakyan ngunit hindi pa rin magkasya.

"Okay. Makikiupo sa inyo ang ibang course. Hindi na kasi sila magkasya."

"Sige po."

Matapos no'n ay bumalik na ako sa mga kasama ko. Nakapila na sila at isa-isang pumapasok sa loob ng bus. Si Quin ang nasa pinakauna at sumisigaw para maging maayos ang pila.

"Paki bilisan naman!" Dinig kong sigaw nya.

Nung makapasok na kami ay sa likod kami umupo ni Jean.

"Quiet!" sigaw ni Quin pero mukhang excited ang lahat para pakinggan pa sya.

"Guys! Respeto naman!" sigaw ni Fairy na isa rin sa mga officers namin.

Tumahimik naman ang lahat. Sinamaan ako ng tingin Quin. Mukhang alam ko na. Hindi kasi ako tumutulong sa pag-aayos sa mga kaklase namin.

"Bawal ba talaga ang phone?" Tanong nung isa sa amin.

"Pwede nga, pero kukunin din pagkarating natin do'n!" sigaw ni Quin.

"Edi bawal nga!"

Napapikit sa inis si Quin. Sumandal na lang ako at sumilip sa labas ng bintana. Halos wala na ring estudyante sa labas na malamang ay nakasakay na ngayon sa mga service. Si Jean ang nasa tabi ng bintana.

Napatingin ako sa apat na lalaking pumasok. Mukhang sila ang makikiupo sa bus namin. Hindi ko naalis ang tingin ko kay Blaze na nangunguna. Umupo ito sa harapan namin. Napatingin ako sa lalaking tumabi sa kanya. Naka-headset si Ryde na umupo sa tabi ni Blaze.

"Ready na?" Tanong ng driver sa amin.

Nagsigawan ang lahat na ikinatawa ko na lang. Medyo umingay na naman habang nagbi-byahe kami. Si Jean naman ay kumakain na ng chippy kahit na kakaalis lang namin.

May prof kaming kasama na nagbibigay ng instruction. Iilan lang ata kaming nakikinig sa kanya dahil lahat sila ay busy sa kwentuhan. Napatingin ako kay Blaze nang tumayo ito. Nagpalit sila ng pwesto ni Ryde. Bale si Ryde na ang nasa tabi ng bintana.

Tumingin sa akin si Blaze, "Hindi na namamaga ang labi mo." Bigla nyang sinabi na ikinagulat ko. Paano nya nalaman? Baka naman naikwento na ni Ryde. Mukhang nagkaayos na talaga silang dalawa.

Ngumiti na lang ako.

"Blaze!" Tawag sa kanya ng isa sa mga kaklase namin.

Lumingon naman sa kanya si Blaze.

"Nililigawan mo ba si Erish?" tanong nya. Mukhang nabigla si Blaze sa tanong na 'yon.

Nagsigawan ang iba naming kaklase.

"Hindi naman." Namumulang sinabi nin Erish na nasa gilid ko pala.

Mas lumakas ang asaran nila. Hindi ko alam pero kinakabahan ako.

"Kung pwede ba, why not?" sagot ni Blaze.

Mas lalong lumakas ang kaba sa dibdib ko at pakiramdam ko ay naiiyak ako. Bakit ganito?

"H-Huh?" Mas lalong namula ang pisngi ni Erish.

Napatingin sa akin si Jean. Umawang ang bibig nito habang nakatingin sa akin.

Shit! No, please...

"Pwede ba akong manligaw?" Tanong ni Blaze dahilan kung bakit halos mabingi ako sa sigawan.

Tuluyan na akong kinain ng pangamba. Kakaiba sa pakiramdam... Bakit ganito?

"H-Hindi ka nagseselos?" Tanong sa akin ni Jean.

Kinagat ko ang labi ko bago umiling. Bakit ganito? Dapat ay tinatakpan ko na ang tainga ko dahil masakit ang mga naririnig ko. Pero ba't ganon? Parang nawawala na ang epekto nya sa akin?

"Jean... I'm scared."

What is happening to me?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #trapped