Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 31

Kabanata 31: Messages

Tahimik lang kami buong byahe. Iniiwasan ko rin na magtama ang mga tingin namin ni Blaze dahil alam kong kanina pa sya pasulyap-sulyap sa akin. Maging ang tingin ni Jean ay iniiwasan ko. Wala akong nagawa kundi ang isandal ang likod ko at ipikit ang mata ko, magkunwaring tulog.

I know it was my fault. Kaya nya ako nasigawan ay dahil sa mga sinabi ko.

"Sabi ko naman kasi sa'yo Manong, h'wag kang kakain ng mamantikang pagkain." Dinig kong sinabi ni Blaze.

Nanatiling nakapikit ang mata ko.

"Pasensya na, masarap ang bawal eh." Sagot ni Manong kasabay ng medyo malakas na tawa nya.

Naramdaman kong gumalaw si Ram na nasa pagitan namin ni Jean. "Anong masarap sa bawal kung ikapapamahak mo lang ito?" Biglang tanong ni Ram.

Gusto kong matawa kasi alam kong medyo malabo pa sa kanya ang mga ganito. Sa pagkakaalam ko ay high school student lang si Ram kaya wala pa sya gaanong alam sa ganito.

"Lahat ng bawal ay maaari mong ikapahamak, Ram." Natatawang sagot ni Manong.

Bahagya kong iminulat ang mata ko na sana ay hindi ko na lang ginawa. Kumalabog ang dibdib ko nang magtama ang tingin namin ni Blaze. Nakasilip sya sa rear-view mirror ng sasakyan. Umayos ako ng upo at binalin sa labas ng bintana ang tingin ko.

"That's it! Pero bakit mo pa rin gagawin ang bagay na ikapapamahak mo lang? I don't get it."

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jean, "Baby boy ka pa kasi kaya mahihirapan kang intindihin." Sabi niya.

Binalingan ko sila ng tingin. Masyadong nakadikit sa akin si Ram na kulang na lang ay kumandong na sa akin. Malaki ang puwang sa pagitan nila ni Jean na animo'y ayaw nilang magdikit ang kahit na anong parte ng katawan nila.

"I'm not a baby boy anymore! In fact, I can already get a girl pregnant!"

"Ramez!" Nagbabantang sinabi ni Blaze dahilan ng pagtahimik ni Ram. Humalukipkip ito at umupo ng maayos.

"Ano nga ang tanong mo Ram?" Tanong ni Manong.

"Bakit ka susugal sa bawal na maaari mo lang ikapahamak?"

"Dahil sa kasiyahan na hindi mo makukuha kung lilimitahan mo ang sarili mo." Maikling sagot ni Manong.

"Oh? Can't we be happy without crossing lines? In that case, we can also avoid getting hurt!" Masaya niyang sinabi.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan sa labas. Bumagal ang takbo ng sasakyan namin dahil malamang na madulas ang daan at nag-iingat lang si Blaze.

"There are things you'll never get if you'll lock yourself inside your room." Napatingin silang lahat sa akin. Nilakasan ko ang loob kong tumingin kay Ram. "You will also get hurt whether you like it or not. That's part of our life, Ram."

Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil naging tahimik silang lahat. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko na humantong sa muli ko na lang pagpikit ng mata. Agh! Awkward. Buong byahe ay ganon lang ako.

Dumaan muna kami sa bahay nila Blaze para ihatid si Ram bago kami dumiretso sa school. Bumaba kami do'n nila Jean at Blaze habang si Manong na ang bahalang magmaneho pabalik sa bahay nila. Malapit na lang naman 'yon at sa tingin namin ay ayos na siya.

"Papasok pa kayo?" Tanong ni Blaze nang mapansin na may dalawa pang subject ang naabutan namin. "Excuse naman tayo kaya kung gusto nyong umuwi ay ayos lang." Nagulat ako nung ngumiti ito.

Umiwas ako ng tingin.

Kakadating lang din ng van nila Blaze at bumaba roon ang mga kasama namin.

"Chelsea!" Napatingin kami kay Ryde na kanina pa pala nag-aabang sa gate. Bigla itong tumakbo palapit sa amin. Naramdaman kong umatras ng konti palayo sa amin si Blaze.

Masayang sinalubong kami ni Ryde.

"Kumain na kayo?" Tanong sa amin ni Ryde. "Tara. Libre ko kayo." Napatingin ako sa kamay nyang humawak sa braso ko. Sinubukan nya akong hilain ngunit nanatili akong nakatayo at hindi gumagalaw sa pwesto ko.

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi nya. Mabilis na binitawan nya rin ang pagkakakapit nya sa braso ko.

"Tara!" Masayang sabi ni Jean. Hinawakan nya ang braso ko at mahina 'yong pinisil. "Chelsea..." Bulong nya sa akin at alam kong may ipinapahiwatig na 'yon.

"M-Mukhang busog pa pala kayo. Akala ko hindi pa kayo kumain." Natatawang sabi ni Ryde.

Ghad! Ano na namang nangyayari sa akin?

"U-Uwi na lang ako. Inaantok ako, eh." Pinilit kong ngumiti sa harapan nila. Iniwasan kong mapatingin kay Jean.

"Hatid na kita?" Alok sa akin ni Ryde.

"She can handle herself, Ryde. Huwag mong gawing alipin ang sarili mo." Sabi ni Blaze. Bumigat ang paghinga ko.

I smiled, "Tama si Blaze. Matanda na ako. I can handle myself well. Really. Alis na ako, ah?" Sinubukan ko pa ulit ngumiti pero nag-init na ang mata ko kaya mabilis na akong tumalikod at nagmadaling maglakad palayo sa kanila.

Shit. Don't cry, Chels... Just don't cry. Mukhang nakumbinsi ko naman ang sarili ko na huwag umiyak dahil umatras din ang luha ko. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ulit ako iiyak at kung tutulo muli ang luha sa mata ko ay sisiguraduhin kong dahil na 'yon sa saya. I deserved to cry in happiness not in pain.

Naramdaman kong may humawak sa braso ko. Hindi ko na kailangang humarap dahil alam kong si Jean lang 'yon.

"Ano na namang drama ngayon ito, Chelsea?"

"I'm just tired..." Sagot ko nang hindi man lang sya nililingon. Hinila nya ako sa silong at iniharap sa kanya. "Jean. Inaantok na ako."

Nakita ko ang galit sa kanyang matang nakatingin sa akin. Gusto ko mang iiwas ang tingin ko ay alam kong mas lalo lang syang magagalit.

"Stop being a pathetic broken hearted girl." Kumirot ang dibdib ko sa mga sinabi nya. "Ganyan ka ba kahina?"

"Hindi ko lang ginusto ang ginawa ni Blaze. Naguguluhan ako."

"Kung ang tinutukoy mo ay 'yong nangyaring pagpupumilit nyang magmaneho dahil alam nyang maaari tayong maaksidente pag si Manong pa rin ang nagmaneho... itigil mo na. Huwag mong akuhin na nag-aalala sya sa'yo... Ram was there."

Natutop ako sa kinatatayuan ko. Ramdam kong mas lalong bumigat ang pakiramdam ko.

"Kasalanan na ba ngayon ang mag-isip ng ganon?" Mas lalong pumait ang mga katagang lumalabas sa bibig ko. "Siguro, oo. Kasalanan ang isipin na nag-alala sya sa akin."

Kasalanan na isipin na nag-aalala sa'yo ang isang taong alam mong walang walang pakialam sa'yo.

"Stop assuming things that could hurt you. Malinaw na ang lahat sa'yo, Chels."

"Jean. Pagod lang ako. Gusto ko na munang magpahinga."

Hinawakan nya ang braso ko, "Alam kong pagod ka na... Magpahinga ka lang. Walang susuko sa buhay, Chels. Andito lang ako." Nakangiti nyang sinabi sa akin.

"Cringe..."

"Ew..."

Sabay kaming natawa sa mga sinabi niya. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Bago ako umalis ay may sinabi pa sa akin si Jean dahilan kung bakit may bumara muli sa lalamunan ko.

Pagkadating ko sa bahay ay wala na naman akong naabutan. Mukhang umuwi na muna ang kasambahay namin. Mabilis na ibinagsak ko ang katawan ko sa kama.

Naalala ko na naman ang sinabi ni Jean. "Hindi lang ikaw ang nasasaktan..." Sabi nya sa akin.

Masyado ba akong nasaktan sa mga sinabi nya para hindi maintindihan ang mga katagang 'yon?

Mabilis na pumasok ako sa comfort room at mabilisang naligo. Next week na ang Recollection namin o Retreat. After no'n ay preparation na para sa graduation. Finally, Makakapagtrabaho na rin ako.

Matapos kong maligo ay nagbukas muna ako ng facebook. Isang friend request mula kay Ryde ang natanggap ko. Mukhang dati pa ito nag-send pero ngayon ko lang nakita. Pagka-accept ko sa kanya ay lumitaw ang mga message request galing sa kanya.

Nanlaki ang mata ko dahil sa dami no'n. Mukhang dati pa sya nagme-message sa akin pero ngayon ko lang nakita.

Binasa ko ang ilan sa mga messages nya.

"Notice me po..."

"Ang snob naman. Pa-accept po please..."

"Ano ba ang itatawag ko sa'yo? Gusto ko unique."

"Chelsko?"

"Ew. H'wag 'yon. Kadiri."

"Hmmmm..."

"Earth!"

Napatakip ako sa aking bibig nang mabasa ang mga 'yon.

"Ang daya mo! Hindi mo na nga ako sineen dito, hindi ka rin nagre-reply sa text messages ko."

"Ay oo nga pala... Baka akala mo group message 'yon! Hahahaha"

"Ang sakit ng sampal mo sa akin kanina! I hate you!"

"Joke lang! I don't hate you... But sad to say... You hate me."

Kinagat ko ang labi ko habang patuloy na nagbabasa ng mga messages galing sa kanya.

"Nakauwi ka na ba? Ang daya mo. 'di mo man lang kinuha 'yong panyo ko. Basang-basa ka tuloy ng ulan."

"Alam mo bang nilagnat ako nung nabasa ako sa ulan? Di naman masakit eh. At least, ikaw hindi."

Shit... Bakit ba ganyan ka?

"Alam mo bang in-enterview ako kanina ng mga ka-group mo? Tinanong nila kung na-in love na ba ako. Sabi ko oo pero 'di nila alam nagsinungaling ako..."

"Kasi hanggang ngayon in-love pa rin ako. Hahahaha."

Ibinaba ko ang phone ko dahil parang hindi ko na ata kakayanin pang magbasa ng mga messages galing sa kanya. Ipinahinga ko ang sarili ko bago kinuhang muli ang phone at nagpatuloy sa pagbabasa.

"Alam mo bang madali lang para sa akin ang magsabi ng I love you? Pero ba't ganon? Hindi ko masabi sa'yo?"

"I love you, Tara. I love you, Tara. I love you, Chel---Tara."

Itinigil ko ang pagbabasa at nag-reply na lang sa kanya. "Sorry ngayon ko lang nabasa." Sabi ko.

Mabilis naman na nag-reply sya.

"Shit!"

Napangiwi na naman ako sa isinagot nya.

You cannot reply to this conversation. What the hell?! He blocked me from messaging him!

Pinatay ko rin ang phone ko matapos 'yon. Humiga ako sa kama at inalala lahat ng nabasa ko. Paano kung dati ko pa nabasa ang mga messages nya? Paano kung dati ko pa nahalata ang mga ito? May magbabago ba?

"Hindi lang ikaw ang nasasaktan..."

Pumikit ako dahil naiintindihan ko na kung ano ang ibig sabihin ni Jean.

"Ryde..."

I need to do something... Kailangan ko nang magdesisyon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #trapped