Kabanata 32
Kabanata 32: Goodbye
Bumagsak muli ang balikat ko dahil hindi ko na naman sya naabutan. Ilang araw na ganito lagi ang eksena. Kung hindi ko sya maabutan sa building nila ay may kausap naman sya. Bumaba na ako ng building nila kung saan nakaabang si Jean.
"Wala na naman? Hays." Umayos ito ng tayo at sinenyasan akong lumapit sa kanya.
"Ba't parang iniiwasan ako ni Ryde?" Hindi ko maiwasang mapatanong habang papunta kami sa cafeteria.
Hindi ko 'yon maiwasang isipin.
"Bakit naman? May ginawa ka na naman bang hindi maganda sa kanya?"
"Huh? W-Wala."
Pagkarating namin sa cafeteria ay mabilis na pumila kami para bumili ng pagkain. Pareho kami ng in-order ni Jean, as usual. Matapos no'n ay humanap kami ng bakanteng lamesa at do'n pumwesto. Ganado si Jean habang ako ay halos hindi makakain.
Mukhang hindi ko na talaga sya makakausap ngayon. Wala akong magagawa kundi ang hintayin ang lunes kung kailan ang retreat namin. Imposibleng hindi pa magtagpo ang landas namin dahil konti lang kami no'n.
"Anong dadalhin mo sa retreat?" Tanong ni Jean habang kumakain.
Napaisip naman ako, "Damit lang at iba pang importante." Sagot ko. Hindi naman namin kailangang bumili ng mga pagkain dahil nagbayad na kami para ro'n kaya sila na ang bahalang mag-provide.
Napangiwi na lang ako nang maalala na hindi pa pala ako nakakapag-ayos ng gamit. Naging busy kasi kami this week dahil sa final examinations at ngayong tapos na ay makakahinga na kami ng maluwag. Kailangan na lang hintayin ang results.
Sumimsim na lang ako sa tubig. Nasayangan ako sa pagkain na hindi ko man lang halos nagalaw.
"Bawal talagang magdala ng gadget? Kahit na cellphone lang?"
"Pwede naman pero pagkarating natin do'n ay kukulektahin din at itatago. Bawal ang kahit na anong maaaring maging distraction sa atin."
Wala naman silang kailangang ipangamba dahil may mga guard at secured ang lugar na 'yon. Ang kailangan na lang siguro nilang problemahin ay ang mga girlfriend/boyfriend nilang hindi mabubuhay sa isang araw kung hindi sila makakapag-text.
Matapos no'n ay dumiretso na ulit kami sa building namin. Kumunot ang noo ko nang makitang nakakumpol sila sa isang desk. Pinaliligiran nila ang isa naming kaklaseng babae.
"Nanliligaw ba sa'yo si Blaze?"
Natigilan ako sa paglalakad nang marinig 'yon. Napalingon ako sa kaklase naming babae na sobrang pula ng mukha. Halatang kinikilig ito.
"H-Huh? H-Hindi."
"Eh bakit hinatid ka rito ni Blaze? Come on, Erish. Don't lie to us!"
"Why so lucky? Isang Abelard 'yon!"
Hinila na ako ni Jean paupo sa aking upuan. Kimuha ko na lang ang cell phone ko at inabala ang sarili ko ro'n. Pinilit kong hindi pakinggan ang mga boses nila kahit na nagsisigawan na sila.
I am not affected. Pinilit kong isipin 'yon kahit na taliwas ang sinasabi ng ibang parte sa akin. Damn! Kailan ba ako matututo? Why does moving on have to be this hard? Bakit ba kung gaano kadali ang mahulog ay ganon naman kahirap ang bumangon? Damn. This. Love.
Natapos ang isang subject na parang wala man lang akong narinig sa sinabi ng prof namin. Tinanong ko si Jean kung ano ang nangyari at ang sabi nya ay wala naman. Nagpaalala lang ang prof namin tungkol sa retreat na mangyayari.
"Hindi na ako magsasalita ng kung ano ang gagawin mo," biglang sabi ni Jean habang pababa kami sa building namin. "May utak ka, gamitin mo na lang."
Bakit ba napakadali para sa iba ang magsabi ng kung ano ang dapat nating gawin na parang ang dali lang? Kung madali lang na pairalin ang utak at unahin ito kesa sa puso ay matagal n asana akong nakalaya. Sa mga ganitong sitwasyon ay natutunan kong ako lang ang makakaintindi sa sarili ko. No one can help me other than myself.
"Pwede ka namang matulog na muna sa amin. Come on, Chels. Ikaw na ang nagsabing baka bukas na makauwi si Led tapos wala rin ang mommy at daddy mo."
"I can handle myself..." 'Yon ang sabi nya. I know. Kaya ko ang sarili ko.
"But how can you defend yourself against ghost? Gosh."
Napangiwi ako, "Mas nakakatakot ang mga tao kesa sa mga multo."
"Oh? Kahit na sa gumagapang na sadako?"
Pinara ko ang taxi na dumaan. Huminto naman ito sa harapan namin. "Mauna na ako," Pagpapaalam ko kay Jean.
"Wait..." Pigil nya sa akin.
Tinaasan ko sya ng kilay.
"Ako na lang matulog sa inyo?"
"Bahala ka."
Nauna na syang pumasok sa loob ng taxi bago ako sumunod. Sinabi ko sa driver ang address namin. Kinapa naman ni Jean ang cell phone nya sa kanyang bag.
"Gosh. Pasalamat ka kaibigan kita."
"Salamat." Natatawa kong sinabi bago sumandal sa kanyang balikat.
"Hello?" Napatingin ako sa kanya. "Matutulog po ako kina, Chels." Sabi niya sa kabilang linya. "Don't worry, dad. I'll be a good girl." Ngumiwi ang kanyang labi. "Bakit parang mas nag-aalala ka pa kay Chelsea kesa sa anak mo?" Humaba ang nguso nya.
Natawa ako sa sinabi nya. I must say Tito German knows her daughter well. Kilala nyang mas delikado ang anak nya kesa sa mga nakapaligid sa kanya.
"I'll hung up. Don't worry, dad. Chelsea can handle herself against me. Okay. Bye." Pabagsak na binaba nya ang kanyang phone. Sinubukan nya akong batukan pero mabilis ko syang pinigilan. "Ba't parang mas nag-aalala pa sa'yo si dad kesa sa akin?"
"Because you're a dangerous girl."
"Ha-ha-ha."
Huminto kami sa tapat ng bahay namin. Matapos kong magbayad sa driver ay bumaba na rin kami. Pagkapasok namin sa bahay ay katahimikan ang bumungad sa amin.
"H-Hindi pa ba bumabalik si Manang Lory?"
Dumiretso ako sa kwarto ko. Ramdam kong nakasunod sa akin si Jean na halos kumapit na sa braso ko. Ang bago naman naming kasambahay ay umuuwi pag gabi dahil malapit lang naman ang bahay nila rito.
Nagpalit na ako ng damit at dahil walang damit na dala si Jean ay nanghiram na muna sya or should I say... Nanghingi. Wala pa atang bumalik sa mga damit na hiniram nya sa akin.
Matapos naming magpalit ay kumain na kami. May ulam na at kanin dahil bago umalis ang kasambahay namin ay inaayos na nya lahat. Hindi na muna kami natulog dahil gusto pang manuod ni Jean ng sinusubaybayan nyang drama sa t.v.
"Sa'n ka pupunta?" Tanong ko kay Jean nang tumayo sya.
Nanlaki ang mata ko nang tumakbo sya papasok sa kwarto ni Kuya Led. Mabilis naman na sumunod ako sa kanya. Napangiwi ako sa gulo ng kwarto ni Kuya Led. Nasa table ang pinaghubaran nyang damit at hindi man lang magawang ayusin ang kanyang kama.
Nakatingin lang ako kay Jean dahil siya na ang nagligpit ng mga kalat ni Kuya.
"Ang lalaki talagang 'yon, hindi marunong mag-ayos ng gamit. Daig pa sya ng mga anak namin." Natawa ako sa sinabi nya.
Umupo ako sa kama at pinanuod lang sya. Parang asawa na sya ni Kuya kung kumilos at magsalita.
"Junjun! Nasan na naman baa ng magaling mong daddy?" Nakangisi lang ako habang pinanunuod syang umarte. "Nambabae na naman? Hindi ba ako sapat?"
Malakas na natawa ako sa sinabi nya. Hindi talaga ako magsasawang panuorin ang mga drama ng babaeng ito.
"Ang lakas ng loob mambabae, ang liit naman ng---"Umawang ang bibig ko. Maging sya ay natigilan sa pagsasalita at pagkilos. "A-Ang liit ng... ng utak!"
Matapos no'n ay lumabas na rin kami ng kwarto ni Kuya. Pinatay na namin ang ilaw at pumasok na sa kwarto ko. Nakakapit sa akin si Jean dahil kung anu-ano ang iniisip nya.
"Paano kung bigla na lang bumukas ang pinto? Tapos may gumagapang na--- Chelsea. Gusto ko nang umuwi."
Pinikit ko na ang mata ko.
Ilang oras na akong nakapikit ngunit hindi man lang ako dinadalaw ng antok. Hindi ko maalis sa aking isipan ang mga narinig ko kanina. Kung totoo man na nanliligaw sya kay Erish sana ay totoo na ang lahat. Ayokong maramdaman din ng ibang babae ang naramdaman ko.
Hindi naman siguro ganon kasama si Blaze para gawin sa iba ang ginawa nya sa akin.
Napadilat ako nang may marinig na pagkabasag ng baso sa baba. Mahinang napatili rin si Jean kaya mabilis na tinapalan ko ng kamay ko ang kanyang bibig.
"Shhh." Pinandilatan ko sya ng mata bago dahan-dahan na umalis sa kama. Maingat ang bawat hakbang na ginagawa ko habang palapit sa pinto. Sinubukan kong idikit ang tainga ko ro'n para pakinggan ang sa labas.
"A-Ano 'yon?" Pabulong na tanong ni Jean. Halata ang takot sa kanyang mata at sa nanginginig nyang boses.
Kinabahan din ako nang may naramdaman akong mga yabag ng mga paa. Hindi lang 'yon isa base sa mga yabag na naririnig ko.
Nilakasan ko ang loob kong buksan ang pinto.
Napatakip ako sa aking bibig habang nakatingin kay Ryde. Mahigpit ang pagkakahawak nya sa lalaking nakadapa ngayon sa sahig. Nakatakip ang buong mukha. Napatakip ako sa aking bibig nang hampasin nya ng base si Ryde sa likod. Mabilis na nakalaya ang lalaking may takip ang mukha at nagmadaling lumabas sa nakabukas na pinto.
Mabilis na lumapit ako kay Ryde. Inalalayan ko syang makaupo sa sofa. May dugo ang kanyang labi at wala man lang reaksyon habang nakatingin sa akin.
Kinuha ko ang tela sa gilid at pinunas sa kanyang labi. Nagulat ako nang hawiin nya ang kamay ko.
"Bakit ba ang tanga mo?" Nasaktan ako sa sinabi nya. "Ikaw lang mag-isa pero hindi mo kinandado ang pinto." Napayuko na lang ako sa kanya.
"It was my fault too, Ryde." Dinig kong sabi ni Jean pero hindi 'yon pinansin ni Ryde.
Kinagat ko ang labi ko.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Ryde, "Anong akala mo? May taong laging sasagip sa'yo sa lahat ng oras?" Umatras ako ng konti dahil tumayo sya. Hindi ko man lang magawang tumingin sa kanya.
"Ryde... Blame me too. Hindi lang si Chelsea ang may kasalanan."
"May importante akong lakad pero mas inuna pa talaga kita. Hindi ka ba nahihiya na nakaka-istorbo ka na?"
"I never told you to came here and act like my hero." Nanginig ang labi ko. Naiiyak ako sa inis pero walang lumalabas na luha sa mata ko. "Why did you have to do this? Dapat inuna mo na ang mas importante na 'yon!"
Malakas na tumawa sya at alam kong dahil 'yon sa galit.
"Hindi ka man lang marunong tumanaw ng utang na loob para sa taong nagligtas ng buhay nyo?"
Umawang ang bibig ko, "Kung susumbatan mo lang ako, hindi ba mas magandang hindi mo na lang ako tinulungan?" 'Yon ang naging hudyat ng pagbagsak ng luha sa mata ko. "Mas mabuting may nangyari na lang na masama sa akin kesa sa marinig ang mga salitang 'yan."
Damn. I broke my promise. Umiyak na naman ako. Nakakatawa na hindi ngayon dahil kay Blaze.
"Oh fuck!" Sinipa nya ang pinto dahilan nang pabagsak na pagsara nito. Ginulo nito ang kanyang buhok dahil sa inis.
Dinaluhan ako ni Jean. Pinunasan ko ang luha sa mata ko.
"You didn't get my point, did you?"
"I did! You've just wasted your time just to save someone like me!"
"Shit! You're really didn't..." Natawa ito.
Hindi kami nagkakaintindihan. Kailan ba kami nagkaintindihan? Taliwas lahat ng paniniwala namin. Hindi kami nagkakasundo sa maraming bagay. Konti lang ang namamagitan sa amin.
"Can't you see? I came here even though I have an important thing to do." Tumingin ito sa akin. Nawala ang ngisi sa kanyang labi. "You still didn't get it. Damn, Ryde. Of couse, she'll never understand you."
"What do I have to understand, Ryde? Ikaw na ang nagsabi na naistorbo kita kahit na may importante kang gagawin. Nagsayang ka ng oras."
"That's it!" Pinitik nya ang kanyang kamay. "Because you're more important than that. Inuna kita at pinalagpas ang meeting na 'yon kasi mas importante ka sa akin."
Natahimik ako.
"I don't love you." I whispered enough for him to hear it.
'Yon ang gusto kong malaman nya. 'Yon ang dahilan kung bakit ko sya hinahanap.
"And now... Ryde Leibniz is officially rejected." Tumawa ito. "Hindi ko inakalang mapapaaga. Hindi man lang ako nakapaghanda."
Hindi ako nagsalita dahil 'yon na ang lahat ng gusto kong sabihin at marinig nya.
"You will never love me back, I know. Damn. I already accepted it. But fuck, why does it have to hurt this hard?" He bit his lower lip and trying to hold back his tears but he failed. Bumagsak mula sa kanyang mata ang isang patak ng luha.
Ngumiti ako sa kanya. Sinubukan kong hawakan ang pisngi nya ngunit hinawi nya lang ang aking kamay.
"You deserve someone better than me."
"I know..." Ngumiti ito habang umiiyak sa harapan ko. "But foolish heart... I don't want to love someone better than you, love. Fuck those better girls than you... Fuck them because I only want you."
Mas lalong sumikip ang dibdib ko. Masyado ng malalim ang gabi pero hindi ko man lang maramdaman ang antok. Natutulog na halos lahat habang kami ay umiiyak.
"You're one of my dreams and one of my failures."
"But I understand, Chelsea. Do you still remember when I said loving someone who can't love us back is stupidity?" He asked me so I nodded my head. I can still remember that. "You know what is more stupid than that?"
Naglakad ito palapit sa akin. Hinawakan nya ang aking pisngi at pinunasan ang luha sa aking mata. Ramdam ko ang nanginginig nyang kamay na nakahawak sa pisngi ko.
"It is more stupid to think that when we love, we will always be loved back."
"Ryde... Hindi ka mahirap mahalin."
"Pero bakit hindi mo kaya?"
Hinawi ko ang kamay nyang nakahawak sa pisngi ko.
"I can love you, maybe not now, maybe someday." I said as I shook my head. "But that someday will just remain someday until I get over him."
"I am willing to wait. Give me chance, Chels."
Mabilis na napalitan ng ngiti ang kanyang labi. Umiling ako.
"I can help you. I'll help you to get over him! Use me! I don't care."
"No!" I scowled at him. "You don't deserve to be a choice."
Pumungay ang kanyang mga mata, "Kung hindi ba ako nagparaya no'n, may chance bang mahalin mo ako? Kung sanang hindi ko hinayaan si Blaze na ligawan ka, may chance bang mahalin mo ako?" Aawang pa lang sana ang bibig ko para sumagot ay pinigilan na nya ako. "Don't answer. You already gave me so much to regret."
"You may now leave, Ryde." Wala na akong dapat sabihin at narinig ko na rin lahat ng hinanakit nya.
Nanlaki ang mata ko nang halikan nya ako. Sinubukan ko syang itulak ngunit hindi ko magawa, Muling pumatak ang luha sa aking mata. Napapikit ako nang maramdaman ang kirot mula sa aking labi dahil sa pagkagat nya. Nalasahan ko ang dugo galing do'n.
"Ryde!" Tinulak sya ni Jean palayo sa akin. Mabilis naman na humiwalay sya.
Humagulgol ako at napaupo sa sahig.
"Goodbye, Love. Goodbye, Earth." Tumalikod na ito sa akin. "You're a lesson learned to me. " He whispered.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro